You are on page 1of 12

Wika, Lipunan at Kultura

1
Mahalagang Konsepto at Termino

Modyul 001 Mahalagang Konsepto at


Termino

Layunin:

1. Nailalahad ang mga salitang ginagamit sa kursong ito;


2. Nasusuri ang mga salitang gagamitin at ang mga kaugnayan nito sa
mga paksang pag-aaralan pa sa mga susunod na aralin;
3. Nakabubuo ng mga kuro-kuro ukol sa mga terminolohiya.

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG ILANG KONSEPTO AT TERMINO

Malaking papel ang ibinibigay ng mga sumusunod na termino upang maging malinaw ang
paksang napag-uusapan lalo na sa usapin sa wika, kultura at lipunan. Narito ang mga
sumusunod na salitang gabay upang lubos maunawaan ang iba pang paksa:

 Tao

Kung ibabatay ang kahulugan ng salitang tao sa Bibliya ay


nangangahulugang siya ang instrumento ng napakahalagang layunin
ng Diyos sa sanlibutan. At kapag ilalahad naman ang kahulugan ng
salitang ito sa Pilosopiya ay siyang pinagmumulan ng anumang
karunungan sa mundo. Kung ayon naman sa siyensya ay isang
mammal na may kakayahang magrason. Kapag batay naman sa
lipunan ay may malaking gampanin sa kahit na anumang pag-unlad
sa kahit na anong aspekto. Kung alinsunod naman sa elemento at
aspekto ng pakikipagkomunikasyon at wika ay isa sa
pinakamahalagang salik upang magkaroon ng pakikipag-uganayan o
komunikasyon at makapagpasyang makabuo ng isang wika.
Course Module
 Wika

Ang wika ay napagpasyahang simboliko, katawagan o gamitin para sa


epektibong pakikipagkomunikasyon at upang magkaroon ng
pagkakaunawaan. Nagmula sa salitang Latin na lengua na ang literal
na kahulugan ay dila. Ito ay simbolong salita ng mga kaisipan,
saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon,
pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaaring
pasulat o pasalita.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang


balangkas. (Carreon et al., 2017). Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog
na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay
tinatawag na Ponolohiya. Kapag ang Ponema ay pinagsama-sama,
maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag
na Morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-
ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng
makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

Ayon din kay Carroll (1997 sa Badayos et al., 2007) (Carreon et al.,
2017), ang wika ay may kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa
interpersonal na komunikasyon at nakagagawa nang puspusang
pagkakatatag ng mga bagay, pangyayari at mga proseso ng mga
karanasan. Ibig sabihin ang wika ay inayos na instrumento sa
paglalapit ng mga tao upang maging ganap at magkaroon ng
interpretasyon ang mga karanasan.

Inihalintulad ni Constantino, isang dalubwika, ang wika sa isang


behikulo (vehicle) sapagkat ang wika ang ginagamit o instrumento
upang makapaghatid ng mga mga mensahe at magtagpo ang dalawang
nais magbigay ng damdamin o ideya. Kung susuriin, kung walang wika
napakalaking hamon ang makapagpahayag ng damdamin, ideya at
mga impormasyong nais ipabatid.
Wika, Lipunan at Kultura
3
Mahalagang Konsepto at Termino

Ayon naman kay Chomsky (1957), ang wika ay prosesong mental


sapagkat ang bawat detalye, pagkakabuo, diskurso, kahulugan, sintaks
at iba pa ay kailangang aralin upang mabigyan ng tiyak na gamit at
halaga sa bawat aspekto. Nangangahulugan lamang na ang pagpasok
sa mga ganitong proseso ay paggamit ng kakayahang mental.

Ayon kay Randy S.David, sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa


Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino
kailan man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.
Ang wika ay hindi namimili ng mga salita, nagiging neutral lamang ito
base sa gumagamit ngunit ang kalikasan ng wika ay hindi mababago
sapagkat ang wika ay kongkretong naghahayag ng mga bagay-bagay.

Halos pareho naman ang ibinigay na kahulugan ukol sa wika nina


Whitehead, edukador at pilosopong Ingles, at ni Ngugi Ihiong, isang
Aprikanong manunulat. Kung kay Whitehead, ang wika ay katauhan at
kaugalian ng mga lumikha nito na sumasalamin sa mismong mga
katauhan at kultura ng mga taong bumuo nito, ang kay Ngugi naman
ay sa pinasimpleng ang wika ay kultura. Tunay na hindi kailan man
mailalayo ang wika at kultura sapagkat kung sino man ang bumuo ng
isang wika na ginagamit sa isang pangkat ay magsisilbing kaluluwa ng
kultura nito. Kapag ang isang tao ay nakapag-angkat ng mga
karanasan at kaalaman sa kinalakihan na pook at grupo ay dadalhin
pa rin ng indibidwal na ito ang naipon sa kaniyang isipan at
isasabuhay na magiging repleksyon ng kaniyang lahi at kultura.

‘’Ayon kay San Buenaventura (1985) “Ang wika ay isang larawang


binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito

Course Module
ng kaalaman ng isang bansa.” (…)(sipi mula sa WIKANG ATIN,
WIKANG ASTIG; Kung ibabatay sa ibinigay na kahulugan ni San
Buenaventura ukol sa wika, masasabing ang wika ay may
napakalaking tunguhin at papel sa kahit na anong aspekto sa mundo
lalo na sa buhay ng tao. Kung magiging partikular pa sa isang bansa,
tumutukoy parin ito sa kabuuan ng isang nasyon, mula sa kultura,
kaugalian, paniniwala na magbibigay kahulugan sa isang lahi sa isang
estado.

‘’Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang


buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipaginteraksyon. Ayon sa
kaniya, ang wika naman ay hindi lamang instrumento para sa
pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon bagkus ito ay isang
instrumentong bubuo sa isang tao nang may malalim na
pagpapakahulugan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao.

‘’Sa pagtalakay ni Halliday(1973), may gamit na instrumental ang


wika…’’ Sa kahit na anong paraan ay ginagamit ang wika kaya ito
tinawag na instrumental. Mula sa pagtawag ng mga bagay sa paligid,
pagpapakita ng emosyon o damdamin, paglalahad ng impormasyon,
pagsasaysay ng mga salaysayin at iba pa. Ang paggamit ng wika ang
magbibigay daan sa kaunlaran ng indibidwal patungo sa kolektibong
sakop nito.

‘’Sa pag-aaral ni Charles Darwin, nakasaad sa aklat ni Lioberman


(1957) na may pamagat na “THE ORIGIN OF LANGUAGE”, ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay nagtuturo sa kanya
upang makalikha ng iba’t ibang wika.’’ Kung susuriin din ang mga
kasaysayan ng bawat wika sa iba’t bang bansa, ito ay may kaugnayan
sa bawat isa. Nagbabago lamang ang morpopolohiya sapagkat
naghahalo ang sistema ng paggamit base sa pinanggalingan ng isang
Wika, Lipunan at Kultura
5
Mahalagang Konsepto at Termino

indibidwal kaiba sa gamit nito kaya nagkakaroon ng sanga-sangang


kaugnayan ang mga wika.

‘’Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon
sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan
sa kalikasan at ng mga kinatawan nito.’’ Kung babalikan kung paano
nabuo ang wika ay laging nakaugat sa kalikasan at tunog kung bakit
nabuo ang wika. Ibig sabihin ang kalikasan at tao ay sadyang pinag-
ugnay at ang daan din upang magkaroon ng diwa at kaluluwa ang
ugnayang ito ay sa pamamagitan ng wika.

 Lipunan

Mula sa salitang ugat na lipon at hinulapian ng –an, na


nangangahulugang grupo ng mga tao at lugar sa tiyak na espasyo. Ang
ugnayan ng lugar, tao at kultura ang mahalagang salik upang
magkaroon ng tinatawag na lipunan.

Maaaring masabing ang lipunan ay kolektibong katawagan sa isang


pangkat at pook na may kaakibat na tungkulin sa lugar na
ginagalawan.

Ayon sa Webster dictionary, ang lipunan ay parte ng komunidad na


may isang yunit na madaling matukoy ang layunin, istandardisadong
pamumuhay, at tradisyon ng isang particular na grupo o pangkat.

 Kultura

Sa Ingles tinatawag itong culture na may kahulugan ding paglago o


pag-unlad nang may ikinokontrol na kondisyon. Sa madaling sabi, ang
mga tradisyon, paraan ng pamumuhay, ideolohiya at iba pa ay
nagsimula at napagpasyahan ng isang maliit na pangkat hanggang sa
lumaki at lumaganap ang gayong sistema.
Course Module
Batay sa Webster dictionary, ang kultura ay paraan ng pamumuhay,
kaugalian, pamantayan sa pamumuhay at mga nabuong kaisipan ng
isang partikular na pangkat.

 Wikang Filipino

Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay nasasaad sa Artikulo


XIV, Seksyon 6 na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Maaari ring sabihing ito ay bunga o binubuo ng mga wikang lokal


at pandaidigan dahil sa ebolusyong nagaganap sa kakanyahan nito.
Kaya ang lahat ng umiiral na wika sa buong Pilipinas ay kailangan
upang maidebelop nang husto ang wikang Filipino.

Ang wikang ito ay pagkakakilanlan din ng mga Pilipino sapagkat


mababakas ang lahi sa wikang gamit ng isang indibidwal. Naging
pangunahing layunin ang pagbibigay ng isang matibay na identidad ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng wikang Filipino. Ito ang batayan para
sa malinaw na pag-uugnay at pag-iisa ng lahat ng mga Pilipino kahit
na ang Pilipinas ay nagtataglay ng samu’t saring kultura at wika.

Sa kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay


ikinokonsiderang ang kahulugan ng eksistens ng wikang Filipino
ay maituturing na lingua franca. Gabay ito sa mga pangkat etniko
upang maging malinaw ang pakikipagkomunikasyon. Mahirap na
pagsubok ang makipag-ugnay ang dalawang indibidwal na magkaiba
ang pinagmulang etnikong pangkat kaya malaking tulong ang wikang
Filipino bilang tulay sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino. Sa
nasabing sitwasyon ay hindi man maituturing na unang wika ngunit
maituturing na depinisyon ng wikang Filipino ay pagiging lingua
Franca nito sa iba’t ibang panig ng bansa.
Wika, Lipunan at Kultura
7
Mahalagang Konsepto at Termino

Maaari ring ang kahulugan ng wikang Filipino batay sa gamit nito


ay ang wikang opisyal at wikang panturo.

Patunay sa ilang sitwasyon na ang wikang Filipino ay ginagamit bilang


wikang opisyal ay ang paggamit nito sa gobyerno mula sa anumang
papel na dapat punan para sa anumang layuning natamo mula sa
gobyerno. Kahit na ang mga opisyales sa pamahalaan ay ginagamit ito
upang magkaroon ng tiyak na pakikipag-ugnayan mula sa mga
mamamayan.

Nagiging wikang panturo naman ito kapag ang ang medium ng wikang
ginagamit sa ilang espisipikong asignatura ay ginagamit ang wikang
Filipino. Kahit pa ang asignatura ay nasusulat sa Ingles, minsan o
madalas ang wikang Filipino ay ginagamit para sa paglilinaw ng mga
paksang inaaral.

 Lingua Franca

Ang wikang mas ginagamit ng mga tao, na nakakapagsalita rin ng


ibang wika o ng magkaibang wika, upang magkaintindihan.

Ang Franca ay nagmula sa Germaic na wikang Franks, na hiniram


ng lumang Ingles bilang Franca, na nangangahulugang miyembro ng
kanluraning Germanic tribal na pumasok sa probinsya ng mga
Romano sa panahong A.D. 253 (Webster Dictionary).
Nangangahulugan lamang na ang dating katawagang Franca ay para
sa tao at nag-iba sa paglipas ng panahon dahil itinukoy na ito sa wika.

Course Module
 Wikang Pambansa

Ito ay ang umiiral na wika sa isang buong bansa na may


pinagyayabong, may pinagbabatayan at ginagamit bilang identidad ng
isang lahi o nasyon.

 Wikang Opisyal

Wikang ginagamit sa pulitika kultura at lipunan. Samakatuwid,


ginagamit ito sa opisyal na transaksyon at talakayan na alinsunod sa
pormal na iniaatas ng isang opisyal.

 Wikang Panturo

Wikang ginagamit sa larangan ng edukasyon upang mas epektibong


maituro ang ilang paksa.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino:

‘’Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa


pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at
pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na
pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa
umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may
iisang wikang panturo —ang wikang Ingles. Nagsimulang
ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa
panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging
guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng
Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas
ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa
Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng
digmaan, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa
elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan
at gumagamit ng Wikang Pambansa bílang wikang panturo.
Wika, Lipunan at Kultura
9
Mahalagang Konsepto at Termino

Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, ang mga


asignatura sa elementarya at sekundarya ay hinati upang ang
isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro
sa Ingles. Bukod sa asignaturang wika at panitikang Filipino,
ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Pilipino
bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at
panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham ay
Ingles ang wikang panturo.

Mahalagang pansinin ang pagtukoy sa Wikang


Pambansa bilang “Pilipino” mulang 1959 hanggang sa panahon
ng pag-iral ng 1973 Konstitusyon. Bagaman binanggit na sa
1973 Konstitusyon ang pagbuo sa wikang “Filipino,” patuloy na
kinilála hanggang 1987 ang pag-iral ng “Pilipino” bílang wikang
opisyal at Wikang Pambansa.]

Ang patakarang bilingguwal ay isang pagtupad sa mga


Seksiyon 2–3, Artikulo XV ng 1973 Konstitusyon hinggil sa
Pilipino at Ingles bílang mga opisyal na wika ng komunikasyon
at instruksiyon. Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa
Seksiyon 6, Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon. Gayunman,
nakasaad din sa ikalawang talata ng Seksiyon 6, Artikulo XIV ng
kasalukuyang saligang-batas na: “Subject to the provisions of
law and as the Congress may deem appropriate, the Government
shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a
medium of official communication and as language of
instruction in the educational system.” Itinaguyod ng Pangulong
Corazon C. Aquino ang diwa ng probisyong ito ng 1987
Konstitusyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na
“Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/
Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga
Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino

Course Module
sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at
Korespondensiya.”

Sa ilalim ng programang MTB-MLE, naging dagdag na


wikang panturo sa antas na K-3 ang ibang mga wikang
katutubo (19 sa kasalukuyan, kasáma ang Tagalog).’’

 Unang Wika

Ito ang wikang unang natutuhan o nakagisnan ng isang indibidwal.


Mother tongue o katutubong wika ang tawag dito.

 Pangalawang Wika

Ikalawang wikang natutuhan ng isang indibidwal sa ibang larangan,


pagkakataon at sitwasyon.

KAHALAGAHAN NG MGA NASABING TERMINO

1. Magkaroon ng kamalayan na iba ang kahulugan sa katangian at gamit ng


isang salita.
2. Gabay sa ilang paksang tinatalakay tungo sa mas komplikado at mas malalim
na pag-aaral ukol sa wika, kultura at lipunan.
3. May kaugnayan ang bawat termino na maaaring makabuo ng ilang palagay at
teorya upang maintindihan ang kultura at lipunan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng wika.
4. Upang maging mapanuri at magamit ang mga terminolohiyang gagabay sa
pagkaunawa sa mga paksa.
5. Maging kongkreto sa anumang tinatalunton na punto ng ilang iskolar.
6. Ang ilang termino ay makikitaan ng pagbabago at gamit depende sa panahon.
Masusuring ang mga salitang ginamit ay may pinanggalingan at nagbabago
ang gamit o konteksto base sa dinadaanang panahon.

KAUGNAYAN NG ILANG MGA TERMINO


Wika, Lipunan at Kultura
11
Mahalagang Konsepto at Termino

PANGALA LINGUA
WANG FRANCA
WIKA KULTURA
UNANG
WIKA
WIKA TAO

LIPUNAN

WIKANG
WIKANG
PANTURO
WIKANG PAMBANSA
OPISYAL

Gamit ang mga termino ay ipinakikita ng dayagram ang kaugnayan at


ilang konsepto na lilinaw sa anumang proseso at kaugnayan na ginagamit
upang lubos na maunawaan ang ilang penomenang napapaloob sa wika na
gawa at impluwensya ng tao sa lipunan sa iba’t ibang sitwasyon o
pagkakataon.

Course Module
References and Supplementary Materials

Books and Journals

1. Marga B. Carreon, Rosalina S. Molines, Auggene John D.A. De Vega, Cely Y.


David, Marites D. Galang at Rachel T. Turrano;2017; DUPIKAL, Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kuluturang Pilipino;Malabon City;Mutya Publishing
House, Inc.

Online Supplementary Reading Materials

1. WIKANG ATIN, WIKANG ASTIG;


https://www.com//https.com/filipinoastig.wordpress.com/wika/ ; July 18, 2018
2. WIKANG PANTURO;
https://www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino/photos/ano-ang-
tinatawag-na-wikang-panturoang-wikang-panturo-ang-wikang-opisyal-na-
gina/355639627940475/ ; Sept. 18, 2018)

Online Instructional Videos

1. KAHULUGAN NG WIKA (Komunikasyon sa Akademikong Filipino);


https://www.youtube.com/watch?v=E3NUuuzNToY; Sept. 17, 2018
2. Kahulugan ng Wika ; https://www.youtube.com/watch?v=NObYWmBddn0 ;
Sept. 17, 2018
3. WIKA AT KULTURA;
https://www.youtube.com/watch?v=PL6gTpArz7g ; Oct.1, 2018

You might also like