You are on page 1of 4

PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Atate, Palayan City

SHEET NG PAMPAKATUTONG GAWAIN

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Katanungan
Ano ang kahulugan ng lingguwistikong komunidad?

Sagot 

Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang


grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayiti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipiko o
tukoy na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.

Nagkakasundo ang mga bahagi ng komunidad na ito sa kahulugan ng wika at sa interpretasyon nito,
maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito. Sa Pilpinas, matatagpuan ang maraming lingguwistikong
komunidad.

Halimbawa nito ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas. Kasama rin sa pag-aaral ng lingguwistikong
komunidad ay ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at
ang makabagong teknolohiya.

Klasipikasyon ng Linggwistikong Komunidad:

a.Homogenous = ay binubuo ng mga miyembrong kabilang sa at nagkakasundo sa iisang koda


na sila lamang ang nagkakaunawaan.

a.1 : Monolingguwal o nakakapagsalita o nakakaintindi ng iisang wika lamang.

b.Heterogenous = ay yaong mga miyembrong ay tuwirang ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa
lipunan.

b.1 : Bilingguwal o paggamit ng dalawang wika ( Tagalog at Ilokano )


b.2: Multilingguwalismo ay ang kaalaman o paggamit ng higit sa isang wika ng isang indibidwal o isang
kumunidad.

BARYASYON NG WIKA:

Pag-aaral ng relasyon ng wika sa lipunan at kung paano ito ginagamit ng mga tao sa isang
konstekstong panglipunan.
 Dimensyong Heyograpikal ay tumutukoy sa lokasyong kinalalagyang ng mga taong
gumagamit ng wika kaya nagkakaroon ito ng iba’t ibang wika ang mga naninirahan
dito.
 Dimensyong Sosyal ay tumutukoy at nagaganap sa baryasyon sa pagitan ng mga
indibidwal na kabilang sa ibat;ibang grupong panlipulan,
 Dimensyong Kontekstuwal ay ang barsyasyon na nagaganap sa pagitan ng mga
indibidwal na kabilang sa iba’t ibang grupong panglipunan. Ang konstekstuwal ay
nagaganap sa loob ng isang indibidwal.

BARAYTI ng WIKA

Tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita sa lipunan ng


isang tao o grupo ng mga taong gumagamit nito. Kadalasan nakikita ito sa pagbigkas ng
intonasyon,estilo,pagbuo ng mga pangungusao at bokabularyo.

Mga Barayti ng WIKA:

1. Idyolek =Ito ay ang paggamit ng wika sa sariling paraan ng iisang indibidwal na yunik o
pekulyar sa kaniya. Kabilang ditto ang ginagamit na bokabularyo,gramatika at pagbigkas.

2. Diyalektro = Nalilinang ito mula sa rehiyong kinabibilangan ng isang tao.Ito ay nabubuo


san a ugnayan ng mga taong nasa loob ng partikular na lokasyon.
Hal. Tagalog sa ibat ibang panig ng Luzon

3. Sosyolek = barayti ng wika na ginagamit ng isnag particular na societal strata o grupo ng


iba’t ibang uri o klasipaikasyon ng mamamayan sa lipunan.
Hal. Wika ng mga dukha , wika ng middle class at Mayaman

REGISTER NG WIKA

Ang register ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa isang
ispesipikong larangan o disiplina. Ang mga tao o grupong ito ay gumagamit ng jargon o
mga teknikal na salita.

1. Field = tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan. Ang paksa ng diskurso ay


maaaring hinggil sa mga teknikal na gamit ng mga salita.
Halimbawa : Virus, operation at hardware

2. Tenor of Discourse = tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang relasyon ng mga
taong nag-uusap sa isang sitwasyon.
Halimbawa : pakikipag-usap sa kasing edad o gulang ay naiiba sa pakikipauisap sa kanila.

3. Mode of Discourse = tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga


tagapagsalita- pasulat o pasalita. Sa pasulat madalas ay pormal ang mga salitang
ginagamit.
Halimbawa ; Sariling paraan ng pagsasalita
PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Atate, Palayan City

SHEET NG PAMPAKATUTONG GAWAIN

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


MODYUL 3 : Wika at mga Konseptong Pangwika

Pangalan :_______________________________________________Petsa:_________________________
Pangkat at Baitang:_______________________________________ Iskor :__________________________

Panuto: Punan ang patlang ng m ga tamang sagot upang mabuo ang diwang isinasaad sa bawat bilang.

1. Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa_________________ na tumutukoy sa isang


grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayiti ng wika.

2. Ang _____________ng wika ay tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri


ng pananalita sa lipunan ng isang tao o grupo ng mga taong gumagamit nito.

3. Ang register ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa isang ________
larangan o disiplina.

4. Ang ___________ ay paggamit ng wika sa sariling paraan ng iisang indibidwal na yunik o


pekulyar sa kaniya.

5. Tenor of Discourse tumutukoy sa kung sino ang ________at ano ang __________ ng mga taong
nag-uusap sa isang sitwasyon

II. Ibigay ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita.


1. Homogeneous 6. Idyolek
2. Heterogeneous 7.Diyalekto
3. Monolingguwal 8.Sosyolek
4. Bilingguwalismo 9.Tenor of Discourse
5. Multilingguwalismo 10.Mode of Discourse

III. Gumawa ng isang sanaysay mula sa tanong na ito. ( Limang hanggang sampung pangungusap)
a.Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung magkakatulad ang paraan ng pagsasalita ng
lahat ng tao?

IV. Takdang Aralin:

a.Gumawa ng isang Islorawan o islogan na may larawan na tumatalakay sa pagpapasalamat,


pagpapahalaga sa tungkulin ng isang guro. Ipo-post nyo ito inyong FB account , Itag sa akin at
gumamit ng #mahalkoangguroko ,#happyteacherday at #teacherfrontliner.
b.Pananaliksik: Narito ang mga panuto
1.Mag screen shoot ng lima (5) mga usapan ng grupo ng mga tao sa social media, messenger,
twitter at iba pang SOCMED platform.

2. Kilalanin kung anong pangkat sila nabibilang at anong barayti ng wika ang ginamit nila sa pag-
uusap o palitan ng mga salita sa group chat/ chat box.

3.Magkaroon din ng komparatibong analisis o pagsusuri sa mga tao/grupo ng mga taong


kasangkot sa usapan gamit ang talahanayan.

TALAHANAYAN NG PAGSUSURI NG BARAYTI NG WIKA

Mga tao/grupo Paksang pina- Paraan ng Ano ang Ano ang nakita
ng taong uusapan pakikipag-usap : maibibigay na mong
kasangkot sa Pormal o di sintisis na may pagkakatulad at
usapan Pormal? Bakit? kaugnay sa pagkakaiba sa
barayti ng wika? paraan ng pag-
uusap ng mga
taong kasangkot
sa usapan?

a.Magkakaibigan/
magbabarkada

b.Propesyunal
:guro,pulis at iba
pa

c.May Tiyak na
grupo:Cosplayer,
rapper, COC at
iba pa

d.Magkamag-
anak/magka-
pamilya

e.Mga taong
hindi magkakilala

You might also like