You are on page 1of 36

SAMUEL CHRISTIAN COLLEGE

SCC. A Mark of Excellence,

A Testimony of Faith, and
Navarro, General Trias City, Cavite A Heart of Service.
☏ 456-9955 ✉ sccshsdepartment@gmail.com SCC is a learning institution committed to
provide holistic life education of
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT excellence for the service of God and men.

Pangalan ng Mag-aaral Baitang, Larang, Seksiyon

Pangalan ng Guro Email Address
Oras ng Konsultasyon Cellphone No.

Term Semestre, TP Una, 2020-2021 Modyul Blg. 4

Subjek Kowd at Pamagat CS 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Aralin Blg. At Pamagat Aralin blg. 1: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Linggwistiko/ Istruktural/ Gramatikal
Mga Kompitensi  Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto
ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
F11PN – IId – 89
 Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
F11EP – IIf – 34
Inaasahang Pagkatuto Nakabubuo ng isang pangungusap na bumabatay sa tamang estruktura at
gramatika ng wika sa pakikipagkomunikasyon.
Sanggunian Bernales, R.A. et.al., Kominkasyon sa makabagong Panahon.
Mahalagang Pag-uugali May Pananagutan, Pagkakaroon ng Kasanayan at Pagiging Epektibo,
Disiplina sa Sarili, Moral na Integridad

PANIMULA

Ang Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino

Kakayahang Linggwistiko/Istruktural/Gramatikal

Ang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan ay bahagi na ng pang-araw-araw na

gawain sa buhay ng isang tao. Kailanman ay hindi ito maihihiwalay sa sangkatauhan sapagkat ang tao ay
ipinanganak upang ang kanyang ideya maipahayag sa pamamagitan man ng pasalita o pasulat na
kaparaanan, ayon kay Webster.

Esensiyal ang gampanin ng tao sa isang lipunan sapagkat tao ang bumubuo ng lipunan. Ang bawat
pangkat ng tao sa isang lipunan ay nagtataglay ng iba’t ibang kultura at kabihasnan na siyang lumilinang sa
wikang angkop sa kanilang pangangailangan. Mahalaga ang tao sa lipunan gaya ng pagiging
mahalaga ng wika sa tao. Ayon kay Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa
Literatura, parang hininga ang wika, palatandaan ito na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa
nating gumagamit din nito (Carpio et. al., 2012).

Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika. Instrumento ito upang maipahayag
at maipabatid ang pangangailangan ng bawat tao. Walang buhay kung walang wika. Kakabit ng pagiging
tao ang pagkakaroon ng wikang magagamit sa pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay
isang midyum at isang instrumento na nakatutulong sa komunikasyon (Miclat, 1995). Sa ganitong punto,
kapwa sinasang-ayunan ang kahalagahan ng wika tungo sa pagkakamit ng mabisang komunikasyon ng
tao, ngunit hindi sapat na ang tao’y matuto ng wika at makapagsalita lamang nito, marapat ding
maunawaan at magamit nito ang wika nang tama sa iba’t ibang aspekto na humahantong sa pagtataglay
ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 1 of 36

Sagutan! Bakit mahalagang hindi lang makapagsalita kundi magamit ang tamang salita
at may tama ring gramatika kapag nag-uusap tayo? Masusukat dito ang
mahalagang pag-uugali na pagiging epektibo. Ipaliwanag ang iyong sagot sa
mga patlang na ibinigay sa ibaba na may 50-70 na salita.

____________________________________________________________________

_____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Simulan Panuto: Matutukoy mo ba kung may mali o wala sa sumusunod na mga

natin! pangungusap? Piliin ang titik na makikita may mong mali, kung walang mali,
ipahayag lamang ang titik D at pangatuwiran ang iyong sagot. Masusukat dito
ang mahalagang pag-uugali na pagkakaroon ng kasanayan. (5 pts./bilang)
Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

1. Paano ba makakatulong sa lipunan ang isang kabataang tulad mo. Walang mali.
A B C D
Titik: _____
Paliwanag: ___________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Marami ang naniniwala sa kakayahan ng mga kabataang pilipino. Walang mali.
A B C D
Titik: _____
Paliwanag: ___________________________________________________________
_____________________________________-
3. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay. Walang mali.
A B C D
Titik: _____
Paliwanag: ___________________________________________________________

4. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa. Walang mali.
A B C D
Titik: _____
Paliwanag: ___________________________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 2 of 36

5. Sila ay mahusay sa iba’t ibang larangan. Walang mali.
A B C D
Titik: _____
Paliwanag: ___________________________________________________________

TALAKAYAN
Ito ay sumasaklaw sa kasanayan nakatuon sa mga tuntunin
at dapat iasal sa paggamit ng wika.
Kakayahang
Komunikatibo Abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay
sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal.

Apat na Kakayahang
Pangkomunikatibo “Ang wika’y mabisang
instrumento sa pakikipag-
• Kakayahang Lingguwistisko ugnayan. Ito ay daan upang
• Kakayahang Sosyolingguwistik magkaunawaan”
• Kakayahang Pragmatik
• Kakayahang Diskorsal

Alam mo ba? Si Dell Hathaway Hymes ang nagpakilala sa konsepto ng

kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence na
nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko.
Siya rin ay higit na interesado sa simpleng tanong na “paano ba
nakikipagtalastasan ang isang tao?”

Kakayahang
Lingguwistiko

Isang ideyal na sistema ng likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa tao ng
kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. (Chomsky, 1965)

Ito ay ang abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang

pangungusap.

Siya ay naniniwala na isinilang ang tao na may Language Acquisition

Device o LAD na responsable sa natural na paggamit ng wika.

dahil sa LAD nagagawa ng tao masagap ang wika, maintindihan at

Noam magamit ito at matiyak na tama ang ayos nito upang madaling
Chomsky maintindihan.

Pangungusap:
Ang kalangitan ay kulay asul.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 3 of 36

Nahahanay sa kakayahang gramatika ang kakayahang umunawa sa mga kaalamang ponolohikal,
morpolohikal, at sintaktik na katangian ng wika.

Ponolohikal Morpolohikal Sintaktik

Tumutukoy sa pamilyaridad sa Kakayahan sa pagbuo ng mga Kakayahan ng isang indibiduwal
tunog ng wika. salita sa pamamagitan ng mga na makabuo ng mga
Ito ay makakatulong sa pagkilala iba’t ibang proseso na makabuluhang pahayag mula
sa mga salita na bumubuo sa ipinahihintulot sa isang partikular sa pag-uugnay sa mga salita.
isang wika. na wika.

Dalawang mahalagang uri

ng ponema sa Filipino

Ponemang Segmental Ponemang Suprasegmental

Tumutukoy sa mga indibiduwal na Kasama naman ng mga tunog

tunog ng wikang Filipino. segmental ang kaakibat na tunog
upang lalong maintindihan ang isang
salita o pahayag.
Mga Kabilang sa Ponemang Segmental
 Patinig
 Katinig
 Klaster
 Diptonggo
 Digrapo
 Pares-Minimal

Pagyamanin! Panuto: Masusukat sa gawaing ito ang mahalagang pag-uugali na moral na

integridad. Pumili ng sampung (10) titik mula sa mga nakatalang alpabeto sa
ibaba at bilugan ang iyong mga napili. Bumuo ng salita mula rito at iangkop
ito sa inyong larang na kinabibilangan. Subuking ibigay ang kahulugan na
walang pinagbabasehan na sanggunian. Ito ay magsisilbi ninyong talasalitaan.
(1 pt./bilang)

Mga Mga
Patinig Katinig

A E B C D F G H J

I K L M N P Q R

O U S T V W X Y Z

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 4 of 36

Halimbawa:
Alpabeto Salita Kahulugan
Ito ay ang pagsukat, pagproseso, at pagbalita ng
A Accounting impormasyong pinansyal ng mga ekonomikong entidad tulad
ng mga kumpanya at korporasyon.
Sagot:
Alpabeto Salita Kahulugan

Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit

na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang
katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas
nito ay malumi o maragsa.

/p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Sagutan!

Halimbawa: ki: tah -

ba: tah - housedress ki: ta? -

ba: ta? - child
u: poh -
tub: boh - pipe
u:po? -
tub: bo? - profit

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 5 of 36

Tandaan!
May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Sagutan!
 bibe-bibi
Panuto: Magbigay pa ng dalawang (2) pares
 babae-babai na halimbawa.

Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:

 uso-modern
Sagutan!
oso-bear
Panuto: Magbigay pa ng dalawang (2) pares
 mesa-table na halimbawa.
misa-mass

Ito ay magkasunod na katinig sa isang pantig at naririnig pa rin ang

indibiduwal na ponemang katinig.
Mga
Halimbawa:
Klaster
(trangkaso)
Isang linggo akong hindi nakapasok sa trabaho nang dahil sa trangkaso.

Gawain!
Panuto: Magbigay ng sampung (10) halimbawa ng kambal-katinig na nagsisimula sa mga
ibibigay sa ibaba at gamitin ito sa pangungusap. (1 pt./bilang)

Halimbawa: propesyon - Ang propesyon ng aking kaibigan ay inhinyero.

1. br ______________ - _____________________________________________

2. kl ______________ - _____________________________________________

3. pw ______________ - _____________________________________________

4. dy ______________ - _____________________________________________

5. kr ______________ - _____________________________________________

6. pl ______________ - _____________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 6 of 36

7. gr ______________ - _____________________________________________

8. kw ______________ - _____________________________________________

9. dr ______________ - _____________________________________________

10. ks ______________ - _____________________________________________

Mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at

malapatinig na /w/ at /y/.
Mga
Diptonggo Halimbawa:
/aw/ /iw/ /ay/ /ey/ /iy/ /oy/ /uy/

Gawain!
Panuto: Magbigay ng sampung (10) salita na may diptonggo (iangkop sa inyong
larang na kinabibilangan) at ibigay rin ang kahulugan nito. (1 pt./bilang)

Salita Kahulugan
1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Ito ang sikwens ng dalawang katinig ngunit may iisang tunog lamang.
Mga Halimbawa:
Digrapo /ts/ /sh/

Gawain!
Panuto: Magbigay ng tig limang (5) halimbawang salita gamit ang digrapong “ts” at “sh.”
(1 pt./bilang)

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 7 of 36

/ts/ /sh/

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Mga pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit

magkapareho ang kapaligiran maliban sa isang ponema.
Mga
Pares- Halimbawa:
Minimal kulong ‘enclose’ tula ‘poem’ kulay ‘color’
gulong ‘wheel’ dula ‘play’ gulay ‘vegtable’

Gawain!
Panuto: Magbigay ng limang (5) halimbawa ng pares-minimal. Ibigay din ang kahulugan nito.

Pares-Minimal
1.

2.

3.

4.

5.

Mga Kabilang sa Ponemang Suprasegmental

 Diin
 Tono o Intonasyon
 Hinto o Antala

Tumutukoy sa emphasis ng salita o pahayag.

Ito rin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapagpa-iba
sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.
Diin
Halimbawa:
1. BU:hay
2. Bu:HAY

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 8 of 36

Sagutan!

Ano ang pinagkaiba ng una at pangalawang halimbawa?

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng

isang salita, parirala o pangungusap.
Tumutukoy sa damdamin ng pahayag.
Tono o Halimbawa:
Intonasyon 1. Dumating na ang Pangulo.
2. Dumating na ang Pangulo?

Sagutan!

Ano ang pinagkaiba ng una at pangalawang halimbawa?

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging

malinaw ang mesaheng ipapahayag.
Ito ay maaaring mahaba o bahagyang paghinto sa mga pahayag.
Hinto o Halimbawa:
Antala 1. Hindi ako ang nang-iwan!
2. Hindi, ako ang nang-iwan!
Kuwit (,) ang ginamit sa hintong
ito na sinisimbolo ng /.

Sagutan!

Ano ang pinagkaiba ng una at pangalawang halimbawa?

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mga Bahagi ng Pananalita

Mga Salitang Pangnilalaman Mga Salitang Pangkayarian

 Mga Nominal  Mga pang-ugnay

-Pangngalan -Pangatnig
-Panghalip -Pang-angkop
 Pandiwa -Pang-ukol
 Mga Panuring  Mga Pananda
-Pang-uri -Pantukoy
-Pang-abay -Pangawing

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 9 of 36

Mga Salitang Pangnilalaman

 Mga Nominal

Pangngalan Nagsasaad ito ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, konsepto, at mga
pangyayari.

Mga halimbawa:

Dr. Emmanuel D. Magsino, estudyante, aklat, Samuel Christian College, cellphone

Panghalip Pamalit o panghalili ito sa pangngalan.

Mga halimbawa:

a. panao o personal: ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila

b. pamatlig o demonstratibo: ito, iyan, iyon, nito, niyan, noon, dito, diyan, doon
c. pananong o interogatibo: sino, kanino, ano, saan, ilan
d. panaklaw o indefinite: sino man, kanino man, ano man, alin man, gaano man, paano man

Sagutan!
Panuto: Masusukat dito ang mahalagang pag-uugali na moral na integridad. Gumawa ng
isang sanaysay na may 100-150 salita. Bilugan ang mga pangngalan at panghalip na ginamit.
(30 pts-nilalaman) Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

Ano/Sino ang/ang mga inspirasyon mo sa pagpili ng larang na kinabibilangan mo ngayon? Ibahagi

ang mga hakbang na gagawin mo upang mapagtagumpayan ang mga mithiin mo sa buhay.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 10 of 36

___________________________________________________________________

Pandiwa Mga salita itong nagsasaad ng kilos.

Tatlong aspekto ng pandiwang Filipino at mga halimbawa:

a. perpektibo o tapos na: sumulat, naglaba

b. imperpektibo o ginaganap pa: sumusulat, naglalaba
c. kontemplatibo o gaganapin pa lamang: susulat, maglalaba

Gawain!

Panuto: Punan ang talahanayan. Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba. (2 pts./bilang)

Kontemplatibo
Perpektibo Imperpektibo
Salitang kilos (gaganapin pa
(tapos na) (ginaganap pa)
lamang)

1. awit umaawit

2. sagot magsasagot

3. kilos kumilos

4. laro naglaro

5. pinta nagpipinta

6. tawa tatawa

7. hanap maghahanap

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 11 of 36

8. mahal nagmahal

9. tanggap tinatanggap

10. handa naghanda

 Mga Panuring

Pang-uri Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing ito sa pangngalan o

panghalip.

Antas ng Pang-uri:

a. Lantay: dakila, matalino

b. Pahambing: simbango, mas matarik, di gaanong maasim
c. Pasukdol: lubhang mahirap, napakatanyag

Gawain!

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri
kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol. (1 pt./bilang)

________________1) Ubod ng lawak ang lupain nila Regie sa aming barangay.

________________2) Higit na masarap magluto ang nanay ni Esme kaysa kay Aling Letty.

________________3) Ang pangkat ni Raymart ay mabilis sa pagtakbo.

________________4) Sina Britney at Bridgette ay magkasing taas na.

________________5) Dalisay ang pagmamahal ng binatang iyan sa kanyang pamilya.

________________6) Tumagal ng isang oras ang operasyon.

________________7) Napakaraming negosyante sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

________________8) Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.

________________9) Kailangan ko ng kalahating kilong manok para sa lulutuin ko sa tinola.

________________10) Ang dami naman ng mga librong kinuha mo sa library.

Pang-abay Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa, o

kapwa pang-abay.

Uri ng Pang-abay:

a. Pamanahon: bukas, kagabi

b. Panlunan: sa ibabaw ng mesa, sa likod ng bahay
c. Pamaraan: patalikod, padapa
d. Panggaano: katamtaman kumain

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 12 of 36

Gawain!

A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap. (1 pt./bilang)

1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Ilocos Norte.

2. Babalik na sila sa isang linggo.

3. Magkikita kami ng aking kaibigan sa isang restoran.

4. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan sa buhay.

5. Tahimik naman akong nakinig sa kanyang kwento.

B. Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, pamanahon,
panlunan o panggaano. Isulat ang sagot sa patlang. (1 pt./bilang)

________________1) Maagang pumasok si Noel.

________________2) Sinagot nang mabilis ni Jessie ang bugtong ng guro.

________________3) Tuwing hapon, naglalaro ng Uno ang magkakaibigan.

________________4) Nawala ang tatlong-daan piso ni Maya.

________________5) Masayang naghapunan ang pamilya.

Mga Salitang Pangkayarian

 Mga Pang-ugnay

Pangatnig Ito ang mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay.

Halimbawa:

at, pati, subalit, ngunit, dahil, sapagkat, datapwat, bagaman, habang

Gawain!

Panuto: Gamitin ang mga pangatnig sa pangungusap. (1 pt./bilang)

(ngunit) 1) __________________________________________________________________________

(at) 2) __________________________________________________________________________

(datapwat) 3) __________________________________________________________________________

(dahil) 4) __________________________________________________________________________

(sapagkat) 5) __________________________________________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 13 of 36

Pang-angkop Ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Halimbawa: na, -ng, -g

bahay na bato, bagong taon, luntiang dahon

Pang-ukol Inuugnay nito ang isang pangngalan sa iba pang salita.

Halimbawa:
 Mga Pananda
sa, ng

Pantukoy Ito ang mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.

Halimbawa: si, sina, ang, ang mga

Pangawing Ito ang mga salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri.

Sa Filipino ang ay ay isang pangawing na salita.

Pagbuo ng mga Salita

Tatlong prominenteng proseso sa

pagbubuo ng mga salitang Filipino

Paglalapi Pag-uulit Pagtatambal

Limang Paraan ng Tatlong uri ng Pag-uulit Dalawang uri ng

Paglalapi pagtatambal
 Di-Ganap
 Pag-uunlapi  Ganap  Pagtatambal na
 Paggitlapi  Haluang Pag-uulit walang linker
 Paghuhulapi  Pagtatambal na may
 Paglalaping kabilaan linker
 Paglalaping laguhan

Paglalapi Tinatawag ring morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa

isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 14 of 36

Halimbawa: Paraan
Paglalaping Paglalaping
Pag-uunlapi Paggitlapi Paghuhulapi kabilaan laguhan
Salitang- (panlapi sa (panlapi sa (panlapi sa (panlapi sa (panlapi sa
Ugat
unahan) gitna) hulihan) unahan at unahan, gitna at
hulihan) hulihan)

sigaw isigaw sumigaw sigawan nagsigawan nagsumigawan

Gawain!

Panuto: Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
(1 pt./bilang)
1) (alis) _______________ ang aking guro papuntang faculty room para kuhanin ang kanyang mga gamit.

2) Sabay-sabay natin (awit) _______________ ang himno ng SCC.

3) (kagat) _______________ ako ng pulang langgam sa aking braso.

4) Ang mga estudyante ay (aral) _______________ para sa kanilang pagsusulit bukas.

5) Maaari mo ba akong (sama) _______________ sa bookstore?

Pag-uulit Tumutukoy ito sa proseso ng pag-uulit sa salita o bahagi ng salita.

Halimbawa: Tatlong uri ng Pag-uulit

Ganap Haluang Pag-uulit
Di-Ganap
Ang buong salita ay inuulit upang Kung ang buong salita at bahagi
Kung inuulit lamang ang
makabuo ng bagong salita. nito ay inuulit.
bahagi ng salita na karaniwang
ang unang pantig nito.

sasayaw, uuwi, bahay-bahayan, bilis-bilis, sasayaw-sayaw,

tatakbo damay-damay pipikit-pikit, loloko-lokohin

Pagtatambal Tumutukoy ito sa proseso ng pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang

magkaibang salita.

Halimbawa: Dalawang uri ng pagtatambal

Pagtatambal na walang linker Pagtatambal na may linker

hampaslupa, pataygutom, bahaghari dalagang-bukid, dugong-bughaw

PAGSASANAY/ GAWAIN
Panuto: Masusukat sa gawaing ito ang mahalagang pag-uugali na moral na integridad, kung saan, ang
mga pahayag na mababasa mo mula sa mga sikat na artista (Kim Chiu) ay iyong susuriin ng may
magandang pagpuna. Magsagawa lamang ng pagususuring gramatikal sa wikang ginamit dito. Gumawa ng
sanaysay na may 150-200 salita. Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 15 of 36

Rubriks:
Nilalaman – 10
Organisasyon – 15
Mekaniks – 25
50 pts
Sanggunian:https://www.google.com/search?q=kim+chiu+statement+bawal+lumabas&sxsrf=ALeKk011lqQ-fqJlRgg9BgM31PWksjiETA:1592981425216&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=svGnhH2oF9d-CM%252CVB2p8OgEvR-
p9M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQTcJMfwNqWR3xTi7Btv7-7tE5Pmg&sa=X&ved=2ahUKEwiWiO-f7pnqAhUKyIsBHa8iCRUQ9QEwAXoECAkQFA&biw=1242&bih=606#imgrc=svGnhH2oF9d-CM

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 16 of 36

Term Semestre, TP Una, 2020-2021 Modyul Blg. 4
Subjek Kowd at Pamagat CS 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Aralin Blg. At Pamagat Aralin blg. 2: Kakayahang sosyolinggwistik:
Pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kalian, saan, bakit
nangyayari ang sitwasyong komunikatibo
Mga Kompitensi Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan
o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan
F11PS –IIe – 90
Inaasahang Pagkatuto Nakapagsasagawa ng isang komunikatibong usapan na may iba;t ibang antas
at lebel na pamamaraan.
Sanggunian https://www.academia.edu/38736940/Ika-
15_Linggo_KAKAYAHANG_SOSYOLINGGUWISTIK_
Mahalagang Pag-uugali Pagkakaroon ng Kasanayan
Pagiging Epektibo
Moral na Integridad

PANIMULA

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Ang lipunan ay maituturing na anumang pangkat ng tao na nagsama-sama dahil sa iisang tunguhin o
layunin. At ang wika ay mahalaga sa isang lipunan. Hindi maipagkakaila na minsan, ang lipunan ay
nagtataglay ng hindi lamang iisang wika (plurilingual): nangangahulugan na ang karamihan ay maaaring
nakapagsasalita ng higit sa isang wika. Mahalaga ring bigyang-pansin na ang kahulugan ng wika at ng
lipunan ay hindi independent. May kaugnayan ito sa isa’t isa.

Nag-iiba ang paggamit ng wika ng isang indibidwal depende sa taong kanyangkausap. Minsan inaayon din
niya ito sa lugar kung saan siya naroon at kaniya ring kinokonsidera ang paksa ng usapin na tinatalakay.
Lahat ng mga ito ay paktor nabibigyang-pansin ng isang indibidwal sa kanyang pakikipag-ugnayan sa iba.
Bakit nga ba ito ginagawa ng mga taong nasasangkot sa isang komunikatibong gawain?

Paano mo sasabihin?

Panuto: Punan ng angkop na karugtong ang mga sumusunod na senaryo.

May tinga sa ngipin ang katabi mo…

______________________________________________________________________________

May umutot sa klase niyo ngunit walang umaamin…

______________________________________________________________________________

TALAKAYAN

Ito ay isang kakayahang gumamit ng wika na nangangailangan

Kakayahang
ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito
Sosyolingguwistiko
ginamit. (Savignon, 1997)

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 17 of 36

Bakit ito mahalagang pag-aralan?

Dahil ang Pilipinas ay isang multilingguwal at multikultural na bansa.

Kinakailangan ang kakayahang ito upang magkaroon ng epektibong
komunikasyon sa anumang sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng
epektibong komunikasyon na ito ang kakayahang sosyolingguwistiko.

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Si Dell Hymes (sa Tumangan, et al., 2000) ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat
isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang ilang
konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na S.P.E.A.K.I.N.G.

S P E A K I N G

Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay

Setting maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang
(Saan nag-uusap?)
lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito
isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-
aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang
kahihinatnan mo?

Participant Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap.

Dapat ding magbago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan
(Sino ang kausap?) depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di kaya’y
sinusulatan. Halimbawa, maaari mong sabihing “Pare, pahiram nga ng
bolpen mo.”sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon
saiyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang
magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung
ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?

Ends Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng

(Ano ang layunin sa konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakiipag-usap. Hindi ba’t kung tayo
pag-uusap?) ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraang nagpapakita ng
pagpapakumbaba? At kung nais din nating kumbinsihin ang kausap ay
iba ang ating pamamaraan? Samakatuwid, nararapat na isaalang-alang
ang layunin natin upang maiangkop natin ang paraan ng ating
pakikipagtalastasan.

Act Ang komunikasyon ay dinamiko. Samakatuwid, maging ang isang usapan

ay nagbabago. May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa
Sequence asaran, humahantong sa pikunan at nauuwi sa awayan. Pansinin ang
(Paano ang takbo
takbo ng usapang ito na maaaring nagsimula sa kindatan, napunta sa
ng usapan?)
pagpapakilala, humantong sa kuwentuhan at nauwi sa hatiran. Ano sa
palagay mo ang susunod na takbo ng kanilang usapan? Kung ikaw ay
isang babaeng walang interes na magpaligaw, ano ang gagawin mo sa
unang yugto pa lamang ng pakikipag-usap sa isang lalaki?

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 18 of 36

Keys Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang
(Pormal ba o debut party? O di kaya’y ng isang taong naka-gown o barong-Tagalog
Impormal ang habang naglalaro nagbasketball o volleyball? Parang ganito rin ang
usapan?) magiging hitsura mo kung hindi mo isasaalang-alang ang pormalidad ng
isang okasyon sa iyong pakikipag-usap sa ibang tao? Kung gayon, kung
pormal ang okasyon, paano ka makikipag-usap? Anong salita ang iyong
gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon
din ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong
gagamitin?

Instrumen- Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang tsanel o daluyan ng

komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit
talities kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikuwento
(Ano ang midyum
sa iyong kaibigan ang nobelang nabasa sa pamamagitan ng telegrama?
ng usapan?) Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa
pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung
nasusunog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling
nang harapan, magdadahilan ka pa ba sa iyong kasintahan sa kanyang
harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka
manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang
mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging
kontrolado natin ang hugis, lawak at limitasyon ng mensahe sa
komunikasyon.

Norm Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan.

(Ano ang paksa ng Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid
usapan?) mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo.
Makabubuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng talakayan
ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa
ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong
may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa
mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong
makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang
may paksang eksklusibong panlalaki.

Genre Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng
(Nagsasalaysay ba? kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung ano ang genre
Nakikipagtalo? na kanyang gagamitin. Madalas, bunga ng miskomunikasyon sa genre,
Nagmamatuwid? nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang tao. Pansinin ang
Naglalarawan? O usapang ito sa pagitan ng isang mag-ina:
nagpapaliwanag/
naglalahad?) Ina: Aba! Marunong ka nang mangatuwiran ngayon ha!
Anak: Hindi naman po, inay. Nagpapaliwanag lang ako.

Inakala ng ina, kung gayon, na ang genre na ginagamit ng kanyang anak

sa usapang iyon ay pangangatwiran. Samantala, ipinalalagay naman ng
anak na ang ginagamit niyang genre ay pagpapaliwanag o paglalahad
lamang. Isang malinaw na miskomunikasyon!

Pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-
uusapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayundin ang layunin ng pag-uusap at higit sa lahat,
pasalita man o pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan.
(Jocson et al., 2004)

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 19 of 36

PAGSASANAY/ GAWAIN
Panuto: Masusukat dito ang magandang pag-uugali na pagkakaroon ng kasanayan at pagiging
epektibo, at gayundin ang moral na integridad.

1. Basahin ang maikling kwento.

“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”

Si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking
hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho
sa dami ng pera nila.

Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-hindi na siya
mamumulubi hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral.

“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni
daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.

Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila
upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase.

“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo
nino man,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya.

Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit,
talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal
kasama ang barkada.

Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig
siyang isang malakas na sigaw ng ina niya.

“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral.

Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos dalawang buwan na
nakaratay ang daddy niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na pagmamay-ari nila ay
naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.

“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin yung
bayarin sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni Juan sa kanya.

Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na

walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana e nag-aral siya ng mabuti eh
gradweyt na siya sa kolehiyo at makakatulong na sa ina niya.

Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis
ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala na siyang magagawa.

“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si Mama
maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap
makakain lang sila.
Sanggunian: https://philnews.ph/2018/11/12/maikling-kwento-si-juan-na-laging-wala-sa-klase/

2. Tukuyin ang mga sumusunod na konsiderasyon. (5pts./bilang) Ang iyong iskor ay

maitatala sa ibaba.

Mga Konsiderasyon
1. Setting

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 20 of 36

2. Participants

3. Ends

4. Act Sequence

5. Keys

6. Instrumentalities

7. Norms

8. Genre

Term Semestre, TP Una, 2020-2021 Modyul Blg. 4

Subjek Kowd at Pamagat CS 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Aralin Blg. At Pamagat Aralin blg. 3: Kakayahang pragmatik:
Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-
sinasabi,ikinikilos ng taong kausap
Mga Kompitensi Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita
F11WG- IIf – 88
Inaasahang Pagkatuto Nakakikilala ng isang mensaheng naglalaman ng ibang kahulugan
Sanggunian Bernales, R.A. et.al., Kominkasyon sa makabagong Panahon.
Mahalagang Pag-uugali Pagkakaroon ng Kasanayan
Pagiging Epektibo
Moral na Integridad

PANIMULA

Kakayahang Pragmatik

Sa pakikipagtalastan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan

ang mensahe nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging
epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng
nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.

Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng

gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga ring matutunan ang kasanayang sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at
pagpapadaloy ng mga usapan. Sumakatuwid, kailangang matukoy ng isang tao ang maraming
kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 21 of 36

Paano mo sasabihin?

Panuto: Punan ng karugtong ang mga sumusunod na senaryo.

Kapag napansin kong hindi nababagay ang damit ng aking kaibigan sa aming
pupuntahang okasyon subalit hindi ko direktang mabnggit sa kaniya dahil baka
masaktan ang kaniyang damdamin, ang sasabihin ko ay,

“__________________________________________________________________
________________________________________________________________”

Kapag mababa ang nakuha kong grado sa pagsusulit sa accounting at nais kong
ipaalam ito sa aking mga magulang nang hindi magreresulta ng biglaang galit,
sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng,

“__________________________________________________________________
__________________________________________________________________”

TALAKAYAN

Abilidad ipabatid ang mensahe nang may sensibilidad sa

kontekstong sosyo-kultural.
Kakayahang
Pragmatiks Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, at
ikinikilos ng taong kausap.

Yule, 1996

“Binibigyang-pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong

panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika.”

Chomsky

“Ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kaalaman kung paano

naiuugnay ang wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito.”

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 22 of 36

Gawain!

Panuto: Basahin ang sumusunod. Punahin ang nais ipabatid na mensahe sa bawat pahayag.
Pumili ng sagot mula sa ibinigay na mga pagpipilian. Isulat ito sa patlang at lagyan ng maikling
paliwanag kung bakit ito ang iyong interpretasyon.

“Sa iyo ba ang bag na iyan?”

a. Pagtitiyak kung sino ang nagmamay-ari nito.
b. Papuri-pagkutya sa estilo ng bag.
c. Pagkutya sa estilo ng bag.
d. Pagkainis sa nakakalat na bag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan
kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech act.

Speech Act Theory

Ang teoryang ito ay tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may
kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay babala, panghihimok at
iba pa.

Tatlong Sangkap ng Speech Act

Halimbawa
Sitwasyon
Sangkap Kahulugan Kostomer sa weyter:
Mayroon ba kayong tubig na
walang yelo?

Batayang akto ng pahayag o Pakiusap, utos, pangako

ang paggawa ng isang
Locutionary Act
makabuluhan na lingguwistikong Paghiling na madalhan siya ng
pahayag. tubig.

Tumutukoy sa tamang tono, Patanong, pasalaysay

Illocutionary Act damdamin, motibo o intensyon
at gamit ng pahayag. Patanong

Pagtugon sa paghiling,
pagbibigay atensyon
Epekto ng mismong pahayag o
Perlocutionary Act
pagsasagawa ng kilos. Pagsunod ng weyter sa kaniyang
kahilingan.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 23 of 36

Gawain!
Panuto: Ibigay ang kaakibat na kilos sa mga sumusunod na sitwasyon. (5 pts./bilang)
Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

#1. Sitwasyon:
Binigkas ng isang babae sa isang silid-hintayan.
“Ang init naman dito!”

Locutionary
Act

Illocutionary
Act

Perlocutionary
Act

#2. Sitwasyon:
Bigkas ng iyong kaklase:
“Maaari ba akong makahiram ng laptop mo?”

Locutionary
Act

Illocutionary
Act

Perlocutionary
Act

#3. Sitwasyon:
Mali ang kompyutasyon na ginawa mo sa iyong takdang aralin.

Locutionary
Act

Illocutionary
Act

Perlocutionary
Act

Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong hamon sa komunikasyon, isa pang paraan ang
makatutulong para sa ikalulutas ng mga hamong ito – ang pagsasanay sa prinsipyo ng kooperasyon
o mas kilala bilang cooperative principle (Grice, 1975). Ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasangkot
sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang makabuluhang pag-uugnayan.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 24 of 36

Cooperative Principle
Naglahad si Grice (1975; nasa Clark, 2007) ng apat na prinsipyo na magagamit bilang
gabay sa pakikisangkot sa mga interaksyong interpersonal.

Tinawag niyang maxims of conversation ang mga ito. Narito ang mga prinsipyo sa
kumbersasyon na kaniyang nabanggit:

Principles of Conversation

Prinsipyo ng Prinsipyo ng Prinsipyo ng Prinsipyong

kantidad kalidad relasyon pamaraan
(dami ng impormasyong (katotohanan ng (halaga ng ibinibigay na (paraan ng pagbibigay
kailangang ibigay) ibinibigay na impormasyon) sa impormasyon)
impormasyon)
a. Ibigay ang a. Huwag sabihin ang a. Panatilihing a. Iwasan ang
inaasahang dami ng pinaniniwalaan mahalaga ang mga pagbibigay ng mga
impormasyong mong hindi totoo. ibinibigay na pahayag na
mula sa iyo. b. Huwag mong impormasyon. mahirap
b. Huwag lalampas sa banggitin ang mga maunawaan.
impormasyong bagay na wala kang b. Iwasan ang
inaasahan mula sa sapat na katibayan. pagbibigay ng
iyo. malalabong ideya.
c. Gawing maiksi at
huwag magpaligoy.
d. Ayusin ang
pagpapahayag.

Batay sa mga prinsipyong ito, pansinin ang kasunod na sitwasyon:

Lalapit si Vincent kay DJ na nakaupo sa may bangko sa ilalim ng punong mangga. Sa ilalim
ng bangko ay isang nakahilatang pusang puting-puti ang balahibo.

Vincent: Maamo ba ang pusa mo?

DJ: Oo naman.

Bubuhatin ni Vincent ang puting pusa sa ilalim ng bangkong inuupuan ni DJ.

Vincent: Aray, kinalmot ako! Sabi mo, maamo?

DJ: Hindi ‘yan ang pusa ko!

Mapapansin na nagkaproblema sa sitwasyong ito dahil sa kawalan ng pakikiisa ni DJ sa

kombersasyon. May paglabag sa tinatawag na prinsipyo ng kantidad sapagkat hindi sapat ang
impormasyong kanyang ibinigay upang hindi sana naganap ang aksidente ang o maling pag-aakala ni
Vincent.

Kung sinabi niya sanang maamo ang pusa niya ngunit hindi ito ang nasa ilalim ng bangko, maaaring
naiwasan sana ang pangyayari at nagkaunawaan sila. Bagaman, isa rin itong indikasyon ng kawalan ng
intensyon ni DJ para makiisa sa ugnayan.

May dalawang aral, kung gayon na maaaring makuha sa sitwasyong nailahad.

Una, bilang kasangkot sa isang komunikatibong sitwasyon, dapat may kakayahan kang malaman
kung nakikiisa ang iyong mga kasama sa sitwasyong kinasasangkutan. Ito ay upang makapag-adjust
sa mga bagay-bagay na dapat mong gawin. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa o
pagpapakahulugan sa mga senyas na di-berbal na namamayani sa konteksto ng usapan.

Ikalawa, dapat sikaping magbigay ng sapat at makabuluhang mga impormasyon ang bawat
kasapi sa usapan upang maging matagumpay ang komunikasyon.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 25 of 36

Pansinin ang isa pang sitwasyon:

Trishia: Nasaan ang mga file para sa programa bukas?

Macy: Nasa kabinet ni Prop Lee. Sa ikalawang drawer nito.

Kung papansinin, umaayon ito sa prinsipyo ng kooperasyon.

Una, kumpleto ang detalye ng impormasyong kinakailangan. Hindi labis at hindi rin kulang.
Naibigay ang ninanais na impormasyon.
Ikalawa, sinabi ni Macy ang totoong kinalalagyan ng mga hinahanap na file ayon sa katiyakang
pinanghahawakan niya base marahil sa personal niyang pagkakaalam sa aktuwal na kinaroroonan
ng mga ito.
Ikatlo, dahil tiyak at totoo ang mga impormasyong ibinigay ng mga kasangkot, naitanong ang
nais malaman, at naibigay ang kasagutang hinahanap, napanatili ang halaga ng bawat
impormasyon.
Ikaapat, malinaw, maayos at di-mapaligoy ang palitan ng pahayag. Naging maayos kung gayon
ang daloy ng kumbersasyon.

Dahil kasama sa kakayahang pragmatik ang pag-unawa sa mga tagong kahulugan na hindi
matutunghayan sa mga salitang inihahayag sa usapan, mahalaga, kung gayon, ang kaalaman sa
di-berbal na komunikasyon.

Tinatayang 70% ng mga pakikipagtalastasang interpersonal ay binubuo ng mga di-berbal na

simbolo. Ito ang mga senyas na hindi gumagamit ng salita subalit mas nakapagpapalinaw sa
kahulugan ng mga pahayag.

Komunikasyong Di-Berbal
Ito ay hindi gumagamit ng salita, bagkus naiipakita nito ang mensaheng nais iparating sa kausap sa
pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan. Ito ay pagpapalitan ng mensahe o
pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng salitang tunog kundi
kasama na rin ang kilos ng katawan at ang tinig na inaangkop sa bawat mensahe.

Ang mga di-berbal na senyas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Chronemics (oras)

Mahalaga ang(or
oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay
maaaring kaakibatan ng mensahe.

Halimbawa:

 Ang pagdating nang huli sa isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina.
 Ang pagdating naman nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto sa magbibigay ng
salu-salo dahil maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda.
 Ang pagtawag sa telepono sa madaling araw ay malamang na ikagalit ng ibang tao. Maaari nyang
ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa kanyang pagpapahinga at kung gayo’y isang
kabastusan. Ngunit maaari niyang iyong ipalagay na isang matinding pangangailangan o
emergency.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 26 of 36

Proxemics (espasyo)

Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.

Halimbawa:

 Ano ang iyong iisipin kung ang kaharap mo sa jeep na iyong sinasakyan ay halos magkapalitan na
ang mukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan?
 Paano ka makipag-usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isa't isa kadalasan?
 Gayon din ba ang layo mo kapag ika'y nakikipag-usap sa isang kaibigan, o sa isang di kakilala o sa
isang pangkat ng tagapakinig kapag ika'y nagtatalumpati?

Hindi di ba? May iba't ibang uri ng proxemic distance tayong ginagawa sa iba't ibang pagkakataon at ang
distansyang ito ay maaaring mangahulugang intimate, personal, social o public.

Kinesics (katawan)

Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga'y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig.
Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language. Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may
mensahe rin.

Halimbawa:

 Ano ang iyong iisipin sa isang taong patpatin ang pangangatawan at halos kuba na kung
maglakad?
 Kapag nakakakita tayo ng isang lalaking tuwid na tuwid at matikas ang tindig, ano ang agad na
inaakala natin sa kanya?
 Kung sa lobby ng isang ospital ay may makita kang isang lalaking paroo't parito, ano ang
ipapalagay mo sa kanya?

Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamang pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal.

regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang
guro sa pagpapatahimik ng mga bata.

Mayroon din tayong mga tinatawag na descriptive na kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba,
layo, taas at hugis ng isang bagay.

Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay
na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom ng mga palad at pakikipagkamay ay tinatawag na mga kumpas
na emphatic.

Haptics (sense of touch)

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe. Sa ating wika, may iba-iba
tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang
kahulugan.

Iconics (simbolo)

Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 27 of 36

Halimbawa:

 Sa pintuan ng mga pàlikuran, ano ang simbolo ang nagpapahiwatig na ang isa ay pambabae at ang
isa ay panlalaki?
 Paano sinisimbolo na bawal manigarilyo sa isang lugar?
 Anong simbolo ang ginagamit sa mga lugar na para sa mga may kapansanan?
 Anong simbolo ang makikita sa botelya ng lason, o sa reseta ng mga duktor, o sa tanggapan ng
mga husgado?
 Sa mga kalsada o daan, anu-anong mga simbolong panlansangan ang iyong makikita? Ilarawan
bawat isa at sabihin ang kahulugan ng mga iyon.

Colorics (kulay)

Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

Halimbawa:

 Ano ang ipinahihiwatig ng damit na itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilaw sa noo? Sa mga
interseksyon ng daan, ano ang ibig sabihin ng ilaw na dilaw, berde at pula?
 Ano ang ipinahihiwatig ng puting panyo? Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-bagay ay madalas
nating nilalapatan ng kahulugan.

Paralanguage (pagbigkas ng salita)

Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.

Ang salitang oo ay maaaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o

paghamon, depende kung paano iyon binigkas. Nakapaloob din dito ang pagbibigay-diin sa mga salita,
bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig. Ang mga ito ay
maaaring magpabago-bago sa kahulugan kahit ng isang salita lamang. Halimbawa, subukan mong bigkasin
ang tunog na oh sa iba't ibang paraan. Ano ang posibleng kahulugan ng bawat paraan mo ng pagbigkas ng
tunog na iyon?

Oculesics (mata)

Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe.

Halimbawa:

Hindi nga ba't may iba'tibang kahulugan ang pamumungay, pagkindat, panlalaki at panlilisik ng mga mata?

Objectics (bagay)

Paggamit ito ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe.

Halimbawa:

Paano mo ipapahayag ang galit gamit ang tsinelas o sinturon? Paano mo ipapahayag ang pag-ibig gamit
ang bulaklak? Ano ang bagay na ginagamit ng mga holdaper upang makapanakot ng kanilang mga
biktima?

Olfactorics (pang-amoy)

Nakatuon naman ito sa pang-amoy.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 28 of 36

Halimbawa:

 Bakit nilalagyan ng pandan ang sinaing? Bakit ka nagtatakip ng ilong magkaminsan?

Pictics (mukha)

Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha.

Halimbawa:

 Sa mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala,
natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit o di kaya'y nag-iisip.

Vocalics (tunog)

Paggamit ito ng tunog, liban sa pasalitang tunog.

Halimbawa:

 Pagsutsot sa pagtawag ng pansin ng isang tao.

 Pag-ehem, pag-tsk-tsk at pagbuntong-hininga.

Ang kahandaang bigyang-kahulugan ang mga simbolong di-berbal na karaniwang pumapaloob sa mga
talastasang interpersonal at pampubliko ay isang malaking hakbang para maging mas mahusay na
partisipant sa isang sitwasyong komunikatibo. Mahalaga ito para makita ang mea tagong kahulugan na
lingid sa mga gramatikal na konstruksyon ng mga lingguwistikong pahayag.

PAGSASANAY/ GAWAIN
Panuto: Tukuyin ang anyo ng komunikasyong di-berbal na ginamit sa mga sumusunod na sitwasyon.
Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang. (2 pts./bilang) Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

A. Chronemics E. Haptics I. Objectics

B. Proxemics F. Iconics J. Olfactorics
C. Kinesics G. Colorics K. Pictics
D. Oculesics H. Paralanguage L. Vocalics

_______1) Pagsusuot ng damit na itim bilang pagluluksa

_______2) Haplos ng ina sa anak niyang mahal
_______3) Pagdating nang huli sa isang mahalagang appointment
_______4) Pagkindat ng isang binata sa babaeng kanyang natitipuhan
_______5) Paggamit ng simbolong bungo sa botelya ng mga Jason
_______6) Pagngiti bilang pagbati
_______7) Pagtindig nang tuwid ng mga sundalo
_______8) Paglakas ng tinig upang ipahiwatig ang galit
_______9) Pamumungay ng mata para magpapansin
_______10) Pagsusuot ng maiikling damit ng isang babae upang makatawag ng pansin ng mga lalaki
_______11) Kumpas ng kamay ng pulis upang patigilin ang mga sasakyan
_______12) Pagtapik sa balikat ng isang kaibigan

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 29 of 36

_______13) Pagsindi ng ilaw na pula upang patigilin ang mga sasakyan sa kalye
_______14) Paghina ng tinig upang ibulong ang isang sikreto
_______15) Pag-upo sa magkabilang dulo ng mesa sa hapag-kainan
_______16) Pagturo ng daliri sa isang direksyon
_______17) Paggamit ng mga simbulong pantrapiko para sa No U-Turn, No Parking at No Left-Turn.
_______18) Pabilog na ayos ng mga silya sa loob ng silid upang isagawa ang isang impormal na talakayan
_______19) Pagdating nang napakaaga sa isang salo-salo o party
_______20) Pagdikit ng hintuturo sa ilong at nguso ng isang guro upang patahimikin ang maingay na bata.

Term Semestre, TP Una, 2020-2021 Modyul Blg. 4

Subjek Kowd at Pamagat CS 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Aralin Blg. At Pamagat Aralin blg. 4: Kakayahang Diskorsal
Kohisyon at Kohirens
Pagpapalawak ng Pangungusap
Mga Kompitensi Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
F11PT – IIe – 87
Inaasahang Pagkatuto Natutukoy ang koneksyon ng mga pangungusap sa isa’t isa.
Sanggunian Bernales, R.A. et.al., Kominkasyon sa makabagong Panahon.
Mahalagang Pag-uugali Pagkakaroon ng Kasanayan at Pagiging Epektibo
May Pananagutan
Moral na Integridad

PANIMULA

Kakayahang Diskorsal

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasama-sama at pag-uugnay ng

mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga pahayag naipapamalas
sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa
mga interbyu, talumpati, o pagkukuwento. Samakatuwid, ang mataas na kasanayan sa wika ng isang tao
ay pinatutunayan din sa kanyang kapasidad na makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga
naratibo.

TALAKAYAN

Ito ay tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na

Kakayahang pangungusap kundi sa koneksyon ng magkakasunod na
Diskorsal mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan.
(Savignon, 2007)

Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy din sa pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng

mga teksto/sitwasyon ayon sa konteksto. Samakatuwid, saklaw nito ang kakayahan sa
pag-unawa ng mga salita at sa iba’t ibang antas ng diskurso mula salita hanggang sa
mga buong pangungusap at talata. Ang paglinang ng kakayahang diskorsal ay nakasalalay sa
patuloy na pagbabasa-basa, pagsusuro at pag-unawa sa binasa, paggamit ng materyales na tulad
ng diksyunaryo at tesawro, at matamang pakikinig sa kausap at pag-unawa sa mga salita batay sa
konteksto.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 30 of 36

Masasabi mo bang may taglay na kakayahang diskorsal ang isang taong
nagpahayag ng sumusunod?

“Pumunta ako sa palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo.
Isasama kita. Marami-rami rin ang kanyang kinain. Napaiyak ako sa palabas sa
telebisyon.”

Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahayag?
_____________________________________________________________________________________

Dalawang bagay na isinaalang-alang upang

malinang ang kakayahang diskorsal

Kohisyon Kohirens
(pagkakaisa) (pagkaka-ugnay ugnay)

Tumutukoy sa ugnayan ng Tumutukoy sa kaisahan ng lahat ng

kahulugan sa loob ng teksto. pahayag sa isang sentral na ideya.
(Halliday at Hassan, 1976)

Halimbawa: Halimbawa:

Maraming pagbabago sa pakikisama ni Tanya. Maraming pagbabago sa pakikisama ni Tanya.

Naging madalas na ang kanyang pagdalo sa Naging madalas na ang kanyang pagdalo sa
mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin
ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa
mga gawain. mga gawain. Si Tanya ay may asawa.

Masasabing may kohisyon ang mga ito Kung tutuusin, may kaugnayang leksikal
sapagkat may mga elementong nag- ang huling pahayag (Tanya  kanya
uugnay sa bawat pahayag. Tinatawag (ng)  niya  Tanya) sa lahat ng mga
naunang pahayag dito, kung gayon ay
itong cohesive links.
kohisib ito, subalit wala itong
Mula sa halimbawa sa itaas, ito ay ang kaisahan sa pinakatuon na mensahe
ng pahayag ang pagbabago sa
mga panghalip na ginamit upang iugnay
pakikitungo ni Tanya. Makikita, kung
sa pangngalang Tanya. gayon, ang kawalan ng kohirens sa
sitwasyong ito.
(Tanya  kanya(ng)  niya)

Relasyong Semantiko

Magara ang sasakyan. Politiko ang may-ari.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 31 of 36

Ang kohirens ay hindi talaga nag-eeksist sa
Kahit walang leksikal na kohisyon tulad wika kundi sa mga taong gumagamit nito (Yule,
ng sa una, may koneksyon pa rin ang 2003). Nakadepende ang pagkakaroon ng
kaisahan sa mga pahayag sa persepsyon ng
dalawang pahayag. Sinasabing ang
nakikinig o bumabasa ng diskurso. Sa
pagiging politiko ng may-ari ng sasakyan pagtinging ito, inaasahang ang pagdidiskurso ay
ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang maging maingat sa pagtatatag ng malinaw na
makabili ng ganoong klaseng sasakyan kaisahan ng kahulugan ng bawat niyang
(magarang sasakyan). Tinatawag naman pahayag sa isang sentral na ideyang tinatalakay
itong sematikong kohisyon. sa kanyang diskurso. Ito ay upang maging
madali ang paggagap ng nakikinig o bumabasa
sa kahulugan ng mga pahayag nito at hindi
magkaroon ng taliwas o ibang persepsyon ukol
sa pahayag.

PAGSASANAY/ GAWAIN
Panuto: Masusukat dito ang mahalagang pag-uugali na pagkakaroon ng kasanayan. Pahabain, ang mga
sumusunod na pangungusap . Dapat taglayin nito ang pagkakaroon ng kohirens at koshisyon. (10
pts./bilang) Ang iyong iskor ay maitatala sa ibaba.

1. Isa ang sining sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ang pagkain ng exotic food ay kinagigiliwan ng maraming Pilipino.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Nanghaharana ang mga binatang Pinoy.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Kinalakihan niya ang pagmamano.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Matulungin ang lahing Pilipino.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 32 of 36

PANGKALAHATANG PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay at pumili ng isang tiyak na sitwasyon pangwika na magsisilbng paksa
nito. (Halimbawa: Pagtuturo ng Matematika, Pag-uulat Panahon, Patalastas, Kampanyang Pampolitika,
isang Pagsesermon, Pag-uusap ng mga Drayber, Balitaktakan ng mga Babaeng Magkakapitbahay at iba pa
na maaari ninyong masusing maobserbahan.)
Tala:
 Ito dapat ay magtaglay ng kakayahang kohisyon at kohirens.
 Nagtataglay ng 150-200 na salita.

Pamantayan saPagmamarka:
Nilalaman : 50 %
Kaugnayan sa Larang: 30 %
Gramatika : 20 %

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 33 of 36

PAGLALAHAT
Panuto: Humanap/Gumawa ng dalawang (2) memes/quotes na maaaring ipanglarawan sa kakayahang
komunikatibo (lingguwistik, sosyolingguwistik, pragmatik at diskorsal). Ilagay ito sa espasyong binigay.
Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili/ginawa mong memes/quotes at ibigay ang kahalagahan ng
kakayahang komunikatibo sa iyong larang na kinabibilangan.

‘Wag kalimutan! Lagyan na lamang ng panipi ang pahayag (“”) at ilagay ang sanggunian kung saan
mo ito nakuha.

Kahalagahan ng Kakayahang Komunikatibo:

_____________________________________________________________________________

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 34 of 36

PANGKABUUANG GRADO SA PAGTATAYA:
Max.
Bilang ng Nakuhang Bahagdan
Bahagdan na %
Pagtataya Marka %
Marka
Gawain/ pagsasanay 1 25
Gawain/ pagsasanay 2 30
Gawain/ pagsasanay 3 50
Gawain/ pagsasanay 4 30% 40
Gawain/ pagsasanay 5 15
Gawain/ pagsasanay 6 40
Gawain/ pagsasanay 7 50
Pangkalahatang
50% 100
Pagtataya
Paglalahat 20% 100

Kabuuang % Grado

FIDBAK NG MAG-AARAL:

Lagyan ng tsek (/) ang kahon na naglalarawan

kung paano nakatulong sa iyo ang aralin sa
pagkamit ng nakatakdang kompitensi na
nakalaan para sa araling ito. Puna/ Komento/
Kompitensi
Nakamit Rekomendasyon
ngunit hindi Hindi
Nakamit
ganap na Nakamit
naunawaan
Natutukoy ang mga angkop na salita,
pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon
F11PN – IId – 89
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay
ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit
ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at
kultural sa Pilipinas
F11EP – IIf – 34
Napipili ang angkop na mga salita
at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin,
at grupong kinabibilangan
F11PS –IIe – 90
Nahihinuha ang layunin ng isang
kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita
F11WG- IIf – 88
Nabibigyang kahulugan ang mga
salitang ginamit sa talakayan
F11PT – IIe – 87

Legend: 4 (Labis na Sumasang-ayon) 3 (Sumasang-ayon)

2 (Hindi Sumasang-ayon) 1 (Labis na Hindi Sumasang-ayon)

Mga Pahayag 4 3 2 1
A. Nilalaman at Pagkakabuo ng Modyul
1. Malinaw ang inaasahang pagkatuto.
2. Ang mga gawain sa modyul ay mapapamahalaan.

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 35 of 36

3. Ang modyul ay ganap na organisado (hal. napapanahong access sa mga kagamitan, mga
abiso ng pagbabago, atbp.)
4. Pinahintulutan ako ng modyul na ipagpatuloy ang aking akademikong interes sa aking napiling
larang
5. Ang modyul ay may nakapupukaw na pangkaisipang pangnilalaman.
B. Student’s Contribution
1. Ako ay aktibong nakibahagi sa modyul.
2. Ako ay palaging dumadalo sa mga lecture session at modular schedules.
3. Ako ay may ganap na kahandaan para sa lecture sessions at modular schedules.
4. Ako ay ganap na nakapag-aambag sa lecture sessions at modular schedules.
5. Ako ay nakapagpasa ng mga gawain at iba pang rewkayrment sa tamang oras.
C. Pagtuturo at Pagkatuto
1. Mayroong mahusay na pagbabalanse ng pamamaraan sa pagkatuto at pagtuturo.
2. Ang instruktor/lektyurer ay palaging maagap at matulungin.
3. Ang instruktor/lektyurer ay nagpapakita ng kadalubhasaan sa asignaturang itinuturo.
4. Ang lengguwahe at pagkakalahad ng panuto/tagubilin ay husto at naaangkop.
5. Ang mga lektyur/aktibidad/worksyap/gawaing pagganap ay magkakaugnay.
D. Hanguan ng pagkatuto at Kalidad ng Pagkakalahad
1. Ang mga kagamitang pampakgkatuto ay napapanahon at kapakipakinabang.
2. Ang mga inirekomindang babasahin at probisyon ng hanguang modyular at elektronikong
pagkatuto ay sapat at nararapat.
3. Ang gamit ng hanguang elektronikong pagkatuto ay sapat at nararapat.
4. Ang pagpapaunlad sa pagkakalahad ng modyul ay naaangkop.
5. Ang mga ideya at konsepto ay nailahad ng malinaw.
E. Pagtataya
1. Ang dami at pagkakaiba-iba ng pagtataya ay makatuwiran.
2. Ang fidbak sa pagtataya ay nakatutulong at napapanahon.
3. Palagiang napapangasiwaan ang mga magkakaugnay na pagtataya
4. Ang pamantayan/rubrik/paraan ng pagmamarka na ginamit ay malinaw na nailahad.
5. Pantay ang paggagrado/pagmamarka sa pagkakaayos ng pagtataya.
F. Pangkalahatang Ebalwasyon: Sa pangkalahatan, ako ay nasiyahan/nalugod sa kalidad ng kurso.
G. Ano ang pinakanagustuhan mo sa modyul?

H. Ano ang hindi mo pinakanagustuhan sa modyul

Petsa ng
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
Paglagda

FIDBAK NG MAGULANG:
A. Ano-ano ang iyong napansin na mga positibong kontribusyon ng modyul na ito sa pag-unlad at pagkatuto ng mag-
aaral?

B. Ano-ano ang iyong komento at mungkahi para sa ikahuhusay ng modyul na ito?

Petsa ng
Pangalan at Lagda ng Magulang
Paglagda

FIDBAK NG GURO:

Petsa ng
Pangalan at Lagda ng Guro
Paglagda

‘Education is your life, Guard it well’ Proverbs 4:13 Page 36 of 36

You might also like