You are on page 1of 7

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

LEARNING ACTIVITY # 1
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: _______________________________________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: WIKA, IBA IBA!


LEARNING TARGETS: a. mapaghambing ang kahulugan ng barayti at baryasyon ng wika
REFERENCE(S) Barayti at Baryasyon ng Wika
(Title, Author, Pages)

Pambungad na GAWAIN:
Bumuo ng mga salita buhat sa mga unang letra ng salitang “WIKA” at bigyang pakuhulugan
ang mga salitang ito ayon sa pagkakaunawa mo sa kahulugan at kahalagahan ng WIKA.

LETRA SALITA KAHULUGAN/KAHALAGAHAN

Baryasyon
 Ang iba’t ibang manipestasyon ng wika.
 Ang baryasyon ay ang pagkakaiba sa pagbigkas, grammar o pagpili ng salita sa loob ng
wika.
 Ang baryasyon sa wika ay maaaring may kaugnayan sa rehiyon, sa uring sosyal at/o sa
uri ng edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng isang sitwasyon na pinaggamitan ng wika
( Richards, Plaatt aat Platt,1992)

Barayti
 Set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong distribusyon. Maliit na grupo ng
pormal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal.
 Tinutukoy nito ang iba’t ibang barayti ng wika na ginagamit ng iba’t ibang bansa na
mula sa iba’t ibang pamilya ng wika.
 Maaari namang tinutukoy nito ang ibat ibang uri ng wika sa loob ng isang bansa na
nabibilang sa isang pamilya at ginagamit ng iba’t ibang linggwistikong grupo.

GAWAIN: Lumikha ng Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakahalintulad at


pagkakaiba ng barayti at baryasyon. Magbigay ng mga uri at halimbawa.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
LEARNING ACTIVITY # 2
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE: JANUARY 25- FEBRUARY 5, 2021
SUBJECT: BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA__________________
PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:
 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: ANO NA BA ANG VARAYTI NG WIKANG FILIPINO?


LEARNING TARGETS: a. maipaghambing ang mga varayti ng wika sa Pilipinas
b. makapagtala ng mga halimbawa ng varayti ng wika sa Pilipinas
REFERENCE(S) Varayti at Varyasyon ng Wika
(Title, Author, Pages)

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti
ng wika.
Nagbigay si Catford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika.
 Permanente - para sa mga tagapagsalita/ tagabasa
a. Dayalekto
 Batay ang dayalekto sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
 Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang
sosyal.
Maihahalimbawa rito ang mga dayalekto ng Tagalog na ayon sa iba’t ibang
lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-
Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog- Rizal at Tagalog-Palawan.
b. Idyolek
 ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
 Maaaring idyosinkratiko ang mga tanda ng idyolek tulad ng paggamit ng
partikular na bokabularyo nang madalas
 Ayon kay pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang
taong may sapat na gulang.
 Pansamantala - dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Ang
pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika.
a. Register
 ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa nito ay: sayantipikong register, panrelihiyong register, pang-
akademikong register at iba pa.
b. Mode
 ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring
formal, kolokyal at intemêt o personal ang estilo.
c. Estilo
 ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng
pasalita o pasulat.
 Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa
pamamagitan ng:
a.) mga taong bumubuo rito
b.) pakikipagkomunikasyon ng tao
c.) interaksyon ng mga tao
d.) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao
e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

GAWAIN – Magtala ng mga halimbawa ng (dayalekto, idyolek, register, mode, estilo). Limang
halimbawa sa bawat uri ng varayti.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
LEARNING ACTIVITY # 3
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE: JANUARY 25- FEBRUARY 5, 2021
SUBJECT: BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA__________________
PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:
 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: MGA TEORYA AT PANANAW SA VARAYTI NG WIKA


LEARNING TARGETS: a. makapagsulat ng sariling kathang maikiling kwento gamit ang mga
teorya ng wika
REFERENCE(S) Varayti at Varyasyon ng Wika
(Title, Author, Pages)

SOSYOLINGGWISTIKONG TEORYA
 batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at pang-indibidwal ang speech
 Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na hindi matutupad
ang mga relasyong sosyal kung wala ito.
 Ayon kay Saussure (1915), hindi kumpleto ang wika sa sinumang indibidwal o nagsasalita,
nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat.

Paraan ng paghahalo ng mga varayti ng wika:


a. code switching o palit koda
o sap alit koda gumagamit ang isang nagsasalita ng iba’t ibang varayti ayon sa
sitwasyon o okasyon.
o Mababanggit ang mga usapan ng mga kabataan ngayon na nag-aaral sa mga
kolehiyo:
 “O, how sungit naman our teacher in Filipino.”
 “Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?”
 “It’s so hard naman to make pila-pila here.”
o .” Ito ang tinatawag na conversational code switching kung saan ang
nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa iisang pangungusap. Dito
naghahalo ang Ingles at Filipino.
o Mayroon ding palit-koda na sitwasyonal o depende ang pagbabago ng code sa
pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita.
 ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Baguio mula sa
pakikipag-usap niya sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila,
Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galing Ilokos.
Ginagamit niya ang mga wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa
bus.
b. Panghihiram
o Sa paraang ito, hinihiram ang isang salita o higit pa mula sa isang varayti tungo
sa isa pang varayti dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng
nagsasalita.
o Lexical borrowing.
 pangalan ng pagkain na narito ngayon sa bansa na may kulturang
dala mula sa pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger,
pizza, taco, french fries; mga salitang dala ng pagbabago sa
teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette, fax, internet, e-mail at
iba pa.
Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o ang
pagkakaroon ng iba’t ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang
anyong ito. Nadadagdag pa sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o
komunidad na gumagamit ng naturang wika.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
TEORYANG AKOMODASYON (Accommodation Theory)
Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence
at linguistic divergence.

 Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng


tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang
pakikiisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging
kabilang sa grupo.
 Sa linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o
ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

Bahagi rin ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference phenomenon at interlanguage


na nakafokus sa mga wikang kasangkot. Ipinapakita ang pagkakaroon ng interference sa pagbuo ng
mga varayti ng Filipino.

 Interference phenomenon
 halimbawa ng Cebuano-Filipino na kapapansinan ng di-paggamit ng reduplikasyon o
pag-uulit ng pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling ako sa pagturo ng Filipino.)
 Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping “mag”- kahit na dapat gamitin
ng “um”- sa dahilang walang um- na panlapi sa Sebwano. Halimbawa: ‘Magkain na
tayo’ sa halip na ‘Kumain na tayo’.
 Interlanguage - ang tinatawag na grammar o istruktura (mental grammar)
 Halimbawa nito ang paglalagay natin ng mga panlapi sa mga salitang Ingles kahit na ito
ay wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng
presidentiable, boarder, bed spacer, malling.
 “Turung-turo na ako”, “Sayaw na sayaw na ako na”

GAWAIN – Magsulat ng sariling kathang maikling kwento gamit ang mga Teorya ng Varayti ng
Wika. Lagyan ng highlight ang mga salita at pangungusap na ginamit sa kwento. Isulat sa ibaba
at tukuyin ang teoryang umiral dito.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
LEARNING ACTIVITY # 4
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE: _______________________
SUBJECT: BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA__________________
PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:
 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: BARAYTI NG WIKA


LEARNING TARGETS: a. mapaghambing ang mga barayti ng wika
REFERENCE(S) Varayti at Varyasyon ng Wika

SOCIAL DIALECT o SOSYOLEK


 Ito ay pansamantalang barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo o
speech communities.
 Kadalasan, ang barayti na ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko,
edukasyon, trabaho, edad at kasarian ng indibidwal o grupo na gumagamit ng naturang
salita.
o Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
o Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
o Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng
gelpren mo)
o Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
o May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
DAYALEK
 Ito ay barayati ng wika na nalilikha mula sa dimensiyong heograpiko. Halimbawa rito
ang mga salitang gamit ng mga tao sa isang partikular na rehiyon o lalawigan.
 Meron tatlong uri ng DAYALEK: Dayalek na Heograpiko (batay sa espasyo); Dayalek
na Temporal (batay sa panahon); at Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan).
o Tagalog = Bakit?
o Batangas = Bakit ga?
o Bataan = Baki ah?
o Ilocos = Bakit ngay?
o Pangasinan = Bakit ei?
ETNOLEK
 Ito ay barayati ng wika na nadebelop na mula sa salita ng mga etnolinggwistang grupo.
 Dahil sa pagkakaroon ng mga pangkat-etniko mula sa iba’t ibang parte ng bansa,
sumibol ang iba’t ibang uri ng ETNOLEK. Taglay ng barayati na ito ang mga wikang
naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
o Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
o Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
o Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
o Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
o Kalipay – tuwa, ligaya, saya
EKOLEK
 Ito ay barayati ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.
 Madalas itong ginagamit ng mga bata o mga nakakatanda, malimit sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan at pag-uusap.
o Palikuran – banyo o kubeta
o Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
o Pamingganan – lalagyan ng plato
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

o Pappy – ama/tatay
o Mumsy – nanay/ina
REGISTER
 Ito ay barayati ng wika batay sa katayuan sa lipunan o partikular na grupong
kinabibilangan. Ito ay tumutukoy rin sa mga ispesipikong salita ayon sa hinihingi ng
sitwasyon.
 Ito ay may tatlong uri ng dimensyon: Field o larangan; Mode o modo; Tenor o relasyon
ng mga nag-uusap
o Mga salitang jejemon
o Mga salitang binabaliktad
o Mga salitang ginagamit sa teks
o Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

JARGON
 Ito ay barayati ng wika na tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng isang grupo na
kadalasan ay walang gamit sa labas ng kontekstong kinabibilangan nito.
Halimbawa:
o Medical Jargon (BP o blood pressure, FX o bone fracture, JT o joint, NPO o nothing
by mouth, IM o intramuscular)
o UV Express Drivers’ Jargon o Code (Osang o area malapit sa Pegasus, Oscar Kilo o
OK, Tango o tao/pasahero, Sniper o traffic enforcer, Apat na letra o MMDA, Harry
Potter o Highway Patrol)
o Military Jargon (AWOL o Absence without leave)
o Political Jargon (Kaliwa o Leftist groups, Kanan o Right-wing groups, SONA o State
of the Nation Address)
o Activism Jargon (Kas o Kasama, Tibak o aktibista, ARAK o Araling Aktibista, ND o
national democratic movement, ED o educational discussion, KR o karelasyon)
o Internet Jargon (slapsoil o hampaslupa, BTW o by the way, FAQ o Frequently Asked
Questions, ROFL o Rolling on the floor laughing
LINGUA FRANCA o COMMON LANGUAGE
 Ito ay barayati ng wika na pangunahing ginagamit sa isang lugar na may magkakaibang
unang wika.
 Sa konsepto ng LINGUA FRANCA nakabatay ang Filipino bilang wikang pambansa.
 Ayon sa UP propesor na si Pamela Constantino, “naging posible ito dahil sa tatlong
pangunahing bagay na komon sa mga Filipino: pagkakahawig ng mga wika ng Filipinas
at komon na katawagan sa mga bagay; karanasang pangkalakalan (Tsino) at kolonyal
(Espanyol, Amerikano, Hapon) mula sa banyaga; at pag-unlad ng gamit ng Pilipino
(batay sa Tagalog) mula sa pagpapalaganap dito ng mass media at mga eskwelahan.”
PIDGIN
 Ito ay barayati ng wikang produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng
dalawang magkaibang tao hanggang sila ay makabuo ng isang wika.
 Wala itong pormal na istraktura.
o Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
o Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
o Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
o Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan
kita ng diskawnt.)
o Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas
ang iyong grado.)
CREOLE
 Ito ay barayati ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar.
 Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong
Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang
Annobonese).
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
o Mi nombre – Ang pangalan ko +639209796252 / jheviline220813@gmail.com

o Di donde lugar to? – Taga saan ka?


o Buenas dias – Magandang umaga
o Buenas tardes – magandang hapon
o Buenas noches – Magandang gabi
IDYOLEK
 Ito ay barayati ng wika kung saan ang bawat indibidwal ay may sariling istilo ng
pamamahayag o pananalita na naiiba, gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit
ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
o “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
o “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
o “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
o “Hoy Gising!” ni Ted Failon
o “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
o “I shall return” ni Douglas MacArthur

BALBAL
 Ito ay barayati ng wika na hindi ginagamit sa pormal na pananalita. Ito ay binubuo ng
isang partikular na grupo sa lipunan upang magkaroon ng sariling identidad
 Tinatawag din itong slang, salitang kanto o salitang kalye.
o Parak, lespu (pulis)
o Epal (mapapel, papansin)
o Erpat/Ermat (Tatay/Nanay)
o Iskapo (Takas)
o Juding (Binababae, bakla)
KOLOKYAL
 Ito ay barayati ng wika kung saan ginagamit ang mga salita sa mga impormal na
pagkakataon o ordinaryong pag-uusap. Pinapaikli rito ang isa, dalawa o higit pang
salita.
 Kadalasang pinagsasama rin dito ang wikang Ingles at Filipino.
o Meron (Mayroon)
o Kamo (Wika mo)
o Ayaw ko (Ayoko)
TABOO
 Ito ay barayati ng wika na gumagamit ng mga pananalita o pahayag na ipinagbabawal o
tinuturing na labag sa mga moralidad ng lipunan o kaya ng relihiyon; tulad ng
pagmumura, droga, seks, mga salitang bastos o kaya’y pribado.
o Kant*t, e*t, iy*t
o Shabu, joint, bato
o put*******
o Pokpok o puta
EUPEMISMO
 Ito ay barayati ng wika na ipinapalit sa mga salitang pinagbabawal o taboo
o Ipinagbabawal na gamot (droga)
o Pagtatalik (k*nt*t, seks)
o Sex worker (pokpok, puta)

GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Bakit sinasabing dinamiko ang wika?
2. Ibigay ang mga barayti ng wika sa Pilipinas at ipaliwanag ito. Saan ka dito kabilang?
3. Ano ano ang mga tungkulin ng Wika?
4. Ano ano ang mga sanhi sa pagkakaroon ng barayti ng wika?

GAWAIN 2: Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga barayti ng wika maliban sa mga
nakatala sa itaas. Bawat isang barayti ang bigyan ng tatlong (3) halimbawa.

You might also like