You are on page 1of 6

GE 4

AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO


(M-W-F 9-10 AM)

GROUP 6
Jingky Sagang
Daisy Jane Dantes
Queenie Mae Flores
Jared James Villanueva
John Ryan Teope
 S - STYLE
Ang style ay nagsasali ng pag uuri ng likas na katangian ng komunikasyon
na ginagamit. kung ito ba ay kaswal, pormal, pagsusulit, berbal o di berbal.
Ito ay tumutkoy kung papaano natin ipahayag ang ating sarili sa ibat ibang
pagkakataon na nakakaimpluwensya sa paglalahad at pagtanggap ng
impormasyon. pagsasaayos kung paano tayo nagsasalita, paggamit ng wika,
tono, at di berbal na mga pahiwatig upang ihanay sa tiyak na sitwasyon, na
ginagawang mas malinaw ang ating komunikasyon.

Halimbawa: Batay sa litrato sa itaas, isa ay nasa opisana at nag lalahad ng


mga edeya para sa kanilang proyekto at ang ginagamit nila ay formal style at sa
isa naman ay mga magkakaibigan na nag uusap na gumagamit ng casual style.
 P - POINT OF VIEW
Sa point of view naman ay ang pag intindi kung ano ang katayuan ng iyong
kausap. Ang pagoobserba sa kanilang mga pananaw sa loob ng
komunikatibong sitwasyon ay nagpapahusay sa lalim ng pakikipag ugnayan,
na nagtataguyod ng isang mas komprehensibong pag unawa sa mga kalahok.

Halimbawa: Ang engineer ay nagbigay ng mga ideya kung ano ang mga dapat
gawin at kung anong mga materyales ang kailangan sa proyekto at ang
contractor naman ay sinasaalang-alang ang mga ideya na binigay ng engineer.
 E - ESSENCE
Ang essence ay nagbibigay ng “vital points” o buhay sa komunkasyon,
nabibilang dito ang tono, damdamin, asal, ekspresyon ng mukha, wika ng
katawan, at bantas. Napapaganda at nasasaayos nila ang mga pakikipag
ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal, maging berbal o di berbal.

Halimbawa: Si Daisy ay sinorpresa ng kanyang kapatid ng isang bagong


Cellphone. Makikita sa kanyang mukha at reaksyon kung gaano niya ito
nagustuhan at pinagpasalamatan. Nagpapakita ito ng pagpapahayag ng
damdamin at emosyon.

 A - ADAPTABILITY
Ang adaptability ay ang kakayahan na makita ng maayos, masuri ang
sitwasyon, at baguhin ang istraktura ng komunikasyon batay sa tiyak na
konteksto, madla, o sitwasyon. Ang pagiging madaling umangkop ay
nagsisiguro na ang mensahe ay nananatiling epektibo.

Halimbawa: May isang aplikante na nagpahayag ng kanyang ideya tungkol sa


pagpapalaganap ng teknolohiya para sa kumpanya habang siya ay
nagpapahayag napagmasdan niya na hindi masyado naiintindihan ng mga
officers ang talakayan. Upang maintindihan nila ang presentasyon binago niya
ang kanyang mga terminolohiya sa mga salita at naglahad ng mga halimbawa
upang maintindihan ito.

 K - KNOWLEDGEABLE
knowledge naman ay ang kung papaano mo naiintindihan ang paksa na
pinaguusapan. Ito in ang nagaambag sa krebilidad at kasiguruhan sa
impormasyon na inilahad.

Halimbawa: Tinulungan ni Pedro ang kanyang kaklase kung ano ang


natutunan nya sa talakyan nila kahapon sa math dahil nahihirapan itong
intindihin ang kanilang takdang aralin.

 I - INTERCULTURAL INCLUSION
Ang intercultural inclusion ay nagsasangkot ng kakayahang mag navigate at
makipag usap nang epektibo sa iba't ibang kultura. Kabilang dito ang pag
unawa sa kontekstong kultural at panlipunan ng komunikasyon, pagkilala sa
pagkakaiba iba ng mga tagapakinig. Ito ay lumalawak nang higit pa sa
kamalayan lamang ng mga pagkakaiba iba ng kultura at nagsasangkot ng
kasanayan upang iakma ang pakikipag usap at pag uugali ng komunikasyon
upang matagumpay na makipag ugnayan sa mga indibidwal mula sa iba't
ibang kultura.
Halimbawa: Si Danaya ay isang "anime fan" at gusto niya makausap ang
kanyang bagong kaklase na hapon, Upang malaman ang kanilang kultura at
wika, bago nya itong kinausap, siya ay yumuko at nakipagkilala sa salitang
ingles.

 N - NECESSITIES OF THE LOCATION


Sa necessities of the location tumutukoy sa pagkilala at pagsasaalang alang
sa mga tiyak na kinakailangan at hadlang ng kapaligiran ng komunikasyon.
Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pag unawa kung saan at kailan
gagamitin ang ilang uri ng istilo ng wika o komunikasyon.

Halimbawa: Si amihan ay pumunta sa ika-18th na kaarawan ng kanyang


kaibigan at habang ang may kaarawan ay sinasabi niya ang kanyang talumpati
ang katabi ni jingky ay tinanong siya at si jinky naman ay sumagot ng mahina,
upang hindi masira ang kaayusan ng talumpati ng may kaarawan.
 G - GOALS
Sa goals naman napapaloob kung ano ang layunin o nais marating ng
inyong usapan. Ito ang gumagabay sa komunikasyon at sinisigurado nito na
ang mensahe ay angkop sa iyong nais ipaunawa o sabihin.
Halimbawa:

Sa pag-uusap na ito, tila nagbibigay ng reaksyon ang isang tao sa isang post o
balita ukol kay Sarah Elabyu. Binibigyan ng pansin ang posibleng pekeng
balita at ipinapakita ang mga palatandaan ng posibleng hindi katotohanan,
tulad ng paggamit ng pekeng larawan at pagsusulat ng pekeng kwento. Ang
layunin ay maaaring maging pag-uusap o diskusyon ukol sa kredibilidad ng
nasabing balita o post.

You might also like