You are on page 1of 4

Chapter 2

Rebyu ng Literatura
Klinikal na pagsasanay

Akademiko man o hindi,parte na ng isang mag-aaral ang pagkakaroon ng problema. Ang

tagumpay ng isang tao ay makikita batay sa kung paano niya aaksyunan ang isang bagay at ito ay

maaaring ihalintulad sa mga mag-aaral ng narsing.

Isang mananaliksik ang nagpahayag tungkol sa kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa mga

estudyante. Ayon kay Bjørg Dale et al. (2013), mas natututo ang mga mag-aaral depende sa

paraan ng pakikitungo sa kanila. Kapag mas magaaan ang pakiramdam nila sa iyo, mas madali

ang pakikisama nila at sa paraang iyon, mas magkaka-intindihan kayo. Sa pamamagitan nito,

mas madaling matututo ang mga mag-aaral habang nasa pagsasanay sila.

Ibinahagi naman ni K J A H Prince MD et al. (2005) sa kanyang pag-aaral ang detalye sa

opinyon ng mga mag-aaral sa kanilang kahandaan para sa klinikal na pagsasanay. Nabanggit ng

mga mag-aaral na kulang ang kanilang kaalaman para sa pagsasanay batay sa pagbabago mula

sa pre-clinical hanggang sa klinikal na pagpaplano at nagdudulot ito ng problema. Ginamitin ng

sarbey ang pagsusuri hanggang sa napansin nila na ang karamihan sa mga mag-aaral ay

nakatagpo ng disorganisasyon sa mga bagay dahil sa tambak na gawain at kakulangan ng oras sa

kanilang sarili. Kaya naman kailangan nilang simulan ang pagpapabuti upang maging handa sa

kanilang klinikal na kapaligiran. Karagdagan, ang mga relasyong ito ay nagsisilbing supporta sa

di-suportadong kultural na kaugalian.


Ang artikulong nakapatungkol kay Sarah Jane na namumuhay at nagtatrabaho bilang nars

sa Canada. Iginiit ni Sarah ang mga kahirapan na naransan niya roon. Ipinahiwatig niya ang mga

pagtuturo ng instruktor sa sektor niya na nagtatrabaho. Ayon sa kaniya, nagkamali siya sa

pagtatrabaho na humantong sa pagparusa sa kanila. Sa pangyayaring iyon idinala siya sa

matinding problema. Sa oras na iyon hindi maganda ang kundisyon niya, may karamdaman siya

na pagkabalisa at panlulumo, at dumagdag pa ang problema na nagpalubha ng kaniyang

kundisyon. Ayon kay Linda M. Moscaritolo, nag ulat ng artikulo “Interventional Techniques to

Decrease Nursing Student Anxiety in the Clinical Learning Environment” normal ang

pagkakaroon ng pagkabalisa at panlulumo sa kilinikal na kapaligiran. Paniwala niya ang pagtaas

ng anxiety maaaring makaapekto ng ginagampanan nila sa klinika, mag-uusbong sa kanila sa

kahusayan.

Ang artikulo ni Jamshidi et al.(2016) ay ipaliwanag ang pananaw ng mga magaaral ng

Shiraz Medical Science University. Ayon sa kaniya hindi nasiyahan ang mga magaaral sa mga

pang-edukasyon na pangangailangan. Ito ay nagpapahiwatig na bahagi ang karansan sa klinikal

sa nakababahalang parte ng pagiging narsong estudyante dahil sa pangangailangan nila maging

mahusay nagkakaroon sila ng anxiety. Ang salik na ibinanggit ay kadahilanan ng anxiety, mga

pagkakaiba sa pagganap, at sa kanilang posisyon na tinatahak. Itinala rin doon na ang klinikal na

pangangasiwa ay nararapat. Isa sa mga mahalang salik ang klinikal na pangangasiwa dahil sa

paraang ito magkakaroon sila ng liksi at tiwala sa gawaing itinalaga sa kanila.


Ayon sa pag-aaral ni Kalyani et al.(2019), sinabi niiya maraming salik na nakakabahala

sa mga narsong estudyante sa klinikal na kapaligiran, pamamagitan man ito ng pisikal,

emosyonal o sikolohikal. Ang mga estudyante rito ay haharap sa realidad ng propesyon at mga

peligro na makukuha sa lugar.

Ayon kay Mitzi Dimian (2017), hindi biro ang pagiging isang estudyanteng nars, gaya ng

kanyang nabanggit patungkol sa lahat ng mga gawain ng isang estudyanteng narsing mula sa

Affiliation o pagsasapi, pagsasanay sa OJT at ang tungkulin sa ospital ng mga estudyanteng

narsing. Maghain ng kahilingan bilang isang estudyanteng narsing na may iisang okasyon sa mga

resulta, rekord, programa ng pangangalaga sa nars at karanasang narsing na magaganap ng isang

linggong sunud-sunod, ay napakahirap makuha. Ilan sa mga problemang kanyang tiniis ay ang

kakulangan sa tulog at mga mapagkukunan. Ngunit sa kabila ng kahirapan, kabiguan at

kawalang-tulog, sinabi ni Mitzi na hinding hindi niya malilimutan ang pagiging isang

estudyanteng nars. Kahit na nakaranas siya ng paghihirap sa pagsasapi, sulit ito sa kanya

hangga’t makalilingkod siya sa pangangalaga ng kalusugan ng tao.

Ang layunin ng artikulong ito ay ang itaas ang iba’t ibang klaseng problema na tanging

ang estudyanteng narsing lamang ang makakaunawa. Ayon kay Kate Beckman (2016), may mga

kailanang problema, ngunit may pag-asikasong karanasan ang karamihan sa kanila; halos

mawala na ang buhay panlipunan–ang narsing ay may mahigpit na pagbabago ng iskedyul. May

ilang kapinsalaang isinaad. Hindi kakailanganin ang pagsasaulo sa pagkuha ng pagsusulit sa

paaralang narsing maliban sa kritikal na pag-iisip, sa kadahilanang karamihang tugon sa

pagsusulit ay tama, ngunit ang isa ay dapat pumili ng pinaka tamang sagot. Inilista rin ni

Beckman ang mga paghihirap na pangalanan ang bawat isang reseta ng mga gamot, na

nagpapahiwatig ng kanilang karanasan sa sarili nilang kapaligiran.

You might also like