You are on page 1of 23

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 3
Ang Rehistro at Iba’t Ibang Barayti ng Wika

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 3: Mga Barayti ng Wika
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS-I
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay
Nimfa R. Lago, PhD
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Miyembro: Marie Emerald A. Cabigas, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD,
EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Maria Teresa M. Absin, PhD, SGOD
Chief, Sally S. Aguilar, PhD, EPS (Filipino); Celieto B. Magsayo, LRMS Manager;
Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Alternative Delivery Mode (DepEd-ADM)
Office Address: Masterson Avenue, Upper Balulang, Zone 1, Lungsod ng Cagayan de
Oro, Lalawigan ng Misamis Oriental
Telephone #: (088)-881-3137
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 3
Ang Rehistro at Iba’t Ibang Barayti ng Wika

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


TALAAN NG NILALAMAN

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 1

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4

Aralin ------------------------------------------------- 5

Mga Gawain ------------------------------------------------- 6

Paglalahat ------------------------------------------------- 12

Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13

Sanggunian ------------------------------------------------ 15
ALAMIN

Panimulang Ideya

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga naunang aralin! Sa
araling ito ay mas hahamunin naman ang inyong mga kakayahan at kaalaman tungkol sa
wika.
Ang wika man ay namamatay o nawawala rin. Mangyayari ito kung hindi
na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng linggwistikang komunidad na
dating gumagamit nito. May iilang salitang Filipino na patay na o unti-unti ng nawawala
dahil hindi na nagagamit, tulad ng perang nawala na sa sirkulasyon kaya’t nakalimutan na
ng mga tao. Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika? Ayon kina Paz, Hernandez at
Peneyra (2003), hindi mamamatay ang isang wika hangga’t may mga gumagamit pa rin
ng mga ito bilang kanilang unang wika habang ginagamit pa sa pamilya, sa pang -araw-
araw na gawain at sa pakikipaghalubilo sa kapwa.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao?
Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang
tungkulin nito. Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong
pagkuna n ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

9
MODYUL 3

Ang Rehistro ng Wika

Markahan: Ikalawa Linggo: 3rd

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng


komunikasyon. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki
upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang
interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang register at iba’t ibang barayti ng


wika. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong
komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Natutukoy ang iba’t ibang register barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya,
Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa
mga larangang ito. ( F11WG – IIc – 87 )

2. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa


kulturang Pilipino. ( F11PU – IIc – 87)

10
3.

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay
binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat
malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika.
Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na
napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na
bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat
na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng
modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo
ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating
kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay
na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay
at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

11
Ang Rehistro at Iba’t Ibang Barayti ng Wika

““Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit”


(Halliday, McIntosh at Stevens, 1994)

https://www.google.com/search?q=rehistro+ng+wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjM1d2IjeXpAhXjIaYKHfBaBK4Q2-cCegQIABAA&oq=rehistro+ng+wika+cli

12
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin kung sa
anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang
titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______


a)pinipilib)isinasaayos
c)dinamikod)kagila-gilalas

2.Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga tao,
masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan.
a)komunikasyon b)wika
c)kilos d)kultura

3. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang


pangkat o uring panlipunan.
a)Dayalekb)Sosyolek
c)Rehistrod)Idyolek

4 .Alin sa mga ito ay ang depenisyon ng TENOR?


a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b)Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon
c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit

5 .Alin sa mga salita ang depinisyon ng FIELD DIMENSYON sa Register ng Wika?


a)Layunin b)Komunikasyon c)Paksa d) wala sa nabanggit

6.Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek

13
7.Ang sumusunod ay kabilang sa mga depenisyon ng 3 Dimensyon ng Register ng
Wika maliban sa ____________.
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b)Ito ay kadalasang ginagamit sa bahay at kadalasang galing sa mga bata
at matanda
c)Para kanino ginagamit ang salitang ito?
d)Ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro

8.Saan kabilang ang Register ng Wika?


a)Dayalek b)Barayti ng Wika
c)Komunikasyon d)Sosyolek

9 .Alin sa sumusunod ang depenisyon ng MODE?


a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b)Ito ay paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat.
c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit ang salitang ito?

10.Ang salitang "TERM" ay nangangahulugan ng ____________.


a)Pahayag
b)Gaano kahaba ang termino o serbsiyo ng isang tao (ex. termino ng isang Vice
President)
c)lingguwistika
d)Dalubhasa

https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika

14
ARALIN 3

Ang Register at Iba’t Ibang Barayti


ng Wika

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa register at iba’t ibang barayti ng wika
YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

Ang pagkakaroon ng register at iba’t ibang barayti ng wika ay dulot ng


pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa loob ng iba’t ibang
phenomenon. Dahil sa ugnayang ito, nalilinang ang wikang may pagkakaiba sa
orihinal o istandard na pinagmulan nito. Kaya sa araling ito susubukin ang iyong
kakayahan at kaalaman.

Gawain 1 Panuto:Sa pamamagitan ng larawang nakikita sa ibaba,


magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang
nakasulat. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

SAGOT:__________

15
B. SURIIN
Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang
malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat
nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinagagamitan nito. Ito ay tinatawag na register ng wika.

Mga Halimbawa ng Register:


▪ Mga salitang jejemon
▪ Mga salitang binabaliktad
▪ Mga salitang ginagamit sa teks
▪ Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga
doktor
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi maipagkamali ang
kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA na
ang Kahulugan sa Medisina ay Cancer, Calcium sa Nutrisyon, Communication Arts sa
Komunikasyon, Civil Aeronautics sa kursong Aeronotics , Chartered Accountant, Chief Account sa
Accounting , Chronological Age, Coast Artillery at Consular Agent.

Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangangahulugang pag-atras


o pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking), pagtigil o pagpigil sa
bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).

Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang
halimbawa:

SALITA LARANGAN KAHULUGAN

Komposisyon Musika Piyesa o awit


(Composition)
Lengguwahe Sulatin

Agham Pinagsama-samang elemento

Isyu (Issue) Politika Usaping pampolotika/ panlipunan

Pamamahayag Bilang ng labas ng pahayagan

General Military Mataas na ranggo

Lengguwahe Pangkalahatan

16
Race Sociology Lahi, angkan, lipi

Lengguwahe Pangkalahatan

Agham Pinagsama-samang elemento

Stress Psychology Tensiyon

Lengguwahe Diin, tuldik

Strike Sports Nasapol, termino sa bowling

Paggawa Welga

Lengguwahe Hambalusin, hampasin

State Politika Bansa, estado

Komunikasyon Sabihin, ipahayag

Psychology Kalagayanm kondisyon

Operasyon Medisina Pagtistis

Paggawa Pagpapalakad ng makina/ opisina

Military Pagsasagawa ng isang plano

Authority Literature Dalubhasa dahil sa sariling likha

Military Taong may katungkulan

Psychology Tao o pangkat na may karapatan o


kapangyarihan

https://www.coursehero.com/file/p2k51ahp/Ito-ay-barayti-ng-wika-na-nagmula-sa-etnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/

17
https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/

DIMENSYON NG HALIMBAWA SALITA KAHULUGAN


REGISTER

KOMPOSISYON
FIELD MUSIKA KOMPOSISYON PIYESA/AWIT

MODE PASALITA

TENOR MANG-AAWIT

18
Gawain 2

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang OPERASYON batay sa register nito sa iba’t ibang larangan.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
Hal: Salitang BATO

Konstruksyon Pag-aalahas Medisina

Mamahaling hiyas o Kidney


Hollow block
diyamante

Salitang OPERASYON

LARANGAN KAHULUGAN

1. PAGGAWA

2. MEDISINA

3. KALAKALAN

4. MILITAR

19
C. PAGYAMANIN

Panuto: Basahin ang web blog ni Cris Israel Lumansang na pinamagatang WHAT IF
CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
WHAT IF CONYO LAHAT NG TAO HERE IN ‘PINAS
Magnanakaw: Holdap! Make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I will make
tusok you!
Pulis: Make suko na, we made you napaliligiran!
Impeachment trial: You are so asar!I’m galit na to you!
Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
Newscaste r: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
Pasahero 1: Sir! Payment
Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: You’re so bad, see ka ni God.
Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init pa, I’ll make it with extra sago! Bibili
ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
-Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.55 –

Gawain 3

Narito ang ilan pang mga tanong na ibinatay sa iyong binasang web blog.
Gawin ang isinasaad sa bawat bilang sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk.
1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat ng mga
Pilipino? Ipaliwanag.
_________________________________________________________
2. Kung makasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay maaaring madala
mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging sa iyong paghahanapbuhay.
Paano kaya kungnewscaster ka na ng isang respetadong news and public affairs
program sa telebisyon subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to
everyone!” Ano ang magiging posibleng epekto nito sa ating pakikipagtalastasan sa
ating kapwa?
______________________________________________________________
1. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, Paano mo maisusulong ang maayos at
malinaw na pakikipag-usap sa iyong kapwa?

20
D. ISAGAWA

Gawain 4

Panuto: Magbigay ng sariling paliwanag batay sa konseptong pangwikang tinalakay.


Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel o notbuk

1. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang


mga kaalaman ukol sa mga barayti ng wika? Magtala ng limang
paraan.

1.
2.

3.

4.

5.

2. Gumawa ng poster-islogan, batay sa mga tanong na ito: Paano mo


mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang
naiintindihan? Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang
taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo?

Poster-islogan

21
RUBRIC SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER
MGA KRAYTERYA Sarili Guro
4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas Naging malikhain Hindi gaanong Walang ipinamalas na
ng pagkamalikhain sa sa paghahanda. naging malikhain sa pagkamalikhain sa
paghahanda. paghahanda. paghahanda.
Pamamahala ng Ginamit ang sapat na Ginamit ang oras Naisumite dahil Hindi handa at hindi
Oras oras sa paggawa ng na itinakda sa binantayan ng guro tapos.
sariling disenyo sa paggawa at gawain. naibigay sa
tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging malinaw Hindi gaanong Hindi naging malinaw
malinaw ang pagbigkas ang pagbigkas at malinaw ang ang at paghahatid ng
paghahatid ng pagbigkas at pagbigkas/paghahatid ng mensahe. mensahe.
paghahatid ng mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaishan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, kumpleto may sapat na kaisahan, kulang sa pagkakabuo, kulang ang
ang detalye at detalye at malinaw detalye at hindi detalye at di-malinaw
napalinaw. na intension. gaanong malinaw ang intensyon
ang intension
Kaangkupan sa Angkop na angkop ang Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang mga
Paksa mga salita (islogan) at salita o islogan sa angkop ang mga salita at larawan sa

larawan sa paksa. larawan ng paksa. salita at larawan sa paksa.


paksa
Kabuuang Puntos
Level ng Pagsasagawa (Performance)

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng


mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na
maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinagagamitan nito. Ito ay tinatawag na register ng wika.

22
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin


kung sa anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o
sitwasyon. Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______


a) pinipili b) isinasaayos
c) dinamiko d) kagila-gilalas
2. Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga
tao, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan.
a)komunikasyon b) wika
c) kilos d) kultura

3. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng


isang pangkat o uring panlipunan.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek

4 .Alin sa mga ito ay ang depenisyon ng TENOR?


a) Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita
o pasulat
b) Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon
c) Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d) Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit

5.Alin sa mga salita ang depinisyon ng FIELD DIMENSYON sa Register ng Wika?


a) Layunin b) Komunikasyon
c) Paksa d) wala sa nabanggit

6. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek

23
7.Ang sumusunod ay kabilang sa mga depenisyon ng 3 Dimensyon ng Register ng Wika
maliban sa __________ __.
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b)Ito ay kadalasang ginagamit sa bahay at kadalasan na galing sa mga bata at
matanda
c)Para kanino ginagamit ang salitang ito?
d)Ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro

8.Saan kabilang ang Register ng Wika?


a)Dayalek b)Barayti ng Wika
c)Komunikasyon d)Soysolek

9 .Alin sa sumusunod ang depenisyon ng MODE?


a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b) Ito ay paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita
o pasulat.
c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit ang salitang ito?

10.Ang salitang "TERM" ay nangangahulugan ng ____________.


a)Pahayag
b)Gaano kahaba ang termino o serbsiyo ng isang tao (ex. termino ng isang
Vice President)
c)lingguwistika
d)Dalubhas

24
SUSI NG PAGWAWASTO

25
1
SANGGUNIAN

A. Aklat

Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining


ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


2006. Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House,


Inc.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
2000. Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc.

Webster’s new colligiate dictionary. 1961.Springfield, A: G and G Merriam

The personal promise pocketbook. 1987. Makati:Alliance Publishers, Inc.

De Jesus, Armado F. 2000. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs.
Di-nalathalang disertasyon, UST.

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio
sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP
Diliman.

2
26
Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-
98.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa


wikang pambansa. Lagda, 12-20.

B. Websites

https://www.scribd.com/doc/130276115/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

https://www.google.com/search?q=rehistro+ng+wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahU
KE

wjM1d2IjeXpAhXjIaYKHfBaBK4Q2-cCegQIABAA&oq=rehistro+ng+wika+cli

https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-ginawang-isloganposter.html

https://www.coursehero.com/file/p2k51ahp/Ito-ay-barayti-ng-wika-na-nagmula-sa-

etnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/

https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika

27
3

You might also like