You are on page 1of 8

GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL

Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________
School: GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL Teacher: BEBERLIE Q. GALOS
Date: Quarter: FIRST SEMESTER

MAIKLING BANGHAY ARALIN SA BAITANG 11


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

1. Mga Layunin

Kasanayang Pampagkatuto Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT-IA-85)

 Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang barayti ng wika;


Detalyadong Kasanayang  Napapahalagahan ang barayti ng wika sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan:
Pampagkatuto  Naisasagawa ang pangkatang Gawain nang buong husay.

11-Paksang –Aralin

A. Paksa  Mga Barayti ng Wika

B. Mahalagang Tanong
 Paano nalilikha ang iba’t ibang barayti ng wika?

C. Sanggunian  Pinagyamang Pluma

D. Mga kagamitan  Power Point Presentation, Loptop, projector, marker, neon paper
E. Mga Estratehiya
 4A’s, Pangkatang gawain, multiple intelligences, computer-assisted instruction
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________
111-Mga Gawaing
Pampagkatuto  Batiin at kamustahin ang mga mag-aaral
 Ipaayos ang mga upuan at ipapulot ang mga nagkalat na mga dumi kung meron.
A. Panimulang Gawain
 Tawagin ang tagalista ng klase upang alamin kung kumpleto ba o may liban sa klase.
(2 minuto)

Balik-Aral (2 minuto) 1.Ano ang unang wika?


2.Ano ang pangalawang wika?
3.Ano ang Monolingguwalismo?
4.Ano ang Bilingguwalismo?

Pagganyak (4 minuto)
Tatawag ng mga mag-aaral para magboluntaryong isagawa ang sumusunod na sitwasyon.

Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan, maraming tao kang nakasalubong at nakausap.
Paano mo sila kakausapin at babatiin?

a. Guro
Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo?_________.
b. Kaibigan mong Beki
Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla?_________.
c. Kaibigan galing probinsya
Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano? __________.

Mga gabay na tanong

1. Bakit kahit magkapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang nagging paraan mo ng pagbati o
pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
2.Ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika?
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________
Paglalahad sa mga layunin ng Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga detalyadong kasanayang pampagkatuto na makikita sa panabing
Aralin (1 minuto) (screen).

Pagtatakda ng Tuntunin sa Para sa maayos at makabuluhang talakayan, ipaalala sa mga estudyante ang mga sumusunod:
loob ng klase (1 munito)  Huwag sumagot nang sabay-sabay
 Itaas ang kanang kamay kung nais sumagot
 Igalang ang sagot ng kamag-aral
 Masigasig na makilahok sa talakayan at pagkatang gawain

B. Pagtalakay sa Aralin Gawain


Pangkatang gawain
1. Gawain (Activity
(10 minuto)
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magtatakda ng kanilang lider, sekretarya
at taga-ulat.

Bibigyan ng kopya ng halimbawa ng barayti ng wika ang bawat grupo. Kikilalanin nila kung ito ba ay
dayalek, idyolek, sosyolek, etnolek o register.

Pagkatapos ng gawain ay ipabahagi sa buong klase ang sagot ng bawat grupo. Ito ay ibabahagi ng
tagapag-ulat ng bawat grupo.

1. Tagalog-Bakit?
Batangas-Bakit ga?
Bataan-Bakit ah?
Ilocos-Bakit ngay?
Pangasinan-Bakit ei?

2. “Magandang Gabi Bayan”


“Hindi ka namin tatantanan.”
“Ito ang inyong Igan.”
“Handa na ba kayo.”
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________

3. Oh my God! It’s so mainit naman dito.


Sige, jujumbagin kita!
May amat na ako ‘tol

4. Laylaydek sika! (Iniirog kita)

5. Maraming virus ang computer!


Ugaliin magsuot ng face mask upang maka-iwas sa COVID-19 virus!

Pagkatapos mapaskil ng bawat grupo ang kanilang sagot sa harapan ibigay ang mga sumusunod na
2. Daloy ng Pagtuturo tanong upang saguting ng bawat grupo.
(Analysis)
( 5 minuto) 1.Alin kaya sa mga halimbawa ang napabilang sa Dayalek, Idyolek, Sosyolek, Etnolek at Rehistro?
2. Sa palagay ninyo bakit kaya ang napili ninyong halimbawa ay Dayalek? Bakit sa palagay ninyo
ito ay Idyolek? Bakit ito ay Sosyolek, Etnolek, Rehistro?

Ipapanood ng guro sa mga mag-aaral ang video na mapapanood sa link na ito


3.Pagpapalalim (Abstraction) https://www.youtube.com/watch?v=m-JYuWcuy2w
( 10 minuto) Pagkatapos mapanood ang video tatawag ang guro ng dalawa o tatlong mag-aaral para sagutin
ang mga tanong na ito upang sukatin ang kanilang mga natutunan tungkol sa barayti ng wika .

1. Ano ang barayti ng wika?


2. Ano ang iyong dayalek?
3. Ano ang iyong idyolek?

Magbigay ang guro ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksa batay sa mga sagot ng mga mag-
aaral.
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________

4. Pagtataya (Application)
( 15 minuto)

Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay magtatakda ng kanilang lider at
sekretarya.

Pangkat 1-Magsasadula gamit ang rehistro ng wika sa Pag-eehersiyo.


Pangkat 2-Gagawa ng Jingle gamit ang rehistro ng wika sa Siyensya
Pangkat 3-Gagawa ng pick up lines at hugot lines gamit ang rehistro ng wika sa Matematika
Pangkat 4-Gagawa ng Balita gamit ang rehistro ng wika sa kalusugan.

Rubrics:

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos


5 3 1
1. Nilalaman Nagibigay ng buong May kaunting Maraming
husay ang hinihingi ng kakulangan ang kakulangan ang
takdang paksa sa nilalaman na nilalaman na
pangkatang gawain ipinakita sa ipinakita sa
pangkatang gawain pangkatang gawain
2. Presentasyon Buong husay at Naiulat at Di gaanong
malikhaing naiulat at naipaliwanag ang naipaliwanag ang
naipaliwanag ang pangkatang Gawain pangkatang Gawain
pangkatang Gawain sa sa klase sa klase
klase
3. Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipapamalas ang
buong miyembro ang halos lahat ng pagkakaisa ng iilang
pagkakaisa sa miyembro ang miyembro sa
paggawa ng pagkakaisa sa paggawa ng
pangkatanggawain paggawa ng pangkatang Gawain
pangkatang Gawain.
4.Takdang Oras Natapos ang Natapos ang Di natapos ang
pangkatang Gawain ng pangkatang Gawain pangkatang gawain
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________
buong husay sa loob ngunit lumagpas sa
ng itinakdang oras. takdang oras.

Paglalahat ( 5 minuto) Gamit ang parehong pangkat sa Pagtataya. Pabuuin ng isang talata ang bawat grupo ukol sa kanilang
natutunan sa sa paksa-Ang barayti ng wika. Pagkatapos gawin ito, ipabasa sa bawat grupo ng sabay-
sabay ang kanilang nabuong talata.

Pagtataya (Assessment) Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng
( 5 minuto) mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag
sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek
2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-
Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha,
ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek
4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang
walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole
5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-
Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang
wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek
6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga
salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam
niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register
8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa
harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek
9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saanman
siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga
Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek
10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang
Rated K.
a.Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole
V-Takdang-aralin Ipanood sa mga mag-aaral ang link na ito tungkol sa barayti ng wika idyolek. https://www.youtube.com/watch?
v=fPlz3ShbR14 at pagkatapos ipasulat sa kanila ang kanilang sariling idyolek,

Checked: EMELDA G. CROMBIE Date: ___________________________ Remarks: ________________________


SHS Assistant School Head
GAMUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Gamut, Tago, Surigao del Sur

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


______________________________________________________________________________________________________________

You might also like