You are on page 1of 6

UNANG MARKAHANG PAGTATAYA

FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa SAGUTANG PAPEL na nakalaan. Iwasan ang
Pagbubura.
1. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang manunulat?
A. May kaalaman sa wika upang matukoy ang tiyak na tema na gagamitin sa isang sulatin
B. May kaalaman sa pagbabasa ng isang akademikong sulatin na likha ng isang malikot na imahinasyon.
C. May kaalaman at kasanayan sa paghahabi ng isang sulatin na nakabatay sa sariling karanasan at opinyon.
D. May kasanayang pampag-iiisip sa pag-aanalisa ng datos at kaalaman sa mga wastong pamamaraan ng pagsulat at
paghabi ng buong sulatin.
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Malikhaing Pagsulat?
A. Iskrip ng teleserye, musika, komiks
B. Pelikula, dula narativ report
C. Editorial, tesis, maikling kuwento
D. Lesson plan, balita, sanggunian
3. Ano ang kahulugan ng akademikong sulatin?
A. Ito ay isang pormal sa sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyon
B. Ito ay isang pormal na sulating ginagamitan ng mataas na pamamaraan ng kasanayan sa pagsulat at nagtataglay ng
prosesong dapat taglayin
C. Ito ay tumutukoy ng kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat at pag-aaral
D. Ito ay tumutukoy sa mga pag-aaral sa may kaugnay sa mga praktikal at teknikal na Gawain ng isang manunulat
4. Ang sinposis ay isang akademikong sulatin sapagkat:
A. Ito ay naglalayong magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.
B. Ito ay isang lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa naratibo tulad ng kuwento, nobela, at iba pang anyo
ng panitikan.
C. Ito ay bunubuo ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap.
D. Ito ay naglalayong makatulong upang madaling maunawaan ang diwa ng isang akda lalo na kung payak ang salitang
ginagamit.
5. Ang bionote ay isang akademikong sulatin sapagkat:
A. Ito ay nagpapakilala sa sarili sa pamamagitan ng pagbanggit ng personal na impormasyon
B. Ito ay isang lagom sa ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
C. Ito ay isang tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career.
D. Ito ay naglalaman ng sariling karanasan ng isang manunulat.
6. Ang abstrak ay isang akademikong sulatin sapagkat:
A. Ito ay may layuning magpabatid, mang-aliw at manghikayat.
B. Ito ay isang uri ng pormal na sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyon na ginagamitan ng matataas na
pamamaraan ng kasanayan sa pagsulat.
C. Ito ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel pananaliksik na naisumite
sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
D. Ito ay kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng manuskrito, ngunit itinuturing ito na may sapat nang impormasyon
kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili.
7. Bilang isang mag-aaral, naatasan ka ng iyong guro na sumulat ng isang abstrak. Aling elemento ng pagsulat ng abstrak
ang dapat mong unahin isulat?
A. Metodolihiya B. Pamagat C. Panimula D. Sanggunian
8. Sa pagsulat ang isang abstrak, ano ang unang hakbang na gagawin sa pagsulat?
A. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
B. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap at dapat siguradong walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
C. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
D. Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng mga papel.
9. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat taglayin ng isang akademikong sulatin?
A. Subhetibo, Wika, Obhetibo
B. Pormal, Obhetibo, May kalinawan
C. May pananagutan, May kawilihan, May paninindigan
D. May kinalaman, May panunungkulan, May pangangailangan
10. Isa sa pangunahing pangangailangan na gawain sa Filipino sa Piling Larang bilang disiplina ang pagbubuod o pagsulat
ng synopsis. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng sinopsis o buod.
i. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.
ii. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
iii. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
iv. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat.
v. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.
vi. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito ng hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na buod.
A. v, ii, i, iii, v, iv B. v, ii, iii, iv, i, vi C. v, ii, iv, iii, i, iv D. ii, v, iv, vi, iii, i
11. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting manunulat.
A. Pagiging pormal sa paglalahad ng pambabatikos.
B. Pagsaalang-alang sa paksa, layunin at mga salitang gagamitin upang maging mabisa ang paglalahad ng isang
sulatin.
C. Paggamit ng mga salita na madaling unawain.
D. Pagiging lantaran sa mga sensitibong usapin.
12. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa akademikong sulatin?
A. May masalimuot na proseso ngunit may maaasahang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa pagsulat.
B. Ito ay nakabatay lamang sa mga sulatin na may kaugnayan sa akademiko lalo na sa paaralan.
C. Hindi na kailangan pag-aralan dahil madali lang itong matututunan.
D. Mahalagang matutunan upang maging maayos, makabuluhan, nakakaangat sa pagsulat bilang tugon sa mahigpit na
kompetisyon sa larangan ng edukasyon at trabaho.
13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng akademikong sulatin?
A. Picture Essay, Sintesis, Teleserye
B. Nobela, Dula, Minutes of Meeting
C. Talumpati, Bionote, Panukalang Proyekto
D. Iskrip, Pabula, Maikling Kuwento
14. Paano mabisang ipinahayag ni Mabelin (2012) ang kahulugan ng pagsulat?
A. Ang pagsulat ay isang likhang-isip na ginagamitan ng masusing pag-aaral.
B. Ang pamamagitan ng pagsulat ang kaalamang kanyang naibahagi ay mananatiling kaalaman.
C. Ang pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa
layunin ng taong sumusulat.
D. Ang pagssuulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon.
15. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng dyornalistik na pagsulat?
A. Dula, Sanggunian, medical report
B. Balita, tula, editorial
C. Artikulo, lathalain, balita
D. Nobela, awit, korido
16. Natapos mo na ang iyong tesis at handa ka nang ipagtanggol ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Magensayo ka para sa iyong depensa
B. Hindi kana mag eensayo dahil sa palagay mo ay handa ka na
C. Mag tanong ka sa iyon mga kaibigan kung ano ang kanilang mga tanong sayo para mapaghandaan mo ng sagutin.
D. Mag umpisa kang aralin muli ang iyong proyekto
17. Napansin ng iyong guro na may ilang mal isa iyong akademikong papel. Ano ang iyong gagawin?
A. Tanggapin ang mga puna at itama ang mga pagkakamali
B. Tanggapin ang mga puna at sabihin sa iyong guro na tama ang iyong papel
C. Hindi mo na papansinin ang mga puna ng iyong guro at gagawin mo nalang ulit ito
D. Magalit ka sa iyong guro dahil sa mga puna

18. Sa pag gawa ng isang akademikong papel ano ang pinakamahalagang bagay na kailangan mong tandan?
A. Ang iyong papel ay dapat weel-researched at well-written.
B. Ang iyong papel ay dapat hindi ganoon kahaba
C. Ang iyong papel ay dapat hindi kumplikado
D. Ang iyong papel ay dapat magpakita ng iyong opinyon lamang
19. Hinihilingan ka na magsulat ng bionote para sa isang panaunahing tagapagsalita sa isang kumperensya. Ano ang iyong
unang hakbang na gagawin?
A. Isulat ang bionote batay sa kung ano ang tingin mo tungkol sa tao
B. Makipag-ugnayan sa tagapagsalita o gumawa ng pananaliksik upang makakuha ng tmpak at kaugnay na
impormasyon
C. Isulat ang isang mahabang bionote na naglalarawan ng bawat aspeto ng kanilang buhay
D. Isulat sa isang maikling bionote,kabilang lamang ang kanilang pangalan, kasalukuyang trabaho at mga nakamit sa
buhay.
20. Ikaw ay naatasang magsulat ng talumpati para sa isang espesyal na okasyon. Ano ang iyong unang hakbang na
gagawin?
A. Mag isip ng mga ilalagay na iyong isusulat na talumpati
B. Aalamin muna ang detalye ng okasyon at ang iyong audience para maging angkop ang iyong talumpati
C. Maghanap ka ng talumpati sa internet at ito ang gagamitin mo
D. Hihilingin mo na lang sa iba na magsulat para sayo

Goodluck and God Bless!

Ma’am Hani😉
FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
IKALAWANG MARKAHANG PAGTATAYA

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa SAGUTANG PAPEL na nakalaan.
1. Base sa iyong mga natutuhan bilang mag-aaral ng akademiko, ano ang nilalaman ng isang adyenda?
A. Ang adyenda ay talaan ng mga bagay na dapat isaalang-alang o maisakatuparan.
B. Ang adyenda ay naglalaman ng mga plano o layunin na maaaring gumabay sa isang tao para makamit ang nais na
kahahantungan lalo na sa isang pagpupulong.
C. Ang adyenda ay tumutukoy sa mga bagay na dapat pag-usapan at pagtuunan ng pansin.
D. Ang adyenda ay naglalaman ng mga larawan ng mga lugar na napuntahan.
2. Ang pag-aaral ng mga akademikong sulatin ay isa mga kompetensi sa Filipino sa Piling Larang. Ang pagsulat ng adyenda
ay isa rito. Bilang isang mag-aaral bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat ng adyenda?
A. Sapagkat ito ay naglalaman ng mga isyu na dapat pag-usapan, nagbibigay ng katuturan at kaayusan ng daloy ng
pulong, at naiiwasan ang pagtalakay ng mga usaping wala sa adyenda.
B. Sapagkat ang adyenda ay nagbibigay ng pagkakataong tantyahin ang oras na gagamitin sa pagtala kay ng mga
isyung dapat pag-usapan.
C. Ang adyenda ay nagtatala ng mga balangkas ng mga isyung pag-uusapan.
D. Ang adyenda ay naglalaman ng listahan ng mga taong dumalo at hindi dumalo sa pagpupulong.
3. Si Marvin ang inihalal bilang tagapangulo ng Sangguniang Kabataan. Nais niyang magpatawag ng pulong para sa
myembro ng Sangguniang kabataan ngunit kailangan niya munang magsulat ng adyenda. Ano ang unang hakbang ng
kanyang gagawin sa pagsusulat ng adyenda?
A. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin.
B. Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo
C. Magkaroon ng isang memo ng magkakaroon ng isang pulong
D. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento.
4. Si Teresa ay kalihim ng isang organisasyong naglalayong tumulong sa pangangalaga sa kalikasan. Isa sa kanyang
gawain ay ang pagsulat ng katitikan ng pulong. Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Heading, Pangalan ng mga miyembro, Action Items, Iskedyul ng susunod na pulong, Pagtatapos, Lagda
B. Oras ng Pulong, Pangalan ng mga miyembro, Katawan, Iskedyul ng susunod na pulong, Pagtatapos,
Rekomendasyon
C. Abstrak, Introduksyon, Katawan, Konklusyon, Rekomendasyon
D. Abstark, Pangalan ng mga miyembro, Introduksiyon, Katawan, Konklusiyon, Lagda
5. Ano ang pagkakaiba ng adyenda sa katitikan ng pulong?
A. Ang adyenda at katitikan ng pulong ay parehong mahalaga sa pagpupulong.
B. Ang adyenda ay naglalaman ng mga paksang tatalakayin sa pulong samantalang ang katitikan ng pulong ay
dokumentong ginagamit upang itala ang pinag-usapan sa isang pagpupulong.
C. Ang adyenda ay unang inihahanda bago ang pagpupulong samantalng ang katitikan ng pulong ay naglalagom ng
tinalakay sa pagpupulong.
D. Ang adyenda ay walang kinalaman sa pagsusulat ng isang katitikan ng pulong.
6. Sa paggawa ng isang Panukalang proyekto, bakit kailangang isaalang-alang ang pagiging makakatotohanan nito?
A. Sapagkat kung ang panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa proyekto ay hindi ito
maaaring payagan o sang-ayunan na maaaring magdulot ito ng maling pag-iisip para sa iba o maging sanhi pa ng
pagkawala ng tiwala sa nagpanukala.
B. Sapagkat ang panukalang proyekto ay makakatulong sa pagpapatibay ng mga napagusapang sa isang pagpupulong
na ginanap.
C. Kung ang ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting kapakanan ng lahat, tiyak na agaran itong sasang-
ayunan.
D. Ang panukalang proyekto ay para sa kabutihan ng lahat, hindi lamang pansarili o ng iilang tao.
7. Paano mo ipapaliwanag ang kahulugan ng panukalang proyekto?
A. Mahalaga ang mainam na pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito binabase ang ideya na minsan ay umaabot sa
milyon-milyong salapi
B. Ito ay isang dokumento na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor
na kadalasang ang pakay ng proyekto ay solusyon para sa mga iba’t ibang oportunidad o problema ng ating bayan.
C. Ang panukalang proyekto ay ang paglalagom ng mga proyektong dapat pag-usapan at nangangailangan ng pansin
ng mga opisyal ng gobyerno.
D. Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya
na naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa komunidad.
8. Nakatala sa ibaba ang limang pangunahing bahagi ng panukalang proyekto. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga
bahagi nito.
i. Kahalagahan ng Panukala
ii. Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
iii. Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gawain
iv. Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng Panukala
v. Badyet para sa Proyekto
A. iv, ii, iii, v, i B. i, iii, v, ii, iv C. iv, iii, ii, v, i D. iv, iii, v, ii, i
9. Alin sa mga sumusunod ang taglay na elemento ng isang Labay-Sanaysay?
A. Kaisipan, Larawan ng Buhay, Panauhan
B. Tema, Anyo at Istruktura, Kaisipan
C. Larawan, Sanggunian, talambuhay
D. Wika at Istilo, Balangkas, Ritmo
10. Nais ni Andrew na pumunta sa isang makasaysayang lugar sa Ilocos Sur upang maisulat niya ng may kabuluhan ang
kanyang takdang aralin na Pagsulat ng isang Lakbay-Sanaysay. Ano ang unang hakbang na kanyang dapat gawin sa
kanyang paglalakbay at pagsulat ng Lakbay-Sanaysay?
A. Kumuha ng mga larawan na nagpapakita ng mga magagandang tanawin papunta sa lugar na pupuntahan.
B. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag
gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag
gamit ang mga malikhaing elemento.
C. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-
aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal ng
lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
D. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang
internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
11. Paano mabisang ipinahayag ni Dinty W. Moore ang Lakbay-Sanaysay?
A. Ang lakbay-sanaysay ay sanaysay na nagpapakita ng opinyon ng isang sumulat ukol sa mga bagay na kanyang
nakikita at naoobserbahan.
B. Kanyang ipinaliwanag na bilang manunulat kailangang maintindihang lubos ang mga paksa at ang mga damdamin
ukol sa sinusulat, at mga kulturang kinalakihan.
C. Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding Travel Essay o Travelogue.
D. Ayon sa kanya, kahit hindi ka naglalakbay, may natural na pasimula ng iyong pag-alis, natural na nasa kalagitnaan at
ang katapusan ng paglalakbay. Sa madaling sabi ang imahinasyon ng isang mambabasa ay naglalakbay mula sa
natural na paglalahad gamit ang lakbay-sanaysay.
12. Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu. Bilang isang mag-
aaral, paano mo sisimulan ang pagsulat ng isang replektbong sanaysay?
A. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay sinisimulan sa paglalakbay at pagsulat ng mga obserbasyon na kanyang
nakita, naranasan at naramdaman.
B. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay sinisimulan sa pagbibigay-halaga sa maigting na damdamin sa mga
pangyayari na naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
C. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay sisimulan sa pag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa na kung saan ay
inilalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya
rito
D. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay sisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain na
maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.
13. Paano mabisang ipinaliwanag ng mga eksperto ang kahulugan ng replektibong Sanaysay?
A. Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral na may kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan.
B. Ang replektibong sanaysay ay issang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit
ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.
C. Ang replektibong sanaysay ay isang sanaysay na nagsasalaysay ng mga pangyayaring naranasan ng isang
manunulat sa kanyang ginawang paglalakbay.
D. Ang replektibong sanaysay ay isang akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao,
lipunan, at mga isyu o paksa.
14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa sanaysay?
A. Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kuwento at
nobela.
B. Walang kabuluhan ang paksa na tinatalakay ng isang sanaysay.
C. Parehong may introduksiyon, katawan at wakas ang sanaysay.
D. Ang sanaysay ay isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng
pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o
damdamin.

15. Bilang isang mag-aaral, mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan o
pagbuo muna ng paninindigan. Sa pagbuo ng posisyong papel, ano ang unang hakbang na iyong dapat gawin?
A. Magsagawa ng paunang pananaliksik
B. Pagpili ng paksa batay sa interes.
C. Pagsulat ng tema
D. Magsagawa ng paunang pananaliksik
16. Ano ang layunin ng posisyong papel?
A. Magbigay ng isang opinyon hinggil sa mga napapanahong isyu sa lipunan.
B. Naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at
iba pang mga larangan.
C. Mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong patungkol sa batas, akademiya,
politika, at iba pang mga larangan..
D. Paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o
sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.
17. Alin sa mga sumusunod ang ilang katangian ng larawang sanaysay?
A. Malinaw na Paksa, Pokus, Orihinalidad
B. Tema, Ritmo, Kaisipan
C. Lohikal na Estruktura, Kawilihan, Balangkas
D. Balangkas, Komposisyon, Larawan
18. Takdang aralin ninyo sa Filipino ang pagsulat ng larawang sanaysay. Ano ang unang bagay na dapat na isaalang-alang
sa pagsulat nito?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
C. Siguraduhin ang kaisahan ng mga diwa ayon sa tema, wika, istruktura, at panauhan.
D. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
19. Bilang isang manunulat, mahalaga na malaman ang Etika sa pagsulat ng akademikong sulatin. Alin sa mga sumusunod
ang halimbawa ng paglabag sa Etika ng Pananaliksik?
A. Pag-angkin sa gawa, produkto o gawa ng iba, Pagpapakalat o paglalabas ng mga personal o datos ng mga
mananaliksik ukol sa ginawang datos, Pagbabago ng datos kapag taliwas ang resulta ng datos
B. Hindi paglalagay ng citation o pangalan ng may akda sa papel pananaliksik, Pagkampi sa kabilang panig ng
kinapanayam na sumagot sa natirang datos, Pagiging matapat sa bawat pahayag o datos.
C. Pangongopya ng reserts ng iba, Paglalagay ng citation, Pagpaparaphrase at summarize
D. Pagiging matapat sa bawat pahayag o datos, Paglalagay ng citation, Pagpaparaphrase at summarize
20. Paano ipinaliwanag ng Elcomblus blog ang larawang sanaysay?
A. Ito ang sanaysay na mas maikli kumpara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kuwento.
B. Tinatawag na pictorial essay o photo essay sa englis.
C. Pagsasalaysay na maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling
teksto o caption
D. Ito a tinipong larawan sa isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
isang konsepto.

You might also like