You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
(Week 7)
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

MELC:
• Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika
at kulturang Pilipino. (F11PB-IIg-97)
• Naisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
makabuluhang pananaliksik. (F11PU-IIg-88)

Inihanda nina:

SHERYL A. DOMINGO
Guro III
Malaguip Integrated School

JULIFEL S. COLOMA
Guro III
Caestebanan National High School
Filipino – Ikalabin-Isang Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheryl A. Domingo Julifel S. Coloma


Editor: Catherine Antonio
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagasuri sa Wika: Maricon P. Agpoon
Tagaguhit: John Paul Cacal
Tagalapat: Chester Allan M. Eduria
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Gracey O. Santiago

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Introduksyon sa Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino na matutunghayan ang mga pagpapakahulugan at kahalagahan,
katangian, layunin, responsibilidad ng mananaliksik at uri ng pananaliksik,
gayundin ang mga paraan at hakbang sa pagbuong sulating pananaliksik.

Naglalayon din ang modyul na ito na maunawaan kung papaano ang paggawa
ng isang makabuluhang pananaliksik. Mapapatunayan mong mapapadali at
papapagaan ang pagbuo nito sa pamamagitan ng pagsunod sa paraan at hakbang
ng isang pananaliksik.
Tutulungan ka ng modyul na ito na masuri ang ilang pananaliksik na
pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino at maisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo
ng isang makabuluhang pananaliksik sa pamamagitan ng mga iba’t ibang
pagsasanay na nakapaloob dito.

Gayundin mapapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa pananaliksik at


makikita ang kahalagahan nito sa atin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin:

• Katuturan at kahalagahan ng pananaliksik


• Katangian
• Layunin
• Responsibilidad ng mananaliksik
• Uri ng pananaliksik
• Mga paraan at hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang


Pilipino (F11PB-IIg-97)
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik (F11PU-IIg-88)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin!

1
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA
Gawain 1. Panuto: Basahin at unawainng mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay
tama, isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA at MALI kung hindi wasto ang
pahayag.

1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makakatulong sa


pagbibigay ng direksyiyon sa pagsasaayos ng mga ideya at pagsulat.

2. Burador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro.

3. “Hawig” ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang


mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

4. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating


pananaliksik.

5. Isa sa mahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng sulating


pananaliksik ay ang pagpili ng paksang magiging interesado at
kakayanin ng susulat.

6. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat


ng mga ginamit na sanggunian sa pamamagitan ng talababa at
bibliograpiya.

7. Kapag gumamit ng manunulat ng “tuwirang sinipi” sa pangangalap


ng tala ay pinaiikli lamang niya ang bersiyon ng isang mas
mahabang teksto.

8. Kailangan maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang


pagsulat.

9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon


ng mahusay na introduksiyon at katawan subalit hindi mahalaga
ang kongklusyon.

10. Sa pagsulat ay hindi mahalaga ang audience o inaasahang


mambabasa ng isusulat.

Binabati kita! Natutuwa ako at nasagutan mo nang maayos ang paunang pagtataya.
At dahil diyan, magpatuloy ka na sa susunod pang mga gawain.

2
Aralin INTRODUKSYON SA
1 PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

Balikan

FILIPINO: ALAM MO BA?


Ano ang tawag kapag nakakalamang ang paggamit mo sa internet sa
paglilibang kaysa sa paggamit mo ng mga nakalimbag na kagamitan?
NET GENERATION
Ano ang tawag sa mga kabataang gumugugol nang mas maraming oras
sa social media? HEAVY MEDIA USERS
Ano ang tawag sa mga kabataang mas mababa sa tatlong oras araw-
araw ang paggamit sa internet? LIGHT MEDIA USERS
Sino ang mas madalas bumisita sa video website tulad ng YouTube,
kabataang lalaki o babae? LALAKI
Sino ang mas madalas bumisita sa social networking site, kabataang
lalaki o babae? BABAE

3
Tuklasin

Gawain 2. Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa isang impormal na sarbey sa
pamamagitan ng paglagay ng ekis (X) sa kahon.

1. Kailan ka huling pumunta sa aklatan ng inyong paaralan upang manghiram


ng aklat o magbasa ng anumang aklat na naroroon?

Kahapon Sa kasalukuyang linggo


Noong isang buwan Noong isang taon

2. Ano ang ginawa mo sa aklatan ng magpunta ka roon?

Nagbasa o nanghiram ng aklat, magasin o diyaryo


Nakipagkita sa kaibigan
Natulog
Gumamit ng Internet

3. Ilang aklat ang nabasa mo sa loob ng isang taon?

1-3 6-9
4-5 10 o higit pa ________

4. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabasa mo mula sa inyong


aklatan?____________________________________________________________

5. Tungkol saan ang aklat na ito? ____________________________________


_________________________________________________________________.

6. Ilang oras ang nauubos mo sa internet araw-araw para sa mga bagay na


walang kaugnayan sa mga Gawain mo sa paaralan? (Maaaring sa paglalaro
ng video games, panonod ng video sa Youtube, paggamit ng social media at
iba pa.)

0-1 4-6
2-3 7 o higit pa ________

7. Kalian ka huling gumamit ng internet, hindi upang mag-log-in sa Facebook,


Instagram, Twitter, o maglaro ng video games kundi upang maghanap ng
impormasyon o magsaliksik tungkol sa isang paksa?

Kahapon Sa kasalukuyang linggo


Sa kasalukuyang buwan Sa kasalukuyang taon

8. Para sa aling asignatura ang pananaliksik na ginawa mo?


__________________________________________________________________

4
9. Sa inyong palagay, hand aka na bang manaliksik at bumuo ng isang sulating
pananaliksik? _______________________Maglahad ng mga paliwanag sa iyong
sagot?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

PANGGANYAK NA KATANUNGAN:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa


iyong sagutang papel.

1. Pagkatapos mong mabasa ang teksto, ano sa palagay mo ang tunay


na kahalagahan ng pananaliksik?
2. Paano makatutulong ang pananaliksik sa pagpapaunlad ng
kaalaman tungo sa mga pagbabagong hinahangad sa iba't ibang
aspekto ng buhay? Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.

Ngayon nasa grade 11 ka na at malapit nang tumuntong sa kolehiyo. Kaya


naman, mahalagang mahasa pang lalo ang kakayahan mo sa pananaliksik na
inaasahan sa iyo sa pagtatapos ng modyul na ito. Ito rin ay bilang paghahansa sa
higit pang maraming kaugnay na Gawain sa susunod na mga antas ng pag-aaral.
Katunayanan, sa susunod na semestre ng Grade 11 ay isang pananaliksik tungkol
sa napapanahong paksa ang inaasahang mabubuo mo. Hindi lang habang nag-aaral
ka mahalaga nag kakayahang ito sapagkat maraming trabaho at halos ng negosyo
ay nangangailangan ng pananaliksik para sa araling ito. Maikling introduksiyon lang
sa pananaliksik ang pahapyaw na tatalakayin sa araling ito upang maihanda ka sa
inaasahang pagganap para sa modyul na ito.
Isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisado
at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng bagong
impormasyoon na magagamit sa buhay ng isang mag-aaral o indibidwal.

5
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong naging masidhi ang
pagsasagawa ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at mga
paksang ibig bigyan ng kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
❖ Ang pananaliksik ay magkakaugnay na mga gawain na nagsisimula sa pag-iisip
ng paksa o katanungan. Kasunod ang mga pamamaraan ng paglikom ng mga
datos at impormasyon, ang mga nalikom na datos ay iaayos, susuriin, bibigyan
ng interpretasyon, at Ialapatan ng kongklusyon. Pagkatapos ay i-dodokumento.
❖ Inaasahan na ang pinal na sulatin o dokumentasyon ay maibabahagi sa iba sa
pamamagitan ng pag-uulat at/o paglalathala nito para sa kapakinabangan ng
iba.
❖ Ito rin ay isang gawaing pang-akademiko na tinutugunan ng mga taong sangkot
sa isang akademikong lipunan at ang ilan sa mga ito ay ang mga propesor at
mga mag-aaral. Karaniwang binibigyan ng ganitong gawain ang mga mag-aaral
dahil sa sumusunod na mga layunin:

• Nagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa isang paksa o


mga bagay-bagay sa paligid nang higit pa kaysa sa pagbabasa at pakikinig
sa loob ng silid-aralan;
• Nagbabahagi ng mga bagong karanasan gaya ng pakikisalamuha at
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang uri ng mga tao, pagpunta sa iba’t ibang
lugar, pagharap sa suliranin o dilema (sarili man o hindi), at marami pang
iba;
• Nagpapayaman ng isipan ng mag-aaral sapagkat inilalantad siya sa iba’t
ibang pananaw na maaaring malapit o malayo sa kanyang paniniwala;
• Nagtutulak sa mga mag-aaral na mag-isip, magtanong, magsuri, bumuo
ng kongklusyon mula sa nakolektang mga datos at ibahagi ang mga
nakalap na impormasyon sa kanyang komunidad;
• Nagpapaunlad ng kasanayan sa pakikisalamuha, pamumuno, pakikipag-
talastasan, pamamahala, pagbuo, at pag-iisip;
• Naghahasa ng mga mag-aaral na humarap at lumutas ng suliranin na
bahagi ng gawaing pananaliksik at kung anuman ang matutuhan niya rito
ay magamit niya sa kinabibilangang lipunan gayundin sa kanyang
pagtatrabaho.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa kahalagahan ng pananaliksik. Ang
pagpapabuti ng programang pananaliksik sa isang paaralan ay maghahanda
sa mga mag-aaral nito na linangin ang kanilang kakayahan, kasanayan,
kahusayan, at tiwala sa sarili.

❖ Ang pananaliksik, samakatwid, ay masistemang gawain ng pangangalap ng


datos o impormasyon na nagpapataas ng kaalaman at pang-unawa ng mga
mag-aaral/mananaliksik tungkol sa isang pangyayari. Tungkulin ng
mananaliksik na maihayag ang kanyang nasaliksik sa pamamagitan ng
publikasyon.

6
❖ Ang pananaliksik ay isa ring pagtatangka sa maingat na pag-uusisa, pag-
aaral, pagmamasid, pagsusuri, at pagtatala ng mga bagong impormasyon,
katotohanan, at kaalaman na may kaugnayan sa iba’t ibang aspekto ng
buhay.
❖ Ang pananaliksik ay isang sining. Maraming paraan ang maaaring gamitin sa
pananaliksik.
❖ Pagtuklas sa isang teorya na gamit sa isang komprehensibong pag-aaral.
❖ Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng
teorya, pagsubok ng teorya o paglutas ng isang suliranin.

Sa bawat galaw ng mag-aaral o indibidwal, saan man siya bumaling, tila


nakangiting nag-aanyaya ang kaniyang kapaligiran upang magsagawa ng
pananaliskik.
Napakagandang matuto ng mga dapat para sa pananaliksik. Magkaugnay na
paksa ang wika at kultura para sa isang pananaliksik.
Gayundin naman, higit sa lahat, Kakailanganin mo ng ibayong sipag,
pagsasanay at kagustuhang matuto o matuto mula sa naunang pagkakamali at
marahil, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagiging pasensiya, matiyaga at
pagsisikap upang maging matagumpay sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

(Marami din dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang


pagpapakahulugan sa pananaliksik)

➢ Ito ay isang pamamaraang sistematiko, pormal, at masaklaw na


pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga
at hindi apurahang ppagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring
pagkunan, inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinulat at inuulat. (Sauco,
1998)
➢ Ito ay sistematikong pag-uusisa upang papatunayan at makuha ang
anumang kabatirang hinahangad natin. (Mercene, 1983)
➢ Mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang isyu, konsepto at problema;
ganyan ang pananaliksik. (Semorian, 1999)
➢ Ang pananaliksik ay isang masistemang pag-aaral ng kahit na anong paksa
sa layuninng masagutan ang mga katanungang itinatanong ng
mananaliksik. (Parel, 1973)
➢ Ito ay isang puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa
nalalaman. (Sanchez, 1998)
➢ Ang pananaliksik ay pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga
suliranin. Ito rin ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong
sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at ekplanasyon. (E. Trece at J.W.
Trece, 1993)
➢ Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong pag-alam sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon
nito. (Good, 1993)
➢ Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin ang pananaliksik. (Aquino, 1994)

7
➢ Ang pananaliksik ay isang sistematikong, kontrolado, empirical, at kritikal
na imbestigasyon ng mga prosisyonng haypotetikal tungkol sa mga natural
na pangyayari.

Mula sa mga depenisyon na inilahad at iba pang iskema, maaaring


ganito mabigyan ng lagom ang mahalagang konsepto na dapat tandaan sa
pananaliksik.

pagtatanong

Pagtuklas sa Paghahanap ng
sanhi ng suliranin Impormasyon

Pagtuklas ng Sagot sa Tanong


Suliranin
PANANALIKSIK

Kritikal na Sistematikong
pagsusuri at Pag-aaral
ebalwasyon

Pagkuha ng mga Pagpapatunay sa


datos Hinuha
Pagsubok sa
Teorya

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ayon sa libro nina Ordoñez et.al. (2007), may apat na pangunahing kahalagahan ang
pannaliksik:

1. Pampayaman ng kaisipan. Yumayaman ang kaisipan ng mananaliksik dahil


patuloy siyang nagbabsa. Patuloy siyang nag-iisp sa panunuri at pagbibigay-
interpretasyon ng resulta ng kanyang pag-aaral.
2. Lumalawak ang karanasan. Sa maraming nakakasalamuha sa pangangalap
ng mga datos, sa maraming nababasa at sa mismong pagbuo ng pag-aaral,
naiibang karanasan ang nadarama ng manananliksik.

8
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili. Ang sinumang tao, kapag maayos na
nagampanan ang tungkuling hinarap at ito’y naaayon pa sa tamang resulta,
nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki at tiwala sa sarili.
4. Nadaragdagan ang kaalaman. Bagong kaalaman ang dulot sa mananaliksik
ng gawaing pananaliksik at mabigyan ng interpretasyon, bagong pagkatut sa
mananaliksik ang mga pangyayari.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. Obhetibo
2. Mayaman sa ginagamit na mga datos
3. May angkop na pamamaraan o metodohiya
4. Maayos ang dokumentasyon
5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
6. Kritikal

MGA LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK


Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat alam kung ano ang layunin ng
gaawaing ito. Dapat na:

✓ makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto;


✓ makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati
nang ideya;
✓ magbigay-linaw ang isang mahalagang isyuo o paksa;
✓ makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin;
✓ makapagpatotoo o makapangatuwiran sa tulong ng mga
mapananaligang materyales o dokumento tungkol sa mga paksang
nangangailangan ng paglilinaw; at
✓ makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang
perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.

RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamaparaan
3. Pagkamasistema sa Gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsible

MGA LAYUNIN NG PANANALIKSIK


Ayon kay Michael Patton (1990), ang apat na uri at layunin ng pananaliksik:

1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research). Ang layunin ng panana-


liksik na ito ay umunawa at magpaliwanag. Ito ay binubuo ng teoryang

9
nagpapaliwanag tungkol sa isang penomenong sinisiyasat (o pangyayari)
at ito ay deskriptibo o naglalarawan.
2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research). Ang layunin ng panana-
liksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang
kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya
kung paano ito makokontrol. Sa madaling salita, ang uring ito ay
humahanap ng potensiyal na kalutasan sa mga suliranin ng tao at mga
suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran.
3. Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research). Ito ay tumutukoy sa
pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng isang solusyon. Layunin ng
formative evaluation na pag-ibayuhin ang pakikisangkot ng tao sa ilang
kondisyon gaya ng oras, gawain, at pangkat ng tao. Samantala, layunin ng
summative evaluation na sukatin ang bisa ng isang programa, polisiya, o
produkto.
4. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research). Ang pananaliksik na ito ay
naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa,
organisasyon, o komunidad.
5. Empirikal o Mala-siyentipiko. Nangangailangan ng malalim na pagsusuri
ng mga ebidensya at aktuwal na mga datos. Ito’y nailalarawan,
naihahambingat natutuos upang Makita ang relasyon ng hipotesis sa
panukalang tesis o disertasyon na isang trabahong siyentipiko. (Jocson,
2016)
6. Pure Research. Ginagawa ito sa sariling kasiyahanng isang tao upang
maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Maaari
naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik. (Jocson, 2016)

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK


A. PALARAWAN (DESCRIPTIVE METHOD)
Ipinaliwanang ni Best (1963) na ang paglalarawang pananaliksik ay
isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa
isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon ng mga
ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong
nagaganap, mga epektibong nararamdaman o mga kalakarang nalilinang.

Uri ng Paglalarawang Paraan


1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study)
Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o
yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey
Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sulatin ang
umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o
ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey
2.1 Sensus – Isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na
populasyon.
2.2 Sarbey – isang bahagi lamang ng populasyon

10
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental
Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng
mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa
loob ng mahabang panahon.

Dalawang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik


na Delopmental

3.1 Longitudinal o Mahabang Panahon Paraan. Pinag-aaralan ang


prosesong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2 Kros-seksiyonal na Paraan (Cross Sectional Method). Tungkol
ito sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang
mga katangian.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)


Ginagamit ito kung ibig masubaybayan ang isang tiyak na
prediksyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig
tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

Hal. Ibig tiyakin ng mananaliksik kung papaano makatutulong


ang wikang Filipino sa mga asignatura na nasa disiplinang Agham
Panlipunan.

5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)


Nangangailangan ng pangangalap ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakasulat na rekord at mga
dokumento upang malutas ang mga suliranin.

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)


Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag
din ng iba na feasibility study. Ginagamiit na datos sa pag-aaral na ito
ang kondisyon sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies)


Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo para alamin ang iba’t
ibang baryabol a magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target
na populasyon.

B. EKPERIMENTAL NA PARAAN
Sinabi ni Gay (1976), na ito ang pamamaraan ng pananaliksik na tunay
na makasusubok sa palagay o hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.
Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang ekperimento ay
kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamamaraan ng
pananaliksik para subuking ang mga palagay o hipotesis.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK


1. Pagpili ng Mabuting Paksa
- Ito ang unang hakbang s pagbuo ng sulating pananaliksik na
kailangan ang masusing pag-unawa.
- Paksa – napakahalagang piliing Mabuti upang maging
matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararapat pinag-

11
iisipang Mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang
matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang
magpasiya sa paksang susulatin:
▪ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin
ang pananaliksik at pagsulat nu ukol dito?
▪ Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito?
Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o
sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?
▪ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado bai tong
limitado?
▪ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong
ibinigay sa amin?
▪ Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan
ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)


- Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka ng iyong pahayag
ng tesis.
- Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng inyong bubuoing pananaliksik.
Narito ang ilang tanong na maaaring gumabay o magbibigay direksiyon
sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
▪ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad
ng impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?

3. Paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya


▪ Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
▪ Anu-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May
sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa
pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?
- Mula sa inyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng
pansamantalang bibbliyograpiya.
- Bibliyograpiya – ay talaan ng iba’t-ibang sanggunian katulad ng
mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pa
ng nalathalang materyan na ginamit. Ito’y maaaring isang 3”x 5” na
index card na kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon:
A. Pangalan ng awtor
B. Pamagat ng kanyang isinulat
C. Impormasyon ukol sa pagkakalathala
- Mga nalimbag
- Lugar at taon ng pagkalimbag
- Pamagat ng aklat
D. Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman
- Hindi lahat ng sangguniang itinala sa pansamantalang
bibliyograpiya ay magagamit subalit mahalaga paring kunin ang
lahat ng makikitang may kaugnayan sa paksa sapagkat maaring sa
panahon ng pagsusulat ay makatulong ito sa iyo at hindi ka na
kailangang manghagilap ng iyong gagamitin dahil alam mon a kung
saan mo ito mahahanap.

12
4. Paghahanda sa Tentatibong Balangkas
- Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang
magbigay direksyon sa pagsasaayo ng mga ideya at pagtukoy kung
ano-anong 13aterial pa ang kailangang hanapin.
- Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya
upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking


- Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit
ng index card na mas Malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya
para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat
sa mas malaking card.
- Ang bawat kard ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin
ang isang index card ay maaaring magdagdag pa ng ibang kard.
- Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
❖ Tuwirang sinipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa
isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng
sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang
pahina kung saan ito mababasa.
❖ Buod – kung ito’y pinaikling bersiyo ng isang mas mahabang
teskto. Ito’y maikli subalit nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang
pinakamadalas gamitin s pagkalap ng tala.
❖ Hawig – kung binago lamang ang mga pananalita subalit
nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline


- Dito na susuriin ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ag pangwakas na
balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft


- Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng tala ay maari ka
nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaan ang isang
sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng:
o Introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
o Katawan nakababasahan ng pinalawig o nalalaman
ng bahagi ng iyong balangkas
o Konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong
mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng
pansin ang pagkakaugnay ugnay ng mga kaisipan.
Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin
ay payak ngunit malinaw, tama ang baybay, bantas,
at kaayusang panggramatika; pormal ang anyo at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador


- I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na
kailangang iwasto sa iyong burador. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong
gamit, pamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote.

13
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:

• Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian.


Pagsamasamahin ang mga aklat, pahayagan, website at iba pa.
• Isaayos muna ng paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
• Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t-ibang estilo ng
pagsulat nito. Kung nag napiling estilo American Psychological
Association (APA) , maaaring sundan ang sumusunod na pattern
para maisulat ang mga ginamit na sanggunian.

Para sa mga Aklat

• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng awtor (Taon ng Paglilimbag)


Pamagat , Lungsod ng Tagapaglimbag; Tagapaglimbag

Para sa Artikulo sa Pahayagan o Magasin

• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng awtor (Taon ng Paglilimbag)


Pamagat ng Artikulo, Pamagat ng Pahayagan o Magasin ,
Paglilimbag (Isyu, pahina)

Para sa Kagamitang mula sa Internet

• Awtor (Petsa ng Publikasyon) Pamagat ng Artikulo o Dokumento,


Pamagat ng Publikasyon, Petsa kung kailang ginamit mula sa
buong web address simula sa http.

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Pagkatapos padaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. Itype na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong
guro.

Pagyamanin

Gawain 3. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nasa kahon.

Bigyang kahulugan mula sa pag- Bigyan ng mga salitang


unawa sa paksang tinalakay kasingkahulugan

Pananaliksik

Gamitin nang makabuluhan Gumuhit ng larawang


sa loob ng pangungusap
sumisimbolo dito
14
Gawain 4. Panuto: Bigyan ng malinaw na katangian ang bawat uri ng
pananaliksik na nakatala sa ibaba.
1. Empirikal o Mala-siyentipiko.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Pananaliksik na Nagtataya
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Pagtugong Pananaliksik
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Pagkilos na Pananaliksik
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Panimulang Pananaliksik
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 5. Panuto: Buuin ang puzzle upang malaman ang konsepto ng araling
tinalakay.

15
Isagawa

Gawain 6.
A. Ipagpalagay na ikaw ay naatasang gumawa ng isang masusing pananaliksik
hinggil sa isang suliranin sa inyong barangay na nais mabigyan ng
kaukulang solusyon o kalutasan, anong suliranin ang bibigyan mo ng pokus
at bakit? Ilahad ang mga pakinabang na makukuha ng inyong barangay
sakaling malutas ang suliraning ito.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 7. A Basahing mabuti ang bawat katanunga. Piliin ang letra ng


pinakaangkop na sagot.

1. Itoy isang mapanuri at maka-agham na imbestigasyon o


pagsisiyasat ng isang paksa sa pamamagitan ng pangangalap ng
impormasyon.
a. Talasanggunian c. Balangkas
b. Pananaliksik d. Borador
2. Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik
a. Paghahanda ng bibliyograpi
b. Pagpili ng Paksa
c. Pagbuo ng Balangkas
d. Pagrerebisa
3. Sa pagsasagawa ng Bibliyograpi ang dapat na mauna ay _____________.
a. Pamagat ng kaniyang sinulat
b. Mga nalimbag
c. Pangalan ng awtor
d. Lugar at taon ng pagkalimbag
4. Sa pagsasagawa ng talasanggunian ang isa sa paggawa ng bibliyograpi
ay,
a. Pagpili ng paksa
b. Pagbuo ng balangkas
c. Pangalan ng awtor
d. Pagsulat ng borador
5. Sa pagsasaayos ng bibliyograpi ang wastong ayos ng pangalan ng awtor
ay,
a. Abad, Santos Jose c. Riza, Jose Protacio
b. Agoncillo, Teodoro d. Laurel, Jose Panganiban

16
Gawain 7B. Panuto: Basahing ang Introduksiyon ng pananaliksik ni Jocelyn
Mariano na “Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo”. Gawan ito
ng pagsusuri paano lumabas ang paksang wika at kulturang Pilipino. Bagama’t
introduksiyon pa lamang ito, nakapaloob na ang rasyunal sa pagkakapili ng paksa.
Paalala: Itala muna lahat ng kaisipan ukol sa naibigay na katanungan sa burador
at isaayos ito bago isulat ng pinal sa espasyong inilaan sa ibaba.

Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo


Introduksiyon
Ang isports ay unti-unting nang nagigig bahagi ng buhay ng mga Pilipino.
Halos kahit saan ay may makikitang mga naglalaro ng basketbol. Maituturing itong
pinakamahalagang isports para sa mga Pilipino dahil hindi lamang mga bata ang
naglalaro nito. Bukod sa basketbol, marami na rin sa atin ang nahihilig sa tennis at
golf, at siyempre pa nariyan din ang sabong na unti-unting nagiging popular.
Dahil patuloy tayo sa pagpapayaman ng wika, nagagamit ito sa pagtalakay
ng iba’t ibang bagay lalong-lalo na ang isang bagay na nagiging bahagi ng pang-
araw-araw na buhay tulad ng isports. Marahil kung titingnan ang pahayagan sa
larangan ng isports , makikitang may isang varayti ng wika na masasabing “pang-
isports” lamang. Kung wika ay nagbabago, gayundin ang mga varayti ng wika.
Layunin ng papel na ito na suriin ang nabubuong wika sa larangan ng
pamamahayag tungkol sa isports. Sa pamamagitan ng papel na ito mailalarawan
kung anong klaseng wika ang ginagamit sa larangang iito. Nasesentro ang papel sa
tatlong isports lamang: basketbol, tennis at sabong.
(Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino Peregrino J. et. al. at Sistemang
Unibersidad ng Pilipinas, 2002. Sentro ng Wikang Filipin, Lungsod ng Quezon)
Pagsusuri:
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

17
Rubriks sa Pagmamarka ng Pagsusuri
Mga Antas ng Pagsasagawa
Mga Krayterya 2 3 4 5
A. Organisasyon
Hindi maayos May lohikal Maayos ang Mahusay ang
ang na organisasyon at pagkakasunud-
organisasyon organisasyon pagkakabuo ng sunod ng mga ideya
ng mga ideya ngunit hindi talata na may sa kabuuan ng
at walang masyadong angkop na talata, mabisa ang
panimula at mabisa ang simula at panimula at malakas
konklusyon. panimula at konklusyon. ang konklusyon
konklusyon. batay sa ipinahayag
ng patunay o
patotoo.
B. Kalidad ng
Pagsusuri Di-kaugnay Maraming Ilan lamang sa Kaugnay na kaugnay
ang mga impormasyon mga ang mga pantulong
impormasyon ang di- impormasyon na impormasyon sa
sa paksang kaugnay sa ang di-ugnay pagtalakay sa
naibigay. paksang sa paksang paksang naibigay
naibigay naibigay
C. Paggamit ng
wika o Mababaw at May Maunlad ang Nakapaunlad at
bokabularyo hindi angkop kababawan at bokabularyong angkop ang mga
ang mga hindi angkop ginamit sa salitang ginamit sa
salitang ang ibang ginawang ginawang sanaysay
ginamit sa salitang sanaysay. at may mayamang
ginawang ginamit sa bokabularyo.
sanaysay. ginawang
sanaysay.
D. Gramatika at
Ispeling Kailangang May kahinaan Mahusay dahil Napakahusay dahil
baguhin dahil dahil sa kakaunti walang mali sa
halos lahat ng maraming lamang ang gramatika, baybay at
pangungusap mali sa mali sa sa gamit ng bantas.
ay may mali gramatika, gramatika,
sa gramatika, baybay at sa baybay at sa
baybay at sa gamit ng gamit ng
gamit ng bantas. bantas.
bantas.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng sariling hakbang ng pananaliksik ayon sa lugar at panahon ng


pananaliksik.
Halimbawa:
1. Ang aking Pamayanan
2. Ang Kulturang nanatili sa aming Pamayanan

18
Susi sa Pagwawasto

10. mali

9. mali

8. tama

7. mali mga impormasyon.


6. tama
ng katumpakan ng
ebidensiya o patunay
5. tama magiging matibay na
interpretasyon. impormasyon na
4. mali mahalagang
magkakaiba-iba ang
3. mali maaaring maging batayan sa
gawaing ito ay pananaliksik upang
2. mali hakbang sa
ng mag-aaral sa mga
Note: Ang mga sagot matutunan ang mga
1. tama
Mahalagang
Gawain 1: Gawain 2,4,6: Gawain 5

D 5.
C 4. sulatin
C 3. pagmamarka sa
B 2. pamantayan sa
B 1. Rubrik o
Gawain 7A Gawain 7B

Sanggunian
Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at
kulturang Pilipino.Quezon City: Vibal Group Inc.

Dayag A. M. at Del Rosario M.G.G. (2016). Pinagyaman pluma,


komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Garcia, L. C. et. al. (2010). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Elcomblus Staff. (2020). Ang katuturan, layunin, at uri ng pananalik-


sik. https://www.elcomblus.com/ang-katuturan-layunin-at-uri-
ng- pananaliksik/.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like