You are on page 1of 24

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 1– Modyul 8
Pagsulat ng Sanaysay

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


1
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 – Modyul 8: Ang Paggawa ng Isang Sanaysay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Nag-lay-out: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar,PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph

2
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 1– Modyul 8
Pagsulat ng Sanaysay

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


3
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 2
Mga Layunin ------------------------------------------------- 2
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 5
Aralin ------------------------------------------------- 7
Mga Gawain ------------------------------------------------- 7
Paglalahat ------------------------------------------------- 12
Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 17
Susi ng Pagwawasto _____________________________ 19
Sanggunian ------------------------------------------------ 20

4
ALAMIN

Panimulang Ideya

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga naunang aralin!
Ngayon ay mas hahamunin naman kayo sa araling ito ang inyong mga kakayahan at
kaalaman tungkol sa paggawa ng sanaysay.
Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga estudyante. Dito
naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga naiisip at saloobin hinggil sa mga
napapanahong isyu. Sa araling ito, ating bibigyan ng kahulugan ang pagsulat at ating
aalamin kung bakit ito mahalaga. Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung
saan ang kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at
simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maipahayag ng mga tao ang kanilang mga
saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng pagsulat sa buhay ng
tao? Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na ginagawa para
maisakatuparan sa iba’t ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal
dito ang kakayahan ng isang tao na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan
ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay maituturing na pisikal na aktibidad sapagkat
ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay. Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi
natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na lamang sa atin ito tulad ng
ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 8

Ang Pagsulat ng Sanaysay

Markahan: Una Linggo: 9th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras


1
Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga hakbang sa pagsulat ng sanaysay. Ang


mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa
mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang paggawa ng isang sanaysay.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong
komunidad at lipunan. Isa rin itong epektibong behikulo upang maipabahagi ang mga
kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


kasanayang pampagkatuto:
➢ Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EP-Iij-
32)

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay
binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan
na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na
bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang
gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong
sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung
susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
2
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro
ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

3
Ang Pagsulat ng Sanaysay

“Ang isang sanaysay ay karaniwang isang maikling piraso ng pagsusulat na


madalas na nakasulat mula sa personal na pananaw ng may-akda.”
(Anonymous)

https://lovepik.com/images/pagsulat.html

4
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin kung
sa anong konsepto ng paggawa ng sanaysay napabilang ang sumusunod na mga
tanong. Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng


sulatin
na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-
ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao
a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula

2. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa; naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod
upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

3. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-


araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng
isang may akda; naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay
at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

4. Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito


ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

5. Bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang puntos ukol sa


tema at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

6. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
5
7. Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao na
nabibilang sa isang pangkat.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. sounding-out-friends d. brainstorming

8. Pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong may malawak na karanasan at


awtoridad sa paksang gustong isulat.
a. pagtatanong b. pagsulat ng dyornal
c. sounding-out-friends d. interbyu

9. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng


pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. obserbasyon b. brainstorming
c. pag-eeksperimento d. pagtatanong

10. Sa paraang ito, sinusubukan muna ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol
sa paksa sa pamamagitan ng eksperimento.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. pag-eeksperimento d. brainstorming

https://app.quizalize.com/view/quiz/ikatlong-panahunang-pagsusulit-sy20192020-
40799dcd-b6eb-4648-9020-91ea8c838e8c

6
ARALIN 8

Ang Pagsulat ng Sanaysay

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga hakbang sa pagbuo ng sanaysay.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa paggawa ng sanaysay.

A. TUKLASIN

Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral ay ang


pagsulat. Isang kasanayang maituturing na pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag. Samakatuwid
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan ay maaaring mapagsalin-salin ito sa bawat panahon. Kaya kaibigan, nawa’y
ang gawaing inihanda ay kawiwilihan mo. Panibagong kaalaman na naman ang
magpapayaman sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-araw na
gawain.

Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng larawang nakikita sa ibaba, magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang nakasulat. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel o notbuk.

Ano ang
sanaysay?
https://www.google.com/search?q=ano+ang+sanaysay+clip+art&tbm=isch&v
ed=2ahUKEwjznt3YuobqAhUIWpQKHc5pBeYQ2-
cCegQIABAA&oq=ano+ang+sanaysay+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECA
AQQzoCCAA6BAgAEB46BggAEAgQHjoECAAQGFD83wFY7vMBYJD7AWg
AcAB4AIABrgGIAccLkgEEMC4xMJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclie
nt=img&ei=fsvoXvPnL4i00QTO05WwDg&bih=655&biw=1497#imgrc=Sz0Z38
u7WlrCAM

7
B.SURIIN

1. Panimula/Introduksyon-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay


sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng
atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa
akda.
Paraan ng pagsulat ng Panimula
• Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon
hanggang sa mga maliliit na detalye.
• Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para
hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
• Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
• Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro,
artikulo at iba pang sanaysay.
• Nakatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng
atensyon ng nagbabasa.
• Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling paliwanag ng
iyong sanaysay
• Salaysay – isang paliwanang ng iyong sanaysay.

2. Katawan- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito
ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
Paraan ng pagsulat ng Katawan
• Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
• Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo ng paksa.
• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng
isang paksa
• Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang
komplikado at vice versa

8
3. Konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa
sanaysay. Sa bahaging ito hinahamon ang paraan ng pag-iisip ng mambabasa
na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas


• Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay
• Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang
retorikal na tanong
• Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

Gawain 2
Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

SANAYSAY NG ASPEKTONG KULTURAL AT


LINGGUISTIKO NG AMING KOMUNIDAD - PAMUMUHAY AT
WIKA NG LAUREL, BATANGAS
“Ala e”, dalawang salita na may apat na letra, ngunit dito pa lamang ay alam na
alam mo na at kilala mo na kung sino at tagasaan ang nagsalita. Dahil sa salitang ito,
matutukoy na agad ng mga taong galing ibang bayan o lalawigan na isang Batangeño o
Batangeña ang pinanggalingan ng salita. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga
salitang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng wika ng lipunan.

Ako bilang isang kabataan at estudyante ng modernong panahon, isang


palaisipan sa akin ang mga salitang karaniwang sinasabi ng mga matatanda sa aming
komunidad, at mapapasabi na lang na “huh?” Ipinapakita lamang nito ang napakalaking
pagbabago o transpormasyon ng ating wika mula noon hanggang ngayon. Mga
nakagawiang wika noon na hindi na alam ng mga kabataan sa ngayon.

9
Isa sa mga natutunan ko sa mga magulang ko na natutunan din nila sa kanilang
mga magulang ay ang pagiging maasikaso sa bisita. Kapag may bisita dapat ay: (1)
papasukin sa bahay, paupuin agad, at ipagtimpla ng kape o kung ano mang maiinom o
makakain. (2) Kung makikitulog man sa bahay, dapat sila ang nasa kama at kayo sa
banig (kung mahalagang panauhin). (3) Huwag hahayaang gumawa ng gawaing bahay
dahil sila ay bisita. (4) Dapat hindi sila ma-OP o Out of Place sa bahay niyo. At
maraming-marami pang ibang kasunod na halos lahat ay pumapabor sa komportableng
katayuan ng bisita.

“Sinsay muna”, ibig sabihin tuloy muna o daan muna dito. Uso din sa aming
komunidad ang bigayan ng ulam sa pagitan ng magkakapitbahay. Hindi rin masyadong
uso ang cellphone sa matatanda kaya minsan kapag may itatanong sa kapitbahay,
isisigaw na lang. At dahil malayo ang aming komunidad sa palengke o pamilihan,
karamihan ng mga namamalengke na tagaamin na walang sasakyan o motor ay
naglalakad o nasakay sa kabayo para lamang makarating sa pamilihan na halos apat
na kilometro ang layo.

Hindi lalampas sa lima ang mga mayroong four wheeler na sasakyan sa amin
kaya karaniwan na ang motor o single bilang midyum ng transportasyon. Maswerte ka
kung may sarili kayong sasakyan, at mamimili ka na lang kung magbabayad ka ng
lampas limampung piso o maglalakad ka ng kilo-kilometro. Iilang tao rin ang mayroong
kakayahang makapag-print o nakakapag-research kaya masasabi kong mapalad na
ako. Kaya sobrang hanga ako sa mga kabataan dito sa amin na piniling magtiis sa ilang
kilometro ng paglalakad para lamang makapasok ng sekondarya, at ito na rin ang isa sa
dahilan kung kaya marami ring kabataan ang pinipiling tumigil sa pag-aaral.

Kahit na masasabi kong malayo kami sa kabihasnan ay hindi naman ito naging
hadlang para lumaganap ang mga makabagong salita. Ngunit sandali tayong magbalik
tanaw sa mga salitang tunay na sariling atin.

Ang mga salitang ito ay nakuha ko sa pamamagitan ng aking ina na si Marcela


P. Nolasco, limampu’t tatlong (53) gulang. Ayon sa kanya ay narinig nya ang mga
salitang ito mula sa kanyang kabataan. (1) Tabaan, isang dahon na panglinis sa plato.
(2) Tabayag, gulay na upo. (3) Bilawo o bilao isang bilog na mistulang nakahabi. (4)
10
Tayod, isang uri ng bilaran o lagayan ng mga palay para paarawan. (5) Balawang isang
kawayan na may dulos (panggamas/pangtabas) sa dulo. (6) Plangganita, isang lagayan
ng kanin/ulam. (7) Balde isang container o lagayan ng tubig (8) Pang-iwang tawag sa
anumang dahon na pangpahid sa pwet kapag napadumi sa gubat. (9) Kawa, isang
malaking talyasi o lutuan. (10) Lagnas, isang tuyong ilog o ilat o creek sa ingles. (11)
Bay-ong ang tawag sa lagayan ng manok. (12) Balaong, isang lagayan ng palay. (13)
Halo, ito ang tawag sa kahoy na pambayo sa lusong. (14) Lusong ang tawag sa
bayuhan ng kape, palay, mais at iba pa. (15) Banga o tapayan, isang lagayan ng tubig
kung saan napapanatili ang natural na lamig nito. (16) Buboy, ito ang tawag sa palaman
para sa unan na parang bulak. (17) Ayangaw, isang uri ng matibay na kahoy na
karaniwang ginagamit sa mga paggagawa ng muwebles. (18) Bungbong ang tawag sa
kawayan na lagayan ng tubig galing bukal. (19) At ang takure naman ay ang kawayan
na lagayan ng inuming tubig. At napakarami pang ibang mga halimbawa ng mga
salitang hindi karaniwan sa pandinig ng ilang mga taga ibang bayan.

Makikita at masasalamin sa bawat bayan o lalawigan ang napakayamang


kultura na nagmula pa sa ating ninuno at naipasa sa mga sumunod na henerasyon.
Ngunit hindi rin maikakaikala ang mabilis na pagkapawi ng mga salita at nakagawiang
ito sa panahong moderno ngayon. Ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagkamatay ng
tradisyunal na wika kundi ang pag-usbong ng panibagong wika. Ibig sabihin ang wika
ay hindi nababawasan kundi nadadagdagan lamang, ngunit mayroon pa ring malaking
posibilidad na mamamatay ang mga wikang nakasaad sa itaas at iba pang sinaunang
wika kung hindi na ito gagamitin at kung sa mga panahong ito ay paunti na nang paunti
ang gumagamit o nagsasalita ng ganito.

Kaya patuloy nating pagyamanin at gamitin ang ating katutubong wika, hindi
lamang para sa ibang tao kundi para na rin sa sarili nating bansa at sa ating sarili.

http://pamumuhayatwika.blogspot.com/2017/01/sanaysay-ng-aspektong-kultural-at.html

11
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Sino ang nagsasalita?
3. Ano-ano ang kulturang pinag-uusapan?
4. Kailan at saan ito nangyari?
5. Nakapaloob ba ang tuntunin sa pagsulat ng
sanaysay? Bakit?

C. PAGYAMANIN

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng


impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad
ng isyu.
Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay
na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan
ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal
• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon,
nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng
isyu.

12
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay
manghikayat, magturo o magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga
sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y
base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas
seryoso at teknikal.
• Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.

Sanaysay na Di-Pormal

• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding


Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon,
kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling
karanasan o opinyon ng may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay
manudyo, magpatawa o mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-
malikhain ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

https://brainly.ph/question/253687#readmore

Gawain 3
Binabati kita! Sa mga naunang gawain ay nabatid mo ang pagkakaiba ng
pormal at di-pormal na sanaysay. Ngayon aasahan ko na ika’y handa na sa gawaing
inihanda para sa iyo upang mas lalong malinang ang iyong kaalaman sa pagtuklas ng
uri ng sanaysay na iyong babasahin.

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sanaysay at sagutin ang hinihingi ng bawat
bilang. Simulan mo na kaibigan.
(1) KAPAG LUMAKI NA

13
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga
nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at
mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi
isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para
sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para
mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila
kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay
Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Ipapanood sa iyo
sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga
totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na
parehong lalaki (sino kaya ang bading), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang
hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasinlaki ng elephant
at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa
katawan) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan.
May Tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa
program na ito, isang tuso at isang tanga. Ililipat naman sa ibang channel na ang
tampok ay mga magkakaibigang superheroes.
Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang
dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema
ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang
Superman, Walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Tapos ka nang
manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas
kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May
bumbay na nangunguha ng bata sa labas.

https://buklat.blogspot.com/2017/12/kapag-lumaki-na-sanaysay.html

1. Ano ang ibig sabihin ng pamagat habang binabasa mo ang


sanaysay?
2. Ilarawan ang kinalakihan ng nagsasalaysay?
3. Anong uri ng sanaysay ang binasa?

(2) ANG SAKIT NA CORONAVIRUS 2019 (COVID-19)

14
Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito
ay sanhi ng isang bagong virus. May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na
ito araw-araw dahil ito ay bago. Alamin ang mga kaalaman tungkol sa coronavirus
disease (COVID-19). Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng isang coronavirus.
Karaniwan ang mga human coronavirus at kalimitang nauugnay ito sa hindi malalalang
sakit, katulad ng ubo. Maaaring hindi malala o mas malubha ang mga sintomas ng mga
human coronavirus, gaya ng:
• Lagnat
• Ubo
• Kahirapan sa paghinga
Maaaring abutin nang hanggang 14 na araw bago lumitaw ang mga sintomas
pagkatapos malantad sa virus. Pinakakaraniwang kumakalat ang mga coronavirus mula
sa isang nahawang tao sa pamamagitan ng:
• mga respiratory droplet kapag umuubo o bumabahing ka
• paglapit, gaya ng paghawak o pakikipagkamay
• paghawak ng bagay na may virus, pagkatapos ay hawakan ang iyong mga
mata,
ilong, o bibig bago hugasan ang iyong mga kamay
Hindi alam kung kumakalat ang mga virus na ito sa mga ventilation system o sa
tubig. Ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon
ay angpagsasagawa sa mga sumusunod:
• paghuhugas sa iyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang
hindi iikli sa 20 segundo;
• pag-iwas sa paghawak sa iyong mga mata, ilong, o bibig, lalo na kung marumi
ang mga kamay
• pag-iwas sa paglapit sa mga taong may sakit;
• pagtakip sa iyong bibig at ilong gamit ang iyong braso, hindi ang iyong mga
kamay;
• physical distancing sa lahat ng oras;
• pananatili sa bahay kung may sakit ka para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa
iba pang tao.

https://www.canada.ca/content/dam/phac-aspc/documents/services/publications/diseases-conditions/coronavirus/covid-19-
know-the-facts/covid-19-know-the-facts-tgl.pdf

1. Ano ang karaniwang sintomas ng COVID-19?


2. Ano-ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon
ng sakit na COVID-19?
3. Anong uri ng sanaysay ang binasa?
15
D. ISAGAWA
Magaling! Napagtagumpayan mo ang Gawain 3. Sa mga naunang aralin,
nabatid mong magkaugnay ang wika at ang kultura. Sinasabing hindi ito maaaring
paghiwalayin sapagkat kung wala ang wika ay wala ring kultura. Ang wika ang siyang
pagkakilanlan ng kultura. Ito ang identidad ng isang komunidad at nagbubuklod sa
kanila upang magkaisa.

Gawain 4
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa wikang ginagamit at kulturang
kinagisnan ng iyong sariling lugar. (Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad (F11EP-
Iij-32)

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay


10 8 5
Sining ng Pagkakabuo
Kaugnayan sa Paksa
Pagpapakahulugan
Pangkalahatang Biswal
Orihinalidad
KABUUAN

PAMAGAT:

16
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Panuto. Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin kung sa
anong konsepto ng paggawa ng sanaysay napabilang ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng


sulatin
na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-
ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao
a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula

2. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod
upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

3. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-


araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng
isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay
at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

4. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito


ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

5. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa


tema at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

6. Bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.


a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
17
7. Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao na
nabibilang sa isang pangkat.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. sounding-out-friends d. brainstorming

8. Pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad sa


paksang gustong isulat.
a. pagtatanong b. pagsulat ng dyornal
c. sounding-out-friends d. interbyu

9. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng


pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. obserbasyon b. brainstorming
c. pag-eeksperimento d. pagtatanong

10. Sa paraang ito, sinusubukan muna ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol
sa paksa sa pamamagitan ng eksperimento.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. pag-eeksperimento d. brainstorming

https://app.quizalize.com/view/quiz/ikatlong-panahunang-pagsusulit-sy20192020-
40799dcd-b6eb-4648-9020-91ea8c838e8c

18
19
Susi sa Pagwawasto sa Subukin at Tayahin
1. b
2. a
3. b
4. a
5. b
6. c
7.a
8. d
9. a
10. c
Gawain 1
Ang kahulugan ng sanaysay ay "essay" sa Wikang Ingles. Ang sanaysay ay isang uri ng
sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay
ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng
impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng
ibang tao, at iba pa.
Gawain 2
1. aspektong kultural at lingguistiko ng komunidad - pamumuhay at wika ng
Laurel, Batangas
2. Kabataan sa modernong panahon
3. marami -nasa guro ang pagpapasya kung tama
4. kasalukuyan-modernong panahon-Laurel Batangas
5. Oo nakapaloob ang tatlong bahagi ng sanaysay ang panimula, katawan at
wakas.
Gawain 3
di-pormal
pormal
Gawain 4
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016
Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

B. Websites

http://pamumuhayatwika.blogspot.com/2017/01/sanaysay-ng-aspektong-kultural-at.html

https://brainly.ph/question/253687#readmore

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/halimbawa-ng-pormal-na-

sanaysay.htmletnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/

https://app.quizalize.com/view/quiz/ikatlong-panahunang-pagsusulit-sy20192020-
40799dcd-b6eb-4648-9020-91ea8c838e8c
https://www.google.com/search?q=ano+ang+sanaysay+clip+art&tbm=isch&ved

https://lovepik.com/images/pagsulat.html

20

You might also like