You are on page 1of 2

LEARNER’S ACTIVITY SHEET FOR QUARTER II, WEEK 4

(GRADE 11-KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK)


Name: Jes Harvey A. Yodico Grade&Section: 11- Rigel

Simulan mo! (Review and Motivation)


Panuto: Pansining mabuti ang larawan, ps ay isulat ang iyong obserbasyon,
nahihinuha, o nakikita sa larawan. Isulat ang inyong nahinuha sa ibaba ng larawan.
Kung ihahambing natin ang makalumang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon
noon at ngayon, masasabi nating lahat na mas madali ang modo ng komunikasyon natin sa
kasalukuyan dahil na rin sa teknolohiya. Pansining mabuti ang larawan, Ano ang iyong
napapansin sa laarawan? Sa paanong paraan ginagamit ang wika sa mga ito? Ano ang
kalagayan ng wika nang dahil sa mga ito? Isulat ang iyong nahinuha sa ibaba ng larawan.

SAGOT:
Ang mga larawang ito ay tinatawag na social media apps. Ang social media ay isang paraan
upang makausap at makakita ng iba’t ibang tao sa pamamagitan ng mga tesksto, larawan at
video. Mas madali ang paglahad ng mensahe sa ating mga kaibigan o kapamilya. Mahalaga
ang wika sa social media, Ito ang dahilan kung bakit nakakausap at nakakakuha ng mga
impormasyon sa mga pangyayari na nagaganap saan mang sulok ng mundo na maaring mag
silbing gabay sa araw-araw nating pamumuhay. Malaki ang naitutulong ng social media sa
ating wika katulad ng paglago ng paggamit nito sa buong internet at magkaroon ng ideya sa
paggamit ng iba’t ibang wika. Ang paggamit ng social media ay isa sa mga paraan upang
maibahagi at magkaroon ng kaalaman tungkol sa sariling wika.
Magagawa ko! (What I Can Do)
Gawain: Gumawa ng isang mapanghikayat na sanaysay ukol sa kahalagahan ng
kakayahang Lingguwistiko at kakayahang kumunikatibo sa komunikasyon.

Ang kakayahang lingguwistiko ay naglalarawan sa kapabilidad ng isang indibidwal na


bumuo at umunawa ng tama at makahulugang pangungusap. Simula sa unang baitang sa
paaralan, hinahasa na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang pagsasanay sa gramatika tungo sa
pagbubuo ng mahuhusay na pangungusap, talata, at pahayag. Ang ganitong mga aralin ay
bahagi ng paglilinang sa kakayang lingguwistiko ng isang tao. Ang kakayahang
komunikatibo ay kakayahan ng isang indibidwal na makisalamuha, makipagtalastasan at
makipagkapwa sa tao. Layunin nito na magamit ng wasto ang isang wika sa angkop na
sitwasyon.
Mahalaga ang mga ito sapagkat ito ang makakatulong upang maging maayos ang
pabigkas ng mensahe at magkaroon ng kaunawaan ang dalawang nag uusap. Dapat ay iralin
ang paggamit ng mga ito upang mabihasa lahat ng kapwa na maguusap ang paggamit ng
wastong gramatiko at wika. Mahalaga ang ito dahil magagamit natin sa araw-araw na
pakikipagugnayan o talastasan. Kung hindi tayo marunong makipagbigkasan sa kapwa tao,
maaring magiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan, kaya dapat na hasain ang mga
kakayahang ito upang maging mahusay ang pakikipagtalakayan.

You might also like