You are on page 1of 2

1. Magtala ng limang pakahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang personalidad.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas.  Lahat ng wika


ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito
ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo
ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa
makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng
makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay


kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng
wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita
ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Sa pag-aaral ni Charles Darwin nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy


pamagat na “THE ORIGIN OF LANGUAGE” ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng iba’t-ibang wika.

Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng
pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga
kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa
homo sapiens o mg unang tao.

Ayon kay Hayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng


impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito
ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.

2. Magsaliksik ukol sa pinagmulan o kasaysayan ng wika.

Hindi talaga tiyak o wala talagang kasagutan sa katanungan na iyan sapagkat wala
naman nabuhay nung mga panahong iyon o di kaya wala naman daw tinatawag na
“primitive society” kaya wala talagang matukoy na takdang panahon ng pagsimula nito.
Dahil dito, napakaraming mga teorya ang nabuo. Sinasabi ng dalubhasa, na mula sa mga
society na nagdaan, nagkakaroon ng “advancement of knowledge” kaakibat na dito ang
pagkatuto ng wika dahil sa pang-araw araw na gawain. Matapos ang “the Great Flood”,
binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. Pare-pareho ang
lenggwaheng binibigkas noon. Ngunit, mayroon lider, si Nimrod na naging maramot at
nais makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Hinimok niya ang mga tao ng gumawa ng
Tore,kaya iyon, nagsimula silang magtayo ng Tore. Nang nalaman ng Diyos ito, nagalit
siya na nagiging ganid ang mga tao, kaya inuga niya ang Tore at nahulog ang mga tao.
Marami sa kanila ang nagsalita ng sariling wika at tuluyang hindi na sila
nagkaintindihan. Sa paniniwala naman ng iba unti-unting nagkakaroon ng wika dahil
kinakailangan ng ating mga ninuno na iangkop ito sa gawain nila (hunting, walang eye to
eye contact sa kausap) dahil dito mas hindi na sila dumedepende sa gestures lang.
Nagkaroon din ng wika bunga sa ng mga masisidhing damdamin, panggagaya ng mga
tunog ng kalikasan, tunog buhat ng pwersang pisikal, likas ang sinaunang tao sa ritwal,
ang kumpas o galaw ng kamay o kung anu man laging ginagawa ng tao ay ginaya ng
dila, unog na nililikha ng mga bagay sa paligid (kalikasan, mga bagay na likha ng tao),
ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang ginagad ng mga sinaunang tao na
kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

You might also like