You are on page 1of 18

WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

1
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

Modyul 005 Wikang Filipino at Mga Wikang


Umiiral sa Pilipinas

Layunin:

1. Nakapagbibigay ng mga impormasyong mapagtitimbang-timbang ukol sa


wikang Filipino at mga wikang umiiral sa bansa;
2. Nagkakaroon ng kamalayan at pagpapahalaga hindi lamang sa
pambansang wika gayundin ang mga wikang umiiral sa bansa upang
mabuo ang damdaming makabansa sa pamamagitan ng mga wika;
3. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik at pagsusuri sa perspektiba ukol
sa mga pag-aaral sa inilalatag na isyu ng mga hindi tagalog o pabor sa
wikang Filipino.

WIKANG FILIPINO AT IBA PANG MGA WIKA SA PILIPINAS

Hindi kaila na ang wikang Filipino, ayon sa batas, ay pinauunlad gamit ang mga
wikang umiral sa buong bansa. Kinailangan ito upang makilala pa ang iba pang wikain sa
bansa. Sa ganoong paraan ay mabubuo ang identidad at pagkakaisang ganap ng mga
Pilipino gamit ang wikang Filipino.

Ngunit upang lubusang maunawaan ang nais ng batas para sa mga Pilipino at sa
Pilipinas, nangangailangan ding maunawaan nang lubos ang pagpapahalaga sa iba pang
panig ng bansa upang mawala ang matagal nang umiiral na kaisipan ng mga taga-sentro na
ang wikang Tagalog ang nangunguna at dominanteng wika sa buong bansa. Sa ganoong
sitwasyon ay matagal nang nakatatak sa Pilipinas ang kaisipang etnosentrismo.

 Pinagmulan ng mga Wikain sa Pilipinas


Course Module
Mahalagang matunton ang pinagmulan ng mga wika sa bansang Pilipinas upang
lubos na maunawaan ang kaugnayan nito sa iba’t ibang bansa, lahi at kultura na may
epekto sa pagbuo ng sibilisadong lipunan tulad ng Pilipinas. Higit na mapahahalagahan at
mapagtitibay ang kabuuan ng isang etniko at kultura kung ang kasaysayan at pinagmulan
ng wika nito ay mabibigyang linaw. Tulad ng isang tao na mabubuo ang kaniyang pagkatao
kapag nalaman niya kung sino ang tunay niyang mga magulang o kadugo. Ang pagkaunawa
sa biyolohikal, kaugalian o henetikong natanggap ng isang tao ang magpapaliwanag sa
kabuuan niya tulad din sa wika na kailangang maipaliwanag ang pinagmulan upang maging
tiyak ang mga paliwanag kung bakit ganoon ang taglay nitong katangian hindi lamang sa
gramatika kundi sa kulturang nakapaloob din dito.

Batay sa dyornal ni Jessie Grace U. Rubrico na ‘’Lingguwistik para sa mga Mag-aaral


ng Agham Panlipunan 1- Ang mga Subgroup sa Austronesian’’, sa pag-aaral at pahayag ni
Dyen (1965) ang Austronesian ay may 40 na sanga base sa paghahambing niya sa 196
salita sa 245 wika. Isa sa mga sanga na ito ay ang Malayo-Polynesian. Ang dayagram sa
ibaba ang nagpapakita ng pagkakahati ng Austronesian base kay Dahl (1973) (Mula pa rin
sa dyornal ni Jessie Grace U. Rubrico).

AUSTRONESIAN

FORMOSAN MALAYO-POLYNESIAN

KANLURAN SILANGAN
ATAYALIC TSOUIC PAIWANIC (OCEANIC)
(INDONESIAN)

KANLURANG
HALMAHERA- OCEANIA--
HILAGANG- Micronesia,
KANLURANG NEW Melanesia at
GUINE Polynesia
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
3
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

Kung ang unang dayagram ay ang subgroup na ginawa ni Dahl, ang dayagram
naman sa ibaba ang subgroup na ginawa ni Reid (1982) na nahahati sa tatlo.

AUSTRONESIAN

SOUTH MINDANAO AMI-EXTRA-


FORMOSAN
(Philippines) FORMOSAN

AMI EXTRA-FORMOSAN

MALAYO-
OUTER PHILIPPINES
POLYNESIAN

NORTHERN WESTERN:
CENTRAL-EASTERN
PHILIPPINES MESO-PHILIPPINES

SOUTHERN
CELEBES
PHILIPPINES

BORNEO

SAMA-BAJAW

SUNDIC

Course Module
Kung ihahambing ang dalawang pagpapangkat sa mga wikang pinanggalingan sa
bansang Pilipinas, mahihinuhang ang mga wikang ito ay nasa magkakaibang sanga ngunit
ang pinagmulan ng mga sanga nito ay nasa iisang wikang lamang. Ngunit ang ilan ay hindi
magkakalapit sapagkat may may dibisyong naganap sa wika.

Kung ibabase sa dayagram na nasa itaas ay makikitang kabilang sa Kanlurang


Malayo-Polynesian ang mga wika sa Pilipinas. Ayon parin sa dyornal ni Jessie Grace U.
Rubrico na ‘’Lingguwistik para sa mga Mag-aaral ng Agham Panlipunan 1- Ang mga
Subgroup sa Austronesian’’ ang mga sumusunod na dayagram ang nagpapakita ng mga
ugnayan at sanga ng mga wika sa Pilipinas:

KANLURANG MALAYO-POLYNESIAN
HILAGANG PILIPINAS
TIMOG PILIPINAS
MESO-PILIPINAS
TIMOG MINDANAO
CELEBES
BORNEO
SAMA-BAJAW
SUNDIC

Ang Kanlurang Malayo-Polynesian ay binubuo ng walong sub-dibisyon na makikita


sa dayagram sa itaas na inibatay sa sentisis ni Ruhlen (1987, 338-344) at sa ‘Ethnologue:
Philippines (Jessie Grace U. Rubrico).

Kabilang sa Hilagang Pilipinas ang mga sumusunod:

1. HILAGANG LUZON
a. Hilagang Cordillera
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
5
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

i. IBAGANIC
1. ISNAG-ADASEN; ISNEG
2. IBANAG
a. AGTA (Villaviciosa)
b. ATTA-FAIRE (Southern Atta);
PAMPLONA; PUDTOL
c. IBANAG
d. ITAWIT (Itawis)
e. YOGAD
3. GADDANG-
a. GA’DANG (Baliwon, Kalinga)
b. GADAANG
ii. DUMAGAT (DUM)
1. SOUTHERN AGTA- UMIRAY DUM; Alabat Island
DUM; MANIDE
2. NORTHERN AGTA- CASIGURAN DUM; CENTRAL
AGTA; DICAMAY; DUPANINAN; PARANAN;
KASIGURANIN
iii. ARTA
iv. ALTA
1. ALTA SA HILAGA- EDIMALA; BALER NEGRITO;
DITAYLIN DUM/ ALTA
2. ALTA SA KATIMOGAN- PUGOT; ITA
KABULUWEN; BALUGA
b. Timog-Gitnang Cordillera
i. Timog cordillera
1. Pangasinic
a. Benguet
i. Ibaloi-Karaw
1. Ibaloi (Inibaloi; Nabaloi;
Igodor; Benguet Igorot)
Course Module
2. Karaw
ii. Iwaak (I-wak)
iii. Kallahan- (1) KAYAPA;(2) KELEY;
TINOC
b. Pangasinan
2. ILONGOT- ILONGOT(BUGKALOT)
ii. GITNANG CORDILLERA
1. NUKLEYAR CORDILLERA
a. BALANGAO- BALANGAO
( Bontoc, Farangao)
b. BONTOC-KANKANAY
i. BONTOC-
(i)BONTOC SENTRAL
(Bontoc, Igorot)

(ii) BONTOC SILANGANIN

(Kadaklan-Barlig;
Katimogang Bontoc)

ii. KANKANAY- (i) KANKANAY; (ii)


SAGADA IGOROT
c. IFUGAO- AMNAGAD; BATAD;
MAYOYAO; TUWALI
2. ISINAI- ISINAI
3. KALINGA-ITNEG (1) KALINGA- BUTBUT; LIMOS;
LOWER TANUDAN; LUBUAGAN; MADUKAYANG;
KAL-UWAN (Mabaka Itneg); SUMADEL-
TINGLAYAN; UPPER TANUDAN; (2) ITNEG-
(i)TINGGUIAN (Binongan);
(ii)INLAOD;(iii) MASADIIT; (iv) LUBA-TIEMPO
c. Ilokano
2. Bashic-Gitnang Luzon-Hilagang Mindoro
a. Bashic
i. IVATAN
1. IBATAN (Babuyan Island);
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
7
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

ii. GITNANG LUZON


1. SINAUNA-AGTA REMONTADO (Sinauna)
2. SAMBALIC-
(1) AYTA: ABENLEN; AMBALA; BATAAN; MAG-
INDI; BOLINAO
(2) SAMBAL: BOTOLAN, TINA

3. PAMPANGAN-PAMPANGO
(Kapampangan)
iii. NORTHERN MINDORO-
ALANGAN; IRAYA; TADYAWAN
b. Gitnang Luzon
c. Hilagang Mindoro

Unang Pangkat: Hilagang Luzon

1. Hilagang Cordillera: (a) Ibanagic ~ Adasen, Atta, Ibanag,


Itawis, Yogad, Gaddang, Gad’ang, Isneg;
(b) Dumagat ~ Kasiguranin, Paranan/Palanenyo,
Agta --Alabat Island, Manide,
Casiguran, Central Cagayan, Dicamay,
Dupaninan, Umirey,
(c) Arta; (d) Alta ~ Edimala, Baler Negrito, Ditaylin,
Kabuluwen, Baluga, Pugot, Ita.

2. Timog-Gitnang Cordillera: (a) Timog Cordillera ~ Inibaloi,


Iwaak, Kallahan --Kayapa, Keley-i, Karaw; Pangasinan;
Ilongot/Bugkalot;
(b) Gitnang Cordillera ~ Itneg --Tingguian, Inlaod,
Masadit, Luba; Kalinga --Butbut, Limos,
Lower Tanudan; Lubuagan, Kal-uwan,
Madukayang, Sumadel-Tinglayan, Upper Tanudan; Isinai;
Course Module
Nuclear Cordillera ~ Balangao, Bontoc --Igorot,
Kadaklan-Barlig, Kankanay --Sagada Igorot,
Hilagang Benguet; Ifugao -- Amnagad, Batad,
Mayoyao, Kiangan

3. Ilokano

Ikalawang Pangkat: Bashic-Gitnang Luzon-Hilagang Mindoro

1. Bashic: Ibatan

2. Gitnang Luzon: (a) Sinauna; (b) Sambalic ~ Ayta --Abenlen,


Ambala, Bataan Sambal,
Mag-anchi Sambal, Mag-indi/baloga, Bolinao Sambal,
Botolan Sambal,
Tina Sambal; (c) Kapampangan.

3. Hilagang Mindoro: Alangan, Iraya, Tadyawan

II. TIMOG PILIPINAS

A. MANOBO.

1. Hilaga:

Binukid; Higaonon; Kagayanen (Cagayancillo); Kinamiguin

2. Sentral-

A. Silanganin-

Agusan Manobo; Dibabawon; Rajah Kabungsuan


Manobo

B. Katimogan-

Ata-Tigwa: Kalamansig; Matigsalug; Cotabato Manobo;


Obo (Kidapawan Manobo); Sarangani Manobo; Tagbanwa; Tasaday
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
9
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

C. Kanluranin- Ilianen; Bukidnon

B. DANAO

1. Maguindanaw

2. Maranao- Iranon

A. Maranaw

C. SUBANEN

1. Silanganin- Subanen Sa Sindangan, Tuboy, Lapuyan,

2. Kalibugan- Siocon

III. MESO-PILIPINAS

A. TIMOG MANGYAN

1. Buhid-Taubuid- Buhid, Batangan, Taubuid Sa Kanluran

2. Hanunoo- Hanunoo

B. KALAMIAN

1. Agutaynen

2. Calamian Tagbanwa

3. Sentral Tagbanwa

C. PALAWAN

1. Negrito- Batak

2. Palawano- (Pal)
Course Module
Molbog

Brooke's Point

Quezon Pal

Pal Sa Timog-Kanluran

Tagbanwa

D. GITNANG PILIPINAS

1. Bikol

A. Coastal: Naga- Isarog Agta, Mt. Iraya Agta, Bikol


(Sentral), Virac- Bikol Virac

B. Inland: Iriga- Mt. Iriga Agta, Rinconada Bicolano,


Buhi-Daraga- Bicol Albay

C. Pandan- Bikol Pandan (Hilagang Catanduanes)

2. Bisaya

A. Banton: Bantoanon

B. Cebuan: Cebuano

C. Central

I. Peripheral- Ati; Capiznon; Hiligaynon;


Masbatenyo; Porohanon (Camotes)

Ii. Romblon- Romblomanon

Iii. Warayan- Sorsogon Bicolano

Gubat- Sorsogon Waray

Samar- Waray-Waray
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
11
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

D. Katimogan

I. Butuan-Tausug: Butuanon; Tausug

Ii. Surigao- Surigaonon

E. Kanluran

I. Aklan- Aklanon

Ii. Karayan- Kinaray-A

Iii. Kuyan- Kuyunon Ratagnon

Iv. Hilaga-Sentral- Looknon

V. Di-Tiyak- Caluyanen

3. Mamanwa

Mamanwa

4. Mansakan

A. Silangang Caraga- Karaga Mandaya

B. Silangang Mandaya- Catelenyo, Sangab Mandaya,


Mandaya Mansaka

C. Kanluran- Kalagan, Tagakaolo

D. Hilaga- Kamayo

5. Tagalog

Tagalog

Course Module
6. Hindi-Tiyak

Ata

(Negros Or.)

Sorsogon Ayta

Tayabas Ayta

Karolanos

Magahat

Sulod

IV. TIMOG MINDANAO

a. Bilic- Blaan, Koronadal, Sarangani Blaan, Tboli; Tiruray; Bagobo-


Giangan

V. SAMA-BADJAW

a. Abaknon

b. Yakan

c. Sulu-Borneo- Jama Mapun, Pangutaran Sama, Sama Balangingi, Siasi


Sama, Sibutu

VI. CELEBES: SANGIR

a. Balut
b. Sarangani

Mapapansing sa mga tala ay hindi isinama ang Chavacano at hindi rin naging
malinaw kung anong etnolingguwistikong pangkat ang naimpluwensyahan
ng Sundic. May ilang di-tiyak na wika na dapat pang pag-aralan.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
13
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

Ang iba pang impormasyon ay binigyang-diin pa ng mga nagsaliksik sa bilang


o tala ukol sa mga wika sa Pilipinas.

‘’Batay sa listahan sa itaas, 160 ang kabuuang bilang. Si McFarland (1994) ay


nagsabing may 110 na wika sa Pilipinas, at maliban sa Chavacano na isang
creole, lahat na ito ay napabilang sa pamilyang Austronesian.

Batay naman sa survey ng Summer Institute of Linguistics (SIL) may 171 wika
ang ginagamit sa Pilipinas --164 nito ay kabilang sa pamilya ng wikang
Austronesian; ang lima ay wikang banyaga -- Chinese Mandarin, Chinese Min
Nan, Chinese Yue na lahat ay nasakop sa pamilya ng wikang Sino-Tibetan, at
ang English at Spanish na nasakop sa pamilya ng wikang Indo-European; ang
isa ay ang wika na tinaguriang creole -ang Chavacano; at ang Philippine Sign
Language na ginagamit ng may 100,000 na mga pipi. (Ang
pinakahuling update sa survey na ito ay noong Pebrero 1998 ayon sa
impormasyon ng Internet)…’’
- Jessie Grace U. Rubrico na ‘’Lingguwistik para sa mga Mag-aaral ng Agham
Panlipunan 1- Ang mga Subgroup sa Austronesian.

Ang mga nasabing tala ay nagpapatunay lamang na ang pagsasanib ng mga


wika at pagbabagong nagaganap dito ay bunga ng mga sumusunod na
dahilan:

 Interaksyon
Habang umiinog ang panahon, hindi mawawala ang mga taong
maglalakbay upang tuklasin, mangalakal, makilala at ano pa
mang dahilan sa paglipat ng mga lugar upang makarating sa
nais puntahan. Sa paglalakbay, hindi maiiwasang makipag-
usap at magkaroon ng interkasyon sa ibang tao kahit pa ibang
wika ang gamit ng napupuntahan. Ang pagtanggap ng mga
impormasyon nang bukas ang isip mula sa mga nakasalamuha
ay talagang tatatak at maaaring madala.

Course Module
 Distansya
Ang distansya ay isang mahalagang aspektong makita upang
maunawaan kung bakit malayo o malapit ang ugnayan ng mga
wika. Halimbawa, sa Gitnang Luzon ay pareho-parehong
wikang Tagalog ang wikang gamit ngunit nagkakaroon pa ng
barayti ng Tagalog? Isa sa dahilan ay ang malapit na distansya
ng ilang kalapit na lugar sa isa pang probinsya kaya
nahahaluan at nagbabago ang tunog at punto ng paggamit ng
wikang Tagalog sa ilang bahagi sa Luzon.

 Bukas sa Pagbabago o Adaptasyon


Ang pagbibigay ng pagkakataon ng mga tao o pangkat na
aralin, tanggapin at ilubog ang sarili sa ibang kultura ay
pagtanggap din sa wikang kanilang ginagamit kaya naman
nagkakaroon ng pagbabagong ganap sa wikang unang
ginagamit ng isang inbidwal. Dito na pumapasok ang tinatawag
na pidgin.

 Panahon

Ayon kay Lope K. Santos, ang panahon ang diyos ng wika at


hindi ang tao. Kapag bumubukas ang pagkakataon sa mga
taong makipagsalamuha at tanggapin o ilubog ang kultura sa
iba ay nagkakaroon ng panahon upang may mabago o
magkaroon ng inobasyon sa mga wikang ginagamit.

 Pagkakaiba, Pagkakatulad ng mga Wika sa Pilipinas at sa Wikang


Filipino

Mas mapapansin ang pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas, masusuri


pa rin ang pagkakatulad. At kahit na may pagkakaiba at pagkakatulad
ang mga nasabing wika ay may kaugnayan parin ang mga ito.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
15
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

Hindi nalalayo ang ugnayan ng wikang Filipino sa iba pang wika sa


Pilipinas sapagkat nilinang at nililinang o dapat na linangin ito gamit
ang iba’t ibang wika sa sa Pilipinas. Ngunit hindi maiiwasan ang
paghahambing sa iba pang wika at wikang pambansa dahil sa naging
batayan na wika o dayalekto.

MGA
FILIPINO WIKA SA
PILIPINAS

Pagkakaiba Pagkakatulad

o FILIPINO: Ang nilalaman ng wika o Ang istruktura o ayos ng


pangungusap ay laging nasa
o ginagamit na salita ay may halo
karaniwang ayos.
mula sa mga wika sa bansa at
o Kapuwa umuunlad sa paggamit ng
wikang dayuhan.
bawat isa at wikang dayuhan.
MGA WIKA SA BANSA: Ang
o Lunsaran ng identidad.
nilalaman at ilang salita ay
o May ugnayan dahil sa heograpikal,
nakabase sa naunang kulturang
umiiral na pakikipag-ugnayan at
nahalo mula sa ibang pangkat
etniko bago dumating ang mga komunikasyon lalo na ang paggamit
ng teknolohiya at bilang bansa.
mananakop na dayuhan.
o Wikang nag-aambag sa pag-unlad
o FILIPINO: Ito ay bata pa.
ng iisang diwa.
MGA WIKA SA BANSA: Pinatibay
o Instrumento ng pagkakaisa bilang
na ng panahon.
isang lahi.
o FILIPINO: Identidad ng mga
o Kapuwa may ugnayan ukol sa lahi
Pilipino.
at kultura na patunay bilang isang
MGA WIKA SA BANSA: Identidad

Course Module
ng bawat pangkat etniko. Pilipino.
o FILIPINO: Nabuo mula sa batas.
MGA WIKA SA BANSA: Nabuo
mula sa likas na galaw at
pangangailangan ng mga tao.

K  Pagkakaugnay
a
t wika sa bansa ay nagbibigay ambag sa pag-unlad ng wikang
o Ang iba pang
u
t pambansa ng Pilipinas.
o Ang wikang u
Filipino ang itinuturing na anak ng mga wika sa Pilipinas dahil sa
b
pagkakaisaoat pag-aambag ng mga salitang magpapaunlad at pagkabuo ng
n wikang pambansa.
g
o Mula sa makro at maykrong katangian ay mababakas ang pagka-Pilipino dahil
mula sa mgaWdayalekto patungo sa wikang pambansa ay makikita pa rin ang
i
k tatak Pilipino sa pamamagitan ng mga wikang ito.
a
Katutubong Wikang Bersyon ng Wikang Filipino

Batay sa pananaliksik ni Jessie U. Rubrico, nagkakaroon ng panibagong anyo ng


wikang Filipino dahil sa paggamit ng wika sa partikular na lugar. Naging pokus ng
mananaliksik ang kaso sa Davao na kung saan ay ipinakikita ang iba’t isang sitwasyon,
penomena o dahilan sa pagbabagong anyo ng wikang Filipino na may halong wika mula sa
Davao.

Ayon sa pananaliksik niya, ang paggamit ng Filipino ay madaling malalaman dahil sa


mga sumusunod na dahilan:

1. Itinuturo ang asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng paaralan sa buong


bansa.
2. Ito ang medium na panturo at wika ng akademya tungo sa
intelektuwalisasyon.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
17
WIKANG FILIPINO AT MGA WIKANG UMIIRAL SA PILIPINAS

3. Ito ang ginagamit na instrument sa nasyunal na tri-media at epektibong


wikang gamit para sa pagpapakalat ng impormasyon. Ilang halimbawa ang mga tabloid,
mga palabas sa telebisyon na karaniwan ay soap opera at iba pa.

Gayunpaman, ayon kay Pamela Constatntino (2009), at inihayag sa papel ni Rubrico


(2012), na ang Filipino ay ang lingua franca at pangalawang wika. Kaya kapag ginamit ng
isang Cebuano ang wikang Filipino ang halimbawang pangungusap na, Nagbasa ako ng
libro (Tag. Bumasa ako ng libro) ay hindi maiiwasan. Noon, kapag ang pangungusap ay
binigkas o isinulat nang ganoon ay maituturing na mali ngunit dahil sa batas na naglalahad
na ang wikang Filipino ay ipinauunlad sa pamamagitan ng iba’t ibang wikang umiiral sa
bansang Pilipinas, maituturing na, na ito ay katanggap-tangap at tama na.

Ayon pa rin sa pananaliksik ni Rubrico (2012) may iba’t ibang variety ng


Filipino sa Davao City. At ito ang mga sumusunod:

1. Ang Tagalog-English o ang Taglish (Bautista, 2004; Cruz, 1997)


Halimbawa ng pangungusap mula sa papel ng mananaliksik:
Let’s go na po, sa paborito nato!
(Tara na po sa paborito natin (lugar))
Ayon sa kaniya (Rubrico, 2012) may (3) siyang naobserbahan. Una, ang mga salita
sa Ingles ay hiniram nang buo. Pangalawa, ang ayos ng pangungusap ay nakalapat sa
bernakular. Pangatlo, ay ang muling paghahalo ng code.

Kung susuriin nga naman, ang code mixing o paghahalo ng code ay maaaring Ber-
Tag-Lish sapagkat sa kultura at wika ng mga Tagalog ang ‘po’ ay mas kilala. Maaari rin ang
Ber-Fil (Bernakular at Filipino) dahil sa pinaghalong code ng tatlong wika.

2. Ang Tagalog-Bisaya na pinaghalong code


Halimbawa ng pangungusap mula sa papel ng mananaliksik:
Anohin man natin yan?
(Aanhin natin iyan?)

Course Module
Ang ganitong pagbabago ay hindi na nakapagtataka sapagkat ang mga naglipanang
mga makabagong teknolohiya gayundin ang mga nagagawa ng mga kapitalista partikular sa
Pilipinas ay nagbubunga ng pagbabagong anyo ng wika lalo na sa kalagayan ng bernakular.
Kaya masasabing hindi lamang tri-media kundi pati multi-media ay nag-aambag ng
pagbabagong bihis ng bernakular na wika.

References and Supplementary Materials


Books and Journals
1. Benilda S. Santos; 2003; Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa,
Unang Sourcebook ng SANGFIL 1994-2001; University of the Philippines-Diliman;
Sanggunian sa Filipino

Online Supplementary Reading Materials

1. Ang mga subgroup sa Austronesian;


http://www.languagelinks.org/onlinepapers/wika4.html; Sept. 17, 2018
2. INDIGENIZATION OF FILIPINO: THE CASE OF THE DAVAO CITY VARIETY;
http://www.languagelinks.org/onlinepapers/Indigenization-of-Filipino.pdf; Feb. 3,
2019

Online Instructional Videos


1. Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa;
https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To ; Oct.11, 2018
2. NTG: Paggamit NG pambansang wika, kakabit nan g pagpapahalaga sa kultura;
https://www.youtube.com/watch?v=ZMqdbM8yc4s&t=82s : Oct. 11, 2018
3. Ang Pambansang wika mula sa multilingguwal na perspektibaǀ Dr. Althea Enriquez;
https://www.youtube.com/watch?v=OsucgIjtTms ; Oct. 11, 2018

You might also like