You are on page 1of 20

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Unang
Kuwarter – Modyul 4
Gamit ng Wika sa Lipunan

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul: Gamit ng Wika sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor


Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Allain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat:Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing, Dulce Amor S. Loquias,
Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas Tagasuri ng Lengguwahe:
Desiree E. Mesias Tagasuri: Sheryl A. Resgonia
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit:Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD,
CID Chief; Sally S. Aguilar Ph. D., EPS Filipino In-charge; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile
L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Unang Kuwarter –
Modyul 4
Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
inyong mga puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 1
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4
Aralin ------------------------------------------------- 5
Mga Gawain ------------------------------------------------- 6
Paglalahat ------------------------------------------------- 12
Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13
Sanggunian ------------------------------------------------ 15
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin.
Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto.
Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagina
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito
tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
mauugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga
kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya
mo to! Hand ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 4

Gamit ng Wika sa Lipunan

Markahan: Unang Linggo: 4th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN

Pangkalahatang Ideya

Samodyul na ito, tatalakayin ang gamit ng wika sa lipunan bilang instrumento ng komunikasyon. Ang mga
kasanayang matutunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman
sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

1
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga wikang ginagamit sa lipunan. Makatutulong
ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na


kasanayang pampagkatuto:
a. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas
sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On
The Job, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Id – 87
b. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa F11PS – Id – 87

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng


pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat
aralin at sa kasanayang pampagkatutong dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga
konseptong pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa
konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga
layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral.
Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay.Malaki ang
maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag- aaral kung susundin mo
ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang
mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksang nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnayang gawain.
Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang panghuling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo
inunawa ang bawat aralin ?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa
pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatanghindi masira. Gumamit ka ng
hiwalay na sagutang papel o notbuk.
Gamit ng Wika sa Lipunan

Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon tayo ng pagkakataon namakiusap at makipagtalastasansa ating mga


kapwa mamamayan o mga kababayan
-https://brainly.ph/question/642702-

https://www.google.com/search?q=wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjytb-327rpAhVFdJQKHZrXAiQQ2-
cCegQIABAA&oq=wika+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6AggpOgQIABBDOgQIABAeOgYIABAFEB46BAgAEBg6BggAEAgQHlDuF1jJJmD-
LWgAcAB4AIAB3QGIAfsLkgEFMC43LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=RxXBXrL2FMXo0QSar4ugAg&bih=676&biw=1517#imgrc=gzoAXiSy0QV30M&imgdii=Zt3P_1GQyRcwpM
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta
sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL b. HEURISTIK
c. IMAHINATIBO d. REGULATORI

2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan


upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. PERSONAL b. IMAHINATIBO
c. REGULATORI d. HEURISTIK

3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga aksidenteng
dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. INTERAKSYONAL b. INSTRUMENTAL
c. PERSONAL d. REGULATORI

4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang
kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK b. IMPORMATIB
c. IMAHINATIBO d. INSTRUMENTAL

5. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya


naman nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang
talaarawan.
a. INTERAKSYONAL b. HEURISTIK
c. PERSONAL d. REGULATORI

6. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng


Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. IMPORMATIBO b. INTERAKSYONAL
c. INSTRUMENTAL d. IMAHINATIBO

7. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto
dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ngpagluto nito.
a. PERSONAL b. HEURISTIK
c. IMAHINATIBO d. REGULATORI
8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng
Makabagong Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na pagpapahayag. a. IMAHINATIBO
b. INTERAKSYONAL
c. REGULATORI d. INSTRUMENTAL

9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating nabagyo sa ating bansa.
a. HEURISTIK b.IMPORMATIBO
c. PERSONAL d. INSTRUMENTAL

10.Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Wala pa ring tatalo sa Alaska!"
kaya bumili siya nito.
a. IMAHINATIBO b. REGULATORI
c. INSTRUMENTAL d. INTERAKSYONAL
ARALIN 4

Ang Wika at ang Lipunan

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa gamit ng wika sa lipunan.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing
may kinalaman sa gamit ng wika sa lipunan.

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=language+and+community+clip+art&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiM9LnExsHpAhVTI6YKHZZpBy wQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1482&bih=657#imgrc= MFRXJXL18dblUM


Gawain 1

Panuto: Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Ibigay ang iyong reaksiyon sa larawang
nasa itaas sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya saibaba.

1. Wikang sinasalita at nauunawaan ko: .

2. Anong kahalagahan ng wika ang ipinapakita ng larawan sa itaas?

3. Kapag ang isang lipunan ay may iba’t ibang wikang ginagamit, nagkakaunawaan ba ang mga
naninirahan dito? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba:
Masasabi kong
_sa
paraang

B. SURIIN

Kahalagahan at Tungkulin ng Wika


1. SARILI

Nagagawang paunlarin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga butil
ng kaalaman mula sa kanyang paligid. Nagagawa rin niyang maipahayag ang kanyang mga naisin
at hangarin sa buhay na maaaringmay malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal na
kasiyahan.

2. KAPWA

Walang sinuman sa mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kung kaya’t kailangan
natin ang ating kapwa upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang ating kaalaman at
kakayahan.
3. LIPUNAN

Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting ugnayan


ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga
taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang
magkaunawaan, magkaintindihan, at magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang
sariling kultura.

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.60-62

Gawain 2

Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang nagkakaisa atnagkakaunawaang lipunan?

_
_
_
_
_
_ _

C. PAGYAMANIN

Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag- uugali, ideya, saloobin
at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika,pasalita
man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa
isa't isa.Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang uriin ang mga
tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay.isarito si M.A.K. Halliday na naglahad sa anim
na tungkulin ng wika na sumusunod:

1. Instrumental

Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag- ugnayan sa iba.Ang
paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay
mga halimbawa ng tungkuling ito.

2. Regulatoryo
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto
ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

3. Interaksiyonal

Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng


malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

4. Personal

Angpagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

5. Heuristiko

Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.


Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng
pahayagan,blog at aklat.

6. Impormatibo

Aang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.62-63

Gawain 3

Basahin ang pahayag sa ibaba. Tukuyin kung anong gamit ng wika ang ipinapahiwatig sa pahayag.Bigyang-
kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

1. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang
modelo-ang mga guro.” Ito ang opinyon ni Ruth Elyna Mabanglo noong Agosto 2015, Kongreso ng
Pagpaplanong Pangwika.
Gamit o tungkulin ng wika:

Kahulugan at paliwanag:

D. ISAGAWA

Mahilig ka bang manood ng pelikula o palabas sa telebisyon? Dito tayo makapupulot


ng mga bagong kaalaman at karagdagang impormasyong magagamit natin sa pang-araw-
araw na buhay. Makikita din natin dito ang kahalagahan ng

Gawain 4

Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon at pelikula. Tukuyin ang
gamit ng wika at ipaliwanag ang halaga nito sa pang-araw- araw na buhay.

1. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya


lang ako lang naman ang
magmumukhang tanga. Bakit ba naman kasi
ang complicated magmahal?"

https://www.google.com/search?q=one+more+chance&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiB7dDPsMPpAhVYxIsBHb_OD9sQ_AUoAnoECCAQBA&biw=1482&bih=657#imgrc=8xUk1kMwKtm_KM

“Major, ano ba ng ginagawa naming


2. masama? Wala naman ah. Dalisay:
Meron major wala kayong ginagawa
kundi natulog lang! Nakakahiya kayo,
ikaw pa naman ang commander in
chief dito.”

https://www.google.com/search?q=probinsyano+coco+martin+eksena+sa+kapawa+police&tbm=isch&ved=2ahUKEwiTuNvDu8PpAhUB3pQKHeq8Ddo Q2-cCegQIABAA&oq=probinsyano+coco+martin+eksena+sa+kapawa+police&gs_lcp=CgNpbWcQA1CBxgR
Ang wika ay mahalaga sa isang pamayanan sa sumusunod na kadahilanan:

1. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan


2. Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili
3. Ito ay gamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan
4. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao at nagiging produktibo ang
mga mamamayan. Kapag produktibo ang mga tao, gaganahan silang gumawa at kumilos para sa
ikabubuti ng buong pamayanan.☺
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o letra
ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta
sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL b. HEURISTIK
c.IMAHINATIBO d. REGULATORI

2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan


upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a.PERSONAL b. IMAHINATIBO
c.REGULATORI d. HEURISTIK

3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga
aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan. a. INTERAKSYONAL b.
INSTRUMENTAL
c.PERSONAL d. REGULATORI

4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang
kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK b. IMPORMATIB
c.IMAHINATIBO d. INSTRUMENTAL

5. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang
magsulat ng mga saloobin niya sa kanyangtalaarawan.
a. INTERAKSYONAL b. HEURISTIK
c.PERSONAL d. REGULATORI

6. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng


Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. IMPORMATIBO b. INTERAKSYONAL
c.INSTRUMENTAL d. IMAHINATIBO

7. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto
dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng pagluto nito.
a.PERSONAL b. HEURISTIK
c.IMAHINATIBO d. REGULATORI
8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig
ngMakabagong Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na
pagpapahayag.
a. IMAHINATIBO b. INTERAKSYONAL
c.REGULATORI d. INSTRUMENTAL

9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo sa ating bansa.
a. HEURISTIK b.IMPORMATIBO
c.PERSONAL d. INSTRUMENTAL

10.Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na


"Walapa ring tatalo sa Alaska!" kaya bumili siya nito.
a. IMAHINATIBO b. REGULATORI
c.INSTRUMENTAL d. INTERAKSYONAL
SUSI NG PAGWAWASTO

Subukin at Tayahin
1. B
2. C
3. D
4. B
5. C
6. B
7. D
8. A
9. B
10. C

Gawain 1
Oo, ang wika ay ang pangunahing instrument ng komunikasyon at napakahalaga nito para sa
pakikipagtalastasan dahil kung wala nito, wala
tayong maigagamit na kasangkapan para sa pakikipag-usap sa kapwa nating tao

Gawain 2
Ang wika ay isang paraan para makipagkumonikasyon sa mga tao nakapaligid sayo.

Gawain 3
IMPORMATIBO. Ibig sabihin nadapat ang guro ang mas bihasa sa wikang Filipino. Dapat dumaan
ang mga guro sa pagsusuri upang malaman ang kanilang antas sa pagsasalita ng Filipino. Aniya,
mahalagang makaabot ang mismong guro sa"superior level" ng pagsasalita.Superior level –
Napagtatanggol at naipaliliwanag ng guro ang kanyang opinyon, at natatalakay ang mga abstraktong
paksa. Puwede siyang humimok ng tao.

Gawain 4
1. Personal
2. Regulatoryo
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog
.Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House, Inc.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
. Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc. 2000.

Webster’s new colligiate dictionary.Springfield, A: G and G Merriam.1961

The personal promise pocketbook. Makati:Alliance Publishers, Inc. 1987

De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the University of Santo
Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs. Di-nalathalang disertasyon,
UST. 2000

Grospe, Alas A.. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga
idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman. 1999
Maddux, K., March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98.
1997

Nolasco, Ma. Ricardo., Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa.


Lagda, 12-20. 1998

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-

americanliterature.edu.ph

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

You might also like