You are on page 1of 3

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2020-2021


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (Grade 11)

G. Richard Paul C. Chavez


Guro sa Filipino

Unang Linggo (Reviewer)

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit mahalaga ang wika sa buhay ng isang tao?
Halina’t alamin at unawain ang kahalagahan nito. Sa modyul na ito ay may mga gawaing nakalaan
upang mahasa at malinang ang mga kaalaman sa mga konseptong pangwika. Halina at simulan na
natin ang ating pag-aaral.

Sa pagsisimula ng ating aralin, kapanayamin ang iyong magulang, kapatid at iba pang
myembro ng tahanan kung bakit mahalaga para sa kanila ang wika upang malaman ang kanilang
sariling kaalaman hinggil sa kahalagahan ng wika.

Basahin at Unawain

Wika, ano nga ba ito?

Wika, nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit
sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao
(Panganiban).

Narito pa ang ilang pakahulugan ng wika ayon sa mga dalubhasa:

1. Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. George Lakoff: Ang wika
ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang
tao at kung paano sila maunawaan.

2. Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa


pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao. Nenita Papa: wika ang ginagamit
natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama. Pamela Constantino at Monico
Atienza: ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.

3. Ayon kay Archibal A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Na binanggit sa aklat ni Alcomtiser
P. Tumangan et.al., ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga
klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura.

4. Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na
ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama- sama,
maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang tawag
sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors naman kapag nagkaroon ng
makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

5. Ayon naman kay San Buenaventura (1985) mula sa Wikipediang Tagalog: “Ang wika ay isang
larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugaan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang
bansa.” isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan
ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito
ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

1
Tunay ngang ating napatunayan na mahalaga ang wika sa mabuting pakikipagkapwa tao,
mabisang pakikipagtalastasan at kapayapaan. Ngayon naman ay ating alamin ang kahalagan ng
wikang pambansa at ang pinagmulan nito.

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit
ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit kumulang 150 wika at diyakekto ang umiiral sa ating bansa.
Ang kalagayang ito ang pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan ng lahat na tinatawag nating wikang pambansa.

Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino

Ang Wikang Pambansa ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang
simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Ito ay kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa
isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa. Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato - Ang Tagalog ang magiging
opisyal na Wika ng Pilipinas.

Sa pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad
na "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana
ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal."

May Walong Pangunahing Wika sa Bansa ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol,
Samar-Leyte o Waray, Pampango o Kapampangan, at Pangasinan o Pangalatok. Ang Suriang Wikang
Pambansa (SWP) ay itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng
Saligang Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang
wika at ipirinoklama ito ng Pangulong Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil ito ay
malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng
wikang ito. Ayon sa Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging Filipino.

Ang Wikang Opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa


saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit
sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin
din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming
pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa.
Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa
pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal
ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang
pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa Konstitusyon ng 1973
(Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang
magiging opisyal na wika.”. Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987,
Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang Wikang Panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika
ng talakayang guro-mag- aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang
kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga
silid aralan. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa
mga paaralan. Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay DepED Secretary Brother
Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-
aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo-kultural”. Sa Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988), idineklara ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. Sa Proklamasyon Blg.
1041 (Enero 1957), idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika. Ang Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) ay nagtadhana na

2
ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Ngunit kamakailan lamang,
taong 2018 ay naglabas din sila ng resolusyon na tinatawag na CHED Memorandum Order (CMO) No.
20 na pinagtibay ng Korte Suprema na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang mga “core subjects”
sa kolehiyo.

Mga Talasanggunian:
https://gedoriolerma.blogspot.com/2016/07/ang-wikang-pambansa-wikang-opisyal-
at.htmlhttp://depedrovcatanduanes.com/files/04-Komunikasyon-AS-v1.0.pdf
https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/konseptong-pangwika
https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-wika/

You might also like