You are on page 1of 8

Ang Mga Pagkakaiba-iba ng Wika

Filipino 1: Kasaysayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan)


Aralin
Subject Code: Fil. 1 Lesson Guide Code: 1 Lesson Code: 1.4Time Limit: 30 minuto

TA: 1 minuto ATA: _______

Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang:


1. naiintindihan ang mga pagkakaiba-iba ng wika; at
2. natutukoy ang pagkakaiba-iba ng wika, dialekto, lingua franca, wikang pambansa,
wikang panturo at wikang opisyal.

TA: 3 minuto ATA: _______

Isa sa napakagandang regalo na ating natanggap mula sa Diyos ay ang pagkakaroonn


ng wika. Dahil sa wika, tayong mga tao ay nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ginagamit natin
ang wika upang maipabatid natin sa ating kapuwa ang ating naiisip, nararamdaman,
pananaw at namamasdan sa ating paligid. Ang bawat isa sa atin ay nagnanais na
magkaroon ng kagalingan sa paggamit ng wika.

Dahil sa wika, naitala at nailarawan ng mga unang tao ang kanilang mga karanasan
noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika, nasasalamin ng tao ang uri ng
pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa. (Marqez, et
al., 2010).

Gawain:

Panuto: Ibigay ang katumbas na salitang ginagamit sa iyong lalawigan o bayan sa mga salitang
makikita sa unang kolum. Isulat ang pangalan ng lalawigan o bayan sa unang kahon ng bawat kolum.

● Halimbawa:

Filipino Iloilo Capiz Antique San Enrique

pusa kuring uti kuti kuding

Magsimula rito:

Filipino

dalaga

sanggol

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 1 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
bakit?

higaan

aso

Tanong:
● Paano nakaaapekto sa iyo ang iba’t ibang katawagan ng mga salitang ito sa inyong
lalawigan?
● Bakit mahalaga ring malaman ninyo ang katawagan ng mga salitang ito o ng iba
pang salita ng ibang lalawigan?

TA: 15 minuto ATA: _______

Wika

Mabubuhay kaya ang tao ng walang wika? Ano ang kaugnayan ng wika sa tao? Sa
isang lipunan? Sa buong daigdig? Ano ang kahalahalagahan nito sa
pakikipagkomunikasyon/pakikipagtalastasan. Ang pinakamahalagang sangkap ng
komunikasyon ay wika. Ito ang siyang nagbubuklod sa sangkatauhan, magkaiba man ang
lahing kinabibilangan.

Ito ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat
na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. (Emmert at
Donagby, 1981)

Ayon sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2012, ang taong marunong


magsalita ng dalawang wika ay tinatawag na bilinggwal. Isang halimbawa nito ay ang taong
marunong magsalita ng Filipino at Ingles. Kung isang wika lamang ang alam ng isang tao,
tinatawag itong monolinggwal. Samantala, kung ang isang tao ay nakapagsasalita ng higit sa
dalawang wika, tulad ni Dr. Jose Rizal, tinatawag naman itong polyglot.

Iba’t ibang Pagpapakahulugan ng Wika

Ø Ayon kay Edward Sapir (1921), na ang wika ay isang makatao’t likas na pamamaraan ng
pagbabahagi ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Ø Ayon kay Lachica (1993), matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon
ng kahulugan ayon sa gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaaring salita, bilang,
drawing o larawan, o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay. Ayon sa
kanya ang tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila. Ang kakayahan ng
mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito
rin ang ikinaiba ng tao sa hayop.

Ø Si Caroll (1964), ay pinakahulugan ang wika bilang isang sistema ng sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 2 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
Ø Ayon kay Archibald Hill (2000), ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Malinaw na tinutukoy sa pagpapakahulugan ng wika na ito ay
pantao. Ito ay mula sa simbolong binubuo ng tunog na tanging likha at gamit ng bawat
indibidwal.

Diyalekto

Diyalek- nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan; pangunahing wika na nagbabago o nagiging


natatangi dahil ginagamit ito ng mga tao sa iisang lokasyon. Isang halimbawa nito ang Tagalog na
nanganak ng uri o barayti tulad ng Tagalog – Batangas, Tagalog – Cavite, Tagalog – Maynila at iba pa.

Halimbawa:

Tagalog = Bakit?

Batangas = Bakit ga?

Bataan = Balit ngay?

Pangasinan =Bakit ei?

Lingua Franca

Lingua Franca- isang wikang nagagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang wika.
Sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga Pilipino.

Wikang Pambansa

Ang hangarin na magkaroon ng magandang ugnayan at pagkakaisa sa bayan ang siyang


nag-udyok sa mga dalubwika na isulong ang pagkakaroon ng iisang wikang magbubuklod
sa bawat Pilipino. Sumasailalim sa masusing pag-aaral, pagrerebisa at pagraratipika ang wika
upang mapagkasunduan ang wikang gagamitin at ituturing na wikang Pambansa ng
Pilipinas.

Ø Seksyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935- “Ang Kongreso ay gagawa ng mga


hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.

Ø Nobyembre 9, 1937 – Nagpatibay ng isang resolusyon na ipinahahayag na ang Tagalog ay


siyang halos lubos na nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.184, kayat
itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.

Ø Hunyo 4 ,1946- Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang
Asemblea noong Hunyo 7, 1940 – na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 3 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
Ø Agosto 13, 1959- Pinalabas ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino.

Ø Pebrero 2, 1987- Taon ng pagtatakda ng katawagang Filipino bilang pagkakakilanlan ng


wikang Pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “Ang Wikang Pambansa
ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalo-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika;
bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

Wikang Opisyal

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

Ø Sek.6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ø Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika sa
rehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na
pantulong na midyum, ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at
Arabic.

Ø Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

Ø Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo
ng kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.

Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas elementarya sa bisa ng
Resolusyon Blg.70.

Wikang Panturo

Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73 – 7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang


Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum mula sa elementarya hanggang
kolehiyo, publiko man o pribado.

Ø Tagalog- katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)


Ø Pilipino- unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959); tawag sa mga taong
naninirahan sa Pilipinas.
Ø Filipino- kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga
Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 4 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
TA: 10 minuto ATA: _______

I. Maramihang Pili.

Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng wika ang ginamit o gagamitin sa mga
sitwasyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

A. Diyalekto B. Wikang Panturo C. Wikang Opisyal

D. Lingua Franca E. Wikang Pambansa

_______1. Ang Kagawaran ng Humanidades ay nagpasya na ang mga asignatura sa


ilalim ng kanilang pamamahala ay ituturo sa pamamagitan ng wikang Filipino upang
lalong mapalalim ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang identidad bilang
Pilipino.

_______2. Si Dr. Medina ay nakatanggap ng liham paanyaya bilang isang panauhing


tagapagsalita sa Recognition Day mula sa kanyang butihing guro noong sekundarya na si
Gng.Lopez sa Philippine Science High School. Napag-alaman niya na ang kaniyang mga
tagapakinig ay mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 10, mga magulang, ang
direktor ng paaralan, ang executive director at si mayor Esperanza.

_______3. Si Mylene ang naatasan na magpresenta ng kanilang nalikhang imbensyon na


isang aparato na naglilikha ng kuryente mula sa ingay. Sa ikalawa ng Setyembre, si
Mylene at ang dalawa pa niyang makakasama ay lilipad patungong Malaysia bilang mga
kinatawan ng bansang Pilipinas sa Young Inventor Challenge 2020.

_______4. Nang manalasa ang Bagyong Frank noong Hunyo 24, 2008 sa Iloilo City,
nagdulot ito ng malawakang pagkawasak sa iba’t ibang probinsya ng Iloilo. Tinatayang
isang milyong higit ang napinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Lungsod. Ang
Mataas na Paaralan ng Iloilo ay nagkansela ng klase sa loob ng ilang buwan. May ilang
mag-aaral ang lumipat ng paaralan sa Don Vicente Rama Memorial National High
School, Cebu City. Kanilang napansin na ang mga mag-aaral sa paaralan na ito ay may
ibang punto, diin at ibang katawagan sa ilang salita kumpara sa kanilang sariling
pananalita bilang isang tagapagsalita ng Hiligaynon.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 5 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
_______5. Si Aling Sinang ay isang kapitan sa barangay Calaparan, Zone 2. Palasak
ngayon sa kanilang lugar ang nakawan. Sa nais na masolusyunan ito, siya ay gagawa ng
isang kautusan na bawal nang lumabas ng bahay pagpatak ng alas-otso ng gabi.

II. Pagkilala

Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat bilang.

___________1. Ginagamit ito ng mga tao sa iisang lokasyon o sa rehiyong


kinabibilangan.

___________2. Konstitusyon na nagsasaad na ang Kongreso ay gagawa ng mga


hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa umiiral na katutubong wika.

___________3. Taon kung kailan itinakda na ang Filipino ay kilalaning Wikang


Pambansa.

___________4. Isang wikang ginagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang


wika.

___________5. Batas Komonwelt na nagsasaad na Tagalog ang gagawing batayan


ng Wikang Pambansa.

III. Maikling Pagtugon.

Panuto: Ibigay ang sariling pagpapaliwanag sa mga katanungan. Gawing gabay


ang rubrik sa ibaba sa pagbuo ng pagpapaliwanag.

RUBRIK

A. Nilalaman
May kaangkupan May kakulangan Walang
Kaangkupan at at kaayusan ang sa kaangkupan at kaangkupan at
kaayusan ng daloy ng inilahad kaayusan sa daloy kaayusan ang
daloy ng inilahad na pahayag. ng pahayag. daloy ng inilahad
na pahayag. na pahayag.

(3) (2) (0)

B. Gramatika Wasto ang May 1-3 na mali May 4-5 na mali


pagkakagamit ng sapagkakagamit sa pagkakagamit
Wasto ang mga salita at ng mga salita at ng mga salita at
pagkakagamit ng bantas. bantas bantas.
mga salita at
bantas.
(2) (1) (0)

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 6 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
1. Ano ang naitutulong ng wika sa edukasyon at lipunan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Pilipinas ng tinatawag na wikang


Pambansa?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

TA: 1 minuto ATA: _______

TANDAAN

Ang wika ay buhay. Ito ang pangunahing pangangailangan ng tao upang


maisagawa nang maayos ang sistema ng komunikasyon at mapanatili ang
maayos na pakikimuhay ng kanyang kaligiran.

Ang Mga Pagkakaiba-iba ng Wika


1. Wika
2. Diyalekto
3. Lingua Franca
4. Wikang Pambansa
5. Wikang Opisyal
6. Wikang Panturo

Bilang mag-aaral sa wika, mahalagang matutunan at maunawaan mo ang


iyong wika at wikang pambansang iyong ginagamit.

TA – suggested time allocation set by the teacher


ATA – actual time spent by the student (for information purpose only)

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 7 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.
Sanggunian:

Aklat:
Espina, B.C. at Borja, F.T. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Luna St. LaPaz, Iloilo City: West Visayas State University Publishing House.

Bernales, Rolando A. ET.al (2011). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong


Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Internet:
https://www.coursehero.com/file/37145572/Mga-Termino-Patungkol-sa-Wikadocx/

Inihanda ni: Bb. Chrizl D. Funtanilla


Posisyon: Special Science Teacher I
Kampus: PSHS-Western Visayas
Pangngalan ng Reviewer: Jenahlyn V. Retreta
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV
Kampus: PSHS-Ilocos Region

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may F i l i p i n o 1 P a h i n a | 8 ng 8
contain proprietary information and may only be released to third parties with
approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked;
uncontrolled documents are not subject to update notification.

You might also like