You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

KONSEPTONG PANGWIKA
Bilang isang ispesipikong lingguwistika na konsepto, ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na
lingguwistika na sistema na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na na katawagan tulad ng Ingles,
Pranses, Aleman ,Nihonggo, Mandarin, Filipino, at iba pa.

*Halimbawa ng pasulat na wika at sign language. Ang mga koda at iba pang uri ng artipisyal na
likhang sistemang pangkominikasyon tulad ng ginagamit sa computer programming.

Ang salitang ingles na language ay mula sa salitang latin na lingua na ang ibig sabihin
ay dila na umiiral sa maraming wika aat patunay ito sa historikal na pagkaprominente ng
siinalitang wika
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitag simbolo ang wika ay sistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili
at sinasaayos sa parang arbitaryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura

1.) Ang wika ay msistemang balangkas


Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.

HALIMBAWA
1.) Ponema- ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika .
2.) Ponolohiya- ang tawag sa makaagham na pagaaral ng mga ito .kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama maaring makabuo ng maliit na unit na salita.
3.) Morpermang- mabubuo ay maaring isang salitang ugat panlapi o morpemang ponema katulad ng
ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasarian pambabae.
4.) Sintaksis- kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangugusap ang dalawa o higit pang
tao ay nagkakaroon nan g tinatawag na diskurso.

2.) Ang wika ay sinasalitang tunog.


Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay my kahulugan

Ang wikang Filipino ay may dalawamput isang ponemang napapangkat sa dalawa – mga ponemang
katinig at mga ponemang patinig.

3.) Ang wika ay pinipili at sinasaayos. Ang pagpili ay nagaganap sa ating subconcious at magkaminsan ay
sa ating conscious na pagiisip .Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin? Upang tayo ay
maunawaan ng ating kausap.

4.) Ang wika ay arbitaryo. Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan.

5.) Ang wika ay ginagamit. Ang wika kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan ,
kailangang patuloy itong ginagamit.
6.) Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagka iba-iba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil
sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang
kaisipang iyon ng isang wika.

7.) Ang wika ay nagbabago. Ang isang wikang stagnant ay maari ring mamatay tulad ng hindi paggamit
niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang wika ay maaring nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo .bunga ng magiging malikhain ng mga tao,maaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita.

BARAYTI NG WIKA
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag
ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,kung kaya mahalaga in ang
papel ng ginaganmpanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinagmulan nito.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na
lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan, . gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba
pang lugar subalit naiiba ang punto o tuno, my magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan , iba ang
gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na syang na nagpapaiba
ng dayalek ng lugar. Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Ang mga sumusunod ay
halimabawa at barayti ng wika.

1.) IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas nito nang magkaparehong-
magkapareho .itinuturing din itong indibidwal na dayalek ng isang tao na makikita sa punto at paraan ng
kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang aspetong pangwika .
HALIMBAWA
Magandang gabi, bayan “ni Noli de Castro
Mike Enriquez “Excuse me po!”
Kris Aquino”Hahaha Infaireness”

2.) SOSYOLEK
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga estudyante, wika ng
matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
HALIMBAWA-
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech,day!
b. Wow pare ang tindi ng tama ko heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl bukas nalang tayo mag –lib. Magmalling nalang tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun,e.
3.) ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikang grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa
mga salitang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko
HALIMBAWA
1. Vuukul=tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
2. Bulanon= full moon ang paggagamitan ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad
ng shuwa(dalawa) sadshak(kaligayahan) pershen(hawak)

4.) PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa ingles na ‘nobody’s native language ‘ o
katutubong wikang di pagmamay-ari ninuman . nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatakang
magusap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila
alam ang wika ng isat isa.
HALIMBAWA
a. CHINESE FILIPINO “Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. ( Suki bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan
kita ng diskawnt.)

5.) CREOLE
Ang wikang pinagmulan sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang
sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon , kaya’t nabuo ito hanggang sa
magkaroon ito ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan . Ito ngayon ang creole ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.
HALIMBAWA
a. Buenas dias (Chavacano) (magandang umaga).

You might also like