You are on page 1of 8

APAT NA PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Sining ng komunikasyon ang mabisa at mabuting pagpapahayag. May iba't ibang paraan ng pagpapahayag at
may kani-kaniyang layunin ang bawat isa. Sa isang pagpapahayag, pangunahing pokus ng manunulat ang paksa at kung
paano ito tatalakayin upang kalugdan ng tagabasa.

Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng sarili sa kapwa ng mga kabutihan, impormasyon, ng opinyon, ng kuru-
kuro at ng mga paniniwala. Ito ay pagpapabatid ng iniisip at nadarama. Maaari itong isagawa nang pasulat o pasalita.

May apat na pangunahing paraan ng pagpapahayag. Ang mga ito ay ang: 1) pagsasalaysay, 2) paglalahad, 3)
paglalarawan at 4) pangangatwiran.

ANG PAGSULAT NG PAGSASALAYSAY

Sa payak na pakahulugan, ang pagsasalaysay ay isang pagkukwento. Ito na marahil ang pinakagamitin at
pinakapopular na paraan ng pagpapahayag.

Ang pagsasalaysay ang pinakamadalas na gamitin ng tao sa pang-araw-araw na pakikipamuhay. Hindi ba't kapag
nagsimula ka nang magsabi ng "Mark, alam mo kanina sa dyip na sinasakyan ko pagpasok sa paaralan, may sumakay na
matandang babae ... " o kaya naman ay, "Naku, alam mo ba, si ano, nag-ano siya kuwan kahapon ... " at marami pang
iba, ikaw ay gumagawa na ng pagsasalaysay.

Maging anuman ang paksa ng isang pagsasalaysay. kailangang magtaglay ito ng isang puntong nais bigyang-linaw.

Tunghayan ang salaysay sa ibaba. Alamin kung ano ang punto na nais bigyang-linaw ng may-akda.

Noong nakaraang bakasyon, magiliw kong pinanood ang aking sampung taong gulang na kapatid na lalaki
habang buong tapang niyang isinasagawa ang isang kagyat na pagkilos sa isang di-inaasahang pangyayari.
Nagsimula ito habang masaya akong nagdidilig ng aking mga halamang bulaklak, napuluputan ang aking mga paa
ng garden hose at ako ay nabulagta sa lupa. llang saglit din akong hindi nakakilos. Maya-maya pa ay nakaramdam
na ako ng pananakit at matinding kirot sa aking kaliwang braso. Humingi ako ng saklolo sa kapatid kong si Mark
na siya lamang kasama ko sa bahay ng araw na iyon. Namutla si Mark nang makita niya na ako ay nakabulagta.
Ngunit hindi naman siya pinanghinaan ng loob para tulungan ako. Mabilis siyang tumawag sa telepono at agad
siyang humingi ng tulong. Dinig na dinig kong ibinigay niya ang Iugar ng aming tirahan, ang mga detalye ng mga
pangyayari at ang aking kalagayan. Alam kong maingat niyang pinakinggan ang mga tagubiling sinasabi ng taong
nasa kabilang linya ng telepono. Pagkatawag niya ay lumapit siya at magiliw niyang ibinulong na may darating ng
ambulansya. Hindi siya umalis sa aking tabi habang ginagamot ako ng doktor. May dalawang linggo ring
nakasemento ang kaliwa kong braso, ngunit ang hinding-hindi ko malilimutan ay ang ginawa ng kapatid kong
araw na iyon.

 Ang salaysay ay binuo ayon sa panahong sakop ng mga pangyayari at inilahad nang may wastong pagkakasunud-
sunod. lnilahad ng may-akda ang kabuuan ng salaysay bilang isang serye ng mallliit na pangyayari o aksyon ayon
sa kung paano ito isa-isang naganap.

>> Anong malillit na kaganapan ang inilahad sa salaysay? Marahil, bago ito isinulat ng may-akda, nag-brainstorm o
gumawa muna siya ng mabilisang pagsulat upang makapangalap ng ideya. Maaaring bumuo rin siya ng isang balangkas
gaya nito: Paksang Pangungusap: Noong nakaraang bakasyon, buong tapang na isinagawa ng aking kapatid na lalaki ang
isang kagyat na pagkilos sa isang di- inaasahang pangyayari.

Unang Pangyayari: Napuluputan ang aking mga paa ng garden hose.

• nabulagta

• hindi makakilos

• nakaramdam ng kirot sa kaliwang braso

Ikalawang Pangyayari: Sumaklolo ang kapatid kong lalaki

Ikatlong Pangyayari: Bahagyang natigilan; namutla


Ikaapat na Pangyayari: Tumawag sa telepono

• humingi ng tulong

• nagbigay ng imponnasyon

• pinakinggan ang mga tagubilin

Ikalimang Pangyayari: Kinumusta ako

• dumating ang ambulansya

Ikaanim na Pangyayari: Hindi ako iniwan sa ospital

• Pansinin na ang mga pangyayari ay inilahad nang may wastong pagkakasunud-sunod.

• Ang unang tatlong p angyayari ang nagbigay ng saligang impormasyon. Inilahad dito kung ano ang nagbunsod sa rnga
ikinilos ng kapatid na lalaki.

• Pansinin na ang mga tiyak na detalye na inilahad sa ilang pangyayari (1-4) ang nagbigay-linaw sa kabuuan ng salaysay.

Dahil sa ang mga talatang nagsasalaysay ay nagkukwento ng isang pangyayaring may wastong pagkakasunud-sunod,
makatutulong nang malaki ang mga ekspresyong transisyunal gaya ng nasa ibaba.

habang una samantala ikalawa

noon di naglaon hanggang mula nang

di kaginsa-ginsa'y sa bandang huli dagdag pa rito susunod

noon pa mang bukod dito sa madaling salita bilang pagwawakas

sa kabila nito kaya nga magbuhat nang pansamantala

sa wakas walang kaabug-abog sa kalahatan

ANG PAGSULAT NG PAGLALARAWAN

Paksa ng maraming tekstong paglalarawan ang tao. Lahat ay nagnanais na malaman kung ano ang itsura ni
ganito o ni ganyan lalo na kung bago sa isang lugar. Ikaw rin, totoong napakapartikular mo sa iyong ltsura, di ba? Kung
may dadaluhang party, para kang trumpo na paikut-ikot sa harap ng salamin. Ayos ba ang damit ko? Ang aking buhok?
Ang aking make-up? At kung anu-ano pang tanong na kung minsan, ang sumasagot ay ikaw rin.

ANO ANG PAGLALARAWAN?

Ang paglalarawan ay isang paraan ng pagpapahayag upang mapalutang at mabigyang-kulay ang mga katangian
ng isang bagay, tao, Iugar o pangyayari. Pinasisigla nito ang mga bagay, kaisipan, damdamin at impresyon upang
makabuo ng isang malinaw na kaisipan mula sa inilalarawan.

Sa paglalarawan, di kinakailangang gisingin at pakilusin ang mga pangungusap sa pamamagitan din ng paggamit
ng imahinasyon at mahusay na pagpili at paglalahad ng mga salita na may wastong pagkakasunud-sunod. Kung ang
sunud-sunod na paglalahad ng mga pangyayari ay mabisang gamitin sa pagsasalaysay, gayundin sa paglalarawan. Ang
pagiging mabisa ng paglalarawan ay nakasalalay sa kaayusan ng mga detalye upang magkaroon ng tiyak na larawan sa
diwa ang tagapakinig o tagabasa.

Ang ating mga naiisip ay maipararating sa iba sa isang paraang higit na kawili-wili at kapaki-pakinabang. Ang mga
bagay na nabubuo sa ating mga malikhaing diwa ay maibabahagi natin kung tayo ay may sapat na kakayahan sa makulay
na pagpapahayag. Kailangan lamang gamitin ang ating sariling pagtatangi at pagpipigil upang hindi maisama ang mga
detalyeng makasisira sa takbo ng kaisipan sa paglalarawan.

Ang pinakamainam na paraan upang matulungan ang mambabasang makabuo nang malinaw na impresyon ay sa
pamamagitan ng mga salitang nakatatawag ng pansin sa mga pandamdam-paningin, panlasa at pandama. Ang lahat ng
nasa paligid ng isang tao ay magagawa niyang maranasan at mapaabot sa kanyang kamalayan sa pamamagitan ng
kanyang mga pand am dam.

PAANO ANG PAGLALARAWAN?

Katulad ng ibang masining na pagpapahayag, hindi kailangan ang napakaraming detalye sa paglalarawan. Ito ay
dapat na mailahad nang maayos. Magagawa lamang ito kung may lohikal na ayos ang paglalarawan; ilarawan nang
sunud-sunod ang mga bagay sa normal o makabuluhang kaayusan ng mga ito. Halimbawa, sa paglalarawan ng iyong
silid, unahin ang agad na bubulaga sa iyo kung nakatayo ka sa pintuan o sa isang sulok ng silid. Maaari rin namang
unahin ang malalaking bagay saka pumunta sa maliliit o di kaya naman, magsimula sa isang Iugar; sa kanan o sa kaliwa
saka pumunta sa itaas o sa ibaba. Huli ang gitna.

Modelong Talata

Hindi kalakihan ang aking silid-tulugan. May sukat itong halos


labindalawang metro kwadrado lamang. Katamtaman ang taas ng kisameng
berdeng mura, mga labindalawang talampakan buhat sa sahig. Ang mga
dingding ay dinikitan ng wall paper na may kulay ring berdeng mura at
nasasabugan ng maliliit na dahon na kulay matingkad na berde. Sa itaas at gilid
ng bintana ay may dilaw na kurtinang yari sa manipis na tela. Sa ruffles sa paligid
nito'y masasabing hindi biru-biro ang yardang tela na ginamit dito.

Makikita na Hindi palundag-lundag ang paglalarawan. Hindi magulo dahil may makatwirang pagsusunud-sunod ng mga
bagay na ilalarawan: a. laki ng silld d. dingding b. taas e. bintana at mga dekorasyon c. kisame

Kung itutuloy ang paglalarawan ng iyong silid-tulugan, maaaring ilarawan mo naman ang matatagpuan sa loob ng silid.
Ganito ang ayos ng paglalarawan:

a. kama

Agad na mapapansin sa gitna ng silid ang kamang pang-isang tao. Makapal ang kutson nito at may dalawang malalaking
unan.

b. nasa gilid ng kama, sa ulunan, tulad ng side table. lampshade at iba pa

c. study table sa gawing kanan

d. tokador sa gawing kaliwa

e. mga kabinet ng damit sa tabi ng tokador

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGLALARAWAN

Malaking tulong sa isang manunulat ang kakayahan niya sa paglalarawan upang maiparating sa kanyang target na
tagabasa ang anumang naiislp o nadarama. Sa pamamagitan ng paglalarawan, magagawa ng manunulat na maiguhit sa
lsipan ng mambabasa ang isang magandang tanawin o di kaya ay isang makatuturang pangyayari na nasaksihan o
naranasan.

1. Paggamit ng Angkop na Salita. Mahalaga ang maingat na paggamit ng angkop na salita sa pagpapalutang ng katangian
ng inilalarawan. Marapat lamang na piliin ang mga salitang magpapalutang sa pangunahing larawan ng tao, bagay o
pangyayaring inilalarawan. Ang rnatatalinghagang pahayag at mga tayutay ay rnahalagang sangkap din na nagbibigay-
kutay sa paglalarawan.

2. Pagpili ng Paksa. Hindi lahat ng naririnig o nakikita ay magandang paksa. Higit na magiging mabisa ang paglalarawan
kung ito ay may kaugnayan sa sariling karanasan.

3. Pagpili ng Sariling Pananaw. Ito ay pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kanyang ilalarawan. Pinakarnainam na
batayan sa paglalarawan ang sariling pananaw sapagkat naipakikita agad ng mayakda ang pangunahing larawan ng
kanyang paksa.
4. Pagbuo ng Pangunahing Larawan. Tinutukoy rito ang karaniwang mabubuo sa pangunahing larawan ng isang bagay,
pook, tao o pangyayari. Nagagawa ito sa pamamagitan ng maingat at masusing pagmamasid.

5. lsama Lamang ang Mahalagang Detalye. Hanggat rnaaari, iwasan ang pagsasama ng maraming detalye na kadalasan
ay nakasisira sa takbo ng kaisipan. Gamitin ang sariling pagtatangi at pagpipigil upang hindi maisama ang mga detalyeng
makasisira sa takbo ng paglalarawan.

6. lpakita, Huwag Sabihin. Sa halip na sabihin lamang sa karaniwang pahayag ang isang paksa, mas rmakabubuti kung
rnakapag-lalarawan ka ng mga detalyeng susuporta sa kung ano ang ibig mong ibahagi sa ly ong tagabasa at tagapakinig.

ANG PAGSULAT NG PAGLALAHAD

Ayon sa marami nang pag-aaral, malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin ng isang mag-
aaral o indibidwal. Sapagkat sa pamamagitan ng pagsulat, naipahahayag niya ang anumang kanyang paninlwala, mithiin,
layunin sa buhay, agam-agam, damdamin, mga hinaing, mga balakin at kung anu-ano pa. Dito niya ito nailalahad at
naipapaliwanag nang lubus-lubos. Sa pamamagitan din ng pagsulat ay naaalisan ng kung anong misteryong nakabalot sa
pagkatao ng isang manunulat. Dito nakikilala ng tao ang kanyang sarili- ang kanyang kalakasan at kahinaan, ang lalim ng
kanyang pag-unawa, ang tayog at lawak ng kanyang isipan at ang naaabot ng kanyang kamalayan.

Ayon kay Hugney, et al. ( 1983), nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin. Napauunlad din nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng rnahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga
impormasyong nakalap bago ang ganap na pagsulat.

Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na ang hangarin ay magpaliwanag. Ang paglalahad na pasulat
naman ay nagbibigay ng impormasyon at nagpapaliwanag. Saklaw ng paglalahad ang lahat ng mga tanong gaya ng
sumusunod: Sino siya? Ano iyon? Bakit nangyari ito? Saan at kailan nangyari? Paano ginawa ang bagay na iyan?

Nagpapaliwanag ang anyong ito ng pagpapahayag. Kaya naman kailangang maging maayos ang isasagawang paglalahad
ng mga kaisipan. Sa ganitong paraan, magiging madali ang pag-unawa sa lsang ba.gay o paksang ilalahad o isusulat.

IBA'T IBANG PAMAMARAAN NG PAGLALAHAD

Narito ang dalawang uri ng talata na naglalahad ng proseso:

1. Talatang Paano - ito ay naglalahad kung paano isasagawa ang isang bagay.

Halimbawa: paano ang paggagayak ng silid-tulugan, paano ang pagpunta sa airport o paano ang pagtatanim ng palay.
Ang tunguhin ng ganitong mga paglalahad ay ang sumusunod: isang silid-tulugan na maganda ang gayak, ang matiwasay
na pagdating sa airport o ang pilapil na may bagong tanim na palay. Sa madaling salita, kailangang may nagawa/ginawa
ang tagabasa pagkatapos na basahin ang talata.

Balangkas ng Talatang Paano


Pag-aralan ang inihandang plano o balangkas sa pagsulat ng modelong sulatin.

Paksang Pangungusap: Ang pagbabadyet ng perang pambaon ay susi para makaipon o makatipid.

Unang Hakbang: Pagpili ng sakop na panahon

• isang linggo • isang araw

• isang buwan • isang taon

lkalawang Hakbang: Tantyakin o kalkulahin ang perang hahawakan

• perang pambaon

• bigay ng ate o kuya o malapit na kamag-anak

lkatlong Hakbang: Sumahin ang lahat ng gastusin

• pang-araw-araw: pamasahe, meryenda, tanghalian

• iba pa: kontribusyon sa paaralan, proyekto sa klase

Ikaapat na Hakbang: Ibawas ang gastusin sa perang parnbaon

• kung kukulangin, gumawa o umisip ng mga pamimilian;

halimbawa - magbaon

• kung may matitira, ibili ng kailangang kagamitan o kaya ay ihulog sa bangko

MGA EKSPRESYONG TRANSISYUNAL

Ang paglalahad ng isang proseso ay karaniwang isinasagawa nang pakronolohikal o ayon sa pagkakasunud-sunod. Sa
ganitong kalagayan, mahalagang malaman ng sumusulat ang mga salita o ekspresyon na maghuhudyat ng mga hakbang
sa loob ng isang proseso.

2. Talatang Nagpapaliwanag - ito ay naglalahad kung paano naganap ang isang pangyayari o kung paano gumagana ang
isang bagay. Halimbawa, ang isang talatang nagpapaliwanag ay maaaring tungkol sa kung ano ang bisikleta o kung paano
napararami ang mga puno. Sa ganitong uri ng talata, hindi dapat asahan na may gagawing pagkilos ang tagabasa. Ang
dapat lamang ay maunawaan niya kung paano nagaganap ang pangyayari o paano gumagana/kumikilos ang isang bagay.

Ang talatang nagpapaliwanag ay mahalaga sa mga aralin/ asignaturang Kasaysayan, Agham at Isports.
ANG PAGSULAT NG PANGANGATWIRAN

Ang pangangatwiran bilang isang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa paglalahad, pagsasalaysay at paglalarawan.
Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig at tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng isang
paninindigan. May pagkakataon ding nilalayon ng pangangatwiran na impluwensiyahan ang pananalig o paniniwala ng
mambabasa sa pamamagitan ng makatwirang pahayag.

Ito ay isang paraan ng paglalahad na magbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay
maging katanggap-tanggap o kapanipaniwala.

Ayon kay Alejandro (1970), ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan. lsinasaalang-alang nito ang mga bagay o
pangyayaring alam at kilala na o kaya naman ay inihaharap ang mga iyon sa pag-uusap at doon humahango ng isang
hinuha o kongklusyon.

Sa talatang nangangatwiran, binibigyang tuon ng manunulat ang paglalahad at pagtatanggol ng isang opinyon o
ang paghihikayat sa tagabasa na magsagawa ng isang pagkilos. Ang layunin ng manunulat ay mahikayat ang tagabasa na
sang-ayunan ang isang opinyong inilahad o di kaya ay isaalangalang ang pananaw ng manunulat.

Hanggat maaari, iniiwasan ng isang mahusay sa pangangatwirang pasalita o pasulat man ang makasakit ng
damdamin sapagkat nilulutas niya ang isang problema o suliranin sa pamamagitan ng lohikal na paraan. Ang isang
nakababatid ng sining ng pangangatwiran ay rnakaiiwas sa di pagkakaunawaan at mangingibabaw ang kahusayan at
katumpakan ng argurnento.

MGA PANGUNAHING TEKNIK SA PAGSULAT NG PANGANGATWIRAN

1. Ipahayag ang Sariling Opinyon. Linawin ang panig na kinikilingan sa isyung tinatalakay at malinaw na ilahad ang
sariling opinyon. Ito ay lubhang mahalaga sa sulating pangangatwiran na isasagawa.

Halimbawa:

Basahin ninyo ang kwentong Ginintuang Puso. Mababatid dito ang


kahalagahan ng pagtulong sa kapwa na hindi umaasa nang anumang pabuya sa
kabutihang ginawa o ginagawa.
2. Alamin ang Target na Tagabasa. Ang pag-alam kung sino ang magbabasa ng iyong susulatin ay makatutulong nang
malaki upang matiyak sa isipan ang rnga impormasyong nais ibahagi at anong tono ng pagsulat ang gagamitin sa
paghahatid ng mensahe. Sa halimbawa sa kabilang pahina, impormal ang tono ng sulatin na sadyang angkop para sa
isang sulating pangklase.

Halimbawa:

Napag-alaman mo na ba na marami kang tulong na maisasagawa sa iba? Kababasa ko


lamang ng isang kwentong bayan mula sa China. Tungkol ito sa isang matandang babae na
halos ipamigay na ang Iahat ng kanyang ari-arian makatulong lamang sa mga
nangangailangan.

3. Ang mga Katibayan o Ebidensya. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga katibayan o ebidensya sa pangangatwiran
upang mapatunayan ang katotohanan. May apat na uri ng ebidensya tulad ng pangyayari, obserbasyon (nakita, narinig o
naamoy), mga saksi (nakakita ng pangyayari) at mga dalubhasa at iskolar (nakapagbibigay ng mga rnapananaligang
datos dahil pinag-aaralan nila ang paksa at pinagiisipan ang lahat ng katibayan.)

4. Maglaan ng Kaukulang Suporta sa Sariling Opinyon. Gamit ang tamang pangangatwiran, mga paghahalimbawa,
katotohanan, estadistika, at ilang anekdota, bilang pansuporta sa opinyong inilahad ay sapat na upang makita ng
tagabasa kung bakit ganoon na lamang ang iyong pananalig sa opinyong inilahad.

Halimbawa:
Hanggat maaari pagsikapan nating matulungan ang mga nangangailangan. Masarap sa
pakiramdam kung alam nating may tao tayong natulungan at natutulungan. Ang kapuri-puring
gawa ay may gantimpala na, di ba?

ANG PAGLALAHAD NG SULATING PANGANGATWIRAN

Sa sulating nangangatwiran, sapat na impormasyon ang kailangan na susuporta sa mga opinyong pinaninindigan.
Narito ang ilang paraan sa mabisang paglalahad ng impormasyon para mapaniwala ang target na tagabasa.

Unang Opinyon
Mga Dahilan ng Opinyong lnilahad

Ang Sariling Opinyon


 Unang Dahllan
 Ikalawang Dahilan
 lkatlong Dahilan

Sa pagsulat ng sulating nangangatwiran, mahalagang alam mo kung sino ang iyong tagabasa. Makatutulong ang pag-
alam sa target na tagabasa upang matiyak ang impormasyong gagamitin at ang tono ng paglalahad. Kailangang
panindigan din ang sariling paniniwala hinggil sa isyu sa pamamagitan ng paglalahad ng mga dahilan, halimbawa,
kabatiran at rnga estadistika bilang pansuporta sa opinyong iyong inilahad.

Batay naman sa layunin at anyo ng iyong susulatin, maaari mong tukuyin ang kahinaan ng opinyon ng kabilang panig
habang ipinaliliwanag mo naman ang kabutihan ng sariling opinyon. May dalawang opinyon para sa pagsulat na ang
tono o himig ay katulad ng inilarawan.

Ikalawang Opinyon
Bakit mas matibay ang sariling opinion

Sariling Opinyon
sariling dahilan
Opinyon ng Iba
magpakita ng mga ebidensya na magpapasinungaling sa kabilang opinyon at magpa-pakita ng kalakasan ng iyong opinion
lkatlong Opinyon
Bakit mas mahina ang opinyon ng iba?
Opinyong ng Iba
mga dahilan
Sariling Opinyon
mga dahilan na susuporta sa iyong opinyon at pagtiyak sa kahinaan ng kabilang panig

You might also like