You are on page 1of 40

KABANATA 1:

 Ang Wika sa Tech-


Voc
Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga
sulating teknikal-bokasyunal, napakahalagang
malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa
kalikasan ng wika at ang mga batayang konseptong
may kaugnayan dito. Hindi maitatangging wika ang
magsisilbing sandata ng mga mag-aaral upang
makabuo ng mga sulating may kinalaman sa
kanilang piniling larangan at espesyalisasayon.
Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa
sa wika tungo sa angkop at wastong pagbuo at
pagpapakahulugan sa mga babasahing ihahain sa
mga mag-aaral. Pasulat man o pasalitang paraan,
ang wastong paggamit ng wika ang isa sa mga
pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging
epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang
indibidwal.
 Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing
isinulat ng mga guro at mag-aaral ng wika.
Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng
wika sa piniling larangan ng mga mag-aaral,
gayundin upang maunawaan ang iba’t ibang
jargon nito.
 Bukod pa rito, may kalakip na babasahing
tumatalakay sa rehistro ng pagluluto, gayundin
sa rehistro ng wika ng mga mananahi. Kaugnay
nito, inaasahang makasusulat at makasusuri din
ang mga mag-aaral sa hinaharap ng mga
katulad na sulating may kaugnayan sa kani-
kaniyang larangan.
 Panimulang Pagsusulit
 I. TAMA O MALI: Isulat ang tama kung wasto
ang pangungusap at mali kung hindi.
 1. Lahat ng tao ay may idyolek.
 2. Lahat ng tao ay may sosyolek.
 3. Lahat ng tao ay may dayalek.
 4. Ang varayti ng wika ay naaayon sa kasarian ng
isang tao.
 5. Ang Sapir-Whorf Hypothesis ay tumatalakay
sa pagkakaroon ng isoglos.
 II. IDENTIPIKASYON. Tukuyin ang hinihingi ng
mga sumusunod na katanungan.

 6 -9. Magbigay ng apat sa pitong sanhi sa


pagkakaroon ng varayti ng wika
 10. Ibigay ang palatandaan na nagkakaroon ng
dayalek ang isang wika.
 11-12. Ito ang dalawang dimensiyon sa pagkakaroon
ng baryabilidad ng wika, ayon kay Joshua Fishman.
 13. Magbigay ng halimbawa ng salitang nabuo dahil
sa panlapiasyon.
 14. Magbigay ng halimbawa ng salitang hiniram.
 15. Magbigay ng halimbawa ng salitang may code-
switching.
 16. Ano ang ibig sabihin ng linunaw?
 17. Ano ang ibig sabihin ng tinalbog?
 18. varayti ng wika na sanhi ng panlipunang
papel na ginagampanan ng tagapagsalita
 19. Magbigay ng isang uri ng tela.
 20. Proseso sa pagtatahi na pansamantalang
nilalagyan ng tahi at inaalis pagkatapos
malilip ang tupi.
Mga sagot:

 I. TAMA O MALI
 1. Tama
 2. Tama
 3. Tama
 4. Tama
 5. Mali
 II. IDENTIPIKASYON
 6 -9. Alinman sa heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring
panlipunan, edad, kasarian, kaligirang etniko
 10. isogloss
 11 – 12. Dayalek at sosyolek
 13. Iba-iba ang sagot
 14. Iba’t iba ang sagot
 15. Iba-iba ang sagot
 16. dinurog sa sabaw
 17. pagluluto ng tira-tirang inihaw na isda na nilagyan ng
sabaw at gulay
 18. Register
 19. basiste, bird’s eye, brocade, calico, crepe, msulin, katya,
organdy, percale, satin, kuldoroy, tetaron, jorjet, chorded
lace
 20. Paghihibana
Pagganyak

 1. Kumustahin ang mga mag-aaral mula sa


kanilang pagbabakasyon. Itanong ang
sumusunod:

 Ano/ano-ano ang ginawa ninyo noong


nakaraang bakasyon? Tumulong ka ba sa
pamilya?
Gawain 1

 Ipagawa sa mag-aaral ang sumusunod:


 1. Mag-isip ng tatlong salita na ginagamit mo
kasama ang a) pamilya; b) kaibigan; at c)
kaklase.
 2. Isulat ito sa piraso ng papel at sabihin kung
ano ang ibig sabihin ng mga salita. Gamitin
ang Word map.
Word Mapping

kapamilya kaklase kaibigan

Wika

1 1 1
2 2 2
3 3 3
4 4 4
5 5 5
Sagutin ang mga tanong:
Batay sa ginawang word map.
 1. Ano ang terminong tumutukoy sa
indibidwal na paggamit ng wika?
 2. Ano-ano ang nalaman ninyo tungkol sa
paggamit ng wika ng inyong kamag-aral?
 3. Kung ihahambing mo ang sariling
karanasan sa paggamit ng wika sa ibang
kamag-aral, ano-ano kaya ang sanhi ng
pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika?

Elemento ng wika

 Takdang –aralin :
 Ipaliwanag na ang mga elemento ng isang wika-
Pangkatang pag-uulat
 I.masistemang balangkas,
 II.sinasalitang tunog,
 III.arbitraryo,
 IV. tao,
 V. komunikasyon.

 Mahalagang bigyang-diin ang papel ng tao sa


paggamit ng wika.
Paglalahad : Concept Map
Bigyan ng sariling kahulugan

Ano ang naiisip ninyo


kapag binabasa o
naririnig ang salitang
varayti?
Paglalapat
Iugnay ang konsepto ng
varayti sa wika. Ipaliwanag
ang kahulugan ng wika ayon
kay Henry Gleason. Aniya,
ang wika ay “isang
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na
isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng
tao para sa komunikasyon”.
Idyolek

 ang bawat tao ay may kani-kaniyang


paggamit ng wika.

 Ang idyolek ay indibidwal na paggamit ng


wika. halimbawa ang mga kilalang tao sa
inyong partikular na lugar, gaya ng kapitan ng
barangay, konsehal, kaibigan, kaklase, guro,
at iba pa.
Varayti ng wika
 IDYOLEK
pansariling wika
 DAYALEK
wikang ginagamit sa partikular na lugar
 SOSYOLEK
nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng
isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang
ginagalawan — mahirap o mayaman; may pinag-aralan o
walang pinag-aralan; ang kasarian
 ETNOLEK
nadedebelop mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo
 EKOLEK
kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay
 1. VARAYTI NG WIKA
 2. “Alinmang sistema ng linggwistikong
pagpapahayag na ang gamit ay
pinamamahalaan ng mga sitwasyunal na
varyabol, gaya ng rehiyunal, okupasyunal, o
salik na panlipunan

 "Istandard na Filipino" ay isang varayti ng


Filipino sa kadahilanang binigyang-anyo ito ng
salik na panlipunan.
 Bigyan natin ng halimbawa ang isang damit, na
maaaring maluma.

 Ang magkakaibang anyo ng magkatulad na


damit na isinusuot ng tao ay ang varayti. Sa
ibang salita, ang lahat ng varayti ay may
magkatulad na damit, kulay, laki o sukat atbp.
subalit nagkakasya ito sa anumang paraan,
pagkakaroon nito ng ispesipikong anyo, kahit na
ito ay magkatulad na damit. Sa katunayan, may
rehiyunal, sosyal, midyum o varayti ng gawi
atbp.
 Ito ay ang katulad na damit na may iba’t ibang
anyo. Ito ay depende sa taong nagbibigay-hugis
sa particular nitong hugis!

 Kapag napag-uusapan ang ukol sa dayalek,


tinutukoy nito ang “varayti ng wika kung saan
ang gamit ng gramatika at vokabularyo ay
tumutukoy sa rehiyunal o kaligirang sosyal ng
gumagamit .Sa katunayan, ang dayalek ay isang
varayti na naimpluwensyahan ng heograpiko o
sosyal na konteksto.
 Wikang pidgin - Ito ay isang wikang may
markadong kabawasan ng istrakturang gramatikal,
leksikon, at istaylistikong lawak.

 Ang katutubong wikang di-pag-aari ninuman, ito


ay nagaganap kapag ang miyembro ng dalawang
mutual na komunidad ng nagsasalita ay
nagtangkang makipagkomunikeyt, magkaminsan
tinatawag itong, “a trade language


 Isa pang varayti ng wika ang "creole" kailangan
nating malaman na ito ay isang “pidgin
language” na naging pangunahing wika ng isang
komunidad ng nagsasalita”.

 Sumibol ito sa pamamagitan ng kontak sa


pagitan ng mga ispiker ng mga iba’t ibang wika
(Mc Arthur 1996). Nangyari ito sa mga teritoryo
gaya ng sa Amerika, Asya at Afrika.
 Maraming varayti ng mga wika, teksto , diskurso.

 Ang mga varayting ito ay kinundisyon ng mga


pangkat ng mga nagsasalita ayon sa rehiyon
(dayalek),
 klase (sosyolek),

 at okupasyon/ hanapbuhay (rejister).

 Ang pag-unawa sa teksto at diskurso, mula sa


konbersasyon, mula sa liham tungo sa
hayperteksto, ay nangangailangan ng modelo ng
gampanin ng wika na may dekalidad ng katangian.
 Ang mga uri ng varayti ay makikilala sa pamamagitan ng mga
salik na panlipunan na gumaganyak dito:

 Diyalekto
 sosyolek
 at rejister

 Diyalekto: rehiyunal na varayti

 Sociolect: varayti na naimpluwensyahan ng kaligirang sosyal ng


ispiker (profession, age, ethnic group, sex, education atbp.).
Halimbawa: jargon (e.g. espesyal na bokabularyong ginagamit
ng mga linggwista)

 Rejister: varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak na


sitwasyon ng pagsasalita (salik na nakakaimpluwensya sa pagpili
ng isang ispesipikong rejister ay ang mga: paksa, relasyon sa
pagitan ng interlokyutor at midyum (pasulat at pasalitang wika).
 Wika: Isang koleksyon ng mga diyalekto o
varayti (na nagkakatulad ng anyo)

 Diyalekto- Isang varayti ng wika na kaiba sa


ilang salita, gramatika, at/o pagbigkas sa ibang
anyo ng magkatulad na wika.

 Diyalekto ay mga katangian ng panlipunang


pangkat. May mga heograpikal, sosyal, etniko,
kasarian, at edad/gulang na diyalekto.
Pagganyak : Panonood ng
Video
1.Ano-ano pa ng ibang
varayti ng wika ang
nadagdagan sa inyong
kaalaman?

2. Ano- ano ang mga


ginagamit ninyong varayti
ng wika sa araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Kilalanin mo…
 Rejister na wika

 varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak


na sitwasyon ng pagsasalita (salik na
nakakaimpluwensya sa pagpili ng isang
ispesipikong rejister ay ang mga: paksa,
relasyon sa pagitan ng interlokyutor at
midyum (pasulat at pasalitang wika)
 Bigyang-diin ang sumusunod na punto mula
sa babasahin.

 1.May pagkakaiba ang wika at dayalek



 Ang dayalek ay bahagi ng wika.

 Ang wika ay kinakailangang magkaroon ng


hindi bababa sa dalawang dayalek.

 Nagbabago-bago ang dayalek batay
heograpikal at sosyolohikal

 2. Maaaring dahil sa heograpikal na
kondisyon ng isang bahagi ng bansang
Pilipinas ang pagkakaroon ng dayalek.

 Magkaiba ang pananalita ng Tagalog sa
Batangas at sa Bulacan.

 Sa Batangas, ginagamit ang ga na kung


tutumbasan sa Bulacan, ba naman.

 Melodic ang tono sa Bulacan samantalang
tila higit na matigas ang mga Batangueńo
kung magsalita.
 3. Walang iisang dayalek na superyor sa iba.

 Lahat ng wika at dayalek ay pantay-pantay.
 Repleksiyon ito kung paano ginagamit ng tao
ang wika
 Hindi ibig sabihing dahil melodic ang paggamit
ng Bulakenyo sa wika, magaling na silang,
kumanta
 Hindi rin ibig sabihing dahil laging parang galit
ang Batangueño magsalita, mas mainitin ang ulo
nila.

 Ang isang isoglos ay palatandaan na
nagkakaroon ng dayalek ang isang wika.

 5. Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng
heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring
panlipunan, edad, kasarian, kaligirang etniko.

Pagpapaliwanag …

 Pormal at Kolokyal ay antas ng wika na


kabilang sa Rejister na varayti ng wika.
 Halimbawa ng pormal ay pambansa at
pampanitikan

 Samantala ang mga kolokyal ay nasa


mababang antas ng wika na agya ng inilahad
ng rejister ng wika, ito ay may partikular na
lugar sa lipunan kung saan ito sinasambit.
Maikling pagsubok

 Kumuha ng isang kapat na papel ¼ at bumuo


ng tigdadalawang pangungusap sa iba’t
ibang varayti ng wika.
 Ekolek
 Sosyolek
 Idyolek
 Pidgin
 Dayalek

 TAKDANG-ARALIN
 Makinig sa usapan ng iyong pamilya
mamayang gabi. Isulat ang mga salitang
narinig at gamitin ito sa loob ng
pangungusap.
 Halimbawa: ulam, linis, bahay, kumain.

 Pangungusap: Sa aming bahay masarap
magluto ng ulam ang aking tatay.
Huling araw ( pagbibigay
ng maikling pagsusulit)
 TAKDANG-ARALIN
 Magpagawa sa mag-aaral ng isang munting pananaliksik hinggil sa isang espesipikong
trabaho.
 Pumili ng isa hanggang dalawa:
 1.automotive servicing
 2. barbering
 3.bartending
 4. beauty care services
 5. bread and pastry production
 6. catering
 7. commercial cooking
 8. driving
 9. food and beverages
 10. food processing
 11. hilot (wellness massage)
 12. massage therapy
 13. tailoring
 14. technical drafting
 15. visual graphics design
 16. iba pa, depende sa kung anong mayroong kurso sa Tech-Voc.

You might also like