You are on page 1of 1

Rogie U.

Fandag | BSEd 2b
SURIIN NATIN!
Naisip mo na ba ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi natin
maipahahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawin mo para
maiparating ang sumusunod?

֍ Nais mong maipaalaam sa isang tao na mahal mo siya.

Maaari kong iparating ang mensahe ng aking nararamdaman sa pamamagitan


ng paggawa ng mga gawaing makapagpapakita ng aking pagmamahal sa kanya, ang
aking lenggwahe ng pagmamahal ay paggawa ng mga bagay para sa aking minamahal
kaya maaari ko itong gamitin upang maipaalam ko sa kanya ang aking nararamdaman.

֍ Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinasang-ayunan ang


mga bagay na ginagawa niya

Ako ang tipo ng isang taong hindi kikibo at tatahimik na lamang kapag ako ay
nagagalit o may hindi sinasang-ayunan na mga bagay na ginagawa ng ibang tao kaya’t
kahit walang wika ay kaya kong ipaalam sa nakapaligid saakin na ako ay nagagalit na
at may hindi sinasang-ayunan.

֍ Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o


problema mayroon ka.

Maaari kong gawin ay gumamit ng mga hand signals ang hirap humingi ng tulong
kapag walang wika na gagamitin ngunit dahil sa paglipas ng panahon ay tuluyan
naming umunlad ang uri ng komunikasyon natin at pwede na tayong gumamit ng hand
signals.

Batay sa iyong mga sagot, mahirap bang mawala ang wika? Ano-ano ang
posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng lahat at ang bawat isa’y
may tangung siya ang nakakaunawa? Maglahad ng tatlong hinuha.

1. Mawawalan ng koneksyon ang bawat isa, hindi sila magiging konektado sa isa’t
isa hindi magkakaroon ng personal na relasyon.

2. Hindi magkakaunawaan at hindi magiging iisa ang tunguhin ng ideya ng bawat


isa sapagkat hindi nagkakaunawaan.

3. Mawawalan ng pagkakaisa, sapagkat hindi iisa ang wika at hindi


nagkakaunawaan kung kaya’t iba iba ang ideya at pananaw sa buhay na
magiging sanhi ng ibang landasin sa pagkatuto at paghayo sa buhay.

You might also like