You are on page 1of 25

SYLVIA P.

JACOB
Guro
1. Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pang-komunikasyon
sa telebisyon. F11Ib-86
2. Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan.
F11PS-Ib-86
3. Nagagamit ang kaalaman sa
modernong teknolohiya sa pag-
unawa sa mga konseptong
pangwika. F11EP-Ic-30
“Ang wikang ginagamit ay
sumasalamin sa buong katauhan
ng isang tao at sa kung paano niya
nakikita ang mundo.”
-Cantillo, L.
 Isang pangkat ng mga taong
nagkakaunawaan sa layunin at estilo ng
kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang
sila lamang ang nakakaalam. (William
Labov)
 Itoay komunidad ng mga taong kabilang
sa isang patakaran at pamantayan ng
isang barayti ng wika. (Dell Hymes)
 Itoay grupo ng mga taong kabilang sa
paggamit ng isa o higit pang mga barayti
ng wika. (Harriet Joseph Ottenheimer)
 Ito ay binubuo ng mga miyembong kabilang at
nagkakasundo sa iisang koda na sila lamang ang
nagkakaunawaan. At ang kodang kanilang
ginagamit ay kumakatawan sa kanilang pagiging
yunik sa ibang pangkat. (Ferdinand de Saussure)
 Ito ay binubo ng mga miyembrong may tuwirang ugnayan
sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan.
Ang wika ay heterogenous din sapagkat nagtataglay o
binubuo ito ng iba’t ibang elemento batay sa isang
lingguwistikong komunidad.
1. Dimensyong Heyograpikal
Nagkakaroon ng baryasyon ng wika
dahil sa lokasyong kinalalagyan ng
mga taong gumagamit nito.
2. Dimensyong Sosyal
Nagkakaroon ng baryasyon ng wika dahil sa
pagkakalapit ng distansya ng mga taong may iba’t
ibang interes, gawain, hanapbuhay, at estado sa
buhay.
3. Dimensyong Kontekstuwal
Ito ay nagaganap sa loob ng isang indibidwal dahil sa
sitwasyon o kontekstong kinasasangkutan.
 Tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o
uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit
nito.
 Paggamit ng wika sa sariling paraan ng isang
indibidwal na yunik o pekulyar sa kaniya.
 Nalilinang mula sa rehiyong kinabibilangan ng isang
tao.
 Mayroong higit na 400 na dayalekto sa Pilipinas.
 Ginagamit ng isang partikular na societal strata o
grupo ng iba’t-ibang uri o klasipikasyon ng
mamamayan sa lipunan.
 Tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong
nasa ispesipikong larangan o disiplina
1. Field of Discourse
 Tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan.
2. Tenor of Discourse
 Tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang
relasyon ng mga taong nag-uusap sa isang
sitwasyon.
3. Mode of Discourse
 Tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang
mga tagapagsalita- pasulat o pasalita.
1. Sagutin ang mga gawain sa Modyul 3.
2. Pumili sa mga sumusunod na investigative
documentaries at panoorin ito.
a. Mahal Ko ang Aking Wika: Gay Lingo, Bakla
Bolaryo, Conyo Talk, Kanto Speak at Sociolect (GMA)
b. Cheche Lazaro Presents: Ang Wika Ko (ABS-
CBN)
c. Jejemon and the Filipino Languages (GMA)
d. Jeproks to Jejemon: How the Filipino
Languages Evolves

Pagkatapos panoorin ang dokyumentaryong napili.


Gumawa ng isang poster-slogan hinggil sa iyong
natutunan.
Pamantayan:
Nilalaman: 10
Pagkamalikhain: 10
Pagka-orihinal: 10
Kabuuan: 30

Isumite ang picture ng iyong poster-slogan sa shared


drive sa Oktubre 4, 2021.
“ Ang
pagkakaiba ay
pampalasa sa
ating buhay.”

You might also like