You are on page 1of 17

KOMUNIKASYON SA

AKADEMIKONG
FILIPINO
BSA 1-B

Pangkat 5:

Bolar, Coronado, Priela, Pucyutan at Tubog


MABISANG PAGSASALITA
Tatlong Elemento na Kailangan upang Makapagsalita ang isang Tao

1. Ang pangangailangan ng lakas o enerhiya

2. Ang artikuladora o ang nanginginig na bagay

3. Ang resonador o ang patunugan

Ang enerhiya o lakas ay ang puwersang nalilikha ng papalabas na hangin galing


sa baga at nagpapakinig sa mga babagtigang-tinig na nagsisilbing artikulador.

Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa paggawa ng tunog, ang
dila at panga, ang ngipin at labi, ang matigas na ngalangala (itaas) at ang
malambot na ngalangala (likod).

Kailangan sa Mabisang Pagsasalita

1. KAALAMAN

• Makukuha ang mga kaalaman sa mga tuwirang karanasan, sa pagmamasid, sa


pakikipag-usap at pagbabasa.

• Mahalagang magbasa ng mga peryodiko, iba’t ibang magasin at aklat.

• Kapag may kaalaman sa paksa ang nagsasalita malamang na magsalita siya


nang may nilalaman.

• Talumpati/Panayam – magsaliksik sa paksa. Nagbibigay din ng impormasyon


at kaalaman ang nagsasalita

2. TIWALA SA SARILI

Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay mahalaga dahil mas naipapahayag mo ang


gusto mong sabihin ng hindi natatakot at walang kaba. Ang kahandaan sa paksa ay
isang mahalagang bagay upang magkaroon ng tiwala sa sarili ang isang tao.

3. KASANAYAN

Ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagsasalita ay mahalaga upang maging


isang mabisang tagapagsalita. Ang pagsasanay ang isang paraan upang magkaroon
ng kasanayan ang isang tao.
Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita

1. TINDIG

• Dapat na tumindig nang maginhawa at maluwag ang pagsasalita.

• Maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo.

• Tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado.

• Ipatong ang bigat ng katawan sa isang paa.

2. GALAW
• Ang galaw ay mahalaga rin sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita lamang
upang maunawaan ang sinasabi kundi lalo higit ng galaw at ekpresyon ng
muka.

3. KUMPAS

• Tumutukoy sa alinmang galaw ng bahagi ng katawan.

• Ang kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mgaa salitang binibigkas.

• Hal. Kumpas na ginagamit ang hintuturo - layuning tawagin ang pansin sa


bagay na itinuturo.

4. TINIG
• Tulin: 120 o 130 salita sa isang minuto.
• Kailangang sapat ang lakas para marinig ng lahat. Maaaring baguhin Sa tindi
at anyo nito. Ang tindi ay tumutukoy sa kalakasan at ang anyo ay sa paraan.
• Dapat ibagay sa diwang nais ipahayag.

Pagsasanay: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Ito ay ang puwersang nalilikha ng papalabas na hangin galing sa baga at nagpapakinig


sa mga babagtigang-tinig na nagsisilbing artikulador.

2. Ito ay kailangan sa mabisang pagsasalita, makukuha ito sa mga tuwirang karanasan, sa


pagmamasid, sa pakikipag-usap at pagbabasa.

3. Mahalaga sa mabisang pagsasalita dahil mas naipapahayag mo ang gusto mong sabihin
ng hindi natatakot at walang kaba.

4. Isang paraan upang magkaroon ng kasanayan ang isang tao.


5. Mahalaga ito sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang maunawaan ang
sinasabi kundi lalo higit ng galaw at ekpresyon ng mukha.

6. Tumutukoy sa alinmang galaw ng bahagi ng katawan.

7. Ayon sa tulin, ilang salita ang kailangan sa isang minuto.

8-10. Ibigay ang tatlong elemento na kailangan upang makapagsalita ang isang tao.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita


Pagsasalita

Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya,


paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang naiintindihan ng
kanyang kausap.

Pakikipag-usap

Ito ay ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng


pagsasalita. Oto ay masining na paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Pagtatalumpati

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang


katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Ang talumpati ay pinaghahandaan
bago bigkasin sa madla.

Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati

Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang


kaiga- igaya sa mga nakikinig.

• Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot


• Iwasang manalumpati ng nagsasanay, dapat lagging handa  Huminto kung
tapos na.
• Kung maganap ang puwang o sandaling pagtigil, huwag matakot at mangamba
• Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng
katawan.
• Huwag mangamba o kabahan.
• Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang
ninanais mong ipabatid.
Pakikipag-debate

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at


sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig
ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May
isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

• Nilalaman

Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debaterpatungkol sa


panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng
debate. Kailangan niyang magkaroon sapat na panahon upang mapaghandaan
ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na pagbabasa,
pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang
magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.

• Estilo

Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na
kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting
ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.

• Estratehiya

Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga


argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang
proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga
argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi
ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.

Pakikipanayam o Interbyu

Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion,


kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa
madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad na
kinakapanayam. Layunin sa Pakikipanayam

• Kumuha ng informasyon, reaksyon, at/o kurokurong kailangan sa


paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
• Layuning pagtatampok.
• Layuning pantalambuhay.

Uri ng Pakikipanayam Ayon sa Layunin Pakikipanayam na Nagbibigay ng


Kabatiran

Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may


kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang
taong maaring mapagkunan ng balita.
Opinyon (Opinion interview)

Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bntog o


kilalang otoridad.
Lathalain (Feature interview)

Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na


karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-
wili sa madla.

Natatanong na reporter (inquiring reporter type)

Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa pasumalang


(random) na pagtawag.
Simposyum (symposium)

Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa bawat


kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng
katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.

Pandiyaryo (Press interview)

Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya ng pangulo


ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang
aktibidad.
Pagkukwento

Ang pagkukwento ay ang pagbabahagi ng isang karanasan, ng isang


pangayaring nabasa, narinig nasaksihan o kaya’y isang likhang isip ng isang
malikhaing guni-guni

Dapat isaalang-alang sa pagkukuwento

• Malinaw ang pagkukwento


• Malakas ang Boses

Pagsasanay: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at


nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang naiintindihan ng kanyang kausap.

2. Masining na paraan ng pakikipagkomunikasyon kung saan ito ay ang pagpapalitan ng


kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita.

3. Ito ay isang uri ng sining na makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa


paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.

4. Pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng


dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na
paksa.

5. Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa


bagong ideya.

6. Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bantog o kilalang


otoridad.

7. Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang
makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.

8. Ito ay ang pagbabahagi ng isang karanasan, ng isang pangayaring nabasa, narinig


nasaksihan o kaya’y isang likhang isip ng isang malikhaing guni-guni.

9-10. Ano ang dalwang bagay na dapat isaalang-alang sa pagkukuwento?

PAKIKINIG
Kahulugan ng pakikinig

Ang pakikinig ay isang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


pandinig.
1. Paraan
2. Pagtanggap ng Mensahe
3. Pandinig

Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

Ayon kay Yagang (1993), ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan


kung ano ang sinasabi ng ating kausap.

Ayon kina Howatt at Dakin (1974), nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa
sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng
tagapagsalita.

Kahalagahan ng pakikinig

 Mabilis ang pagkuha ng mgadatos o impormasyon

 Daanupangmagkakaunawaan ang bawatisa

 Nakatutulongsapagpapalawak ng kaisipan

 Pag-unawa ng damdamin, kaisipan, kinikilos gawi at paniniwala Lumilikha ng


pagkakaisa sa tahanan, paaralan at pamayanan

Proseso ng pakikinig

1. Resepsyon

Ito ay ang pagdinig sa tunog – isang kompleks na proseso kung saan dumadaan ang
mga “wave stimuli” sa ating “auditory nerves” papunta sa utak.

2. Rekognisyon

Ito ay ang pagkilala sa tunog - gumaganana ang ating isip habang naririnig ang
tunog.

3. Pagbibigay-kahulugansatunog

Paghahanap ng rason sa likod ng tunog.

Paraan ng mabisang pakikinig

1. Ihanda ang sarili s apakikinig

- Magdala ng gamit sa pagtatala


- Ipokus ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan

- Tingnan ang tagapagsalita

- Magpakita ng interes

2. Alamin ang layunin o dahilan ng pakikinig

- Tukuyin ang daloy at pagkakasunod-sunod ng paksang pinag-uusapan

- Tukuyin ang mensahe at alamin ang kahulugan nito

- Tuklasin at kilalanin ang mga bagong impormasyon

- Makapagbigay ng buod tungkol sa paksa

3. Iwasang ang mga sumusunod habang nakikinig

-Pagbibigay agad ng kaukulang konklusyon

- Pagsingit ng sariling ideya

- Pagiging bida sa usapan

- Paggambala sa tagapagsalita

- Pagbibigay ng punakahit di pa tapos ang salaysay

Mga Elementong Nakaiimpluwensya sa Pakikinig


1. Tsanel
• Ito ang daanan o daluyan ng pakikipagtalastatsan
• Maaaring ang ideya ay maipahatid sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat
at iba pa

2. Lugar
Ang malamig at tahimik na lugar ay nakahihikayat at nakapagtataas ng lebel ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig.

3. Oras

May mga oras na hindi kahalihalina sa pakikinig kagaya ng tanghali o ng madaling


araw
4. Edad
• Mas maingay makinig ang mga bata kaysa may edad na
• Mahusay ang memorya ng mga bata ngunit mas madaling nauunawaan ng
mga may edad na.
5. Pinag-aralan
• Kailangan na may sapat na kaalaman upang maunawaan ang naririnig
• Kailangan din na sapat ang kaalamang naiimungkahi ng tagapagsalita
6. Kalagyang Sosyal
• Ito ay ang katayuan sa buhay ng tagapakinig
• Ang mga taong may mataas na edukasyon ay higit na sanay at may
kakayahang umunawa sa napakinggan

7. Kasarian

• Magkaiba ang interes ng mga babae at lalaki


• Bihira lamang sa mga babae at lalaki na may parehong paksang nais
pakinggan

8. Kultura

• Ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura ay nagkakaroon ng iba’t ibang


pagpapakahulugan
• Ito ang nagiging dahilan ng mabuti o di-mabuting kawilihan sa pakikinig

9. Konseptong Pansarili

 Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari niyang magamit sa


pagkontro o pagsang-ayon sa sinabi ng tagapagsalita

10. Konsentrasyon ng Nakikinig

 Kailangan na maging ganap naalerto upang maging ganap ang pagkaunawa

KASANAYANG NAKATUTULONG SA MABISANG PAKIKINIG


PAGGAWA NG BALANGKAS

• Tinatawag ito ng iba na “sanaysay sa isang sulyap”


• Ang mga pangunahing kaisipan ay nangakasulat nang maliwanag at
nangakahanay nang ayon sa kani-kanilang kahalagahan.

MGA PANANDANG GINAGAMIT SA PAGGAWA NG BALANGKAS

1. PANANDANG TAMBILANG NA ROMANO


(I, II, III, IV, V, VI,VII,VIII, IX, X)
Pangunahing hati (Pangunahing Ideya/Paksa)
2. MALAKING TITIK
(A, B, K, D, E)
Ito’y para sa susunod na hati ng isipan
3. KARANIWANG TAMBILANG NA ARABIKO
(1, 2, 3, 4, 5)
Ito’y para sa pangatlong hati
4. MALIIT NA TITIK
(a, b, k, d, e)
Ito’y para sa pang-apat na hati ng isipan

TATLONG URI NG PAGBABALANGKAS

Balangkas sa Talataan

• Talataan ng mga pangungusap na may tambilang na ang bawat isa’y


naglalaman ng paksa o punong diwa.

Balangkas sa Pangungusap

• Kinukuha rito ang mahalagang kaisipan at inaayos ayon sa kinalalagyan sa


akda.
• Ang kaisipan ay ipinahahayag sa isang buong pangngusap.

Balangkas sa Paksa

• Kahalintulad din ito ng balangkas sa pangungusap. Ang kaibahan lang nito ay


sa pagpapahayag sa mga kaisipan. Dito’y sapat nang isang salita o parirala ang
ginagagamit sa isang pangungusap.

MUNGKAHING PARAAN NG PAGBABALANGKAS

a) Maingat na basahin ang akdang babalangkasin.


b) Alamin kung may tiyak na wakas at pasimula ito.
c) Pagpasiyahan kung alin-alin ang pinakamahahalagang antas at
pinakamalaking isipan. Ito’y tandaan ng bilang na Romano.
d) Isa-isang lansagin ang mga pangunahing kaisipan sa mga bahaging bumubuo
rito. Ito na ang pangalawang antas ng mga kaisipan na tatandaan ng
malalaking titik.
e) Tapusin ang bawat pangkat bago lumipat sa kasunod. Ingatang maging
makatuwiran sa pag-aantas ng mga kaisipan sa loob ng balangkas.
f) Ang mga bagay na walang kabuluhan sa kabuuan ng banghay ay hindi na
isasama sa balangkas.

PAGLALAGOM

• Pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda sa higit na maikling paraan at sa


mga pananalitang higit na madaling unawain kaysa sa orihinal.

PAGTATALA (NOTE TAKING)

• Kinakailangan ang pagtatala sa mga mahahalagang detalye mula sa lektyur ng


guro maging sa dinadaluhang seminar o kumperensya at iba pang uri ng
pormal na usapan

ANG PAGBASA
Katuturan at Kahalagahan ng
pagbabasa:
 Interpretasyon ng mga nakalimbag nasimbolong kaisipan.

 Pagpapakahulugan ng mga nakatitik na mga kaisipan.

 Sa pamamagitan ng nakalimbag na mga sagisag na tinatawag nating mgaletra,


inihahayag ng manunulat ang kaniyang isipan sa sinomang marunong
bumasa.

 Sa pagbabasa ay nangyayari ang pagbabahagi o pagpapasa ng kaalaman.

 Dahil sa kakayahan ng tao na sumulat at bumasa, nagging mabilis ang pag-


unlad ng daigdig.

Ang pag-unawa sa pagbasa

• Pangunahing layunin ng pagbabasa ang makakuhang impormasyon at


kaalaman sa anumang binabasa. Kung walang pagkaunawa ay walang
saysayang ginawang pagbasa.

Mga paraan upang bigyang kahulugan ang binasa:

a) Pag-alam sa kasing-kahulugan o kasalungat ng mga salitang binabasa.


b) Atensyon sa mga pahiwatig na kahulugan ng iba pang mga salita sa
pangungusap.
c) Pagtukoy sa salitang-ugat ng salita upang malaman ang pinagmulan ng
salitang inuunawa.
d) Pagkakaroon ng kaalaman sa mga hiram na salita.
e) Kaalaman ukol sa kaibahan ng konotasyon at denotasyon.

Mga katangiang taglay ng mga salita

1. May mga salitang maraming kahulugan.

2. May mga salitang ginagamit sa idyomang pahayag.

Ang kahulugang ibinibigay ng mga salitang gimamit sa pahayag na idyoma ay di-


tuwiran. Hindi ito dapat bigyan ng denotasyong kahulugan.

a. Pagtutulad – paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba na ginagamitan ng


katagang tulad ng, para, animo ay, kawangis ng, at iba pa.

b. Pagwawangis – tiyak ang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba.

c. Pagbibigay-katauhan – isinasalin sa karaniwang bagay ang mga katangiian ng


tao.

d. Pagpapalit-diwa o metonimiya – nagpapalit ng ngalan o katawagan ng bagay na


tinutukoy sa pamamagitan ng sagisag sa isinasagisag o sisidlan sa isinisilid.

e. Pagmamalabis – pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng tao o bagay na


tinutukoy.

f. Pahlilipat-diwat – inililipat sa karaniwang mga agayag pang-uri na sadyang


pantao.

g. Pagtawag – pakikipag-usap sa mga karaniwang bagay na parang isang tao; o


isang tao na gayong wala naman ay parang kaharap.

h. Pagsalungat – maikli at pinag-ugnay na mga salitang magkasalungat ang


kahulugan.

i. Pag-uyam – pananalita itong mangungu tyaka pagkukunin ng tiyakan ngunit tila


kapuri-puria ng pangungusap.

j. Pagpapalit-saklaw o sinekdoke – nagpapalit din itong nga lan ngunit sa


pamamagitan ng pabanggit sa bahagi sa halip na kabuuan, o ng pangalan ng tao
na kumakatawan sa isang pangkat ng mga tao.

4. May mga salitang naililipat ang kahulugan.

5. May mga salitang ginagamit sa pahayagna pang-uyam o ironya.


ILANG URI NG PAGBASA

MASINSINANG PAGBASA

Ito ay ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na


maaaring dalawa o hanggang limang pahina ang haba. Maaaring ito ay bahagi ng
tula, maikling kwento, sanaysay at iba pang uri ng akda at iniuukol ang pag-aaral sa
kayarian at nilalaman ng akda.

MASAKLAW NA PAGBASA

Ginagawa ito sa labas ng klase at itinakda ng guro nang mas maaga. Maaaring
ito ay isang buong maikling kuwento, kabanata ng nobela o isang drama kaya at
nakatuon ang pag-unawa ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na sa
tamang detalye ng alin mang akda.

MALAKAS NA PAGBASA

Ang taong bumabasa nang malakas ay dapat may katamtamang lakas ng tinig.
Wastong galaw ng katawan, pinag-iiba-iba ang tono ng tinig ang nilalaman at ng
akda ay kailangang maihatid sa mga nakikinig nang buong pagkaunawa at
kawilihan. Isinasagawa ito kung may awdiyens na nakikinig nang sa gayon ay
mailipat ng mambabasa ang mensahe sa mga ito.

MGA PATNUBAY/GABAY SA PAGBASA NANG MALAKAS

A. Tayo o Tindig
B. Bolyum/lakas ng tindig
C. Tamang paraan ng pagbigkas
D. Tamang paghawak sa aklat

PAGBASA NANG TAHIMIK

Ito ang paraan ng pagbabasa na mga mata lamang ang ginagamit. Hindi ito
ginagamitan ng tinig. Pagbabasa ito sa sarili. Tinatawag din itong subvocalization o
pagbabasa nang malakas sa tahimik na paraan dahil ito ang pagbasa na kadalasang
sa sarili lamang.

MGA PATNUBAY/GABAY SA PAGBASA NANG TAHIMIK

E. Tamang Lugar
F. Tamang Ayos o Posisyon
G. Mata lamang ang gamitin sa pagbabasa nang tahimik
H. Bumasa nang mabilis subalit may pag-unawa sa nilalaman ng binabasa.

PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin
ngisang tao. Sa pamamagitan ng paglimbag ng mga sagisag o simbolong mga tunog
ng salita.

Dalawang Uri ng Pagtuturo ng Pagsulat:

• Pinatnubayang Pagsulat
• Malayang Pagsulat

Pinatnubayang Pagsulat

Ginagamit sa mag-aaral na hindi pa lubhang sanayagsulat at kailangan pa ang turo


ng guro upang makasulat.

Paraan sa Pagsasanay ng Pagsulat na Pinatnubayan

1. Pagsagot sa mga tanong o paglilipat ng mga pangungusap na patangong sa


pangungusap na paturol.

Dalawang Uri ng Ginagamit na Tanong

• Tanong na sinasagot ng "oo" at "hindi".


• Tanong na sinasagot mg "dili kaya"

2. Pagsasa-ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap o isipan.

3. Pagbibigay ng pamaksang pangungusap.

4. Pagsulat ng buod ng komposisyon.

5. Pagkuha ng paksa mula sa modelo.

6. Paggawa ng balangkas

Ilang Pamantayan sa Mabuting Pagsulat

• Maayos ba ang pagkakasunod-sunid ng mga inilahad na isipan o pangyayari?

• Malinaw na ba ang kaisipan? Kung hindi pa, paano ito mapapalinaw?


• Isang bagay lamang ba ang tinatalakay sa baqat talata?
• May kawili-wili bang pasimula?
• Wasto ba ang bantas, ang mga baybay ng salita, ang pagkakagamit ng
malalaking letra.
• Maayos ba ang anyo ng sulatin?
• Maganda ba at makatwiran ang wakas?

Mga Hakbang sa Pagsulat

• Ang Paksa
• Paggawa ng Balangkas
• Paggawa ng burador
• Pagtatama sa Burador
• Pagsulat ng Pinal na Anyo

Pagsasanay: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag iisip at damdamin ng isang tao.

2. Ito ay uri ng pagsulat na kailangan ng gabay ng mga guro.

3. Ibigay ang isa pang uri ng pagsulat.

4-8. Ibigay ang mga hakbang sa pagsulat

9. Ito ay mabisang gamit sa pagsusulat, tinatawag din itong kalansay ng sanaysay.

10. Ano ang unang kinokonsidera sa pagsusulat ng mga sanaysay at iba pa?

ANG PAGBABANTAS AT ANG PANONOOD


Ang Panonood

Ito ay proseso ng pagkilala at pagtanto mo sa lahat ng bagay sa inyong kapaligiran sa


pamamagitan ng iyong pisikal na kakayahang tumingin, magmasid o sumuri sa
lahat mg aspektong tinutulungan ang iyong isip at damdamin.

Ang Pagbabantas

• Ang bantas o punctuation ay mga simbolo na nag papakita ng ating


kakayahang ayusin ang bagay na gusto nating sabihin. Mula sa mga simpleng
paalala, magulong usapan, galit na pagtatanto, hanggang sa mga mahina pero
nakakapanghinang mga bulong at kwentuhang walang patutunguan.

Ibat-ibang uri ng bantas at mga gamit nito

1. TULDOK (.)
Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang
dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik.

2. TANDANG PANANONG (?)

Ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap ng patanong at sa bahaging pag-


aalinlangan at ito’y inilalagay sa panaklong.

3. TANDANG PADAMDAM (!)

Ginagamit sa katapusan ng salita o pangungusap na padamdam o nag papahayag ng


matindi o masidhing damdamin.

4. PANIPI ( “ ” )

Ginagamit sa mga tulirang sinasabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng


mga paksa.

5. KUDLIT (‘)

Ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang


salitang magkasunod.

6. KUWIT (,)

Ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na


nasa loob ng pangungusap.

7. TUTULDOK ( : )

Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag,


halimbawa, katuturan, banggit o talaan.

8. TULDUK KUWIT ( ; )

Ginagamit sa pagitan ng mgkaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang


mahabang pangungusap.

9. GITLING ( - )

Ginagamit ang gitling sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon.

You might also like