pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Ang kontradiksyong ito ay mithiing nilandas at nilalandas ng mga tao, komunidad at bansa sa kontemporaryong panahon simula ng itakwil ng mga klasikong pilosopo ng siglo 17 ang paniniwala ng naunang panahon na ang wika ay isang biyayang nagmumula sa langit, mula sa Diyos. Pinaniwalaan ng mga kontemporaryong pantas lalo na ng mga empirisista at rasyonalista na ang wika ay inimbento at pinaunlad ng tao para maging paraan ng paglipat ng mga kaalaman. Ang pananaw na ito ay nabuo sa konteksto ng umiiral sa panahong ito na ideya ng progreso na kaugnay ng sibilisasyon na sumasangkot naman sa kultura at institusyon. Ang pagkakaiba-iba sa kultura at wika ayon kay Rousseau (1950) ay siyang panukat sa progreso ng mga tao.
Sa gitna ng mga pagkakaiba-iba sa mga wika
dahil sa pagkakaiba ng mga gawain at tungkulin ng tao sa lipunan, kinakailangan ang isang estado na mag-iisa o magbibigay ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng mga batas at mga institusyong magsasagawa ng mga ito. Itinaguyod ng Indonesia noong 1927 ang ideolohiyang Bhinneka Tunggal Ika (Pagkakaisa sa Pagkakaiba) para sa kanilang bansa kaugnay ng pagkahirang ng Bahasa Indonesia bilang pambansang wika.
Ganito rin ang naging gabay ng mga
tagapagtaguyod ng wikang pambansa sa Pilipinas sa pamamagitan ng islogang “Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika.” VARAYTI NG WIKA: Mga Teorya
Ang kalikasang pang-uri (class nature) ng mga
varayti ng wika (Robins 1967) at kaugnayan ng varayti ng wika sa katayuang panlipunan ng indibidwal ay nasa kamalayan na ng mga pilosopo ng ika-8 siglo (Calvert nasa Williams 1992). Dito nagsimula ang mga pag-aaral at pagtangkilik sa idea ng mga varayti sa wika na isa sa mga naging poikus ng pag-aaral sa larangan ng sociolingguistics mula noon. Nagbunga naman ito ng mga teorya, konsepto o ideya lalo na sa larangan ng pagtuturo ng wika (language teaching) sa pagdaan ng panahon. Pangunahin sa mga teoryang ito ang sosyolinggwistikong teorya na batay sa pamamalagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.
Sa paniwala ni Sapir (1949), ang wika ay isang
instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala ito.
Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang simbolo ng
solidaridad na mag-iisa sa mga indibidwal na tagapagsalita ng naturang wika. Para naman kay Saussure (1966), “Ang wika ay hindi kompleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito sa loob ng isang kolektibo”. Ayon pa rin sa kanya, ang wika ay binubuo ng dalawang paralel at magkaugnay na serye, ang signifier (langue) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole) na gamit ang wika sa pagsasalita. Pinakamahalaga dito ang langue, para kay Saussure, ito ay isang produktong sosyal ng may kakayahang magsalita at isang koleksiyon ng mahahalagang kumbensiyon na binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal. Kaugnay ng sosyolinggwistikong teorya, ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaiba ring lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng
komunikasyon na ginagamit ng mga indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa. Bagama’t ang mga tao ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika (tinatawag na Idyolek), mapagsasama ang mga ito sa iba’t ibang paraang linggwistiko at sosyal.
May mga taong magkakasama dahil sa isang
pinagsasaluhang wika at may mga taong magkakasama dahil magkakapareho sila ng edukasyon, trabaho, kinabibilangang partido, sosyo – ekonomikong grupo, kaanak at iba pa. Mula rito, nabubuo ang iba’t ibang anyo ng wika. Mahahati sa dalawang dimensyon ang pagkakaroon ng baryabilidad ng wika:
Heograpiko na tinatawag na diyalekto
Sosyal na tinatawag naman na sosyolek
Ang dimensyong heograpiko ang nagbubunsod sa
pagkakaroon ng linggwistikong diyalekto (Hal. American, Canadian, Australian, British, Singaporean, at Filipino English; Tagalog Rizal, Bulacan, Batangas at iba pa. Ang dimensyong sosyal naman ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga register/jargon/ sosyal na varayti (Hal. Wika ng bakla, estudyante, matatanda at kababaihan; register ng matematika, pisika, isports sa pagbabalita at iba pa.) Ang pagkakaroon ng iba’t ibang varayti/anyo/register ng wika ay nagbubunga ng ilang problema.
Hierarchy (Rousseau), may mataas/mababa, may
istandard/di-istandard. Halimbawa sa pag-aaral ni Basil Bernstein (1972) sa wikang Ingles ng mga esytudyante sa grade school sa ilang paaralan sa England. Magkaibang katangian ang wika ng mga batang mula sa upper class kaysa sa wika ng nasa lower class. Tinawag niya ang una na elaborated code (masuri, abstrakto) at ang huli na restricted code (detalyado, deskriptibo) ang pagsusuri na ito ay tinawag niyang Deficit Hypothesis. Hindi sang-ayon si William Labov (1972) sa ideya ni Bernstein, isang socio- psychologist. Itinaguyod niya bilang kontra ideya ang variability concept. Sa kanyang paniniwala, natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng iba’t ibang varayti. Accomodation Theory (Howard Giles, 1984), linguistic convergence at linguistic divergence. Ang mga ito’y mga teorya sa SLA Second Language Acquisition o pagkatuto at pag-aaral ng pangalawang wika. Nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika.
• Interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng
tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa, pakikilahok o kaya’y pagmamalaki na kabilang sa grupo (convergence) • Pag-iiba ng pananalita sa kausap para ipakita ang pagiging iba, di-pakikiisa, o kaya’y lalong paggigiit sa sariling kakayahan at identidad (divergence).
• Ang interference phenomenon at interlanguage naman
ang nakapokus sa mga wikang kasangkot. Ang impluwensiya ng unang wika sa pangalawang wika ang kapansin-pansin dito. Dito nabubuo ang Filipino English, Singlish (Singapore English), Malay English dahil sa di- maiiwasang pasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng bansang Ingles ang katutubong wika. Ang impluwensiya ay bigkas, leksikon, morpolohiya, at maging sa sintaks. • Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahonsa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito, binabago ng tagapagsalita ang gramar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbawas, at pagbabago ng mga alituntunin. Halimbawa nito ang salitang malling na ginagamit na mula sa salitang mall sa Ingles. Impluwensiyang Ingles ito sa Filipino na sa dalas na paggamit at popularidad ng salita ay nadagdagan ng gamit (nominalisasyon at berbalisasyon). Kaugnay sa Pagtuturo, Saliksik, at Kamalayan sa Wikang Pambansa
Ang pag-aaral sa varayti at baryasyon ng wika
ay isinagawa noon pang nakaraang milenyo s Europa at Amerika. Naging bahagi lang ito ng kamalayan ng mga estudyante at guro ng Filipino sa Pilipinas sa pamamagitan ng DIALECTOLOGY sa larangan ng linggwistika ngunit sa larangan ng pag-aaral ng wika ay nito lamang nabago ang konsepto ng wikang pambansa nang nabigyan ito ng pansin. PERSPEKTIBA O ASPEKTO NG WIKANG FILIPINO
SIKOLOHIKAL, sa perspektibang ito dapat
maging batayan ang palagay na may sapat na kaalaman ang estudyante o guro ng wika sa konsepto ng varayti at baryasyon ng wikang Filipino, pati ang politikal na kasaysayan ng pag-unlad nito. Sa puntong PEDAGOHIKAL, malaki ang implikasyon nito sa pagtuturo ng Filipino sa loob ng klasrum. Magagamit ito para mamulat ang mga estudyante sa papel nila sa pagdevelop ng wika. Tutulong din ito para maging interaktibo ang pag- aaral ng wika sa klasrum. Ngayo’y hindi na guro lamang ang nagbabahagi ng kaalaman sa klase. Ang bawat isa ay makakapagbahagi ng datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, sosyal, at okupasyunal na grupo o komunidad na kinabibilangan nila. Sa puntong intelektwal, masasabing isang bagong larangan ito sa mayamang balon ng mga paksa at gawaing kailangang saliksikin ng guro at estudyante sa anumang antas ng pag- aaral – mula elementarya hanggang gradwado, mula sa pag-aaral ng bigkas hanggang sa malalimang pagsusuri ng estruktura nito. DIOS MABALOS!