You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________Taon/Pangkat: __________________Iskor:__________

Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 8

Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR


Paksa: Popular na Babasahin Quarter 3 Wk.2, LAS 2
Mga Layunin: a. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30).
b. Nauunawaan ang iba’t ibang uri ng impormal na komunikasyon.
Sanggunian: Guimare, Aida. 2018.Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino. Sampaloc,
Maynila: Rex Book Store, Inc. at Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa Mag-aaral, MELCS

Impormal na Komunikasyon
Nilalaman

Maraming salita ang iyong nababasa o napapakinggan araw-araw na ginagamit sa impormal na


komunikasyon. Ito ay maaaring mapabilang sa balbal (salitang kalye o imbento), kolokyal (mga pinaikli o
pagpapaikli ng salita) o banyaga (salita mula sa ibang wika).

1. Balbal- Ang salitang pabalbal o balbal ay katulad din ng kolokyal na di-pormal. Ngunit, ito ay tinatawag
nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang
salitang Filipino o salitang banyaga
Halimbawa:
 syota – kasintahan
 datung – pera
 todas – patay
2. Kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
3. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa ibang wika.
Halimbawa: tisay, tisoy, tsimay, tsimoy, orig, sikyo

Gawain: WikaLiksik
Panuto: Magsaliksik ng tatlong (3) balbal, kolokyal, at banyagang salitang patok o gamitin sa mundo ng social
media/multimedia. Isa-isang ibigay ang kahulugan ng mga ito batay sa pagkakagamit sa iba’t ibang sitwasyon.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

A. Balbal
Salita Kahulugan Sitwasyon
1.
2.
3.

B. Kolokyal
Salita Kahulugan Sitwasyon
1.
2.
3.

C. Banyaga
Salita Kahulugan Sitwasyon
1.
2.
3.

You might also like