Professional Documents
Culture Documents
(Materyal Pang-rebyu)
A. WIKA
❖ Kahulugan
1. Ayon kay Gleason “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
isinaayos sa paraang arbitraryo.
2. Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
3. Ayon kay Whitehead, ang wika ay kabuoan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.
❖ Katangian
1. Masistemang Balangkas (Kapag ito ay nauunawaan)
• Ponema (makabuluhang tunog)
• Ponolohiya (makaagham na pag-aaral ng mga tunog)
• Morpema (pinakamaliit na yunit ng salita)
• Morpolohiya (pag-aaral ng morpema)
• Sintaks (makaagham na pag-aaral ng pangungusap)
• Diskurso (pagpapalitan ng ideya)
2. Dinamiko (Ang wika ay buhay, nadadagdagan at nagbabago)
3. Arbitraryo (Ito ay napagkakasunduan ng isang pangkat)
4. Natatangi (Walang wika ang may katulad)
5. Nakabatay sa kultura (Ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay)
6. Ginagamit
7. Pinipili at isinasaayos
❖ Kahalagahan
1. Instrumento ng Komunikasyon
2. Tulay sa pakikipag-ugnayan
3. Napapanatili at napayayabong ang kultura
4. Nakapaghahatid ng kamalayan sa iba pang kultura
B. KASAYSAYAN NG WIKA
C. KONSEPTONG PANGWIKA
Monolinggwal – kakayahang makapagsalita ng iisang wika.
Bilinggwal – kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.
Multilinggwal – kakayahan ng isang taong makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang
wika.
Mother Tounge Based – Unang wika- wikang ginamit mula sa pagkapanganak.
Pambansang wika – isang wikang ginagamit nang pasalita o pasulat ng mga
mamamayan ng bansa.
Wikang Opisyal – wikang itinatadhana ng batas na ginagamit sa mga opisyal na
komunikasyon ng gobyerno.
Wikang Panturo – wikang ginagamit ng midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa
edukasyon.
Auxilliary Languages- wikang higit na alam ng mga mag-aaral kaysa sa wikang
panturo.
Polyglot – kakayahan ng isang taong makapagsalita at umunawa ng maraming wikang
sinasalita sa buong mundo.
E. Barayti Ng Wika
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan
na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo
ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon
sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
DIMENSYIYON NG BARAYTI NG WIKA:
1. Heograpikong dimensiyon
2. Sosyal na dimensiyon
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba
sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Halimbawa:
Ang pagsasabi ng “Excuse me po!” at “Hindi namin kayo tatantanan!” ni Mike Enriquez
Ang “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“The Buzz” ni Boy Abunda
Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala
Mo Kaya.
Ang malumanay na pagsasalita at pagkanta ni Moira Dela Torre
2. Dayalek – ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang
gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog ng Batangas – Ala e, ang bait naman niya!
Tagalog Nueva Ecija – Kainam-naman ng ugali niya.
Tagalog Pangasinan – Ang bait niya eh.
4.) Etnolek – isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.
Halimbawa:
Palangga – Sinisinta, Minamahal, iniirog
Kalipay – saya, tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lababo – batalan – hugasan – urungan
bunso – baby – beh
6.) Pidgin – ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag
uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit.
Halimbawa:
Ako bigay sa iyo discount pag bili ka dami.
Ako punta muna banyo sakit tiyan ko.
Mas galing ako sa iyo sayaw.
Saan ikaw punta kagabi ikaw bigla nawala?
Gusto ko punta Baguio init dito Manila.
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar.
Halimbawa:
Donde tu hay anda? na ang ibig sabihin ay “anong ginagawa mo?”
Di Sali na ang ibig sabihin ay “aalis”
Senisa na ang ibig sabihin ay “abo”
Ta ama yo contigo na ang ibig sabihin ay “mahal kita”
8. Register – ito ay wikang ginagamit natin depende sa kung sino at anong antas panlipunan
ang kinabibilangan ng taong kaharap o kausap natin.
Halimbawa:
Magulang – Po, at Opo
Kaibigan – Bardagulan, Pabalang
Guro- Good Afternoon po Maam/Sir