You are on page 1of 4

Mga Makrong Kasanayan: Pakikinig

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang


kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay laging nasasangkot. Sa kahusayan niya sa
pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa
isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang
pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao
upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

Mga Makrong Kasanayan


1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbasa
4. Pagsulat

Makrong Kasanayan sa Pakikinig

Kahulugan ng Pakikinig
 Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan
at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
 Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng
mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may
ginagawa.

Kahalagahan ng Pakikinig
 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng
mabuting palagayan.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang
mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa
mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Mga Uri Ng Pakikinig


1. Impormatib na Pakikinig
Ito ay pakikinig na ang pangunahing layunin ay ang makakuha ng impormasyon at
mapataas pa ang ating kaalaman tungkol sa isang paksa. Halimbawa nito ay ang pakikinig
ng lektyur sa klase na kadalasang inilalahad ng titser sa mga estudyante.

2. Ebalwatib na Pakikinig
Ang ganitong uri ng pakikinig ay ginagawa upang makapag-analisa tayo ng mga
impormasyon o magbigay ng paghuhusga mula sa ating mga naririnig. Isang halimbawa nito
ay ang pakikinig sa plataporma ng mga pulitiko bago ang araw ng eleksyon at sa
pamamagitan nito'y nagagawa nating suriin kung kaninong plataporma ang higit na kapaki-
pakinabang at kapani-paniwala para sa taong bayan.

3. Empatik na Pakikinig
Madalas nagaganap ang ganitong uri ng pakikinig kung tayo ay nakikinig sa isang taong
naglalahad ng kanyang personal na karanasan o saloobin at sinusubukan nating
maramdaman din ang nasasaloob nito. Halimbawa, isang kaibigan na nakaramdam ng
pagkabigo dahil sa nakuha niyang mababang grado sa isang aralin. Magaganap ang empatik
na pakikinig kung maiparamdam rin sa kanya ang pagdadalamhati mula sa kanyang
karansan.

4. Pasibong Pakikinig
Ito ang uri ng pakikinig na tumutukoy sa pagtanggap ng mensahe ngunit hindi nagpapakita
ng anumang reaksyon o tugon mula sa napakinggang mensahe. Halimbawa na lamang ay
ang pakikinig ng isang estudyante sa isang lektyur o panayam na wala ni anumang tanong o
paglilinaw.

5. Pangkasiyahang Pakikinig
Ang uri ng pakikinig na ito ay nagaganap sa tuwing sa pamamagitan ng pakikinig ng musika
o kaya naman ay pakikinig ng iba’t ibang kwento. Tinuturing itong pampalipas oras na
pakikinig kasi ito’y isinasagawa kapag hindi abala at nagrerelaks lamang ang nakikinig.

6. Metakomprehensyong Pakikinig
Sinasabing ito ang pinakamataas na uri ng pakikinig na maaring magawa ng isang tao.
Gamit ang metakomprehensyon, ang isang tagapakinig ay hindi lamang nagiging ebelwatib
sa kanyang napakinggan, bagkus, lubos na nagiging malalim ang nagagawa niyang paraan
ng pag-uunawa sa mensahe na maaring lampas na sa literal at tagong mensahe ng
impormasyon.

Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig


1. Edad o Gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong
maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig
hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng
kanilang katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang
pandinig.

2. Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tinawagan sa
hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na
gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa
mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig
kaysa mga estudyante panghapon.

3. Tsanel
Ang paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay may epekto gaya ng cellphone,
telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay
ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

4. Konsepto sa Sarili
Maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa pakikinig
sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi
paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.

5. Lugar
Ang tahimik na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar
ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


1. Tiyaking akma ang lebel ng iyong pakikinig sa tao o sa impormasyong iyong pakikinggan.

2. Suportahan ng di-berbal na komunikasyon ang paraan ng iyong pakikinig. Isang


magandang halimbawa nito ay ang pagtango na nangangahulugan ng pagsang-ayon o
kaya naman ay ang paghaplos sa likod ng kausap na tanda ng pagkomfort.

3. Laging isaisip ang kabuuang konteksto ng impormasyong narinig.

4. Laging iparamdam sa kausap ang sinseridad mo bilang tagapakinig. TANDAAN: Ang


pagtingin ng diretso sa mata ay tanda ng sinseridad ng iyong ikinikilos o sinasabi.

5. Ipakita na ikaw ay isang mahusay na tagapakinig. Iwasang magsalita habang hindi pa


tapos magsalita ang kinakausap. Iwasan din ang anumang uri ng interapsyon habang
nagsasalita ang kinakausap.

6. Para sa mga dumadalo ng lektyur o seminar, mainam na itala o isulat ang mga
mahahalagang impormasyon na hatid ng tagapagsalita nang sa gayon ay may magsilbing
suportang datos bukod pa sa narinig.

You might also like