Professional Documents
Culture Documents
UNANG HAKBANG SA
MATALINONG PAG-
IISIP AT LUBOS NA
PAGKATUTO ANG
WASTONG
PAGBASA.”
MAKRONG KASANAYAN SA
PAG-AARAL
- Pagbasa
- Pakikinig
- Pagsasalita
- Pagsulat
- Panonood
Pakikinig
Kritikal na
Pagsasalita
Pag-iisip
Pagsulat Pagbasa
PAGBASA
Isang complex o masalimuot na proseso ng pag-unawa at
pagkatuto na hindi basta-basta na lamang natututuhan nang hindi
pormal na itinuturo sa paaralan man, sa bahay o sa iba pa mang
lugar.
Reading
Batay sa teoretikal na
pagpapakahulugan ni Kenneth
Goodman, ang pagbasa ay
itinuturing bilang isang
PSYCHOLINGUISTIC
GUESSING GAME. Ano ang ibig
sabihin nito?
PSYCHO -
sapagkat ang pagbasa, katulad ng wika ay isa sa
mga eksklusibong kapangyarihan o kakayahang
pagmamay-ari ng tao. Bukod pa rito,
nangangahulugan itong ang pagbasa at prosesong
pang-isip. Hindi lamang mata natin ang bumabasa
ng mga letra kundi isip din.
LINGUISTIC -
sapagkat ang pagbasa ay hindi hiwalay sa ating
kakayahang gumamit ng wika. Wika ang ginagamit
natin sa pagsasalita at pagbasa ang ginagamit natin
upang malaman ang wika. Samakatuwid, ang wika
at pagbasa ay magkaisa.
GUESSING GAME
tinatawag din itong Panghuhula o Paghihinuha.
Ang isip ng mambabasa ay itinuturing na kritikal at
malikhain. Kailangan gamitin ng mambabasa ang
kanyang isip at maging ang kanyang imahinasyon
upang makaabot sa pinatumpak na kahulugan at
kahalagahan ng kanyang binabasa.
IBA PANG KAHULUGAN NG
PAGBASA:
“Gintong susi na magbubukas ng pinto ng daigdig ng
karunungan at kasiyahan. Pangunahin itong kasangkapan sa
pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.” –
Villafuerte (2005)