ALLPPT.com _ Free PowerPoint Templates, Diagrams and Charts
Pagganyak Ang Lahat ay Pag- ibig Kahulugan ng Wika Ayon kina Sicat de- Laza, Geronimo, at Zafra et. al. (2018), ang wika ay instrumento sa pakikipagtalastasan. Ito ay binubuo ng mga simbolo na kapag nagsama- sama ay nagkakaroon ng kahulugan sa isang partikular na komunidad. Ano- ano naman ang kahulugan ng wika base sa iba’t ibang eksperto? Kalikasan ng Wika Ang Wika ay Sistema
Nangangahulugang may sinusundang
padron at sistematikong balangkas sa pamamagitan ng mga tuntuning gramatikal. * Makabuluhang tunog o ponema (simbolo) * Letrang bubuo ng pantig at kataga * Yunit na salitang tinatawag na morpema * Makabuo ng parirala at pangungusap * Pagsunod sa estruktura o sintaks Ang Wika ay Arbitraryo
Tinatawag itong arbitraryo sapagkat
ang wikang ginagamit sa isang parti- kular na lugar ay napagkakasunduan Ilokano Pintas Maganda Tagalog Pintas Insulto Ilokano Utong Sitaw Tagalog Utong Bahagi ng Katawan Tagalog Upa Renta Pakikipagtalik sa Cebuano Upa pagitan ng mga hayop
Tagalog Libang Magsaya
Cebuano Libang Dumumi Ang Wika ay Tunog Nagsisimula ang wika bilang isang tunog na sa una’y aakalaing walang Kahulugan hangga’t hindi napagsasama gamit ang kasangkapan sa pagsa salita o speech organs (Sicat- De Laza et. al., 2018) Sa pag- aaral ng mga ponemang suprasegmental, partikular ang Diin, mahihinuhang ang mga salita ay may magkakaibang kahulugan bagamat may iisang pagbaybay dahil sa paraan ng pagbi gkas sa mga ito, halimbawa: 1. PUno, puNO 2. SAya, saYA 3. HApon, haPON 4. BAsa, baSA 5. SUnog, suNOG Ang Wika ay Kabuhol ng Kultura
Hindi mapaghihiwalay ang wika at
kultura bilang magkaugnay na konseptong kapuwa hinuhubog ang isa’t isa. Ang Wika ay Nagbabago at Dinamiko Ang wika ay nagbabago at yumayabong kaalinsabay ng panahon. Patunay na rito ang pagbabago ng wika dahil sa moder- nisasyon, kabilang na ang pagsulong ng teknolohiya at impluwensiya ng plataporma ng media Ang Wika ay Makapangyarihan May kakayahan ang wika na makaimpluwensiya at kontrolin ang pag- iisip at pagkilos ng isang tao sa iba’t ibang sitwasyon. • Ginagamit upang makapanghikayat • Ginagamit upang maging instrumento ng kontrol o kapangyarihan sa malalaswa at negatibong salita (Sicat- De Laza,2018, sa Peregrino, 2001) • Ginagamit bilang instrument ng pagkontrol ng mga makapangyarihan, at intrumento naman ng pakikibagay, pag- iwas, o pagtu- tol sa parte ng biktima ng kapangyarihan. (Sicat- De Laza,2018, sa David, 2003) Kahalagahan ng Wika Wika at Komunikasyon Wika at Pag- unlad Wika Kapayapaan Pagkakaisa Wika Kultura Kasaysayan Konseptong Pangwika Wikang Pambansa Art. XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon Wikang Opisyal Ayon kay Almario (2014:2), ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na magiging wika sa opisayal na talastasan ng pamahalaan. Ayon sa KWF, ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ang wikang Filipino bilang wika ng edukasyon ay isinasaad sa Art. XIV, sek. 7 ng 1987 Konstitusyon. Kasaysayan ng Wikang Filipino 1935: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungkol sa pagpapaunlad at pagpa- patibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon III, Art. XIV, 1935) 1936: Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
1937: Ang SWP ay nagpahayag na Tagalog
ang “siyang lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184” Batas Komonwelt Blg. 184: Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat na umaayon sa sumusunod na batayan: a. pinakamaunlad at pinakamayaman sa panitikan b. ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino 1937: Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapag -paganap Blg. 134, ipinahayag ni Pang.Quezon na Tagalog ang batayan ng wikang pambansa
1940: Batas Komonwelt 570 na nagtatadhana
na ang Pilipino ay magiging isa na sa wikang Opisyal ng Pilipinas 1959: Naglabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusan Blg. 7 na Nagsasaad na kailan ma’t tutukuyin ang wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin Wikang Panturo Ayon sa KWF, ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ang wikang Filipino bilang wika ng edukasyon ay isinasaad sa Art. XIV, sek. 7 ng 1987 Konstitusyon. Sek. 7: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wika ng opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Mother Tongue- Based Multilingual Education (MTB-MLE) Ayon kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag- aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpa- patibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural.” Bilingguwalismo at Edukasyong Bilingguwal Leonard Bloomfield (1935), ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. John Macnamara (1967), ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat [lima na] na makrong kasanayan Edukasyong Bilingguwal
1974, Kautusang Pangkagawaran ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports (DECS), Blg. 25, s. 1974, bilang pagsunod sa probisyong pangwika ng 1973 Art. XV, Sek 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
“Ang batasang pambansa ay magsasagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling wikang opisyal ng Pilipinas.” Multilingguwalismo at Multilingguwal na Edukasyon Multilingguwal ang isang indibidwal na may kakayahang gumamit ng higit sa dalawang wika, katutubo man o dayuhan. Mother Tongue Based Multilinggual Education (MTB-MLE) Department Order no. 16, s. 2012 Barayti ng Wika Diyalekto barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Idyolek sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng tao ng nagsasalita.
Ayon kay Ocampo (2002), ang
kalidad ng boses at katayuang pisikal ang mga salik upang makalikha ng isang idyolek ng isang indibidwal. Sosyolek barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Hal: Gay Linggo, Conyo, Jejemon,
Millenial Language, salitang nabibilang sa propesyong kinabibilangan Etnolek barayti ng wika na pinagsamang etniko at diyalekto at ginagamit sa mga partikular na lugar at o tribo sa isang lugar. Register barayti ng wika na na naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Pidgin ay ang umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Creole wikang nagmula sa pidgin at naging unang wika ng isang partikular na lugar. Mga Sanggunian:
• Dayag, A. at del Rosario M.G.G..(2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod Quezon: Phoenix Publishing House Inc. • Gonzales, E.S..(2013).Licensure Examination for Teachers Reviewer: Filipino. Lungsod Manila: Met Review Publishing House • Sicat-De Laza, C., Geronimo, J. V., Zafra, R. B. G..(2017).Talaban: Komunikasyon ,Pagbasa, at Pananaliksik sa Filipino. Lungsod Manila: Rex Publishing Inc.