You are on page 1of 4

KomPan

Reviewer Strand: ____________


School Year 2020 – 2021 LRN: ______________

I. Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.

____1. Aling uri ng diskurso ang naipapakita ng isang ispiker na nagpapaliwanag ng isang bagong
konsepto sa isang webinar?
a. ekspositori
b. deskriptib
c. naratib
d. argumentatib

____2. Aling komponent ng komunikasyon ang tumutukoy sa berbal o di-berbal na tugon o reaksyon
ng tagatanggap ng mensahe?
a. tsanel
b. pidbak
c. kapaligiran
d. hadlang

____3. Anong uri ng komunikasyon ang nagaganap sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng personal na
repleksyon, ebalwasyon sa ating sarili, o pag-iisip ng ating mga plano?
a. intrapersonal
b. interpersonal
c. pampubliko
d. interkultural

____4. Aling uri ng di berbal na komunikasyon ang paglalahad ng ating emosyon gamit ang ating
mga mata?
a. iconics
b. haptics
c. kinesics
d. proxemics

____5. Aling uri ng di berbal na komunikasyon ang paglalahad ng mensahe sa pamamagitan ng


paggalaw ng iba't ibang bahagi ng ating pangangatawan?
a. iconics
b. haptics
c. kinesics
d. proxemics
____6. Bakit maituturing na makabuluhan ang pag-aaral ng komunikasyon?
a. dahil bahagi ito ng kurso sa senior high school
b. dahil ito ay natatanging kakayahan nating mga tao
c. dahil kailangan ito upang makapagtapos ng pag-aaral
d. dahil nagagawa nitong mapag-ugnay-ugnay ang mga tao

____7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumusuporta sa pananaw na ang komunikasyon ay
isang sistema?
a. May iba't ibang komponent na nagtutulungan upang maging epektibo ang interaksyon.
b. Nagagawang pakilusin ng mabisang komunikasyon ang isang tao na gawin ang isang
bagay.
c. Ang komunikasyon ay may prosesong sinusundan na kinapapalooban ng simula, gitna, at
wakas.
d. Ang komunikasyon ay maaaring hindi intensiyonal o intensiyonal depende kung paano ito
narinig o naihatid.

____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pananaw tungkol sa komunikasyon?
a. Ang komunikasyon ay isang proseso.
b. Ang komunikasyon ay isang sistema.
c. Ang komunikasyon ay ating kailangan.
d. Ang komunikasyon ay interaksyonal at transakyonal.

____9. Anong uri ng komunikasyon ang walang sangkot na ibang tao subalit may mabisa pa ring
paghahatid at pagtanggap ng mensahe?
a. pampublikong komunikasyon
b. interkultural na komunikasyon
c. intrapersonal na komunikason
d. interpersonal na komunikasyon

____10. Anong anyo ng komunikasyon ang gumagamit ng mga konkretong salita upang
makapagpahayag ng damdamin o ideya?
a. iconics
b. chronemics
c. berbal na komunikasyon
d. di-berbal na komunikasyon

____11. Anong anyo ng komunikasyon ang gumagamit ng kilos upang makapagpahayag?


a. iconics
b. chronemics
c. berbal na komunikasyon
d. di-berbal na komunikasyon

____12. Paano maging isang epektibo o mabisang tagapakinig?


a. Magtala ng mga impormasyon.
b. Magpakita ng mga di-berbal na komunikayson sa ispiker.
c. Maging handa sa pakikinig o iakma ang lebel sa impormasyong tatanggapin.
d. Lahat ng nabanggit.
____13. Ilan sa mga teknik upang maging bihasa ka sa kasanayang ito ay ang paggamit ng teknik
tulad ng iskaning at iskiming?
a. pakikinig
b. pagsasalita
c. pagsulat
d. pagbasa

____14. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag ding “faceless audience"?


a. pampublikong komunikasyon
b. intrapersonal na komunikayson
c. interkultural na komunikasyon
d. interpersonal na komunikasyon

____15. Aling uri ng pagbasa ang naglalayong makilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinion?
a. pagbasang exploratory
b. paaral na pagbasa
c. mapanuring pagbasa
d. pahapyaw na pagbasa

II. Isulat sa patlang kung tama o mali ang bawat pangungusap.

_________1. Ang pakikinig ay isang aktibo at dinamikong proseso.


_________2. Ang pakikinig nang may sinseridad ay pagpapakita ng mataas na respeto.
_________3. Ang pagsusulat ay isang anyo ng diskursong gumagamit ng mga grapema.

_________4. Ang interpersonal na komunikasyon ay tinatawag ring pansariling komunikasyon.

_________5. Nagsisimulang malinang ang kakayahang makinig kapag pumasok na sa paaralan ang
isang bata.

_________6. Ang iskiming at iskaning ay mga teknik sa pagbabasa na mabilisan lamang na


isinasagawa ng mambabasa.

_________7. Ang komunikasyon ay nagiging di-intensyonal kung nagkakaroon ng patuluyang aksyon


ang mga interlokyutor.

_________8. Ang pagsulat ay itinuturing na may pinakamababang porsyento sa mga makro


kasanayang kadalasang isinasagawa ng tao.

_________9. Ang komunikasyong pangmadla ay tumutukoy sa komunikasyon sa pagitan ng mga


taong nabibilang sa iba’t ibang kultura.

_________10. Ang silohismo ay uri ng pangangatwirang sinisimulan sa partikular na pangyayari,


katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan.
III. Isulat sa patlang ang uri ng di-berbal na komunikasyon na ipinapakita sa bawat larawan.

Larawan Di-Berbal
1.

2.

3.

4.

5.

You might also like