You are on page 1of 3

Pangalan: ________________________________________ Seksiyon: __________________

Guro: ________________________________________ Araw ng Pagsumite: __________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


KUWARTER 2
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
( Most Essential Learning Competency 5 )
WORKSHEET NO. 5 ( Week 5 )

ARALIN 3 – KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO ( KAKAYAHANG


SOSYOLINGGUWISTIKO )

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK
Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang sosyolingguwistik ay
isang kakayahan ng gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan
kung saan niya ito ginagamit.
Ayon sa kanya, may tinatawag na Competence at Performance sa pakikisalamuha. Ang
Competence ay ang batayang kaalaman o kakayahan ng isang tao sa wika, habang ang Performance
naman ay ang paggamit ng tao sa wika.
Kabilang sa pag-unawang ito ang kaalaman sa gampanin ng mga kasangkot sa komunikasyon,
ang mga ibinabahagi nilang kaalaman, at ang tunguhin ng pag-uugnayang nagaganap. Sinabi rin
niyang sa sapat lamang na kaalaman sa mga bagay na ito masasabing angkop ang isang pahayag.
Gaya ng kakayahang gramatikal, mahalaga ito sa mabisang komunikasyon, sapagkat ang
bawat sitwasyong komunikatibo – halimbawa ay usapang tahanan, komunidad, paaralan, simbahan,
palengke, chat/internet, forum at iba pa – ay nakaaapekto sa pormalidad o impormalidad ng
pagpapahayag ng mga kasangkot o actor sa komunikasyon.
Sa tahanan, komunidad, palengke at chat ay karaniwang impormal o conversational ang
paraan ng pagpapahayag, habang sa paaralan at simbahan naman ay karaniwang pormal.
Kung tutuusin, mas maluwag din ang pagpapatupad sa mga tuntunin sa ortograpiya o
pagbabaybay at maging sa iba pang aspekto ng gramatika, sa sitwasyong komunikatibo sa Internet,
sapagkat malaya ang nasabing forum at walang may kakayahang magdikta o magtkada ng mga
tuntunin sa komunikasyon doon.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G.
1. Setting (Saan nag-uusap?)
Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng
pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa
komunikasyon. Kung hindi ito isaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-
aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?
2. Participants (Sino ang kausap?)
Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago-
bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di
kaya’y sinusulatan. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong
kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa
kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano baa ng angkop na pahayag kung ang
gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?
3. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?)

1|Page
Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o
layunin sa pakiipag-usap. Hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraang
nagpapakita ng pagpapakumbaba? At kung nais din nating kumbinsihin ang kausap ay iba ang ating
pamamaraan? Samakatuwid, nararapat na isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop natin
ang paraan ng ating pakikipagtalastasan.
4. Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?)
Ang komunikasyon ay dinamiko. Samakatuwid, maging ang isang usapan ay nagbabago. May
mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran, humahantong sa pikunan at nauuwi sa
awayan. Pansinin ang takbo ng usapang ito na maaaring nagsimula sa kindatan, napunta sa
pagpapakilala, humantong sa kuwentuhan at nauwi sa hatiran. Ano sa palagay moa ng susunod na
takbo ng kanilang usapan? Kung ikaw ay isang babaeng walang interes na magpaligaw, ano ang
gagawin mo sa unang yugto pa lamang ng pakikipag-usap sa isang lalaki?
5. Keys (Pormal ba o Impormal ang usapan?)
Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di
kaya’y ng isang taong naka-gown o barong-Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball?
Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang
okasyon sa iyong pakikipag-usap sa ibang tao? Kung gayon, kung pormal ang okasyon, paano ka
makikipag-usap? Anong salita ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na
kaibigan, gayon din baa ng paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?
6. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?)
Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang tsanel o daluyan ng komunikasyon.
Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo.
Maaari mo bang ikuwento sa iyong kaibian ang nobelang nabasa sa pamamagitan ng telegrama?
Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa
ba sa bumbero kung nasusunog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang
harapan, magdadahilan ka pa ba sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang
gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa
isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang
hugis, lawak at limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.
7. Norm (Ano ang paksa ng usapan?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring
hindi mon a igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa
ng isang pagtatalo. Makabubuti ring itikom na lamang ang bibig ung sa gitna ng talakayan ay wala ka
namang nalalaman sa paksang tinatakay. May mga paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga
paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang
umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa mga
babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.
8. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo? Nagmamatuwid? Naglalarawan? O
nagpapaliwanag/naglalahad?)
Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa
gayo’y malaman din niya kung ano ang genre na kanyang gagamitin. Madalas, bunga ng
miskomunikasyon sa genre, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang tao. Pansinin ang
usapang ito sa pagitan ng isang mag-ina:

Ina: Aba! Marunong ka nang mangatuwiran ngayon ha!


Anak: Hindi naman po, inay. Nagpapaliwanag lang ako.

Inakala ng ina, kung gayon, na ang genre na ginagamit ng kanyang anak sa usapang iyon ay
pangangatwiran. Samantala, ipinalalagay naman ng anak na ang ginagamit niyang genre ay
pagpapaliwanag o paglalahad lamang. Isang malinaw na miskomunikasyon!
https://www.academia.edu/38736940/Ika-15_Linggo_KAKAYAHANG_SOSYOLINGGUWISTIK_

PERFORMANCE TASK 5

2|Page
Layunin: Nauunawaan nang may masusing pagsasalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika dito.

Butil ng kaalaman, ating TUKLASIN…


A.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng pahayag sa bawat hanay. Pag-ugnayin ito sa
pamamagitan ng pagsulat lamang ng wastong titik sa nakalaang patlang.

____1. Nagbibigay-daan sa daloy ng usapan sa pagitan ng nag-uusap. a. Komunikasyon


____2. Tumutukoy sa paksa o tema ng usapan sa komunikasyon. b. Sosyolingguwistiko
____3. Kinaganapan ng pag-uusap o pakikipapagtalastasan. c. Setting
____4. Paraan na gagamitin sa komunikasyon, pasalita o pasulat. d. Participants
____5. Uri ng diskursong angkop sa usapan o pakikipagtalastasan. e. Ends
____6. Tumutukoy sa mga taong sangkot sa pakikipagkomunikasyon. f. Act Sequence
____7. Dahilan o sanhi ng pakikipag-usap. g. Keys
____8. Tumutukoy sa pormalidad ng usapan. h. Instrumentalities
____9. Pakikisalamuha, pakikipagtalastasan, o pakikipag-usap. i. Norms
____10. Kakayahang tumutukoy sa pakikiangkop sa komunikasyon. j. Genre

Mga natalakay, ating UNAWAIN…


B. Panuto: Pag-aralan ang mga pahayag. Tukuyin sa acronym ng S.P.E.A.K.I.N.G. ni Dell Hymes
na masasalamin sa bawat bilang. Piliin ang titik mula sa Acronym at isulat lamang sa patlang.
____11. Nag-uusap ang mag-asawa nang biglang bumaba na mula sa kanyang silid ang bunsong si
Maya at pumunta sa kinauupuan nila ngunit sinabihan agad ang anak na maglaro muna sa bakuran.
____12. May problema si Maya kaya nag-chat ang kanyang kaibigan upang tanungin siya. Minabuti
ni Maya na mag-usap na lang sila sa personal upang mas maikuwento niya nang buo.
____13. May pagkaingay at prangka si Uno sapagkat siya’y masayahin, ngunit mapapansin naman
ang
kanyang paggalang kapag nakikipag-usap siya sa nakatatanda sa kanya.
____14. Kilala kahit sa ibang bayan si kapitana ng barangay Maligaya sapagkat lahat ng gusot ng
kanyang
kabaryo ay kanyang nadadaan sa mabuting usapan. Ginawaran siya ng ilang parangal dahil
dito.
____15. Sa kagalakan ng magkakaibigan dahil ikakasal na ang isa sa kaibigan nila, nilukod ng ingay
ang silid habang inaayusan si Maya. Nang magsimula na ang seremonya, naging tahimik na at may
pormalidad.
____16. Nagbigay ng mensahe si Makie na puno ng inspirasyon sa entablado, kaharap ang kanyang
kapwa-estudyanteng nagsipagtapos, bilang siya ay ang nakatanggap ng pinakamataas na karangalan.
____17. Nagbigay ng sulat si Amihan biglang sagot sa sukat na ipinadala ng kanyang kaibigan.
____18. Maingay na nagbibiruan ang mga magkakaibigan sa daan habang naglalakad pauwi, ngunit
biglang tigil ng lahat at bumati nang may paggalang nang makasalubong ang kanilang guro.
____19. Buong pagpupursige at determinasyon ang ginawa ng mga taga-kompanya sa pagbibigay-
promosyon kaugnay ng produkto upang mas makabenta sila at makamit ang kagustuhang kita.
____20. Minabuti ni Karina na pumunta muna silang magkakapatid sa labas ng bahay, nang marinig
ang
diskusyon ng kanyang mga magulang.

Binabati kita sa pagsagot sa Ikalimang Worksheet ng Ikalawang Kuwarter sa Asignaturang


KPWKP!

3|Page

You might also like