You are on page 1of 6

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Hinunangan
HINUNANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangcas A/B, Hinunangan, Southern Leyte

Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________________


Seksyon: ___________________________________ Iskor: ____________________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Ikaapat na Linggo, Kwarter 2

Paksa: Kakayahang Pangkomunikatibo


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at
pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika. F11EP – IId – 33 at
b. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon. F11PN – IId – 89

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
“Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayang nararapat
taglayin ng bawat tao sa lipunan.”–Anonymous-

Ang salitang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay


nagmula sa linguist,sociolinguist,anthropologist at folklorist na si Dell Hymes noong 1966 na
mula sa Portland Oregon.(Dayag at del Rosario, 2016).Sinasabing sa mga silid-aralan
nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit hindi sapat na basta lamang itong
umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng
panalita,bantas,baybay,ponolohiya,mormolohiya at iba pa.Dahil masasabi lamang na ang
isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo kapag
naipahatid nang maayos sa kausap ang diwang nais iparating sa kinakausap at magamit ang
pang -unawang ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay pasalita man o pasulat.Si
Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay , kilala, at maimpluwensiyang antrpologist na
maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit. Mula sa kanyang pag- aaral ay ipinakilala
niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence na
nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko. Ang kakayahang lingguwistiko ay
tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap. Ang kakayahang komunikatibo naman ay tumutukoy sa angkop na paggamit
ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaskyong sosyal.
Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng uri
ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga
bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga elehiya, ta mga saluting
ginagamit sa pamahalaan. Bahagi na gusto niyang malaman ay kung paano nagkakaiba- iba
ng mga ito sa iba’t ibang kultura.

Ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Social Media


MARIFE B. CULABA-Subject Teacher
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutunan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa
mga angkop na sitwasyon upang:
(1.) maging maayos ang komunikasyon,
(2.) maipahatid ang tamang mensahe, at
(3.)magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag- uusap.

Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang


komunikatibo.Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayang nararapat
nataglayin ng bawat isa sa lipunan. Ang tao ay ay isang panlipunang nilalang na
nangangailangang makihalubilo sa kanyang kapwa tao sa halos lahat ng panahon. Ang isang
mag-aaral ay kailangang makisalamuha sa kapwa niya mag-aaral at sa mga guro sa halos
lahat ng pagkakataon, lalung-lao na kung nasa paaralan. Ang kakayahang komunikatibo ay
nararapat lamang hasain dahil malaki ang maitutulong nito bilang paghahandasa mapipiling
karera ng isang mag-aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong ang isang mag-aaral makipag-
ugnayan sa kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan na siya ring
kadalasang puno't dulo ng away.
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nagkikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya
sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga
Internet-Based na mga aplikasyon na bumubuo ng idelohikal at teknolohikal na pundasyon ng
Web 2.0 nanagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.

Mga Uri ng Social Networking

1. MySpace --- Isa ito sa mga laganap na Social Networking (SN), ayon kay Paul Marks
(2006). Ang MySpace, ayon sa OUT-LAW.com (2006) ay ginawa ni Brad Greenspan para sa
lahat. Ito ay para sa mga magkakaiban at sa mga taong mahilig makipag-usap sa iba; mga
taong malayo sa kanilang pamilya at gustong makipagkamustahan o makipag-usap sa
kanilang pamilya; negosyante at kanilang mga katrabaho na interesado sa SN; mga
magkaklase at mga kapareha sa pag-aaral at marami pang iba.
2. Multiply--- Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social
network na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit nito na magbahagi ng mga uri ng
midya tulad ng litrato, video, musika at iba pa sa loob ng sariling websayt. Ito ay may
kakaibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN,hinahayaan nito ang gumagamit na
makipagpalitan ng social networking ay isang istrakturang sosyal nanodes o sa mas madaling
salita, mga indibidwal na konektado ng isang web-based na nagbibigay sa mga indibidwal
para (1)bumuo ng isang profile , ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay sa profile
ng ibang indibidwal kung saan siya konektado,(2) para computer-mediated.
3. Ang Facebook (literal na aklat ng (mga) mukha) ay isang social networking website
na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook, Inc.na isang pampublikong
kompanya. Ginagamit sa pagpapadala ng mensahe, pag-upload ng mga larawan, videos,
makipag-chat o makipag-usap at iba’t iba pang gamit nito. Dinebelop ito ni Mark
Zuckerberg.
4. Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at
Evan Williams at inilunsad noong Hulyo(taon).Mabilis na nagkaroon ang serbisyo ng
pandaigdigang katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang nag-
host ng 340 milyong tweet kada araw, at nagkakaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong search

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


query kada araw. Noong 2013, naging isa ito sa sampung pinakabinibisitang websayt at
inilarawan bilang “ang SMS ng Internet”. Noongtaong 2016, naitala na mayroon itong 319
milyong aktibong user kada buwan.

5. Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga vide at nagbibigay-


daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita , at ibahagi ang mga video
clips. Ang mga video ay maaaring husgahan ang dami ng husga at ng mga nakanood ay
parehong nakalathala. Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga empleyado ng Paypal na
sina Steve Chen, Chard Hurley at Jawed Karin. Noong 2006, binili ito ng Google at naging
sangay ng naturang kompanya.

Magagawa Natin

Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na papel.

KOMUNIKATIBO

Gawain 2

Panuto: Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano nagkakaiba
ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo. Isulat ang paliwang sa mga
kahong nakalaan sa ibaba.

KAKAYAHANG KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO KOMUNIKATIBO

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


Gawain 3

Panuto: Gumawa ng isang survey form (na nasa ibaba) na maaring ipadala sa
Messenger. Ang mga sasagot sa survey ay hindi bababa sa tatlong (3) kabataang
may edad 13 hanggang 19 na “friend” mo sa facebook. Ipasa sa guro ang resulta ng
nasabing survey form. (Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika. (F11EP – IId – 33 )

Narito ang survey form na gagawin.


1. Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS?________
Maari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
_____________________________________________________.
Ang SMS ba ay nakasulat sa□ Filipino □Ingles □Taglish?
2. Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram?
______________Naalala mob a kung ano ang nilalaman ng huling
post mo ? Maaari mo ba itong isulat sa linya ?________________
3. Ano ang pinakahuling palabras pantelebisyong pinanood mo ?
____________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabras na ito?_________________
Mas madalas ka bang manood ng palabras pantelebisyong
□ nasa wikang Filipino o □ nasa wikang Ingles?
4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo ?______________
Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito?____________________
Mas madalas ka bang manood ng pelikulang
□ nasa wikang Filipino □ nasa wikang Ingles?
5. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo?
___________________________________________________
Ang video ba ay nasa wikang
□ Filipino □ Ingles □ Taglish?

6. Ano ang huling blog na nabasa mo?____________________


Ang blog ba ay nakasulat sa □ Filipino □ Ingles □ Taglish?
7. Kailan ka huling nagbasa ng diyaryo o magasin ?___________
Ang binasa mo ba ay nakasulat sa □ Filipino □ Ingles □ Taglish?
8. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?
□ wikang katutubo sa inyong lugar_____________
□ Filipino
□ Ingles
□ Taglish
9. Sa alin-aling lugar mo na higit na nagagamit ang wikang Filipino?
__________________________________________________
10. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?
□ Mahalagang – mahalaga

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


□ Mahalaga
□ Hindi gaanong mahalaga
□ Hindi mahalaga
Bakit? ___________________________________________
11. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?
□ Mahusay na mahusay
□ Mahusay
□ hindi gaanong mahusay
□ Sadyang hindi mahusay
12. Sa alin-aling lugar mo naman higit na nagagamit ang wikang Ingles?
________________________________________________
13. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsusulat ng wikang Ingles?
□ Mahalagang- mahalaga
□ Mahalaga
□ Hindi gaanong mahalaga
□ Hindi mahalaga
Bakit?_________________________________
14. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?
□ Mahusay na mahusay
□ Mahusay
□ Hindi gaanong mahusay
□ Sadyang hindi mahusay
15. Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay moa ng sitwasyon
o kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa
kasalukuyang panahon?__________________________________________
16. Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at
sa inyong tahanan?____________________________________

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kaugnay ng mga sitwasyong Pangwika at
Gamit ng Wika sa Lipunan. Isulat ang titik ng iyong tamang sagot.

1. Ang salitang “kakayahang pangkomunikatibo” o communicative competence ay nagmula sa


isang lingguwistikang si___________.
a. Dell Hathaway Hymes c. Dr. Fe Otanes
b. Noam Chomsky d. Emily Langer

2. Ano ang pangunahing Layunin sa pagtuturo ng wika?


a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap
c. Magamit ang wika ng wasto sa angkop na sitwasyon
d. Lahat ng nabanggit
3. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa sa iba, ano ang
kailangang gawin ng mga guro?
a. Bigyan sila ng maraming gawain
b. Bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. Bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d. Bigyan sila ng maraming takdang-aralin
4. Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap_____.
a. Sosyolingguwistiko c. Pragmatic
b. Diskorsal d. Lingguwistiko
5. Ang nagsasalita ng wika ay hindi dapat magkaroon ng kakayahang ___.
a. Panglingguwistika c. Lingguwistika
b. Komunikatibo d. Lingguwista

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakasikat na social networking sites?


a. Facebook, You Tube , Instagram
b. Facebook, Instagram , Twitter
c. Faceboolk, You Tube, Pinterest
d. Facebook, Twitter , Vine
7. Kung mayroon kang ipapaskil sa Internet, hanggang kailan ito mananatili sa site na iyon?
a. 6 na buwan c. 5 taon
b. 30 taon d. Hangga’t hindi binubura

8. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa mga gumagamit
o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
a. Multiply c. Facebook
b. Twitter d. Google

9. Isang social networking website na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook
Inc. na isang pampublikong kompanya.
a. Facebook
b. Youtube
c. Twitter
d. Multiply
10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?
a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang ginagamit sa pagsasalita
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

You might also like