You are on page 1of 1

Rhealyn F.

Garcia WITNESS TO THE


BSBA OM-1 MWF 8:00-9:00

THEME: SVD YOUTH IN MISSION ; BELOVED, GIFTED, EMPOWERED

Maraming tao ang nagsasabing ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero
paano nga ba tayong mga kabataan ay magiging pag- asa, kung karamihan sa
atin ay napariwara at nawala sa landas? paano natin tatahakin ang daan
papunta sa kinabukasan kung tayo mismo ay madaming kinatatakutan? paano
tayo matatawag na pag-asa kung marami na pala tayong napa-asa?

Ang mga kabataan ngayon ay sagana sa pag aaruga at pagmamahal ng kanilang


mga magulang, ‘yong tipong halos ibigay na ang lahat maramdaman lang nila na
importante sila sa buhay ng magulang nila, ngunit imbis na paggalang at
pagsunod ang isukli, pananagot at pagsuway ang pinili kaya sa huli, magulang
din ang sawi

Kabataan ang biniyayaan ng mga kakayahang makapagpabago ng kasalukuyan,


pero mas pinili ng nakakarami ang magsawalang bahala na lamang, mas pinili
nilang magbingi- bingihan sa problemang naririnig nila, mas pinili nilang
magbulag bulagan sa nakikita nila, at ang masaklap ay mas pinili nilang maging
manhid sa pangyayare na alam na nilang may magagawa sila.

Tayong mga kabataan ay hinubog, pinatibay, at pinalakas hindi lamang ng ating


mga mahal sa buhay kundi ang mga pagsubok na dumadating sa ating buhay,
patuloy tayong bumabangon sa pagkakadapa, patuloy tayong nagkakaisa, at
higit sa lahat patuloy tayong lumalaban hanggang sa makamit ang inaasam na
tagumpay.

Kaya kaibigan ang oras ay mabilis na tumatakbo, sana ay mabigyan na ng


solusyon, kaya't ano ang iyong desisyon? patuloy ka na lng bang magpapaasa?
o magsisilbi kang pag asa?

You might also like