You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS

PROGRAMA NG SINING AT AGHAM


SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN

MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO

PALAGITLINGAN

Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling sa paghahati ng salita sa magkasunod na taludtod,


mayroon pang ilang sadyang gamit ito sa palabaybayang Filipino, tulad ng mga sumusunod:

a. Kapag ang salita ay inuulit.


Halimbawa:
gabi-gabi paa-paano
matamis-tamis malayung-malayo
dala-dalawa babaing-babae

Sa dalawang huling halimbawa, mapapansing ang /o/ ng malayung-malayo ay nagging /u/


nang ulitin at ang /e/ naman ay naging /i/. Ito’y isang tuntuning sinusunod mula pa nang sulatin ang
Matandang Balarila na kapag ang huling patinig ng salitang inuulit o hinuhulapian ay /o/ o kaya’y /e/,
ang /o/ ay nagiging /u/ at ang /e/ ay nagiging /i/.

Tandaan din na ang mga salitang alaala, paruparo, gunamgunam ay hindi ginitlingan sapagkat
ang ala, paro at gunan ay hindi mga salitang morpema.

b. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa


patinig.
Halimbawa:
mag-alis pang-ulo mang-una
pang-ako may-ari pang-aral

Gaya ng nabanggit na, mag-iiba ng kahulugan kung hindi lalagyan ng gitling ang mga
halimbawang salita: magalis, pangako, manguna, pangulo, mayari, pangaral. Kung minsan naman, ang
paggamit ng gitling sa ganitong pagkakataon ay nagiging opsyunal o di sapilitan, kung ang salita ay hindi
naman nag-iiba ng kahulugan, gitlingan man o hindi. Halimbawa:
pag-ibig o pagibig pag-asa o pagasa
basag-ulo o basagulo tag-ulan o tagulan

c. Kapag may katagang nawala sa sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama.


Halimbawa:
bahay na kubo = bahay-kubo
bulaklak sa parang = bulaklak-parang
kahoy sa bundok = kahoy-bundok
mingas na kugon = ningas-kugon

d. Kapag ang isang panlapi ay inilapi sa unahan ng isang ngalang pantangi.


Halimbawa:
maka-Quezon taga-Nueva Ecija
pang-Mahal na Araw mag-Aba Ginoong Maria

Ngunit pansinin na hindi ginagamit ang gitling kapag ang mga halimbawang panlapi sa itaas ay
inilalapi sa mga pangalang pambalana.
Halimbawa:
makabayan tagabukid
pangkasal magbale
Ngunit –
pang-ako nag-alis

dahil sa tuntunin b.

e. Kapag ang panlaping ma- ay iniuuna sa mga pang-uri, lalo na sa mga nagsisimula sa m at
nagbibigay ng kahulugang maging.
Halimbawa:
ma-mayaman ma-mahirap
ma-malaki ma-maliit

f. Kapag ang panlaping ika- ay inuunlapi sa mga tambilang.


Halimbawa:
ika-10 mag-iika-5
Ngunit hindi na gingamit ang gitling kapag isinatitik ang bilang:
Ikasampu mag-iikalima
Ikawalo Ikasiyam

g. Kapag isinusulat nang patitik ang yunit ng praksyon.


Halimbawa:
isang-katlo (1/3)
tatlo at dalawang-kalima (3-2/5)
tatlong-kapat (3/4)
walo at dalawang-katlo (8-2/3)

h. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal.


Halimbawa:
tawang-aso dalagang-bukid (babae)
barong-Intsik punung-kahoy

Kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal at nagkakaroon


na ng ikatlong kahulugan, isinusulat na nang walang gitling ang salita.
Halimbawa:
hampaslupa kapitbahay
hanapbuhay dalagangbukid (isda)

i. Sa kasunod ng “De”, ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping de- mula sa Espanyol na
nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o “ginawa o ginagamit sa paraang”.
Halimbawa:
de -kolor de-mano
de-kahon de-lata
j. Sa kasunod ng “Di”, na ginagamit ang gitling ang salitang pinangngungunahan ng ‘di
(pinaikling hindi) at nagkakaroon ng kahulugang idyomatiko, tila kasabihan, malimit na
kasalungat ng orihinal nito, at malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.
Halimbawa:
di-mahipo di-mahugot-hugot
di-kagandahan di-maliparang-uwak

k. Sa apelyido, ginagamit ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-asawa upang ipakita ang
orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Halimbawa:
Carmen L. Guerrero-Nakpil
Maria S. Legaspi-Aquino
Genoveva Edroza-Matute

Kapag ginagamit ang anyong ito sa lalaki, gaya sa kaso ni Graciano Lopez-Jaena, ang apelyido
pagkatapos ng gitling ang apelyido sa ina. Kung iwawasto alinsunod sa praktikang Espanyol, ang
dapat sanang anyo ng pangalan ng dakilang Propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.

l. Sa pagsaklaw ng panahon, ginagamit ng gatlang en (en dash) ang panahong sakop o saklaw ng
dalawang petsa.
Halimbawa:
1882-1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo)
23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903 (Apolinario Mabini)

Gatlang en din ang ginagamit kapag nawawala ang pangwakas na petsa ng isang panahunan,
gaya sa:
1870 – ( hindi tiyak ang petsa ng kamatayan )

Ang mas mahaba, ang gatling em (em dash), sa halip na gitling, ang dapat gamitin kapag ibinitin
ang daloy ng pangungusap at may idinadagdag na impormasyon sa loob ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Napalingon ako at nanlaki ang mata nang makita siya.

Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong pagkain, damit, higaan, malinis na


palikuran, tubig, atbp.

*********
ANG KUDLIT

Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang salitang pinag-
uugnay.
Halimbawa:
ako at ikaw = ako’t ikaw
iba at iba = iba’t iba
mayaman at mahirap = mayama’t mahirap
bayan at lunsod = baya’t lunsod

May mga salita, kung sabagay, na sa katagalan ng panahon ay maituturing nang “patay”
sapagkat hindi na ginagamit nang hindi kakabit ang dinaglat na at. Ang mga salitang ito ay hindi na
dapat kudlitan.
Halimbawa:
Subalit (subali at)
Datapwat (datapwa at)
Ngunit (nguni at)
Sapagkat (sapagka at)

Noong araw ay buhay sa ating mga ninuno ang mga salita subali, datapwa, ngunit, sapagka.
Ngunit ngayon ay iila-ilang matanda na lang ang mariringgan ng mga ito. ****

Inihanda ni:
Donna G. Delgado-Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester

Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng
GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro
para sa asignaturang ito.

MGA SANGGUNIANG AKLAT:

Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

You might also like