You are on page 1of 1

Fernando, Bea Jorelli - 1LMT August 28, 2018

Mga Wika Sa Ating Bansa: Magkakaiba Ngunit Nagkakaisa

Ayon kay Jimuel Vanal noong 2014, ang wika ay kaluluwa ng isang bansa sapagkat ito ang
nagbibigay ng identidad dito. Ito ang nag-uugnay sa mga Filipino dahil hindi lamang ito’y
ginagamit para sa pagbabagahi ng mga ideya at opinyon, ngunit ito rin ay nakakatulong upang
mapatatag ang mga relasyong pangtao, relasyong pang-ekonomiya, at pag-uugnay ng mga
kultura sa ating bansa. Ang wika ay tumatayong ugat ng karunungan nating mga Filipino.

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla kaya naman ay may sariling wika o dayalekto
ang mga ito. Ayon kay Dr. Althea Enriquez noong 2016, may sistema at baryasyon ng wika sa ating
bansa dulot ng pagkakaiba sa lugar o kaya naman ay sa grupong panlipunan. Ako ay sumasang-
ayon dito sapagkat ako ay galing sa probinsya ng Cagayan Valley. Madaming dayalekto ang
ginagamit doon tulad na lamang ng Ybanag, Itawes, at Ilokano. Ayon pa kay Dr. Enriquez, ang
wika ay sistema dahil hindi lamang sa bokabularyo nagkakaiba, kundi pati na rin sa punto at
paggamit ng mga panlapi. Sa lungsod na aking kinalakihan, may punto ang mga tao kapag sila ay
nagsasalita. Kaya naman nagulat ang aking mga kaklase sa UST sa paraan ng aking pagsasalita
nang ako’y lumipat doon para sa Senior High School. Ako ay natuwa sa kanilang mga reaksyon,
kaya naman ay tinuruan ko pa sila ng ilang mga salita na ang mga taga-Cagayan lamang ang
nakakaintindi. Bukod pa rito, ilan pa sa aking napagtanto ay may kaibahan ng paggamit ng mga
panlapi ang mga ilang mga lugar tulad ng panlaping “na”. Sa aming lalawigan, ang pangungusap
na “Nakain ka na ba?” ay ang pagtatanong kung ang mismong tao ay kinain na. Sa ibang lalawigan
naman, ang kahulugan ng pangungusap na ito ay kung kumain na ba ang isang tao. Dahil sa mga
ito, aking napagtanto na tunay ngang kakaiba ang ating wika.

Sa kabuuan, madami man ang kaibahan ng wika sa ating bansa, pinapakita lamang nito
na ang ating kultara ay mayaman. Napakahalaga rin na bigyan nating importansya ang ating
wikang pambansa, ang wikang Filipino. Bigyan natin ito ng halaga sapagkat ito ang nagsisilbing
tulay para tayong mga Filipino ay magkakaunawaan.

You might also like