You are on page 1of 51

FILIPINO: Pagsulat sa

Piling Larangan
Ikatlong Markahang Pagsusulit
1. Ang PAGSULAT ay sumisibol sa diwa, pumipiglas
sa puso at umaalumpihit sa bawat pagkilos.
Ito’y isang malikhain at makapangyarihang
katas na bunga ng lungkot at tuwa, ng
kabiguan at tagumpay, at ng pagsuko at
pakikibaka.” Ito ay pagpapakahulugan ng
sinong kilalang awtor?
a. Edru Abraham c. Voltaire Villaueva
b. Patrocinio V. Villafuerte d. Joel Malabanan
2. Alin sa sumusunod ang pagpapakahulugang ibinigay ni Voltaire Villanueva sa
pagsulat?
a. Ang pagsulat ay makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan na wika ang
pangunahing sangkap sa
pagluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe ng anumang isusulat.
b. Ang pagsulat ay sumisibol sa diwa, pumipiglas sa puso at umaalumpihit sa
bawat pagkilos. Ito’y isang malikhain at makapangyarihang katas na bunga ng
lungkot at tuwa, ng kabiguan at tagumpay, at ng pagsuko at pakikibaka.
c. Ang pagsulat ay ang sistematiko at maestilong pagpapatalbog ng salita upang
maisyut ang adhika sa katuparan at tagumpay.
d. Ito ay malikhaing pagpapahayag ng tiyak na ideya at pananaw bunga ng
kinalamay na emosyon,
obserbasyon at paninindigan upang maging putahe na nanamnamin at
magreresulta dapat ng maigting na transpormasyon sa katauhan ng mambabasa.
3. Isa sa mga makrong kasanayan sa
pakikipagtalastasan ang pagsulat, at ang
__________ ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng
isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na
magiging mensahe sa ano mang isusulat.
a. talata b. pangungusap c. wika d. gramatika
4. Bakit sinasabing ang ISIP ang pinagmumulan ng
proseso ng kognisyon sa pagbuo ng isang sulatin?
a. sapagkat sa isip manggagaling ang mga angkop na
gramatika
b. sapagkat dito nagsisimula ang kabuuan ng pagsulat
c. sapagkat sa isip magmumula ang mga tititk ng
susulatin
d. sapagkat ito ang magluluwal ng mabungang
impormasyon sa gagawing pagsulat
5. Kailan masasabing akademiko ang isang sulatin?
a. kung ito ay pumapaksa sa iba’t ibang tema ng
pagsulat
b. kung ito ay may angkop na gamit ng wika
c. kung ito ay maingat at detalyado
d. kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o
larangan na maaaring interdisiplinari o
multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko,
pilosopikal, agham, humanistiko, at iba pa.
6. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa
ng paksang pang-Agham Panlipunan na isang
sulatin?
a.Paghahayupan c. Ekonomiks
b. Kasaysayan d. Arkeolohiya
7. Ano ang kalikasang taglay ng isang akademikong
sulatin?
a. Taglay nito ang pagiging mahirap na pagsulat.
b. Taglay nito ang kaingatan at piling salitang
gagamitin.
c.Taglay nitong manghikayat sa mambabasa.
d. Taglay nito ang maglaman ng samu’t saring
kaalaman.
8. Ang sumusunod ay mga layunin ng pagsulat,
MALIBAN sa..
a.manghingi c.makapanghikayat
b. magpasaya d.magbigay-kaalaman
9. Ano ang pinakamahalagang layunin ng
akademikong sulatin?
a. makapagbatid ng bagong kaaalaman
b. magpakilos at magpabago ng mga mambabasa
c. maipahayag ang intelektuwal na kasanayan sa
pagsulat
d. manghikayat ng mga mambabasa
10. Paano nakatutulong ang angkop na gamit ng gramatika sa
isang sulatin?
a. dahil dito ay mas nagiging pormal at makabuluhan ang
isang sulatin
b. dahil dito ay nagiging maayos ang buong daloy ng sulatin
c. dahil dito ay mas nauunawaan ng mga mambabasa ang
sulatin
d. dahil dito ay nagkakaroon nang malawakang pang-unawa
ang mambabasa sa kanyang binabasa
11. Anong yugto sa pagbuo ng akademikong sulatin
ang tumutukoy sa pagbabalik-tanaw at
pagkilala sa sarili kung ano ang mga
maaaring ilagay sa gagawing sulatin.
a. Pagrerebisa c. Pagbuo ng Unang Draft
b.Bago Sumulat d. Paglalathala
12. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng Pag-eedit at
Pagrerebisa?
a. Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikog
sulatin.
b. Pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri,
at panahon kung kailan sisimulan at matatapos ang akademikong
sulatin
c. Mula sa ginawang sariling pagtataya o ng iba, ay babaguhin,
aayusin, at pauunlarin ang akademikong sulatin
d. Mula sa ginawang proofreading maisasapinal ang akademikong
sulatin taglay ang tamang wika at nilalaman ang akademikong
sulatin.
13. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng proseso
ng pagsulat at mga bahagi nito?
a. Pareho ito ng kailangan sa pagsulat.
b. Nagkakaroon ng magaan at malinaw na takbo ng isang sulatin
kung may proseso at bahagi ang pagsulat
c. Nagiging daan ang proseso ng pagsulat upang mas maging
malinaw ang tunguhin ng mga bahagi ng isang sulatin.
d. Sa proseso ng pagsulat nakasalalay ang isang maayos na
bahagi ng pagsulat.
14. Sa anong bahagi ng sulatin sinasabing
kinakailangan na may mensaheng mag-iiwan sana
dapat ng kakintalan sa mga mambabasa?
a. Simula at Wakas
b. Wakas o Konklusyon
c. Simula at Wakas
d. Gitna o Katawan
15. Anong yugto sa pagbuo ng akademikong sulatin ang
tumutukoy sa pagtatakda ng paksa, paraan ng
pangangalap ng datos, pagsusuri, at panahon, kung
kailan sisimulan at matatapos ang akademikong sulatin?

a. pagpaplano b. pag-aayos c. drafting d. pagrerebisa


16. “Walang tao ang HINDI nakaranas ng kabiguan. Sa buhay natin
ay minsan na tayong nasaktan, umiyak at nagkaroon ng
kalungkutan, na ang sanhi marahil ay kabiguan. Sabi nga nila, ang
buhay ay tulad ng isang aklat na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Tama naman talaga, sapagkat sa araw-araw ng ating buhay, may iba-
ibang sitwasyon na kinakaharap ang tao.” Anong bahagi ng sulatin
ang ibinigay na halimbawa?

a. Panimula b. Katawan c. Wakas d. Tesis


17. Anong uri ng pagpapahayag ang naglalahad ng mga
pangyayari na madalas ay tapos na?

a. Pagsasalaysay
b. Paglalarawan
c. Paglalahad
d. Pangangatwiran
18. Alin sa sumusunod ang may uri ng pagpapahayag na paglalahad?
a. Nang nginitian niya ako, kakaibang pakiramdam ang aking nadama
nang mga oras na iyon, na tila ba gusto ko na lang na tumigil
pansamantala ang oras.
b. Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating
ito ang isang batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may
kaunting pribilehiyo sa buhay.
c. Hindi maaaring mangyari na ang wikang Koreano ay isa na rin sa mga
isasamang ituro sa mga pampublikong paaralan.
d. Siya ay maaasahan sa klase, responsible at mapagkakatiwalaan ng
kanyang mga guro. Hindi rin mababakas sa kanyang mga mukha ang
hirap ng buhay.
19. Sa anong proseso ng pagsulat gumagawa ng
balangkas ang isang manunulat?
a. pre-writing
b. actual writing
c. post-writing
d. Sa lahat puwede
20. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas kung paano
gumawa ng isang balangkas?
a. Base sa lohikal na pagkakaayos ng ideyang ginagawa sa
sintesis, hatiin ang mga ideya ayon sa kanilang paksa.
Maaaring magsimula sa tesis.
b. Bumuo ng tesis.
c. Basahin nang mabuti ang bawat sanggunian at lagumin
ang mga pangunahing ideya
d. Huwag susulat ng palimbag.
21. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng
akademikong sulatin?

a. Agenda
b. Panukalang Proyekto
c. Alamat
d. Katitikan ng Pulong
22. Bakit mainam na sa simula ng sulatin ay
nakakapukaw na ng atensyon ang manunulat?
a. upang maging inspirasyon ito sa mga mambabasa
b. upang magkaroon sila ng dahilan para magpatuloy sa
pagbabasa at/ o pakikinig sa sulating inilahad
c. upang gayahin nila ito kung sakaling susulat din ang
mga babasa o makikinig
d. upang ganahan din silang magsulat at magbahagi.
23. Ang _________ay nangangahulugang pagsasama-sama
ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan
sa isang sanaysay o presentasyon.

a. sintesis
b. balangkas
c. abstrak
d. agenda
24. Anong uri ng akademikong sulatin na maikling
lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu,
daloy ng kumperensiya, o anumang may lalim
na pagsusuri ng isang paksa o disiplina.
a. sintesis c. abstrak
b. balangkas d.agenda
25. Dito, kinakailangang maikli ngunit siksik sa
impormasyon at ideya ang isang talata o mga
pahayag.
a. Konklusyon
b. Lagom o Buod
c. Halaga ng Proyekto
d. Appendix
26. Ano-ano ang pagkakatulad ng Abstrak,
Sintesis, at Bionote?
a. pare-parehong nanghihikayat
b. pare-parehong lagom o buod lamang
c. pare-parehong inilalathala
d. pare-parehong sulatin
27. Kailan masasabing ang isang sulatin na
binabasa mo ay halimbawa ng isang
abstrak?
a. kung ito’y naglalaman ng buod ng isang pag-
aaral
b. kapag ito’y maikli, ngunit siksik sa impormasyon
c. kapag ito ay mapanghikayat
d. kapag ito ay maikli
28. Bakit ang highlights lamang sa buhay ng isang tao ang
isinusulat sa bionote at hindi ang kabuoang mga impormasyon
ukol dito?
a. dahil sa highlights lamang interasado ang mga tao
b. dahil ito ay bionote lamang, ibig sabihin, ito ay buod lamang
ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tao
c. dahil ito ang highlights lamang ang hinahanap at binabasa ng
tao
d. dahil hindi magkakasya sa isang papel kung lahat ng mga
impormasyon ng isang tao ay isusulat
29. Tala ito ng isang indibidwal , sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam,
isyu, usap-usapan, at iba pa.

a. abstrak b. sintesis c. buod d. bionote


30. Ano ang dalawang uri ng abstrak?

a. pormal at di-pormal
b. maikli at mahaba
c. pasulat at pasalita
d. impormatibo at deskriptibo
31. Ano ang tulong na naibibigay ng buod?
a. Nagiging madali na maunawaan ang ano mang mula sa
orihinal na pagkakasalin.
b. Nabibigyan nang paunang kaalaman ang mga
mambabasa ukol sa isang paksa.
c. Napapabilis ang ano mang kasanayan na tulad ng
pagbabasa, dahil kahit hindi na basahin mula sa
simula hanggang wakas ay kaya pa ring maunawaan
ito
d. Nagpapabilis lamag ito ng pagbabasa.
32. Isa sa mga dapat tandaan sa pagbubuod ay
kinakailangang gumamit ng..

a. unang panauhan c. ikatlong panauhan


b. ikalawang panauhan d. ikaapat na
panauhan
33. Nagmula ito sa salitang Griyego na syntithenai na ang
ibig sabihin sabihin sa Ingles ay “Put together” o
“combine”.

a. Abstrak b. Sintesis c. Bionote d. Buod


34. Alin sa sumusunod ang nagpapakahulugan sa abstrak bilang
akademikong sulatin?
a. Bahagi ito ng pananaliksik o pag-aaral na naglalaman ng iba’t
ibang impormasyon.
b. Mula ito sa salitang Latin na “Abstractus” na
nangangahulugang “drawn away” o “extract from”.
c. Nagmula ito sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig
sabihin sabihin sa Ingles ay “Put together” o “combine”.
d. Buod ito ng isang ano mang sulatin na naglalayong
manghikayat.
35. Anong uri ng talumpati ang isinusulat muna at
isinasaulo bago bigkasin?
a. Impromptu
b. Extempore
c. Pagbasa ng Papel
d. Isinaulo
36. Alin sa sumusunod na sulatin ang kakikitaan ng uri ng
pagpapahayag na pangangatwiran?

a. Talaarawan
b. Talumpati
c. Abstrak
d. Dyornal
37. Anong akademikong sulatin ang buod ng isang
libro at ng iba’t ibang akda o sulatin?

a. Abstrak
b. Sintesis
c. Bionote
d. Talumpati
38. Ang _____________ ay pagpapahayag ng mga
kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng
madla. Ang layunin nito ay humikayat, magbahagi ng
katotohanan, mangatwiran, at magbigay-kaalaman o
impormasyon.
a. Drama
b. Komedya
c. Talumpati
d. Debate
39. Alin sa sumusunod ang HIGIT na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng
talumpati at posisyong papel bilang akademikong sulatin?
a. Ang talumpati ay maikli lamang, habang ang posisyong papel ay
mahaba ang pagkakasulat.
b. Ang talumpati ay binibigkas lamang, habang ang posisyng papel ay
isinusulat at binibigkas din.
c. Ang talumpati ay impormatibo, habang ang posisyong papel ay hindi.
d. Ang talumpati ay maaaring pumanig sa dalawang bagay o
pagkakataon, habang ang posisyong papel ay may isa lamang na
pinaninindigan
40. Bakit mahalaga ang ugnayan ng panimula,
katawan, at wakas sa isang sulatin?
a. upang maging maging malinaw ang tunguhin ng
isang sulatin
b. upang maging maganda ang sulatin
c. upang masabing sumusunod ang isang manunulat
sa tamang proseo
d. upang masabing may alam ka sa pagsulat
41. Talaan ito ng mga pag-uusapan sa isang pormal na
pulong, upang bigyan ng impormasyon ang mga
taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga
usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon.

a. Agenda c. Korespondensiya
b. Katitikan ng Pulong d. Paksang-Sulatin
42.Bakit mahalaga na magkaroon ng agenda?
a. upang may gabay sa mga mapag-uusapan sa gagawing
pulong
b. upang bigyan ng impormasyon ang mga taong
kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga
usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon.
c. upang masabing pormal ang magiging pulong
d. upang magkaroon ng maayos na daloy ang pulong
43. Ano ang ugnayan o pagkakatulad ng agenda at
katitikan ng pulong?
a. pareho itong kailangan at ginagamit sa pulong
b. pareho itong sipi sa pulong
c. parehong isinusulat
d. parehong maaaring ibahagi sa iba
44. Kailan kinakailangang ihanda ang isang
agenda?
a.bago dumating ang araw ng pulong
b. isang buwan matapos ang pulong
c. habang nagpupulong at pagkatapos nito
d. kinabukasan matapos ang pulong
45. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa bahagi isang
agenda?
a. mga paksang pag-uusapan
b. pangalan ng mga taong kasangkot sa pulong
c. mga ilang paalala ng punong-tagapagpulong
d. haba ng oras ng pagpupulong at kabuoang tala
46. Ito ay nagsisilbing lagom sa mahalagang tinalakay. Mahalaga
ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga
usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula
sa pagpupulong na naganap na.

a. Agenda
b.Katitikan ng Pulong
c. Korespondesiya
d.Panukalang Proyekto
47. Kailan maaaring isulat ang katitikan ng pulong?

a. bago dumating ang araw ng pulong


b. isang buwan matapos ang pulong
c. habang nagpupulong at pagkatapos nito
d. kinabukasan matapos ang pulong
48. Alin sa sumusunod ang HIGIT na silbi ng katitikan ng
pulong?
a. Mas napapabilis ang pulong kapag mayroong katitikan.
b. Magiging batayan ito ng mga paksang pag-uusapan sa
susunod
c. Magiging gabay ito para sa hinaharap. Dito kasi nakasaad
ang mga bagay na napag-usapan noong nakaraan, at
mababalikan ito sa pamamagitan ng katitikan ng pulong
d. Nagsisilbi itong talaan at sipi ng mga nagpulong
49. Aling bahagi ng katitikan ng pulong ang sinasabing
impormatibo?

a. ang lugar kung saan ginanap ang pulong


b. ang petsa, oras, at araw ng naging pulong
c. ang mga talaan ng pangalan na kasangkot sa pulong
d. ang mga impormasyon mula sa iba’t ibang paksa na
napag-usapan
50. Bakit ang katitikan ng pulong ay tinuturing
din na halimbawa ng akademikong sulatin?
a. sapagkat ito ay pormal at impormatibo
b. sapagkat ginagamit ito sa iba’t ibang larangan
c. sapagkat kapaki-pakinabang ito para sa lahat
d. sapagkat uri din ito ng isang sulatin

You might also like