You are on page 1of 6

Modyul MAKRONG KASANAYANG

V PANGWIKA: PAGSASALITA
LAGOM-PANANAW

Napag-aralan mo na sa naunang modyul ang pinakaunang makrong


kasanayang nililinang sa isang tao, ang pakikinig. Sa modyul naman na ito, mapag-
aaralan mo ang tungkol sa makrong kasanayang pagsasalita na siyang ginagamit sa
paghahatid ng mensahe sa tagatanggap nang direktahan.

Sa pagtatapos ng pag-aaral o talakayan sa modyul na ito, ikaw


ay inaasahang:

▪ Matutukoy ang bahagi ng anatomiyang pampananalita


▪ Mailalahad ang kahalagahan ng pagsasalita
▪ Mailalahad ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng talumpati
▪ Makagagawa ng talumpati tungkol sa napapanahong isyu

PAGBASA AT PAG-UNAWA

Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit
na madaling nakakakuha ng respeto mula sa iba. Ang isang taong kulang ang
kasanayan sa pagsasalita ay nahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao ang kanyang
halaga at natatanging katauhan. Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang
kabiguang maipahayag ang sarili nang epektibo ay kadalasang nagbubunga ng
pagguho ng mga mithiin ng isang tao.

31
1 PAGSASALITA

Ano ang Pagsasalita?


Datapwa’t una rin ito sa mga kasanayang pinauunlad
mula sa pautal-utal na panggagagad-salita hanggang sa
katatasang-tuto sa pag-aaral, at sapul nang matutuhan, lagi-
lagi na itong naisasakatupran, lalo’t kasamang nakakausap.

Ang Proseso ng Pagsasalita


Bilang proseso, ang tagapagsalita ang gumagamit ng berbal na kasangkapan,
ang wika, na nag-aangkin ng tunog, diin, bilis, haba, at tono para ihatid sa direkta,
papahiwatig, o pasensyas na paraan ang mahahalagang konsepto o mensahe na
hangad na ipahayag sa tagapakinig, mambabasa, o manonood.

Ang Layunin ng Pagsasalita


Nagsasalita ang tao para ibahagi ang kanyang mga nasasaloob – naiisip o
nadarama – sa anumang anyo o paraan ng pagpapahayag (pagkukuwento,
paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran).

Ang mga Katangian at Kasanayang Dapat Angkinin ng Isang Epektibong


Tagapagsalita
Upang maging mahusay na ispiker, ang mga sumusunod ang mga katangian at
kasanayang dapat niyang angkinin at isaalang-alang:
1. May sapat na kaalaman sa paksa.
2. May malaking tiwala sa sarili.
3. Mat tantyadong angkop na kilos at kumpas.
May maayang tinig, hindi preskong tingnan, walang kagarapalan, ni kasuplahan,
gayundin, mapitagan.

32
1. GAWAIN 5.1 Sagutin ang mga sumusunod:

Gaano kahalaga sa isang tao ang pagsasalita? Ano ang maaaring maging epekto
kung sakaling ang isang tao mayroong depekto sa anatomiyang pampananalita?
Magbigay ng mga halimbawa.

2 PAGTATALUMPATI

Isa sa makukulay na pasalitang sitwasyon ang


pagtatalumpati. Kung sa pag-ibig ang isang binata ay
maakit maghayag ng ligaw o sa pangangalakal ang isang
representante ay maengganyo manghikayat ng kliyente,
maitatangi sa kanila ang ekspresyong matamis ang dila.
Sa pagtatalumpati, kapag ang isang tagapagsalita ang nagbukas ng bibig at
kinatungangaan ng mga tagapakinig, angkop sa kanya ang ekspresyong dilang
anghel siya.
Tinatawag na talumpati ang anumang uri ng pagsasalita sa harap ng maraming
tao, mapribado man o mapubliko.
Ang pagtatalumpati sa pormal na depinisyon ay ang sining ng mahusay at
magalang na pagsasalita sa publiko tungkol sa isang mahalagang paksa, luma man o
napapanahon, para magpabatid, magturo, manghimok, magpaaksyon o mang-aliw.

Ang mga katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananalumpati


1. May interes sa kapaligiran.
2. May angking kasanayan.
33
3. May pulso sa publiko.
4. May ganap na kaalaman sa paksa.
5. Mapakiramdam at may pandamang palapatawa.
6. Kombersasyunal sa pagsasalita.
7. Mapamaraan.
8. Mabikas ang tinig, malinis ang pananamit at maginoo ang kilos.
9. May diritsong tingin, may kontroladong boses, may makulay na tono at may
makahulugang kumpas.
10. May malinaw na bigkas ng salita.

Ang Paksa ng Talumpati


Ang paksa ng talumpati ay hindi hinihinging laging bago, puwede ring luma na,
ang kailangan lamang ay mga pamamaraan kung paano ito tatalakaying sariwa sa
pandinig. Ang mahalagang-mahalaga sa paksa ay ang mga sumusunod:
1. Angkop sa personalidad at interes at takdang panahon ng mananalumpati.
2. Angkop sa interes, gulang, gawain, karanasan, atbp. ng tagapakinig.
3. Angkop sa okasyon.

Ang mga Uri ng Talumpati


1. Impromptu o Biglaan. Ito’y walang paghahandang isinasagawa basta random
na tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.
2. Ekstemporaryo o Maluwag. Binibigyan ng kaunting panahon ang
mananalumpati na makapag-isip sa paksang noon din lamang ipinaalam sa
kanya kaya karaniwan nang naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa
hindi isinaulong sasalitain.
3. Preparado o Handa. Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpatian ang
paksa ay ipinaalam na.

2. GAWAIN 5.2 Sagutin ang mga sumusunod:

A. Talasalitaan
Bigyang-kahulugan o ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Pagtatalumpati 4. May pulso sa publiko
2. Matamis na dila 5. May diretsong tingin
3. Dilang-anghel

34
B. Ilahad ang pagkakaiba-iba ng tatlong uri ng talumpati.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Binabati kita! Napakagaling mo!


Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin.
Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga
napag-aralan natin sa araw na ito.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito,
ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na
namang aralin, ang Modyul VI: Makrong
Kasanayang Pangwika: Pagsulat

LAGOM
▪ Datapwa’t una rin ang pasasalita sa mga kasanayang pinauunlad
mula sa pautal-utal na panggagagad-salita hanggang sa
katatasang-tuto sa pag-aaral, at sapul nang matutuhan, lagi-lagi
na itong naisasakatupran, lalo’t kasamang nakakausap.
▪ Isa sa makukulay na pasalitang sitwasyon ang pagtatalumpati.
▪ Tatlong uri ng talumpati: Ekstemporaryo o Maluwag, at Preparado
o Handa.

MUNGKAHING BABASAHIN

▪ https://www.slideshare.net/JossaLucas27/makrong-kasanayan-pagsasalita
▪ https://www.slideshare.net/GinoongGood/makrong-kasanayan-sa-pagsasalita
▪ https://winnieannmistica.tumblr.com/
▪ https://jlazarte.wordpress.com/2016/11/21/first-blog-post/
▪ https://prezi.com/vqjmiwn8fcjd/makrong-kasanayan-sa-pagsasalita/

35
SANGGUNIAN

▪ Arrogante.J.A. et.al (2007) Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


National Book Store
▪ Arrogante.J.A. (2005) Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. National Book
Store

MULA SA INTERNET

▪ https://www.coursehero.com/file/34893543/makrong-kasanayan-sa-
pagsasalitapptx/
▪ https://www.powtoon.com/online-presentation/fMZxgD5GG4m/makrong-
kasanayan-pagsasalita/
▪ https://www.youtube.com/watch?v=4sxsW855O3U

36

You might also like