You are on page 1of 25

Mga Anyo ng

Pagpapahayag
MA. BEATRIZ H. LAZARTE
May Apat na Paraan o Anyo ng Pagpapahayag

PAGLALARAWAN PAGSASALAYSAY

PAGLALAHAD PANGANGATWIRAN
I. PAGLALARAWAN
PANINGIN PANG-AMOY PANDINIG
• Matayog • Mabango • Kalabog
• Makulay • Mahalimuyak • Ingay
• Lunti • Masangsang • Sigaw
• Pula • Mabaho • Halakgak
• Matarik • Nakakahilo • Dagundong
PANLASA PANSALAT

• Maalat • Magaspang
• Malasa • Mayumi
• Matabang • Maligamgam
• Maaasim • Malamig
• Mapait • Malambot
Mga dapat isaalang-alang upang maging mabisa ang
paglalarawan:
Pagpili ng Pagbuo ng isang
Maingat na
pansariling pangunahing
pagpili ng paksa
pananw larawan

Wastong Maingat na
pagpili ng mga pagsasaayos ng
sangkap mga sangkap
Mga Uri ng Paglalarawan
PANGKARANIWAN MASINING

• Lugar • Tao
• Tao • Damdamin
• Pangyayari • Lugar/Pook
• Bagay
Karaniwang paglalarawan ng lugar:
“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa
lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at
malalago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa
sanga ng mga punungkahoy at nalalanghap sa hangin ang
halimuyak ng mga bulaklak. Ang kanilang malaking bahay sa
loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa
ring ipinagbago.
Karaniwang paglalarawan ng lugar:
Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa
bintana. Naroon din ang mga puno ng halamang
nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin
ng mga araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay
parang hindi ko napansin.”
Karaniwang paglalarawan ng tao:
“Si Leoncio ay laging malinis - pati ang kanyang damit,
bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi agpang sa
kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli
naman - na tila pinaglakhan.”

-Mula sa “Walong Taong Gulang”


ni Genoveva Edroza Matute
Karaniwang paglalarawan ng pangyayari:
“Limang segundo na lamang ang natitira. Lamang ang kalabang
team ng isang puntos. Sigawan ang mga tao. Parang hindi
pumipiyok ang mga referees. Dinidribol ni Hullear ang bola.
Napahigpit ang depensang ibinigay ng kalaban. Ngunit isang
saglit na pagkalingat ay sapat nang panahon upang makawala sa
depensa ang superbilis na si John Ferriols. Humigit-kumulang
isang segundo na lamang ang natitira.
Karaniwang paglalarawan ng pangyayari:

Itinira niya ang bola. Biglang tumahimik ang lahat. Ang maikling
sandaling iyon ay parang napakatagal. Lumipad sa hangin ang
bola patungo sa lagusan na sadya nito. Ang lahat ng mata ay
nakatuon sa bola. Umikot-ikot at saka pumasok. Hindi
maipaliwanag ni John ang ligayang nadarama. Marami nang
larong nanalo sila ngunit tila wala nang masarap pa rito.”
Masining na paglalarawan ng tao:
Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang
pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa
akin at kung magkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita:
“LUMIGPIT KA!” At kailangang di na niya ako makita.
Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang
mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa
kanyang labi.
Masining na paglalarawan ng tao:
Kailangang ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito
rin ang katumbas ng kanyang mariing HUWAG kung mayroon siyang
ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang
bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw.”

-Mula sa “Uhaw ang Tigang na Lupa”


ni Liwayway Arceo
Masining na paglalarawan ng Damdamin:

Ang panlalamig ng kanyang kamay at paa ay pinipilit niya ngayong


isiping bunga lamang ng pampalamig sa silid-hintayan. Saglit na
napatingin sa kanya ang nag-uusap ng Kastila. Hindi niya sinasadya
bigla niyang natikom sa kandungan ang dalawang nangangapal na
palad at madaling naipailalim sa luklukan ang dalawa niyang mamula-
mulang tsinelas.
Masining na paglalarawan ng Lugar/Pook:
Maynila
Lungsod na nabuo sa maramig ingay;
Ugong ng sasakyan; sa bar - kalansingan
Tunog ng makina't sa daa'y anasan:
Itong pumupuno sa kapaligiran.
Kung nais mo'y isang magandang tanghalan
Ito na ang isang may kapalaluan.
Masining na paglalarawan ng Lugar/Pook:

Masdan ang neon lights sa gabing tahimik


Nagtitimpalaka't wari'y abot-langit
Mga propaganda'y dumila't pumikit
Sa mata ng yama'y waring nang-aakit
Tugtugin sa juke box: malakas, malimit
mang-akit umindak: sa dibdib, humilig.
Masining na paglalarawan ng Lugar/Pook:

Narito ang pusong sabik sa paggiliw


Matapos uminom ng alak: nalasing
Ito rin ang pook ng maraming aliw
Sagana sa tuwang madaling magmaliw
Sige magpasasa at magpakahaling
Iisa ang buhay- bakit sasayangin?
Masining na paglalarawan ng Lugar/Pook:

Tindaha'y puno ng maraming halakhak


Daloy ng tawana'y hindi nagwawakas
Kung nais maglango sa alak ng galak
Dito ka magtungo: sa Quiapo'y maglakad
Escolta man nama'y laging nagtatambad
Nitong karangyaang hindi naman ganap.
Masining na paglalarawan ng Lugar/Pook:
Ito ang pook ng tuwa't ligaya
Sagana sa dusa: lupa ng pag-asa
Ang mga gusali'y laging nagbabadya
Ng kasaganaang may gayumang dala
Hala! magsiluwas ngunit . . . mag-ingat ka:
Pati kasamaa'y maraming talaga!
Masining na paglalarawan ng Bagay:
Ang Kabaong

Apat na kabayong maganda't matikas,


At isang karosang ligid ng bulaklak. . .
Sa loob. . . kabaong . . .
Pabalat ay pelus na habi sa hirap,
At mula sa luha ng maraming hamak.
Masining na paglalarawan ng Bagay:
Bawat maraanan ng magarang libing,
Agad nagpupugay nang buong taimtim.
Isinasaloob . . .
Marangal ang pusong doo'y nahihimpil,
Isang kaluluwang dapat na sambahin.
Masining na paglalarawan ng Bagay:
Apat na balikat na yuko sa bigat,
Ng isang kahon ng kahoy na salat sa bulaklak;
Sa loob . . . kabaong . . .
Pabalat ay pintang marusing at kupas,
Larawan ng dahop ng nagpahimakas.
Masining na paglalarawan ng Bagay:
Naraanang tao ng dalitang libing,
Ay di man mag-ukol ng luksang panimdim
Isinasaloob
Yao'y kaluluwang kasuyo ng lagim,
At sahol sa dangal na dapat angkinin.
Masining na paglalarawan ng Bagay:
Marangyang kabaong, sa marmol nagtahan
Kabaong ng aba . . . sa lupang putikan.
At ng magkasama . . .
Ang lupa sa luppang ating pinagmulan
Una pang naagnas ang marangyang bangkay!

You might also like