You are on page 1of 3

Name:____________________________________________________Score:_______________

1. Ito ay ang akdang tuluyang naglalahad ng opinyon, pananaw, palagay, kuro-kuro tungkol sa isang
paksa.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. tula d. dula
2. Tinatawag ding impersonal ang ganitong uri ng sanaysay. Siksik sa mga mahahalagang impormasyon
sa lohikal na pagkakaayos ng kaisipan tungo sa ikalilinaw ng paksa.
a. pormal b. di-pormal c. tuluyan d. patula
3. Sa pagbuo/pagsulat ng sanaysay, ano ang katangiang dapat taglayin ng isang mananalaysay?
a. maalam sa paksang kaniyang isinusulat
b. maraming kakilalang tanyag na manunulat
c. may sariling kakayahan sa pagbuo ng isang maanyo at palagayan ng sulatin
d. may kaalaman sa mga matalinghaga at matayutay na pananalita
4. Masasabing katotohanan ang isang pahayag kung ______________.
a. sinusuportahan ng pinagkunan c. nagbabago at maaaring mapasubalian
b. saloobin o damdamin d. batay sa obserbasyon
5. Lahat ay katangian ng pantulong na kaisipan maliban sa isa.
a. mga detalye na gagabay sa mga mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng talata
b. ito ang bumubuhay sa esensya ng pangunahing ideya
c. tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan
d. diwa ng buong talata
6. Uri ito ng sanaysay na may layuning sanaysay ay libangin ang mambabasa, ang pananalita ay parang
usapan lamang ng magkakaibigan at pumapanig sa damdamin ng mambabasa.
a. pormal b. di-pormal c. tuluyan d. patula
7. Bahagi ng sanaysay na ipinaliliwanag o pinatutunayan ang paksa.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian
8. Alin ang hindi kabilang sa halimbawa ng sanaysay?
a. talumpati b. debate c. alamat d. editoryal
9. Dito inilalahad ang paglalagom o kongklusyon na madalas ay naglalaman ng pagbubuod ng paksa o
maaaring mag-iwan ng mapanghamong tanong sa bumabasa.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian
10. Ang bahagi ng sanaysay na humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa ng akda.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian

II. Tukuyin ang mga pangungusap kung Katotohanan o Opinyon. Isulat sa inyong sagutang papel.
11. Ang sobrang lapit na panonood sa telebisyon ay nakasisira ng mata.
12. Mas maganda laruin ang Mobile Legends kaysa DOTA.
13. Gusto ko ang tinapay na binebenta sa tindahan.
14. Isa sa kailangan ng ating katawan para panlaban sa COVID-19 ay bitamina C.
15. Wala pa ring makatatalo sa sarap ng softdrinks.
Narito ang mga hakbang sa pananaliksik:
1. Pagpili ng Paksa: Sa pagpili ng paksang susulatin unang bagay na dapat mong
isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikawala,
kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik; at ang huli, ang
pagpili sa paksa na may sapat na malilikom na datos.

Halimbawa:
Paksa: Kulturang Pilipino
2. Paglilimita ng Paksa: Mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang
hindi ito masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon, sakop ng
edad, sakop ng kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo/uri, at
sakop ng perspektiba.

Halimbawa:
Nalimitang Paksa: Ang Kultura ng mga Teduray sa Upi, Maguindanao
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi: Sumunod na gawin ang
paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi. Tandaan ang paghahanda nito ay isang
patuloy na proseso.

Ang bibliyograpi o talasanggunian ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga


aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang materyal maging
ang Internet. Siguraduhing ang mga aklat o impormasyong isasama sa talaan ay may
kaugnayan sa paksang tinatalakay. Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang
mga aklat o artikulong nasa talaan. Subalit, mahalagang basahin ito nang pahapyaw
upang matiyak ang kaugnayan nito sa paksa. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-
alang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpi.
●pangalan ng awtor
●pamagat ng kaniyang isinulat
●impormasyon ukol sa pagkakalathala
●mga naglimbag
●lugar at taon ng pagkakalimbag
●pamagat ng aklat
●ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman
Halimbawa:
Ailene G. Baisa-Julian, et. al., Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 2014, 135-137
4. Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas: Ang pagbabalangkas ay isinagawa upang
maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula
pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas kailangang isulat ang pangunahing ideya o
pinakabuod ng pananaliksik na isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na
ideya. Sumunod na
8
tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya: kung ito ba’y kronolohikal o
ayon sa lugar at saka isaayos ang pormat.

Halimbawa:
Kultura ng mga Teduray sa Upi, Maguindanao
I. Kaugalian
A. Pamamanhikan
B. Kasal
C. Panganganak
D. Pagtanggap sa bisita
II. Sining
A. Panitikan
B. Musika
C. Sayaw
III. Paniniwala
A. Pamahiin
B. Ritwal

5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas (Final Outline): Dito na susuriing mabuti


ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay bang
kailangang baguhin o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto at detalye.

6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft: Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga


kard ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Kailangang
ang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin ng katawan na kababasahan ng
pinalawig na balangkas at ng iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng
iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

7. Pagrerebisa: Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang


mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag gawing madalian ang
pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang
makaalpas na mali. Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbabaybay, kaangkupan ng
pagkakagamit ng mga salita, gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga
pangungusap.

8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito: Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang


sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na
ibinigay ng guro. Tandaang bago ipasa ang pinal na gawa,
repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa kaya’t kailangang pagbutihin ang
pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.

You might also like