You are on page 1of 65

KONNICHIWA

OLA, OLA
HELLO , HELLO
KUMUSTA KA
ORTOGRAPIYANG
FILIPINO
Ano ang
Ortograpiya?
Ortograpiya

- ang paraan ng pagbibigay-


simbolo sa wikang pasalita sa
paraang pasulat.

- paraan ng pagbaybay, ispeling


na ginagamit sa isang wika.
Ortograpiya

- ”orthography” sa english ay pag-aaral ng
tamang pagbabaybay o spelling ng mga
salita at pag-aaral ng mga titik sa alphabet.

- Ito ay ang representasyon ng mga tunog


ng wika na nakalimbag na mga simbolo
tulad ng alpabeto.
Katangian ng
Ortograpiyang Filipino
1. Paglingon sa kasaysayan
2. Mataas na modelo
3. Episyente
4. Pleksible
5. Madali itong gamitin
PAGBABAGONG
NAGANAP SA
ORTOGRAPIYANG
FILIPINO
Ang mga kaninunuan natin noon, bago paman
dumating ang mga Kastila ay may sarili ng panitikan,
sariling baybayin o alpabeto na kung saan ay hawig
ang Wikang Filipino.
Sa pagdating ng kastila, napalitan ang lumang
alibata ng alpabetong romano. Itinuturing ngang isa
sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga
kastila, ang romanisasyon ng ating alpabeto.
Tinuturuan ng kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng
alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag ng pa-
Kastila, alalaong bagay ng kilala sa tawag na
Abecedario.
BAGONG HIRAM NA SALITA
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga
bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, atbp.
wikang banyaga.

Hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang hiram


na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito
alinsunod sa abakada.
Halimbawa:
forma - porma
ang porma ang dapat dahil ito ay ginagamit
na nang matagal
Iba pang halimbawa
Pormal (formal)
Impormal (imformal)
Pormalismo ( formalismo)
Pormalidad (formalidad)
Depormidad (depormidad)
Pirma ( firma)
Bintana (Ventana)
Kalye (Calle)
Tseke (cheque)
Pinya (piña)
Hamon (jamon)
Eksistensya (existencia)
Sapatos (zapatos)
Di binabagong Bagong Hiram
Bagong hiram ang mga salita na hindi pa
matatagpuan sa
-Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro
Serrano-Laktaw
-Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972).
Halimbawa:
salitang Espanyol: futbol, fertil, fosil, visa,
vertebra, zigzag

salitang Ingles: fern, folder, jam, jar, level


envoy, develop, ziggurat, zip
PANGHIHIRAM GAMIT ANG 8
BAGONG TITIK
Ito ay ginagamit sa tatlong pagkakataon
1. Sa pangngalang pantangi na hiram sa banyaga
hal: Charles, Jason, Feliza, Nuñez, Vladimir,
Mexico

2. Sa mga katawagang siyentipiko at teknikal


hal: carbon dioxide, quorum, zero, zygote

3. Sa mga salita na mahirap daliang ireispel


hal: cauliflower, Flores de Mayo, jaywalking, queen,
mix, pizza, zebra
Eksperimento sa Ingles
Malaking tulong sa mga mag-aaral ang eksperimento sa
reispeling o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong
hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga.
Halimbawa:
istambay (stand by) iskul (school)
iskedyul (schedule) pulis (police)
boksing (boxing) rises (recess)
bilding (building) groseri (grocery)
anderpas (underpass) haywey (highway)
trapik (traffic) korni (corny)
gradweyt (graduate) pisbol (fishball)
masinggan ( machine gun) armalayt (armalite)
Kailan hindi pa maari ang reispeling
1. Kapag nagiging katawa-tawa ang anyo ng
Filipino
2. Kapag nagiging higit pang mahirap basahin
ang bagong anyo sa orihinal.
3. Nasisira ang kabuluhang pangkultura,
panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan
4. Higit nang popular ang anyo sa original
5. Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo
dahil may kahawig na salita sa Filipino.
Halimbawa
“kok” (coke)
“karbon day-oksayd” (carbon dioxide)
“bagets” (baguette ng mga Francis)
“ bukey” (bouquet)
“dyuti-fri” (duty-free)
“habyas korpus” (habeas corpus)
“fung soy” (feng shui)
“pitsa” (pizza)
INGAT SA “SIYOKOY”
Mag-ingat sa mga tinatawag na
salitang siyokoy ni Virgilio S. Almario,
mga salitang hindi Espanyol at hindi
rin Ingles at malimit na bunga ng
kamangmangan sa wastong anyong
Espanyol ng mga edukadong
nagnanais magtunog Espanyol ang
pananalita.
Salitang Siyokoy
“aspeto” -hindi ang Espanyol na “aspecto”
“imahe” - hindi ang wastong imahen (imagen)
“pesante” - hindi ang tumpak na paisano ng
Espanyol ni ang peasant ng Ingles
“kontemporaryo” - na hindi ang kontemporaneo
(contemporaneo) ng Espanyol
“endorso” - pagkakamali sa endorse ng Ingles at
endoso ng Espanyol
“lebél” - pag-aakalang naiiba ito sa Ingles na “level”,
“nibel” (nivel) ang salitang Espanyol nito.
“level-ap” – (level-up) mas mabuting gamitin ang
salitang antas.
GAMIT NG J
Gamit sa tunog na /dyey/
Hindi na ito gagamitin sa panghihiram mula sa Espanyol
ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapan ng
H.
Halimbawa: justo at jues – husto at huwes
Ilalapat sa mga katutubong salita na may tunog na /dyey/
Halimbawa: jalan at jantung ng Tausug
sinjal ng Ibaloy
jinjin at ijang ng Ivatan
Gamit sa bagong hiram na salita
Jet, jam, jazz, jester, jinggel, joy, enjoy ng Ingles,
 jujitsu ng Hapones.
Jataka ng Sanskrit
GAMIT NG J
Hindi sakop nito ang ibang salitang Ingles na
nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit
ng J.
Halimbawa: generator, digest, region,

Hindi naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang


Ingles na matagal nang isinusulat nang DY
Halimbawa: dyipni (jeepney),
dyanitor (janitor)
dyaket (jacket)
KASONG KAMBAL-PATINIG
Alin sa dalawa?
BUIA o BUWAYA?

Ang unang kambal-patinig na UA ay


siningitan ng malapatinig na W at naging
dalawang pantig

Ang ikalawang kambal-patinig na IA,


tinapyas ang unang patinig na I at
pinalitan ng malapatinig na Y.
ANG TANONG?
>Kailan nananatili ang kambal-patinig kahit
padulasin sa isinisingit na W o Y?
>Kailan tinatanggal ang unang patinig at
pinapalitan ng W o Y?

Kapag naganap ang kambal-patinig sa


ikalawa o iba pang pantig ng salita ang
unang patinig ay inaalis at pinapalitan ng W
o Y.
hal. Silya, tilapya, sawa, pinawa
Umiral ang paraang ito sa pagsulat ng
salitang may diptonggo mulang
Espanyol
halimbawa:

piyano,
kuwento,
diyamante,
Sa pangkalahatan
Nawawala ang unang patinig sa mga kambal-
patinig na I+(A,E,0) at U+(A,E,I) kapag
sinisingitan ng Y at W sa pagsulat. Ibig sabihin,
napapalitan ng Y ang orihinal na I at ng W ang
orihinal na U sa Diptonggo.
Halimbawa
akasYA (acacia) tenYEnte (teniente)
benepisYO (benepicio) indibidWAl
(indibidual)
agWAdor (aguador) sinigWElas
(chineguelas)
perWIsyo (prejuicio)
I at U -patinig na mahina
-naglalaho ang tunog na I at U
kapag napalitan ng tunog na Y
at W
A, E, O - patinig na malakas
KAMBAL-KATINIG AT DIGRAPONG
SK, ST, SH, KT
Maituturing na Kambal-katinig o digrapó
ang dalawang magkadikit na katinig na
pinatutunog sa loob ng isang pantig gaya ng:
SK o SC sa Ingles- desk, disc, brisk,
ST sa Ingles - test, cóntest, pest,
post, artist
KT (CT) sa Ingles - áspect, subject,
correct
PASOK ANG SK, ST
Hindi pinatutunog ang ikalawang katinig sa SK
at ST kaya “des” noon ang desk at “kontes” ang
contest
Sa ngayon pinatutunog sa Filipino ang SK at ST .
-pwede nang baybayin ang desk at
disc na desk at disk
-tinatanggap na sa Filipino ang
anyong test,kontest, pest, post, artist
WALANG KT
Hindi tinanggap ang KT (CT) dahil hindi
diumano pinatutunog ang T sa tabi ng K sa
loob ng isang pantig
halimbawa:
aspek-aspect korek-correct
sabjek-subject abstrak-abstract
adik-addict konek-connect
kontrak-contract
DIGRAPONG CH AT SH
Kambal-katinig na binibigkas ng may isang tunog.
CH- cheese, check, chopstick
SH- shooting, shampoo, shop,
workshop, ambush, brush
Subalit matagal ng tinapatan ng TS sa Tagalog
kapag nanghihiram sa Espanyol
tsis -cheese, tsek -check,
tsapistik -chopstick rits -rich,
pits -peach, pitser -picher
PALITANG E/I AT O/U
Wala namang batas hinggil sa nagaganap na
pagpapalit ng E at I at ng O at U.
penoy-Pinoy
meron-mirón
balot-balut
Mora-mura
ebun-ibon
otot (daga)-utot (kirot)
hanep-hanip
Disiplina sa pagbigkas ng E/I at O/u
Bahagi sa pagdidisiplina sa ating dila ang
tuntunin upang maibuklod ang E sa I at O sa U.
“iskandalo” sa halip na eskandalo
“istasyon” sa halip na estasyon
“istilo” sa halip na estilo
“minudo” sa halip na menudo
Hindi napalitan ng I ang E sa umpisa ng mga
salitang:
estero, estranghero, erehe, eredero
Kung didisiplinahin, mapipigil ang paabakadang
“liyon” sa halip na leon
“nigatibo” sa halip na negatibo
“kuryente” sa halip na koryente
“Kuryano” sa halip na Koreano
“dunasyon” sa halip na donasyon
“murado” sa halip ma morado
“kumpanya” sa halip na kompanya
“sumbrero” sa halip na sombrero
“pulitika” sa halip na politika
EPEKTO NG HULAPI
Nagiging I ang E at nagigig U ang O
kapag nasa dulo ng salita at sinusundan
ng hulapi

babae-kababaihan onse-onsihan
balae-balaihin kalbo-kalbuhin
bale-pabalihin paso-pasuin
takbo-takbuhin tabo-tabuin
bago-baguhin
KAILAN DI NAGPAPALIT
Taliwas sa lumalaganap na akala, hindi
awtomatiko ang pagpapalit kaya hindi
nagaganap sa ibang pagkakataon.
Hindi kailangang baguhin ang E at O
kapag sinusundan ng Pang-ugnay na na(-
ng)
babaeng masipag at hindi babaing masipag
birong masakit at hindi birung masakit
Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit
ang salitang ugat.
babaeng-babae hindi babaing-babae
ano-ano hindi anu-ano
alon-alon hindi alun-alon
taon-taon hindi taun-taon
piso-piso hindi pisu-piso
pito-pito hindi pitu-pito
palong-palungan hindi palung-palungan
patong-patong hindi patung-patong
KAPAG BAGO ANG KAHULUGAN
Nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at O sa U kapag walang
gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ng bagong
kahulugan, gaya sa “haluhalo” na iba sa “halo-halo”

Haluhalo- pagkaing pampalamig


Halo-halo-pinagsama-samang iba’t ibang bagay
Salo-salo-magkakasama at magkakasabay na kumain
Salusalo-isang piging o handaan para sa maraming tao
Bato-bato-paraan ng paglalarawan sa daan na
maraming bato
Batubato-ibon, isang uri ng ilahas na kalapati
HUWAG BAGUHIN AND DOBLENG O
Huwag baguhin ang salitang may dobleng O (oo)
kahit sinusundan ng hulapi, gaya sa noo na lagyan
man ng hulapi ay nananatiling noohin.
Huwag ding baguhin ang salitang may UO gaya ng
tuon at tuos na dapat baybaying pagtuonan at tuosin.

Noon---kanoonan pook---pook-pookin
Nood---panoorin tuod--- tuoranin
Doon---paroonan buod---buorin
Poot ---kapootan salimuot---kasalimuotan
KAILAN “NG” AT “KAILAN “NANG”
MGA GAMIT NG “NANG”
1. Ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng
noong.
HALIMBAWA:
Umaga nang barilin si Rizal.
Nang umagang iyon ay lumubha
ang sakit ni Pedro.
.
2. Ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o para.

 Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si


Rizal nang matakot ang mga Filipino.
 Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.

3. Ginagamit ang nang katumbas ng pinagsamang na at


“ng”.
Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang
mga Espanyol.
Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro
4. Ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o
sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na
panggaano).

Binaril nang nakatalikod si Rizal,


Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakit.

5. Ginagamit ang nang bilang pang-angkop ng inuulit


na salita.

Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siya


mamamatay sa puso ng mga kababayan.
Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.
INGATAN ANG PINAGDIKIT NA “NA”
AT “ANG”
Malimit mapagkamalang nang ang kontraksiyon ng na
at ng ang.
MALI: Laganap nang himagsik pagbaril
kay Rizal.
TAMA: Laganap na’ng himagsik pagbaril
kay Rizal

Dapat may kudlit (‘) upang ipahiwatig ang naganap na


kontraksiyon ng na at ng ang.
SAWIKAAN 2017: MGA
SALITANG PASOK SA TAON
ANO ANG SAWIKAAN?
Sawikaan
- isang mahalagang proyektong nagtatampok
sa pamimili ng pinakamahahalagang salita na
namayani sa diskurso ng mga Filipino sa
nakalipas na taon. 

-Isang masinsinang talakayan para piliin ang


pinakanatatanging salitang namayani sa
diskurso ng sambayanan ng nakalipas na taon
Sa Sawikaan, nagsasama-sama ang
mga guro, mananaliksik, dalubwika,
manunulat at iba pang may interes
at malasakit sa wikang Filipino
upang piliin ang Salita ng Taon.
Limang taon na itong ginaganap
sa Pulungang Claro M. Recto,
Bulwagang Rizal ng Unibersidad
ng Pilipinas sa Diliman.
Ano ang mga salitang maaaring ituring
na “Salita ng Taon?”

1) bagong imbento
2) bagong hiram mula sa katutubo o
banyagang wika
3) luma ngunit may bagong kahulugan
4) patay na salitang muling binuhay.
Sino ang maaaring lumahok sa
“Salita ng Taon?”

>Maaaring magsumite ang


sinumang interesado o makawika
ng salitang sa tingin niya ay
karapat-dapat na kilalaning Salita
ng Taon.
Mga Salitang Itinanghal na Salita ng Taon
sa taunang Kumperensiya ng Sawikaan.

Canvass (2004)
huweteng (2005)
lobat (2006)
miskol (2007)
Jejemon (2010)
wangwang (2012)
selfie (2014)
fotobam (2016)
(2004)MGA NOMINADONG SALITA:
(2005)MGA NOMINADONG SALITA:
(2006)MGA NOMINADONG SALITA:
(2007)MGA NOMINADONG SALITA:
(2010)MGA NOMINADONG SALITA:
(2012)MGA NOMINADONG SALITA:
(2014)MGA NOMINADONG SALITA:
(2016)MGA NOMINADONG SALITA:
MGA SALITANG
PASOK SA 2017
SCOOBS- “no” o hindi
POTS- okay
OOTD-outfit of the day
ATM- at the moment
SMH-shaking my head
ORB/ ORBSKI- kaibigan na
lalaki o bro
ENKA- kumain o kain
ERP- kaibigan na lalaki o
pare
PETMALU- malupit o kakaiba
LODI- idol, hinahangaan o
sikat
WERPA- power o pagpapalakas
ng loob ng isang tao
Ayon mismo sa National Artist
for Literature na si Virgilio
Almario, bahagi ang mga
salitang ito ng tinatawag na
kolokyalismo. At ang mga
salitang kolokyal, natural na
daloy o direksiyon ng lahat ng
wika sa buong mundo.
“Paraan ito ng pagpapakita ng
pagkaroon ng isang naiibang pangkat sa
loob ng lipunan. Gumagawa sila ng sarili
nilang lingo o sarili nilang paraan ng
pag-uusap na sila lamang ang
nagkakaintindihan. Lahat ng pangkat,
may ganyang damdamin, nagkakaroon
ng ganyang saloobin, lalo na yung
pangkat na nama-marginalize o sa
palagay nila ay hindi sila masyadong
napapansin,” pagpapaliwanag ni
Almario.
Ano’t ano man, ang mga salitang ito
ay patunay na ang ating wika ay buhay,
daynamiko at patuloy na nagbabago sa
paglipas ng panahon. Pormal man o
impormal, slang man o beki, ang
mahalaga ay nagagamit natin ang wika
nang tama para sa araw-araw nating
komunikasyon. --- CARLO P. ISLA /
BMS
MARAMING
MATSALA
SA PAKIKINIG

You might also like