You are on page 1of 1

Dalawahang Gawain

1. Mayroong dalawang set ng pangungusap o pahayag ang nakatala sa ibaba. Pagpasyahan


ninyo kung sino ang bibigkas nga mga pahayag at kung sino ang magpapakahulugan sa mga
pangungusap o pahayag na napakinggan. Isulat sa isang malinis na papel ang ginawang
pagpapakahulugan. Huwag munang ipakita sa kapareha ang ginawang pagpapakahulugan.
Ngayon ay magpalit naman kayo ng gawain. Kung kanina ikaw ang nagpapakahulugan, ngayon
ikaw naman ang bumigkas at ang iyong kapareha naman ang magbibigay-kahulugan ng mga
pahayag na iyong bibigkasin.

A. Nandiyan ba ngayon si Juan Paulo Martin?

Nandiyan ba ngayon si Juan, Paulo Martin?

Nandiyan ba ngayon si Juan Paulo, Martin?

B. Tito Juan Carlos Gloria ang pangalan ng aking kaklase.

Tito, Juan Carlos Gloria ang pangalan ng aking kaklase.

Tito Juan, Carlos Gloria ang pangalan ng aking kaklase.

2. Pagkatapos maisagawa ang gawain bilang 1, paghambingin ninyo ang inyong mga naitalang
kahulugan. May pagkakaiba ba sa inyong pagpapakahulugan?

You might also like