You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR


Paksa: Social Awareness Campaign Quarter 3 Wk.8, LAS 3
Mga Layunin: a. Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social
awareness campaign (F8WG-IIIi-j-34).
b. Natutukoy ang iba’t ibang estratehiya sa pagsasagawa ng social awareness campaign.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa Mag-aaral, MELCS
Nilalaman

1. Paggamit ng salawikain/kasabihang makikita sa poster


Halimbawa:
• “Sumunod ka sa konsensya mo, ngunit gamitin mo rin ang utak mo.”
• “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan.”
2. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at langkapan)
a. Payak – may isang diwa at binubuo ng simuno at panaguri
b. Tambalan – binubuo ng dalawang kaisipan na pinag-uugnay ng mga pangatnig na: at, o, ngunit,
habang, samantala, o pero
c. Hugnayan- binubuo ng sugnay na makapag-iisa at hindi makapag-iisa
d. Langkapan – binubuo ng isa o higit pang sugnay na makapag-iisa
3. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
a. Paturol/Pasalaysay – pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay
b. Pautos – pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa tuldok (.)
c. Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
d. Patanong – pangugusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot
4. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin ng mga mambabasa
Halimbawa: a. Huwag magpauna sa takot…
5. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo
Halimbawa: Paggamit ng balloon upang maipahayag ang damdamin ng pagkatakot at babala

Gawain: Alamin Mo

Panuto: Pumili ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) mula sa mga napanood,
napakinggan o nabasang balita mula sa multimedia tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan o internet at tukuyin
ang mga ginamit na komunikatibong pahayag dito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

PAHAYAG KOMUNIKATIBONG PAHAYAG

Halimbawa. “Lingapin ang kapaligiran nang dengue Paggamit ng salawikain/kasabihan


ay maiwasan.”

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like