You are on page 1of 3

Republic of the philippines

Samar College, Inc.


Catbalogan City, Samar

Aralin 30
Sining ng Pagsasalita

Panimula :
Isa sa pinakamahalagang kasanayan komunikasyon ay ang pagsasalita. Sa anumang anggulo,
hindi mapagtagumpayan ang isang gawain kung walang isang tagapagsalita na magbibigay kaalaman at
magbibigay laman sa kabuuan ng isang gawain. Mahalaga ang pagsasalita ng isang indibidual sa pagkat
diti niya naipahayag ang ekspresyon ng kanyang damdamin.

Bago muna ako mag salita ng akin paksa. Sino ditto sa inyo ang may opinion o ideya tungkol sa
pagsasalita.?

Batay sa aklat na aking binasa ang pagsasalita ay isa sa pinakamahalagang kasanayan ng komunikasyon
na kung saan ay maipapahayag nito ang kanyang damdamin o ekspresyon at kung wala ang pagsasalita
ay marahil di tayo magkakakaunawan

Pagsasalita :
Binanggit ni Dellhymes ang ilang konsiderasyon na dapat isaalang-alang upang maging
mabisa ang komunikasyon. Ipinaliwanag niya ito sa pamamagitan ng akronim na “SPEAKING”.

1.) Setting (saan nag-usap?)


- Napakahalagang salik sa pakikipag usap ang lugar. Upang magkaroon ng isang dalisay at maayos
na ugnayan, kinakailangan ay lokasyon ay tahimik at maaliwalas.

Halimbawa : lugar na kung saan kayo nag usap

2.) Participants ( sino-sino ang mga kasangkot sa usapan?)

- Higit na mahalaga rin dapat bigyan tuon kung sino ang kausap. Hinihingi ng pagkakataon ang
paggalang at kaangkupan ng pananalitang gagamitin sa kausap batay sa kanyang edad o
katayuan sa buhay at lipunan.

3.) Ends ( ano ang layunin ng pag-uusap?)


- Kailangan din alamin mo kung ano ang iyong layunin sa pakikipag-usap.

Halimbawa : para maunawan kung ano ang nais mong iparating sa nakikinig.

4.) Acts of sequence ( paano tatakbo/saan patungo ang usapan?)


- Ikaw bilang isang tagapagsalita o tagapaghatid ng mensahe ay dapat maging sinsitibo sa
magiging takbo ng usapan.

Halimbawa : dapat alam mo kung sino ang iyong kausap o kilalanin ito para maging maayos ang layong
usapan.

5.) Keys (pormal ba o impormal ang usapan)


- Ang kasuotan at personalidad ang isinasaalang-alang sa bahaging ito. Dapat iayon mo ang iyong
pananamit, salitang ginagamit at ikikilos sa okasyon o Gawain.

Halimbawa : dito kinikilala muna ang sitwasyon/kalagayan ng kausap, at isaalang-alang ang pormal na
pakikipag usap kung ito ay mataas pa sa antas mo. Ang “Pormal” ito ay ginagamit sa enterview at
pakikiusap sa guro. Ang “Impormal” ito ay pakikiusap sa mga kaibigan.

6.) Instrumentalities (ano ang midyum ng usapan?)


- Sa konsiderasyong Ito nakapaloob ang mga kagamitang nararapat sa ugnayan sa iba.
Gagamitin moba ang iyong mobile phone, telepono, o personal sa iyong pakiki pag-usap?

Halimbawa : gumagamit tayo ng mga kagamitan cellphone, telephone, upang maihatid an ating mga
mensahe.

7.) Norms (ano ang pamantayang kultural ng usapan?)


- Mas mainam kung mayroon kang kodigo o maaring nailista mo na sa iyong isip ang mga paksang
maaring maging bahagi ng talakayan.

Halimbawa : dapat hindi nalilihis ang inyong pinag-uusapan at kinakailangan na dapat maayos ang
mensahe

8.) Genre (anong diskurso ang gagamitin sa pakikipag-usap?)


- Sa pagkakataong ito bigyang tuon ang paraan ng pagpapahayag .

Halimbawa : ditto ipinakita ang klase ng pagpapahayag kung ito ay pangatwiran o iba.

Pagsasalita sa publiko

- Isang di-pamilyar na sitwasyon , kulang sa kumpiyensa o tiwala sa sarili, konsyus sa sarili, takot
na nagmumukhang tanga o kaya’y makalimot sa sasabihin at takot sa kalabasan ng pagsasalita.

Halimbawa : ang pagsasalita sa harap ng mga tao ay isa sa mga sitwasyon na kung saan tayo ay
kinakabahan dahil hindi natin kilala ang mga taga-pakinig dahil sa kinakailangan ay dapat parin lakasan
ang loob.

Dapat tandaan ng tagapagsalita

- May mahalagang katangian dapat taglayin ang isang ispiker o tagapag-salita saan man siya
naroon, anu man ang kanyang kalagayan, damdamin at disposisyon, sinuman ang kanyang
kausap at kaharap.
- Nakalahad sa susunod na pahina ang mga katangiang ito na nahahati sa dalawang aspekto.
- Aspektong intrapersonal at Aspektong interpersonal.

Aspektong intrapersonal
- Nararapat itong tawaging kalooban, moralidad at kaanyuang panlabas. Sa kanyang panlalabas
nararapat lamang na sumusunod sa sa proper grooming ang isang ispiker.

Halimbawa : dito ipinapakita ang pakikipag usap mo sa inyong sarili batay sa inyong naramdaman.

Aspektong intrepersonal
- Ditto na kapaloob ang kalagayan sa kamalayang panlipunan ng ispekir sa ibang tao ang kanyang
pakikipag usap sa iba at ang kaniyang pakikitungo sa lahat.

Halimbawa : ito ay pakikipag usap sa kapwa, na kung saan ay mayroong nagsasalita at may tagapagkinig.

Ang Talumpati
- Ang talumpati ay isang pakikipag-ugnayan pangmadla na nagpapaliwanag hinggil sa isang
mahalagang paksa. Ito ay sinasambit sa harap ng publiko.

Halimbawa : ipinapakita ang kakayahan sa larangan ng paglalahad ng kanyang paksa. Upang


makumbinse at tagapagkinig.
Ang Mga Uri Ng Talumpati

1.) Preparado/handang talumpati (prepared speech)


- Ito ay masusi at pinaghahandaang talumpati. Ditoy may pagkakataong makapangalap ng
impormasyong o datos sa pamamagitan ng mga aklat, mga iba pang nalimbag na babasahin o
maging sa anyo ng pakikinayamsa ibang paham sa paksa.

Halimbawa : ang tagapag talumpati ay handa sa kanyang paglalahad dahil nakapag hanap pa siya ng
kanyang gagamiting impormasyon.

2.) Biglaang talumpati (impromptu speech)


- Dahil sa walang kahandaan, ang mananalumpati ay nagsasalita nang ayon sa kaalaman o
kabatiran lamang.

Halimbawa : ditto ibinibigay agad ang paksa sa taga pagsalita.

3.) Dagliang talumpati (extemporaneous speech)


- Ang mananalumpati sa uring ito ay paghahanda lamang ng balangkas ng kaniyang sasabihin.

Halimbawa : batay ito sa inihandang talumpati ng tagapagsalita na mula sa kanyang isipan.

Katangiang ng mabisang tagapagsalita


- Napakaganda ng pahayag ng ilang mga ekspertong manunulat at mananalumpati tungkol sa mga
katangiang ito.

Halimbawa : may mga ibat-ibang katangian ang tagapagsalita na dapat nilang gampanan.

Kalaman sa paksa
- Ang pagkakaroon ng malawak na kalaman sa paksa ay lubos na nakakatulong sa tagapagsalita sa
kanyang pagpapahayag.

Halimbawa :ipinapakita dito na dapat may alam ang taga pagsalita at dapat buo ang kanyang mga
detalye sa paksa.

You might also like