You are on page 1of 42

Maligayang Pagdating sa ating

MunozTahanan; Re: Online Class


MGA BATAYANG
KAALAMAN SA
WIKA
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino 11
Matapos ang aralin. Inaasahan ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
• matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan

ng wika;
• nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;

• nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

• nakapagtatala ng mga sitwasyong nagpapakita ng

magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika


ng Pilipinas.
Aktiviti #1: Balik-Tanaw
• Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo.
Tingnan anb una bilang halimbawa.

Midyum ng
komunikasyon

WIKA
Aktiviti #2. Tama o Mali.
1. Walang malinaw na konseptong nag-
uugnay sa wika at kultura.
2. Tagalog ang unang pambansang wika
ng Pilipinas.
3. May masistemang balangkas ang wika.
4. Unique o natatangi ang bawat wika.
5. May mga wikang mas
makapangyarihan kaysa sa ibang wika
6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat
na maging pambansang wika.
7. Namamatay ang wika kapag namatay ang
taong gumagamit o nagsasalita nito.
8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang
pambansang wika ng Pilipinas.
9. Ginagamit natin ang wika para makamit
natin ang ating mga kagustuhan.
10. Binubuo nng mga tunog at sagisag ang
wika.
11. Napagkakasunduang gamitin ng
mga tao ang wika.
12. Kailangang manatiling puro ang wika
at hindi dapat tumanggap ng mga
pagbabago.
13. Dinamiko ang wika.
14. Walang mga tuntuning sinusunod sa
paggamit ng wika.
15. May pasulat at pasalitang anyo ang
wika.
Ano ang wika?
• Henry Gleason (mula sa Austero
et al.1999)
Ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
Ano ang wika?
• Bernales et al. (2002)
Ang wika ay proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring
berbal o di-berbal.
Ano ang wika?
• Mangahis et al. (2005)
Ang wika ay may mahalagang
papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum
na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Ano ang wika?
• Pamela C. Constantino at Galileo
S. Zafra (2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap
ang isang grupo ng mga tao.
Ano ang wika?
• Bienvenido Lumbera (2007),
Pambansang Alagad ng Sining sa
Literatura
Ang wika ay parang hininga.
Gumagamit tayo nito upang kamtin
ang bawat pangangailangan natin.
Ano ang wika?
• Alfonso O. Santiago (2003)
Ang wika ay sumasalamin sa
mga mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala,
at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Ano ang wika?
• Diksyonaryo
Ang wika ay sistema ng
komunikasyon ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
Ano ang wika?
• UP Diksyonaryong Filipino (2001)
Ang wika ay lawas ng mga salita
at sistema ng paggamit sa mga ito
na laganap sa isang sambayanan
na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na
tinatahanan.
Ano ang wika?
• Pangkalahatang Kahulugan

Ang wika ay kabuuan ng mga


sagisag na binubuo ng mga tunog
na binibigkas o sinasalita at ng mga
simbolong sinusulat.
• Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at
nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan
ang wika upang maipahayag ng tao ang
kaniyang naiisip, maibahagi ang
kaniyang mga karanasan, at maipadama
ang kaniyang nararamdaman.
• Sa bansa rin ay may sariling wikang

nagbibigkis sa damdamin at kaisipan


ng mga mamamayan nito. Sa wika
nasasalamin ang kultura at
pinagdaanang kasaysayan ng isang
bansa.
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay mahalaga bilang
• instrumento nito sa komunikasyon
• Nagpapanatili, nagpapayabong, at
nagpapalaganap ng kultura ng bawat
grupo ng tao
• Pagiging malaya at may soberanya
ang isang bansa
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay mahalaga bilang
• Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng
mga karunungan at kaalaman
• Bilang Lingua-franca o tulay para
makapag-usap at magkaunawaan ang
iba’t ibang grupo ng taong may kaniya-
kaniyang wikang ginagamit
• Pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan/Katangian ng Wika
• Masistemang balangkas
binubuo ng makabuluhang tunog o
ponema ang wika na nakalilikha ng
mga yunit ng salita na kapag
pinagsama-sama sa isang maayos at
makabuluhang pagkasunud-sunod ay
nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap at talata.
• Arbitraryo

pinagkakasunduan ang anomang


wikang gagamitin ng mga grupo ng
tao para sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.
• Ginagamit ang wika ng pangkat ng
mga taong kabilang sa isang
kultura
ang kultura ang
nagpapayaman sa wika
samantalang ang wika naman
ang nagbibigay ng ngalan o salita
sa lahat ng mga gawaing
nakapaloob sa kultura
• Dinamiko
sumasabay sa pagbabago ng
panahon ang wika at malaya itong
tumatanggap ng mga pagbabago
upang patuloy na yumaman at
yumabong.
Halimbawa: “kasapuwego”(posporo);
“sayal”(palda);
“salipawpaw”(eroplano”
• Unique o natatangi
Walang wikang may
magkatulad na magkatulad na
kaangian. May kaniya-
kaniyang lakas o kahinaan din
ang wika. Walang wikang
superyor sa isa pang wika.
• Kabuhol ng wika ang kultura
Sinasalamin nito ang paraan
ng pamumuhay ng mga tao.
Nahihinuha ang kulturang
kinabibilangan ng mga tao sa
kanilang wikang ginagamit.
Iba Pang Kaalaman Hinggil sa Wika
• 5, 000 wika na sinasalita sa buong
mundo
• Ang Pilipinas ay mayroong di
kukulangin sa 180 na wika.
• Homogeneous ang tawag sa iisang
wikang umiiral sa ibang bansa.
• Heterogeneous ang tawag sa
maraming wikang umiiral at may mga
diyalekto o varayti sa isang bansa.
Iba Pang Kaalaman Hinggil sa Wika
• Diyalekto- isang varayti ng wika, hindi
hiwalay na wika. (Kapag hindi
nagkaintindihan ang dalawang nag-uusap na
gumagamit ng magkaibang wika, ibig
sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay
hiwalay na wika)
• Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-
Cavite, Tagalog-Metro Manila at iba pa.
• Bernakular- tawag sa wikang katutubo

sa isang pook. Tinatawag din itong


wikang panrehiyon. Ito ay hiwalay na
wika na ginagamit sa isang lugar na
hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal.
• Halimbawa: ngarud, dong/day, ala eh
Bilingguwalismo
• Tumutukoy sa dalawang wika ng
isang tao na nagsasalita nang may
pantay na kahusayan.
• Sa patakarang-edukasyon, ito ang
paggamit ng Ingles at Filipino
bilang panturo sa iba’t ibang
magkakahiwalay na subject.
Multilingguwalismo
• Pinaiiral na patakarang pangwika sa
edukasyon
• MTB-MLE (Mother Tongue Based Multilinggual
Education) ay ang paggamit ng unang

wika ng mga estudyante sa isang


partikular na lugar. (Napatunayan na
iti ay epektibo dahil sa mga pag-
aaral)
Wikang Panturo

• Iniatas din ng Konstitusyon ng 1987

ang paggamit ng Filipino bilang


wikang panturo. (Ikalawang bahagi ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6)
Unang Wika
• Tinatawag na wikang sinuso sa ina
o inang wika dahil ito ang unang
wikang natutunan ng bata.
Tinatawag ding “taal” na
tagapagsalita ng isang partikular na
wika ang isang tao na ang unang
wika ay ang wikang pinag-uusapan.
•Halimbawa: “taal ng Tagalog”
ang mga tao na ang unang
wika ay Tagalog. May
nagsasabi rin na sila ay
“katutubong tagapagsalita” ng
isang wika.
Wikang Pambansa
• Filipino ang pambansang wika ng
Pilipinas (Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987
• Filipino ang sumisimbolo sa ating
pambansang pagkakakilanlan.
Nagbabandila na hindi tayo alipin ng
alinmang bansa. Sumasagisag sa
ating kalayaan. Nakapagdadala ang
pagkakaisa at pagbubuklod.
Opisyal na Wika
• Filipino at Ingles – dalawang
opisyal na wika sa bansa mula sa
Artikulo IV, Seksiyon 7.
• May tiyak at magkahiwalay na
gamit ang Filipino at Ingles.
• Filipino – pag-akda ng batas at mga
dokumento ng pamahalaan. Gagamitin
sa mga talakay at diskurso sa senado,
pagtuturo sa paaralan, paglilitis sa
korte at iba pa. Lingua franca ng bansa.
• Ingles – gagamitin sa pakikipag-usap
sa mga banyagang nasa Pilipinas at
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang
bansa sa daigdig. Lingua franca ng
daigdig.
SUMMATIVE
TEST #1
PETA #1: POSTER (Individual Activity)
• Gamit ang oslo paper, gumuhit ng poste
kung ano ang pakahulugan mo sa wika.
Maging malikhain sa paggawa.

RUBRIK sa pagtaya ng poster:
Malinaw ang iginuhit na pagpapakahulugan-25pts.
Orihinal ang disenyo at konsepto - 15pts.
Malikhain/nakaaakit na disenyo - 10pts.
KABUUAN 50 puntos
PETA #2: DULA (Group Activity)
• Pumili ng isang sitwasyon at lapatan ng maikling
dula na hindi lalampas sa sampung minuto.
• Sitwasyon 1: Nagpapakita na ang wika ay
nagbubunsod ng pagkakaisa ng mga
mamamayan
• Sitwasyon 2: Nagpapakita na ang wika ay
mahalaga sa komunikasyon ng mga bansa
• Sitwasyon 3: Nagpapakita na ang wika ay
mahalaga sa pagbubuklod ng pamilya
• Sitwasyon 4: Nagpapakita na ang wika ay
maaaring bumuo o sumira
Rubrik sa Pagtataya
• Sitwasyon
Malinaw at makatotohanan 40 pts.
Pagsasalita/Pagbitiw ng Diyalogo
Malianw at natural 25 pts.
Pagganap
Realistiko, maayos at nakapupukaw ng
kawilihan 20pts.
Kahandaan
Props, kasuotan at at iba 15 pts.

You might also like