You are on page 1of 18

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 5
KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
( Kakayahang Lingguwistiko at Sosyolinguwistiko)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


1
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino – Senior High
School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 5: Komponent ng Kakayahang
Komunikatibo ( Lingguwistiko at Sosyolingguwistiko)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Content Editor: Dolores A.Tacbas
Language Editor: Desiree E. Mesias
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Oriental


Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 856-4524
E-mail Address depedmor@gmail.com

2
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Kwarter – Modyul 5
KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
(Kakayahang Lingguwistiko at Sosyolinguwistiko)

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

3
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 1

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4

Aralin ------------------------------------------------- 5

Mga Gawain ------------------------------------------------- 6

Paglalahat ------------------------------------------------- 12

Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13

Sanggunian ------------------------------------------------ 15

4
MODYUL 5

KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO


(Kakayahang Lingguwistiko at Sosyolinguwistiko)

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikalima

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN

Panimulang Ideya

Sapagkat matagumpay ninyong natapos ang mga naunang aralin, ngayon ay


mas hahamunin naman kayo sa araling ito. Ang inyong kakayahan at kaalaman
tungkol sa wika.

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay ang magamit ito nang


wasto sa mga angkop na sitwasyon upang higit na magiging maayos ang daloy
komunikasyon at nang sa gayo’y maihatid ang tamang mensahe sa kausap o
kinauukulan upang magkakaunawaan.

Ang modyul na ito ay naglalalaman ng kaalaman tungkol sa mga kakayahang


pangkomunikatibo. Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na
sasagutan ng sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul na
ito.
Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika sa component ng


kakayahang pangkomunikatibo sa larangan ng lingguwistiko at sosyolingguwistiko.
Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka
sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga component ng


kakayahang komunikatibo. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong

1
karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y
mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan F11PT –
IIe – 87;
b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan .
F11PS – IIe – 90. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang
kalikasan at gamit ng wika.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong
guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
(Kakayahang Lingguwistiko at Sosyolinguwistiko)
“Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa
mga angkop na sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe at
magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap.”
–Anonymous-

https://www.google.com/search?q=lingguwist+and+sociolingguist+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjV3NiF1ZrqAhWazYsBHa72B5IQ2-
cCegQIABAA&oq=lingguwist+and+sociolingguist+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BggAEAcQHlCY9AFYmqEDYISqA2gAcAB4AIABpwGIAZsfkgEEMC4yOZgBAKABAaoBC2d3cy13aX
otaW1n&sclient=img&ei=e2PzXpWzCpqbr7wPru2fkAk&bih=657&biw=1500#imgrc=wKa8cj5PeWY6_M

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Ito ay pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan.


a. Keys b. Participants c. Setting d. Act Sequence

2. Ito ang tawag sa takbo ng usapan


a. Act Sequence b. Participants c. Instrumentalities d. Keys

3. Ito ay tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.


a. Norms b. Genre c. Participants d. Instrumentalities

4. Ito ay kumakatawan sa paksa ng usapan.


a. Participants b. setting C. Norms d. Keys

5. Ito ay may kinalaman sa tono ng pakikipag-usap.


a. Genre b.Keys c. Setting d. Norms

6. Sino ang nagsabi na ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman


ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng
tao sa wika.
a. Dell Hymes b. Hymes c. Savignon d. Savignonon
7. Siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking ambag
sa larangan ng sosyolingguwistika.
a. Sauvignon b. Hymes c. Dell d. Dell Hymes

8. Ito ay tinatawag na isang anyo ng kamunikasyon ng tao.


a. Speaking b. pananalita c. Speking d. pag-uusap

9. Ito ang diskurso na ginagamit sa pagsasalita.


a. Kesy b. Instrumentalities c. Genre d. setiing

10. Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan.


a. Ends b. Genre c. Setting d. Key

4
ARALIN 5

Kakayahang Lingguwistiko at
Sosyolinguwistiko

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa component ng kakayahang komunikatibo.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa kakayahang lingguwistiko at sosyolinguwistiko.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=talking+in+the+school++hallway+teeenager+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjSi7PQ3JrqAhUfyIsBHcgrCDcQ2-
cCegQIABAA&oq=talking+in+the+school++hallway+teeenager+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQA1Cs1ANY8IkEYMiTBGgAcAB4AIABqwGIAZIZkgEEMC4yMpgBAKABAaoB
C2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=bmvzXtKcNp-Qr7wPyNeguAM&bih=657&biw=1500&hl=en#imgrc=Yq4U5G2tl9CNNM&imgdii=mDsFrN67XFQ

5
Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng larawan sa tuklasing bahagi, sagutin ang mga


sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

________________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang ginawa nila?

________________________________________________________

3. May komunikasyon bang nangyayari sa kanila? Ipaliwanag ang sagot.

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

SURIIN
Sa araling ito kaibigan tatalakayin natin ang unang komponent ng
kakayahang komunikatibo; ang kakayahang lingguwistiko/gramatikal at ikatlong
komponent ang sosyolingguwistiko. Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung
kakayahang pangkomunikatibo ang pag-uusapan, isang bahagi lang nito ang
kakayahang lingguwistiko. Sa mga naunang framework o modelo ng mga
lingguwista sina Canale at Swain (1980-1981) ay may tatlong komponent silang
iminungkahi. Ang mga ito ay ang kakayayanag gramatikal, sosyolingguwistiko, at
istratedyik. Sa sumunod na bersyon ng nasabing modelo, si Canale (1983-1984) ay
nagsalin ng ilang elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang
ikaapat na komponent, ang kakayahang diskorsal. Sinasabi nina Canale at Swain,
ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal ay ang pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa
taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at
pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
Ngayon sa kakayahang sosyolingguwistiko na naman tayo. Kilala niyo ba
si Dell Hymes? Alam niyo ba na siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na
nag-iwan ng malaking ambag sa larangan ng sosyolingguwistika. Ayon kay Sapir
(1949), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan sa sosyolisasyon, na ang
ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o buo kung wala ang wika. Ang paliwanag
naman ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman

6
kung kailan tayo magsasalita at hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang
kakausapin, saan, at sa paanong paraan.Halimbawa: Magkaiba ang magiging takbo
ng usapan sa loob ng isang pormal na komunikatibong sitwasyon gaya ng talakayan
sa klase, asembleya, o pagpupulong kumpara sa isang impormal na sitwasyon gaya
ng kwentuhan ng magkakamag-aaral sa labas ng silid-aralan. Nangangahulugan
ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pag-unawa batay sa kung sino, paano,
kailan, saan at bakit nangyayari ang sitwasyong pangkomunikatibo. Binibigyang-
pansin dito ang pagkakaiba ng COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa
PERFORMANCE o PAGGANAP.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016) p.153-160

Gawain 2

Panuto: Subukin ang iyong kakayahan. Bigyang-kahulugan ang ilang


mahahalagang salitang naging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong pananalita
batay sa iyong pagkaunawa sa bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel
o notbuk. (Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan F11PT – IIe – 87)

1. Kakayahang
Komunikatibo

2. Kakayahang
Lingguwistiko

3. Kakayahang
Sosyolingguwistiko

7
4. ponolohiya

5. lingguwista

Bakit mahalagang pag-aralan kakayahang


sosyolingguwistiko?
Kinakailangang pag-aralan ang kakayahang sosyolingguwistiko dahil ang
Pilipinas ay isang multilingguwal at multikultural na bansa, kinakailangang ang
kakayahang ito upang magkaroon ng epektibong komunikasyon sa anumang
sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng epektibong komunikasyon na ito ang
kakayahang sosyolingguwistiko. Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay hindi
lamang nakakahon sa mga lingguwistikong kumbensyon ng wika kung hindi,
tumutuon ito sa panlipunang alituntunin sa paggamit ng wika.Ayon kay Savignon
(1972) isang propesor sa University of Ellinois,ang competence ay ang batayang
kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay
ang paggamit ng tao sa wika. Ayon sa kanya magiging maayos lamang ang
komunikasyon kung ito’y isasaayos. Kaya ang salitang SPEAKING sa ingles na
tinatawag naman sa Filipino na Pagsasalita ay isang anyo ng kamunikasyon ng tao.
Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay kaya ito ay
napakahalaga sa atin dahil nabigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang
mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa. Kaya, basahin at unawaing mabuti ang mnemonic device na SPEAKING at
ang kahalagahan nito bilang mahalagang elemento sa alinmang speech activity.
Setting – Tumutukoy ito sa pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o
pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga
tao.Kailangan iangkop natin ang ating pananamit at pananalita sa lugar kung saan
nangyayari ang usapan. Halimbawa: Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan,
hindi tayo makikiapag-usap na tayo ay parang nasa kalsada. Ang mga salitang ito
ay ang mga sumusunod: tsimay, isnab, sikyo, tsimay, ermat, erpat.
Participant – Kinakatawan nito ang mga taong nakikipagtalastasan. Dapat
nating isaalang-alang kung sino ang ating kakausapin o kinakausap. Hindi natin
kinakausap ang ating guro tulad ng pakikipag-usap natin sa ating kaklase o kaibigan,
dahil sa ating guro kinakailangan nating maging magalang samantalang kampante
naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan. Mahalagang maging magalang tayo sa
8
pakikipag-usap sa ating mga guro samantalang maaaring maging kampante o
komportable naman tayo sa ating mga kaibigan o kaklase.

Ends – Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin


kung ano ang ating mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung
hihingi tayo ng pabor kinakailangan natin ang pagpapakumbaba.

Act sequence- Tumutukoy ito sa daloy o sa takbo ng usapan. Maging


sensitibo sa takbo ng usapan. Halimabawa kapag mainit ang takbo ng usapan
kailangan nating maging kalmado sa pakikipag-usap upang magtatapos sa isang
mapayapang usapan. Kung minsan naman ang biruan ay nagbubunga ng
pagkapikon at alitan kaya kailangan maging mapagmasid tayo sa kahit anong takbo
ng usapan.

Keys- May kinalaman ito sa tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o


pook/lugar, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay
pormal o di- pormal. Halimbawa ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di
dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal.

Instrumentalities- Nakapaloob naman sa elementong ito ang tsanel o


midyum na ginamit na maaaring pasalita o pasulat. Dapat alamin natin kung ano ang
dapat sabihin at kung saan natin ito sasabihin.

Norms- Dito naman makikita ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin
kung tungkol saan ang usapan. Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda “ito
ay usapang pangmatanda lamang”, usapang pambabae o “ girls talk”, may usapang
panlalaki rin. Ibig sabihin kailangan nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung
saan ito nababagay o nabibilang.

Genre – Ikinokonsider dito ang diskursong ginagamit. Kailangang maging


sensitibo tayo sa kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba,
nangangatwiran, o nakikipagtalo.

Ang modelong SPEAKING na tinatawag ni Hymes ay nakapaloob sa


etnograpiya ng komunikasyon. Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang
sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas
at pakikipag-unayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung
ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na
nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin
ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na
pahalagahan ang mga salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas
maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

https://prezi.com/pov4ncg4gwb1/kakayahang-sosyolingguwistiko/

9
Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyong
pangwika.Tukuyin kung sino ang nag-uusap,paano nangyari ang pag-uusap( sa
pamamagitan ng diyalogo), kailan, saan at bakit nangyayari ang usapan. Gawing
batayan ang acronym na SPEAKING. (Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito
sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.F11PS – IIe – 90)

1. Sa isang shopping center sa Cebu, sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng


Sinulog, may dalawang turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang
dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila makakakuha ng taxi
papuntang Basilica Del Santo Niňo. Tinulungan naman ito ng mamimili
hanggang sa makasakay ng taxi ang dalawang turista.

S- Saan ginaganap ang pag-uusap? ________________________________


P-Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon? __________________________
E- Ano ang pakay ng pag-uusap? __________________________________
A- Paano ang nagging takbo ng usapan?____________________________
K-Ano ang tono ng pag-uusap? ___________________________________
I-Anong midyum ang ginamit sa pag-uusap? _________________________
N-Ano ang paksa ng usapan?_____________________________________
G-Anong uri ng diskurso ang ginamit? ______________________________

2. May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang


mga dapat nilang ihanda kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik.
Nagpunta sila sa isang wedding planner na nakilala nila sa isang online site
ng mga event organizer.Napagkasunduan nilang magkita sa isang restoran
upang pag-usapan ang mga dapat gawin at ang maaaring gasto kung sila ay
magpapakasal.

S- Saan ginaganap ang pag-uusap? ________________________________


P-Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon? __________________________
E- Ano ang pakay ng pag-uusap? __________________________________
B- Paano ang nagging takbo ng usapan?____________________________
K-Ano ang tono ng pag-uusap? ___________________________________
I-Anong midyum ang ginamit sa pag-uusap? _________________________
N-Ano ang paksa ng usapan?_____________________________________
G-Anong uri ng diskurso ang ginamit? ______________________________

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016) p.170-171

10
D. ISAGAWA

Gawain 4

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Bilang isang mag-aaral bakit kailangan kong matutunan ang
komponent ng kakayahang komunikatibo ( lingguwistiko at
sosyolingguwistiko)?

Bilang isang mag-aaral kailangan ko matutunan ang komponent ng kakayahang


komunikatibo dahil
____________________________________________________________________

2. Paano mo mapapaunlad ang iyong kakayahang komunikatibo, na maaari


mong magamit sa iyong sarili, pamilya at komunidad?

Mapapaunlad ko ang aking kakayahang komunikatibo na maaari kong


magamit sa aking sarili sa pamamagitan ng :
__________________________________________________________

Sa aking pamilya sa pamamagitang ng:


__________________________________________________________

Sa aking komunidad sa pamamagitang ng:


__________________________________________________________

3. Paano nakatutulong ang pagtamo ng kakayahang komunikatibo sa iyong


pang-araw-araw na buhay?

Makakatulong ang pagtamo ng kakayahang komunikatibo sa aking pang-araw-araw na


buhay sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________

11
Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan. Kaya
sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika. -Ang
pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon,
maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap. Ang
kakayahang linggwistiko ay isang kakayahan o katalinuhan sa larangan ng isang linggwahe. Ang
lingwistikong kakayahan ay binubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang pagbigkas,
pagsulat. May malalim na kaalaman sa isang wika sa pagsulat at sa pagbigkas, na may taglay ng
tamang gramatika. Samantala ayon kay Jocson, et. al. (2014) pahalagahan ang lugar ng usapan,
igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-uusapan, isaalang-alang ang genre ng
usapan gayundin ang layunin ng pag-uusap at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang
komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan iyan naman ang
sosyolingguwistikong kakayahan. Nawa’y naging malinaw sa iyo ang paksang aralin. Paalam.

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan.


b. Keys b. Participants c. Setting d. Act Sequence

2. Ito ang tawag sa takbo ng usapan


b. Act Sequence b. Participants c. Instrumentalities d. Keys

3. Ito ay tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.


a. Norms b. Genre c. Participants d. Instrumentalities

4. Ito ay kumakatawan sa paksa ng usapan.


a. Participants b. setting C. Norms d. Keys

5. Ito ay may kinalaman sa tono ng pakikipag-usap.


a. Genre b.keys c. setting d. Norms
6. Sino ang nagsabi na ang competence ay ang batayang kakayahan o
kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang
paggamit ng tao sa wika.
a. Dell Hymes b. Hymes c. Savignon d. Savignonon

12
7. Siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking
ambag sa larangan ng sosyolingguwistika.
a. Savignon b. Hymes c. Dell d. Dell Hymes

8. Ito ay tinatawag na isang anyo ng kamunikasyon ng tao.


a. Speaking b. pananalita c. Speking d. pag-uusap

9. Ito ang diskurso na ginagamit sa pagsasalita.


a. Keys b. Instrumentalities c. Genre d. setiing

10. Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan.


a. Ends b. Genre c. Setting d. Keys

13
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016

B. Websites

Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

https://www.google.com/search?q=lingguwist+and+sociolingguist+clip+art&tbm=isch
&ved

https://prezi.com/pov4ncg4gwb1/kakayahang-sosyolingguwistiko/

14

You might also like