Professional Documents
Culture Documents
Mahalagang maunawaan kung paano isinusulat at binabasa ang mga tekstong naratibo
upang malaman ang halaga nito. Sa pangkalahatan, layunin ng mga tekstong naratibo na
manlibang o magbigay-aliw sa mambabasa, ngunit may mas malalim at tiyak na halaga pa
ang tekstong ito.
May iba't ibang elemento ang naratibong teksto na magsisilbing gabay rin sa pagbuo ng
narasyon. Subukang unawain ang mga ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang halimbawa
ng maikling kuwento ni Jonathan Geronimo (2013), “Ang Susunod,” na napasama sa “Kataga
1: Isang Antolohiya.”
ANG SUSUNOD
Jonathan V. Geronimo
Tiyak kong sinasabayan pa rin ng dalawang ito ang bilis ng aking paglalakad.
Oryentasyon. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan. Ang mahusay
na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng
manunulat ang realidad sa kaniyang akda. Sa maikling kuwentong binasa, maipagpapalagay
na naganap ang kuwento sa kontemporaryong panahon, sa panahon kung kailan laganap ang
militarisasyon sa kanayunan at politikal na pagpaslang. Mula rito, naisagawa rin ng maayos
ang karakterisasyon sa pangunahing tauhan bilang isang NGO worker. Mahusay na naipakita
ang kaniyang disposisyon maging ng iba pang sekondaryang tauhan tulad ng kaniyang ina na
hindi pabor sa uri ng kaniyang trabaho at mga elemento ng militar na kontrabida o kaaway sa
kuwento.
Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o narrative
nonfiction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo at teknik
na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. Iba
ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit naghahayag ito ng katotohanan, mahalaga
pa rin ang poetika at literariness ng akda.
Ilan sa mga katangian at layunin ng CNF ang maging makatotohanan, ibig sabihin ay
naglalahad ng tunay na karanasan, naglalarawan ng realidad ng natural na mundo, at hindi
bunga ng imahinasyon. Ang pangunahing layunin nito ay maglahad ng impormasyon sa
malikhaing paraan. Ang iba't ibang porma ng CNF ay biography, food writing/blogging at iba
pang uri ng blog, literary journalism (feature writing), memoir, personal essay, at travel writing.
Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of Fact,” ang apat na katangian ng CNF ay:
Sa pagsulat ng CNF, maaari ding gamitin ang iba't ibang narrative device gaya sa
maikling kuwento. Nangangailangan lamang na maging tapat ang akda sa katotohanan ng
diyalogo, kronolohiya ng narasyon, iba't ibang hulwaran ng organisasyon, at pagsipi sa
mahahalagang bahagi ng tula, kasabihan, at iba pa.
nan ito, gitna ng bukirin, habang nagsasaka si Tano sa kaniyang pinitak. Ang paglalarawan
kay Tano na isang magsasaka ay magbibigay rin ng pahiwatig sa mga mambabasa na
mahirap ang buhay niya. Gusgusin ang kaniyang pananamit at ginawang matipuno ng mabigat
na gawain sa bukid ang kaniyang katawan.
Narito naman ang naging paglalarawan ng lunan sa nobela, ang bayan ng San Roque.
Ang San Roque ay isa sa mga bayang itinatag ng mga Kastila sa Luzon. Nasa
timog-kanluran ito ng lalawigan. Malalaki ang bahay rito, palibhasa'y dito naninirahan
ang mga lalong maykaya sa buong bayan at nasasakupan nitong mga nayon.
Karamihan sa matatandang bahay Kastila ay nakatirik sa daang malapit sa ilog. Ang
Ilog Pampanga ang pangunahing daanan ng transportasyon noon; doon nagdaraan
ang mga Bangka at kasko na lagi nang may dalang kalakal. Ngayon ay hindi na ang
mga bangka ang ginagamit ng mga tao upang sila'y makapaghatid ng kalakal; may
mga daan na at ang ginagamit nila'y kariton, kareta, karetela o ano mang sasakyang
hinihila ng hayop.