You are on page 1of 17

Pagsulat

ng
Talumpat

Ano ang Talumpati?


Isa itong uri ng sanaysay sa binibigkas at
pinakikinggan.
Isa itong uri ng pakikipagtalastasang pangmadla na
nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay, at
nangangatwiran sa paraang pabigkas.
Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino, ang talumpati ay
pormal na pahayag sa harap ng publiko at pormal
na pagtalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig.
Bukod sa pormal na anyo, kinikilala rin ang mga
impormal na anyo ng talumpati na binibigkas sa
magaan at minsay katawa-tawang pamamaraan.

Ang Talumpati sa Kasaysayan


399 B.C. Apology of Socrates, bersyon ni Plato
ng talumpati ni Socrates na ipinagtanggol ang sarili
laban sa mga akusasyon.
30 A.D. Sermon on the Mount, koleksiyon ng
mga moral na aralin ni Hesus
632 A.D. The Farewell Sermon, na binibigkas
ni Muhammad bago siya mamatay.
1791 Abolish the Slave Trade, apat na oras na
talumpati ni William Wilberforce
1863 talumpating binigkas sa radyo ni King
George VI sa mga mamamayan ng Britanya at ng
Commonwealth para sa napipintong digmaan laban
sa Alemanya (kamakailan lang ay naging pelikula ito
na pinamagatang The
Kings
Speech na
pinagbibidahan ni Colin Firth)

1940 We Shall Fight on the Beaches at This


was Their Finest Hour, mga talumpating itinanghal sa
radyo ni Winston Churchill na nangakong di susuko
ang Britanya sa digmaan.
1942 Quit India ni Mohandas K. Gandhi na
nagpapahayang ng pagtutol sa pananakop ng
Britanya sa India.
1948 The Light has Gone Out in Our Lives,
talumpating binigkas ni Jawaharlal Nehru kaugnay sa
pagpaslang kay Gandhi
1953 Atomas for Peace, talumpati ni Dwight
Eisenhower na humihiling ng maingat at mapayapang
paggamit ng atomic power
1963 I Have a Dream, talumpating binigkas ni
Martin Luther King na humiling na wakasan na ang
diskriminasyon sa mga Afro-American
1987 Tear Down This Wall, talumpati ng

2001 talumpating binibigkas ni Presidente


George W. Bush kaugnay sa trahedya sa New York
noong Setyembre 11
2007 Last Lecture: Really Achieving Your
Childhood Dreams ni Randy Pausch, isang propesor
ng Carnegie Mellon University na may sakit na
kanser
2009 A New Beginning, Cairo, Egypt upang
muling repasuhin ang ugnayan ng Estados Unidos sa
mga lipunang Islamiko
Sa Pilipinas, natipon sa aklat na 20 Speeches
that Moved a Nation (2002) ang mga talumpating
naging mahalaga dahil sa historikal at kontrobesiyal
nitong taglay. Ilan sa mga talumpating nakasama ay
ang mga akda nina Jose Rizal, Emilio Aguinaldo,
Andres Bonifacio, Sergio Osmena, Manuel L. Quezon,

Anyo ng Panitikan
1.Talumpati ng Pagtanggap (Acceptance speech)
na laganap sa mga programa ng paggawad.
2.Talumpati
sa
Pagtatapos
(commencement
speech)na kadalasang binibigkas ng natatanging
mag-aaral na may pinakamataas na grado o
pinakamatagumpay sa klase tuwing pagtatapos.
3.Luksampati (eulogy) na nagsisilbing parangal at
paggunita sa alaala ng isang taong yumao.
4.Talumpati ng pamamaalam (farewell speech) na
bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagretiro,
paglisan sa bansa, o pagbitiw sa propesyon.
5.Impormatibong talumpati (informative speech)
na naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng
bagong pag-aaral o kayay nanghikayat ng pagkilos,
kabilang na rito

ang State of the Nation Address (SONA) ng mga


pangulo upang itanghal sa mga mamamayan ang
kanyang tagumpay at mga proyekto.
6. Talumpati ng pag-aalay (speech of dedication) na
maaring papuri sa piling tao, bayani, o panauhing
pandangal.
7. Brindis (toast) na bahagi ng ritwal sa isang salusalo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at
pagkilala sa taong pararangalan.
8. Talumpating Informatibo (informative)
naglalayong magbigay
impormasyon sa
tagapakinig. Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik
sa kapwa mag-aaral

o sa kaguruan.
9. Talumpating Naglalahad (Demonstrative)
ang
talumpating
ito
ay
may
kasamang
demonstrasyon
habang
naglalahad
ng
impormasyon. Mapapansin ito sa edukasyonal na
programa gaya ng pagtuturo ng pagluluto,
pananahi, o kayay pagpapalamuti ng tahanan.
10. Talumpating Mapanghikayat (Persuasive)
ito aTy naglalayong manghikayat o mag-imbita sa
mga tagapakinig na kumilos tungo sa isang kilusan
ng pagbabago. Maaaring talakayin nito ang
paggawad ng karapatan sa Lesbian, Gay, Bisexual
ang Transgender (LGBT) community.
11. Talumpating Mapang-aliw (Entertaining)
sa Pilipinas, madalas itong naririnig sa mga
personal na salu-salo gaya ng anibersaryo, kasal,
kaarawan, o victory party at maririnig din ito sa

-Nilalayon ng talumpating ito na maghatid ng aliw at


kasiyahan sa mga tagapakinig.

Bahagi ng Talumpati
Simula (introduksiyon)
- ang bahaging ito ay tinatawag ni Tracy Goodwin
na attention getter o pang-akit ng atensyon.
-Pagkaraan makuha ang atensyon, mahalagang
maipahayag ang pangunahing pangungusap o ang
thesis statement ng talumpati. Ito ang pinakaluluwa,
pinakabuod, at pinakadiwa ng sanaysay. Ito ang
punto at nais ipahayag sa tagapakinig.
Gitna
- tinatawag din itong katawan o nilalaman.

-Sa sanaysay gaya ng talumpati, nagkakaroon ng


gitna sa sistematiko at organisadong paglalatag ng
mga punto, ideya, at nais sabihin.Malaking tulong
din ang pagbabalangkas upang magabayan ang
sinuman sa gawaing ito.
- Sa pagtalakay ng gitnang bahagi, sikapin na tama
ang impormasyong ilalahad.
-May talumpati rin na nangangailangan ng biswal na
tulong gaya ng mga talaan, larawan, video clips,
aktuwal na tao, demonstrasyon 0 mga dokumento.
Huling Bahagi
- ay ang kongklusyon. Kadalasan itoy muling
pag-uulit at pagdidiin sa mga mahahalagang punto
ng binigkas na akda.
- Bukod sa pagbubuod at paglalagom na kadalasang
estratehiya, maaari ring mag-iwan ng hamon o
tanong ang tagapagsalita at maaari rin na imbitahan

Mga Hakbang
a Paghahanda ng
Talumpati

1. Alamin ang magiging tagapakinig (audience) at


okasyon. Dito nakasalalay ang paraan at estilo ng
pagsusulat kung pormal ba o impormal, kung
gagamit ba ng mga teknikal na salita o mga
jargon, at kung mahaba ba o maikli ang talumpati
batay sa interes ng tagapakinig.
2. Alamin kung ilang minuto o oras ang inilaang
presentasyon para sa pagbigkas ng talumpati.
3. Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may
natatanging halaga sa iyong buhay, o may taglay
kang sapat na kaalaman.
4. Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at
paghahanda ng talumpati at ng isasagawang
pagbigkas. Ito ang magiging gabay
sa
ihahandang talumpati at ng isasagawang
pagbigkas.
5.
Pangangalap ng datos at mga kaugnay na

o pagmumuni sa sariling karanasan.


6. Alamin ang magiging halaga ng isusulat na
talumpati.
Dapat ay may mapupulot ang tagapakinig sa
binigkas na talumpati. Ang laman ng talumpati ang
magiging batayan ng kahusayan. May mungkahi sa
pagbabago, o kayay pagpapahalaga sa pag-unlad
ng buhay at bansa.
7. Pagbabalangkas at pagsusuri sa mga nakalap na
datos. Ito ang pinakahamon sa manunulat. Itoy
paglikha ng disenyo ng mananaysay. Pipili siya ng
pinakamabisang paraan upang ilahad ang kanyang
pananaliksik at pagsusuri. Dito rin pagtagpi-tagpiin
ang mga tila kalat-kalat na piraso ng impormasyon.
Ang masinop na pagbabalangkas ang susi sa
organisadong pagtatanghal.
8. Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang

Mahalagang hakbang ito sa pagsulat dahil ito ang


nag-iwan ng kakintalan sa tagapakinig o audience.
11. Huwag kalimutang kilalanin ang sanggunian sa
talumpati. Pwede gumamit ng mga salitang Ayon
kay, Sabi nga ni, Sang-ayon kay, o Winika ni
bilang paggalang sa mga naunang manunulat.
12. Kapag nasulat na ang unang borador, basahin
ang teksto nang paulit-ulit. Kaltasin ang mga
pangungusap na walang halaga. Alisin ang mga
talatang paulit-ulit nang sinasabi. Kapag nabubulol
sa ilang mga salita, palitan ito nang mas magaan na
salita.
13. Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang
pinal na borador , mag-print ng maraming kopya.
14. Basahin ang kopya nang paulit-ulit. Lagyan ng
marka kung kailan hihinto. Guhitan ang mga salitang
nangangailangan ng diin o empasis.

Mga Dapat tandaan at isaalang-alang sa


Mabisang Pagtatalumpati
1.Tikas at Tindig
- alalahanin na ang unang kumukuha ng pansin
ng madla ay ang tikas at tindig.
2. Galaw at Kilos
- gawing natural at maluwag ang kilos.
Nakakatulong ito sa pagbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi ng paksa gayundin sa pagiisip.
3. Kumpas
- hindi magandang tingnan sa isang
mananalumpati ang madalas na pagkumpas na
wala namang ipinahihiwatig. Ang pagkumpas ay
dapat may kahulugan.

Dapat tandaan sa Pagkumpas


1. Dapat galing sa kalooban ang natural na
pagkumpas.
2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang
pagkumpas.
3. Iwasan ang pagkakaroon ng anggulo ang
pagtaas ng bisig.
4. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat
nagtatapos sa dulo ng daliri.
5. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas
o kaya wala ni isa man.
6. Ang pagsulpot-sulpot ng napakaraming kumpas
ay nakababawas ng diin.
7. Hindi dapat isinasagawa ang pagkumpas na
parang nagwawalis.

8. Kapag nauna ang kanang paa sa pagtayo, ang


kanang kamay ang gagamitin sa pagkumpas,
kapag kaliwang paa ang gagamitin naman ay ang
kaliwang kamay rin ang gagamitin sa pagkumpas
at kapag dalawang kamay ang gagamitin ay
dapat pantay ang pagkakatayo ng mga paa.
Anyo ng Talumpati
1. Impromptu - ito ay biglang talumpati.
Ibinibigay rito ang paksa sa oras mismo ng
pagsasalita.
2. Memoryadong Talumpati
3. Ekstempore ayon kay James M. Copeland
(1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa
ng pagbigkas ng ekstempore sa isang
kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa
pagbigkas at limitado sa oras sa pagitan ng

You might also like