You are on page 1of 28

12

FILIPINO SA
PILING LARANG
(Akademik)
MODYUL 1 : Kwarter 1
Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Unang Linggo

Inihanda ni:

LAWRENCE P. MENDOZA
SHS T-II
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na ito.
Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning
Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang
hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa
patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at
tagagabay

Ang modyul na ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat na


inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Tatalakayin sa modyul na ito ang mga katuturan, layunin, kahalagahan, uri at gamit ng
pagsusulat at ng iba’t ibang katangian at uri ng akademikong sulatin. Hahasain ka sa pagsusulat ng iba’t
ibang akademikong sulatin sa pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo
ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at
interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:

Aralin 1: Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat
Aralin 3: Ang Akademikong Pagsulat

Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan at


kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang modyul na


ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang
miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-


aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok.
Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa
guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at


saguting mag-isaang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang - kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang


mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno.
Sige, simulan na natin!!!
Aralin 1: Unang Araw

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

PANIMULANG GAWAIN

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin
mo ang lahat ng aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal
na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.

A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Panonood D. Pagsulat

2. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito
taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa
tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?

A. kwento B. pananaliksik C. sulating panteknikal D. balita

3. Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng


kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin
nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.

A. Malikhain B.Teknikal C. Akademiko D. Reperensyal

4. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin
ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng
lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical
report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.

A. Malikhain B. Propesyonal C. Dyornalistik D. Teknikal

5. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula
dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang
isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.

A. Paksa B. Wika C. Layunin D. Pamamaraan ng Pagsulat

6. Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o
hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang
makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

A. Paksa B. Wika C. Layunin D. Kasanayang Pampag-iisip

7. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa


mga mambabasa.

A. Naratibo B. Ekspresibo C. Impormatibo D. Argumentatibo

8. Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito’y
maaaring obhetibo at subhetibo.
A. Argumentatibo B. Naratibo C. Ekspresibo D. Deskriptibo

9. Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadulubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal,
pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.

A. opisina B. akademiya C. librari D.entablado

10. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.

A. Obhetibo C. Maliwanag at Organisado


B. Pormal D. May Paninindigan

11. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.

A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat

12. Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa


Akademikong Filipino ”(2012) ,Ang Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental
dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

A. Cecilia Austera et.al. C. Dr. Eriberto Astorga Jr

B. Royo . D. Edwin Mabilin et al

13. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa
sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa
ito para sa pangangailangang pang-akademiko.

A. Pamanahong papel B. Tesis C. Konseptong papel D. Artikulo

14. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa
ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na
kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.

A. Posisyong Papel C. Konseptong papel


B. Tesis D. Artikulo

15. Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon
at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.

A. Obhetibo B. Estruktura C. Subhetibo D. Anyo

GAWAIN # 2: Pasulat nang Pasulat nang Pasulat si Titser

Panuto: Itala ang lahat ng pasulat na gawaing ibinigay sa inyo ng inyong guro ng/sa
Filipino mula Baitang 1 hanggang 10.

Mga
Gawaing
Pasulat
Binabati kita. Natapos mo ang una at ikalawang gawain.

O, di ba kayang-kaya mong gawin ang mga gawain…

Halika, may inihanda akong aralin para sa iyo.

Aralin 1
Katuturan, Layunin at
Kahalagahan ng Pagsulat

ALAMIN

Sa modyul na ito inaasahan na:

 Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat at akademikong


pagsulat. CS_FA11/12PB-0a-c-101
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a)
Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo.
CS_FA11/12PN-0a-c-90

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Basahin mo.

Gawain #3

Panuto: PAGSULAT: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang
katanungan na may kaugnayan sa pagsusulat.

Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito? Bakit nagustuhan mo itong sulatin?
Ano-anong kabutihang dulot sa pagsusulat? Ilahad mo ito sa kahon.
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

PANIMULA

Isa sa mga pinakamahirap hasaing kasanayan sakomunikasyon ang pagsulat. Totoong ang
pagsulatay isang komplikadong proseso na nangangailanganng sapat na panahon upang maging
mahusay dito. Hindi natin ito dapat katakutan dahil angpagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit
napagkatuto at pag-unlad ng ating pagkatao.

Para sa maraming kabataan, sapat na umano ang kanilang husay sa pagbasa at pagsasalita.
Sinasabi nilang hayaan na lamang ang pagsulat sa mga akademiko, makata, o kuwentista. Ngunit hindi
ito ang dapat isaisip. Kailangang linangin ang pagsusulat upang higit na mapalawak ang ating
kaalaman at mapaunlad ang ating kaisipan sa gitnang malalaking pagbabago sa ating mundo. Patuloy
ang ebolusyon ng teknolohiya sa komunikasyon, sumisikip-lumalawak ang mundo dahil sa
globalisasyon, tumatatag ang ugnayan ng mga bansa dahil sa nangyayaring integrasyon ng mga
ekonomiya – lahat ng ito ay nakaaapekto sa maraming aspekto ng buhay, personal man o propesyonal.
Kung nais makaungos sa tumitinding kompetisyon, isa sa mahahalagang opsiyon ang linangin ang
kakayahan sa pagsulat, partikular sa akademikong pagsulat. Tandaan, walang ipinanganak na mahusay
magsulat. Ito ay isang kasanayang nililinang.

Kasaysayan ng Pagsulat

Ang sistema sa pagsulat ay lagi nang kaakibat ng konserbatismo, ang pinagmulan nito ay
sinasabing galing sa mga “divine sources”. Ang anumang pagbabago o modifikasyon ay kakambal ng
mabigat nap ag-aatubili at maging sa ngayon ay umaani ng pagsalungat. Dahil sa konserbatismong ito,
ang mga pagbabago o inobasyon sa istruktura ng pagsulat ay nangyayari dahil nanghihiram ang isang
grupo ng tao sa iba. Isang halimbawa ang mga Akkadians, na ginamit ang bahaging silabik ng Sumerian
logo-silabik sa kanilang wika ngunit pinanatili ang logograms (nagrerepresenta ng buong salita) at
ginamit ito bilang isang uri ng shorthand. Samantala, nang ginamit ito ng Hittites mula sa Akkadians para
sa kanilang wika, inalis nila ang karamihan sa mga silabik na simbolo at marami sa mga Sumerian
logograms ngunit ginamit ng maraming Akkadian silabik ispeling bilang logograms.

Mula sap ag-aaral nng arkeyolohiya, tinatayang ang hiroglipo ng mga Ehipto ang
pinakamatandang uri ng pagsulat. Ang mga unang ebidensya nito ay sinasabing mula 3300 o 3200 BC.
Ang mga taga-Mesopotamia ay tinatayang nagsisulat din ng mmga panahong iyon, tinawag nilang
cuneiform ang Sistema ng kanilang pagsulat.

Halos sa panahon ding iyion, ang Pro-Elamite na pagsulat ay nadevelop din sa Elam. Kailangang
i-decipher ito at wala pang masabi tungkol sa kalikasan nito maliban sa mga silabik na ginamit nito, ang
logo-silabik.

Ang logo-silabik na sistemang ito ay ginamit din pagkaraan sa Aegean, Anatolia, sa Indus Valley
at Tsina. Mula sa logo-silabik na Sistema, ang silabari ay hiniram ng ibang tao upang isulat ang kanilang
wika. Ang silabari, sa kanyang kapayakan ay binubuo ng (simbolo para sa katinig at patinig) ay hiniram
ng mga Semitic (mga tao sa Palestina at Syria) mula sa Ehipto, at iniwan ang logograms at ilang may
kahirapang silabol sa Sistema ng pagsulat ng mga Ehipto sa pagitan ng huling kalahati ng pangalawang
milenyo, BC. Ang silabing ito ay halos naihanda na sapagkat sa pagsulat ng mga Ehipto ay hindi nagamit
ang mga patinig.

Ang isa pa sa pinakaunang semi-alpabetik na pagsulat ay nakita sa Proto-Sinaitis na pagsulat


noong 1500 BC. At noong 1300 BC na natagpuan sa Ugarit sa hilagang bahagi ng Syria. Samantala, mula
sa Phoenisia ay nanghiram ang Gresya na naghiwalay sa katinig at patinig hanggang sa ang buong
Sistema ng alpabetik na pagsulat ay madevelop.
SUBUKIN:

Gawain #4

Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin ang tamang sagot sa kolum B. isulat ang bilang sa
blangkong espasyo.

Kolum A Kolum B

_____ logograms 1. sa Elam


_____ divine sources 2. sistema ng panulat ng Mesopotamia
_____ Sistema ng panulat sa Ehipto 3. nagrerepresenta ng buong salita
_____ silabari 4. pagpigil sa anumang pagbabago
_____ cuneiform 5. Hiroglipo
_____ Pro-Elamite na Pagsulat 6. Phoenisia
_____ Semitic 7. tao sa Palestina at Syria
_____ semi-alpabetik na pagsulat 8. simbolo para sa katinig at patinig
_____ pinaghiram ng Gresya 9. mula sa mga banal, tila diyos, divino
_____ konserbatismo 10. Proto-Sinai

Aralin 1: Ikalawang Araw

PANIMULANG GAWAIN #5

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG: Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa

________1. Isang benepisyong makukuha sa pagsusulat ang magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng


mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

________2. Ito ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunan o sosyal kung saan ang
layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.

________3. Ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa
kanyang isipan mula sa kasanayang pagsusulat.

________4. Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa


mga akdang pampanitikang naisulat at binibigkas na bunga ng sariling pananaw ng may-akda sa
pamamgitan ng pagtatalumpati.

_______5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

Kahulugan at Kalikasan

Sa pagsulat, naipapasa ng isang tao ang kanyang ideya. Naisasakatuparan ang mga abstrak na
kaisipan sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa mga kagamitang maaaring pagsulatan. Naipipreserba ang
mga katangi-tanging mga ideya na maaaring kapupulutan ng kaalaman o aral sa buhay.

 Ayon kina Bernales, et. al. (2001), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan.

 Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay
pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat
hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat (Bernales, et. al., 2002).

 Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon kay
Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009 ) ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
 Ayon kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa
bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

 Samantala ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham sa pagsulat: Ang pagsulat
ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita, at pagbabasa.

 Ang pagsulat naman ayon kay Keller (1985, sa Bernales, et. al., 2008), ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao.
Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap agam-agam,
bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang
kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan at ang mga naaabot ng
kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang
paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa
mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at
makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat
masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-
iisip at damdamin ng makababasa nito.

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat
sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa
nagsusulat, sa mga taong nakabasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang
mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa
kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat
pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig,
pagbabasa, panonood, madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng
mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay
nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.

Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong


Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una,
ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring
magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong
sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling
kwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga
halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensya, pananaliksik, sulating panteknikal,
tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay
walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin
naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang
pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na
kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang
maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
 Mula sa panulat ni Donald H. Oranes sa Balance the Basics: Let Them Write, binanggit niya ang
kahalagahan ng pagsulat bilang instrument sa pagkatuto. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa talino dahil sa ginagawang analisis at sintesis sa mga


nakuhang informasyon;
2. Ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa personal “esteem”;
3. Ang pagsulat ay nakapanghihikayat sa pagkatuto sa maraming larangan na gumagamit ng
kakayahan sap ag-awit, sa paggamit ng sining viswal at sistemang kinestetiko;
4. Nagpapagaling ng kakayahan sa pagbasa;
5. Tumutulong sa pagiging matapang ng manunulat na iwaksi ang anumang “anonymity” o
anumang may kalabuan at ito’y kanyang tinutuklas;
6. Tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng pagkukusa sa paghahanap ng mga
informasyon; at
7. Upang makasunod sa hinihingi o kahingian ng pag-aaral.

 Para kay James Kinneavy (1971), may limang kategorya sa pagsulat na nagiging dahilan kung
bakit nagsusulat ang tao.

1. Ekspresiv – personal na pagsulat para maipahayag ang sarili;


2. Formulari – isang mataas at istandardisadong pagsulat katulad ng
kasulatan/kasunduan sa negosyo/bisnes at iba pang transaksyong legal,
political, at pang-ekonomiya.
3. Imaginativ – upang mabigyang-ekspresyon ang mapanlikhang
imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, iskrip at
iba pa;
4. Informativ – upang magbigay ng mahahalagang informasyon at
ebidensya; at
5. Persweysiv – upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil
sa mga ebidensiya, katibayang ipinahayag.

Magpatuloy ka sa pagbabasa at sagutin ang mga katanungan…

Gawain #6: Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan, layunin at


kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.

1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?


_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at hubuging lubos?
Bakit?
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?


_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang layuning personal
at panlipunan? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito? Ipaliwanag
ang iyong sagot
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang mga Gawain/Pagsasanay. Saang


gawain/pagsasanay ka nahirapan? Gawain #1____, Gawain #2 ____.
Gawain #3 ____, Gawain #4 _____, Gawain #5 ____ o Gawain #6 ____.

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay!!!

Aralin 1: Ikatlong araw

Panimulang gawain# 7:

Panuto: Sabihin ang kategorya ng mga sumusunod na sulatin:

1. Memorandum of Agreement _______________________________


2. Diary _______________________________
3. Shopping list _______________________________
4. Talumpati ng kandidato _______________________________
5. Liham pangkaibigan _______________________________

Istandard na Dapat Taglayin ng Sulatin

1. Kaisahan – kailangang umikot ang talakay sa paksang sinusulat. May sentral na ideya at ito’y
hinuhugisan at dinedevelop.

2. Koherens – maayos ang pag-uugnayan ng mga pangungusap. Napagdurugtong ang mga ideya
sa pamamagitan ng detalye. Ginamit nang wasto ang mga salitang transisyunal at hindi
tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Nakikita ang lohika ng sulatin dahil sa maayos
na pagkokonek ng mga ideya. Ipinapakita ito ng dayagram sa ibaba.

Sentral na Ideya

Tuloy-tuloy na daloy Order ng Presentasyon

Ugnayan ng Talataan Koneksyon ng mga ideya at pangungusap

3. Kalinawan – hindi maligoy ang pangungusap. Dapat ay may direksyong tinutungo ang sulatin.
Kailangang walang “litters” ang talataan. Alisin ang mga argumentong di nasusuportahan. Dapat
lang na masabi sa salitang naiintindihan ang gustong sabihin. Kailangang maging klaro/malinaw
ang pangangatwiran. Gumamit ng eksakto o tamang salita.

4. Kasapatan – may sapat na datos –detalye, halimbawa, tuwirang sabi, rason na sumusuporta sa
sinasabi.

5. Emphasis/diin – sino o ano ang ihahaylayt?

6. Kagandahan – may fluency, eloquence, at grace ang sinulat na narrating sa pamamagitan ng


lenggwahe/salitang nagamit nang wasto, piling-pili at may intelektwal appeal. Bukod pa sa
tamang paggamit ng bantas, ispeling at gramar.

Ang Gamit ng Wika

Bilang manunulat, kailangang gamitin ang wika ayon sa okasyon. Ang paggamit ng mga balbal at
mga salitang di-angkop o hindi nababagay sa formal na sanaysay at sa klasrum ay kailangang iwaksi.
Samantala, ang mga konverseysyunal ay maaaring tanggapin sa pagsulat ng liham-pangkaibigan ngunit
di para sa mga sanaysay pang-akademiko. Ang informal na lenggwahe ay gamit sa pang-araw-araw na
buhay ng tao sa kaniyang pakikipamuhay. Ang mga formal na lenggwahe ay ginagamit ng mga iskolar sa
pagsulat ng mga seryosong sulatin.

Halimbawa:

 Ayon sa Tono/Lenggwaheng Ginamit

Konverseysyunal Informal Formal


Hal. Personal na liham Hal. Sulatin sa klase Hal. Riserts
journal note (theme writing) Sayantifik na
post-it note Panayam (speech) artikulo
(mga bilin na Artikulo sa pahayagan Teknikal na report
inilalagay sa ref) Lektyur sa klase Legal na papel

 Ayon sa Uri ng Sulatin

Personal Transaksyunal Malikhain


 Shopping list  Liham-pangangalakal  Tula
 Tala  Panuto  Maikling kuwento
 Diary  Memo  Awit
 Journal  Plano  Anekdota
 Dayalog  Proposal  Biro
 Liham  Patakaran at mga  Bugtong
 Mensahe tuntunin
 Pagbati  Ulat
 Talambuhay  Advertisement

 Ayon sa Antas ng Wika

 Balbal –
karaniwang lumilitaw sa mga grupong nasa mababang
antas-karaniwang walang kapangyarihan at may kaunting
responsibilidad, ekspresyon ng mga kabataan
 Kolokyal – may isang istandard na lenggwahe ng isang komunidad.
Isang wika na nabuo dahil sa heograpikal bowndiri.
 Lingua franca – wikang ginagamit ng nakararaming grupo ng tao sa isang
partikular na lugar/komunidad.
 Pambansa – wikang Filipino
 Malalim, Edukador, Pampanitikan – mataas na antas ng wika

 Ayon sa Pagkakagamit ng Wika

Krudo vs. Makinis/iskolarli


Bastos vs. Magalang
Mababaw vs. Malalim
Retorikal vs. Simple

 Ayon sa Istilo

Intimeyt – sa pagitan ng mag-asawa, o magkasintahan


Kaswal – sa pagitan ng mga grupong nagkakaintindihan, magkaibigan, o
magkakasama sa trabaho
Formal – sa mga panayam, talakayan, lektyur, p broadcasting
Prosen – sa mga akdang panliteratura at mga limbagan
Konsoltatib – sa mga pinagsama-samang kaalamang ginagamit sa lahat ng uri ng
kalakalan o transaksyon.
PAGSASANAY

GAWAIN #8: Panuto: Hanapin ang katumbas na kahulugan ng mga sumusunod na salita.
Isulat ang titik ng piniling sagot sa blangkong espasyo sa kaliwa.

Kolum A Kolum B

______ 1. Kaisahan A. mga literature at nakalimbag


______ 2. Koherens B. may “grace”
______ 3. Kalinawan C. gamit sa pakikipag-usap
______ 4. Kasapatan D. edukado, pampanitikan
______ 5. Emphasis/Diin E. lenggwahe’y di-rigid, pang-araw-araw na lenggwahe, gamit sa
loob ng paaralan at tahanan
______ 6. Kagandahan F. mga pangatnig na gamit sa pagkokonek at pag-uugnay ng
diwa
ng sulatin
______ 7. Konverseysyunal G. nag-uugnay –ugnay ng mga pangungusap at talataan
______ 8. Informal H. country talk sa Ingles; partikular sa mga lalawigan, rehiyon
______ 9. Formal I. isa ang paksa
______ 10. Balbal J. di makinis
______ 11. Kolokyal K. diretso at di maligoy
______ 12. Prosen L. lenggwaheng gamit sa mga tesis, disertasyon, riserts
______ 13. Malalim M. salitang kalye/lansangan
______ 14. Konektivs N. di-kulang ang mga detalye
______ 15. Krudo O. binibigyang-diin sa sulatin

Lodi! Natutukoy mo na ang Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat maaari mo


nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

 Anong mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman o natutunan?


 Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa. Lagyan ng tsek ang nasabing
pagpipilian.

____ Lubos na naunawaan ____ Naunawaan ____ Naguluhan

Aralin 1: Ikaapat na Araw

Simulan mo na ang iba’t ibang Gawain.

Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba.

Handa ka na ba?

PAGSASANAY #1

Panuto: Sabihin ang kategorya ng mga sumusunod na sulatin:

1. Tula ___________________________
2. Talumpati ng kandidato ___________________________
3. Panunumpa sa Katungkulan ___________________________
4. Subpoena ___________________________
5. Memorandum of Agreement ___________________________
6. Diary ___________________________
7. Shopping list ___________________________
8. Talumpati ng kandidato ___________________________
9. Liham pangkaibigan ___________________________
10. State of the Nation Address (SONA) ___________________________
11. Business Contact ___________________________
12. Mensahe ___________________________
13. Iskrip pampelikula ___________________________
14. Tesis o disertasyon ___________________________
15. Ulat pamanahon ___________________________

PAGSASANAY #2

Panuto: PAGHAHAMBING SA LAYUNIN NG PAGSULAT: Suriin ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng layunin ng pagsulat (Personal at Sosyal ) ayon kay Mabilin (2012) sa
pamamagitan ng venn diagram.

Pagkakatulad
PERSONAL SOSYAL
P
(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)

Kumusta ang unang pagsasanay? _____ Madali ba? o ____ Mahirap?

Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay? Kung sa tingin


mo ay Oo maaari mo nang gawin ang pagsasanay 3, pero kung hindi
maaari mo ring balikan at pag-aralang muli ang aralin, pagkatapos
magpatuloy na sa pagsasanay 3.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

PAGSASANAY #3

Panuto: PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag


tungkol sa pagsulat, sa nakalaang linya ay magbigay ng maikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.

_________1. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), Ang Pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_________ 2. Ito ang kahalagahan o benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat na mahuhubog ang
katawan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

________3. Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa
mga taong nakabasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan.

Paliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang mga


Gawain/Pagsasanay. Saang gawain/pagsasanay ka nahirapan?
Pagsasanay #1____, #2 ____ o #3 _____

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay!!!

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin.


Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito
na kailangan mong sagutin.

PANAPOS NA PAGSUBOK

Panuto. PAGBUO NG ISLOGAN: Bumuo ng islogan na nakapagpapahayag ng paraan sa pagiging


responsible.

Ang islogang “Think Before You Click “ ng isang kilalang estasyon ng telebisyon sa Pilipinas ay
nagsusulong sa responsableng pamamahayag partikular sa Facebook, Twitter, o iba pang social media.
Nagbibigay ito ng babala na anuman ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa
at magagamit na matibay na ebidensya laban sa iyo.

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral


ngayon ng Akademikong Pagsulat ay
magbigay ka ng mga paraang magpapaalaala lalo
na sa kapwa mo mag- aaral kung paano magiging
responsable at makapagbibigay ng
inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-pino-post
sa ating mga social media account .

RUBRICS SA PAGGAWA NG ISLOGAN

10 7 4 1
Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
Nilalaman mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di-maganda at
napakalinaw ng malinaw ang di-gaanong Malabo ang
Pagkamalikhain pagkakasulat ng pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik
May malaking Di-gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan ang kaugnayan ang kaugnayan ng kaugnayan sa
Kaugnayan paksa sa islogan paksa sa islogan paksa sa islogan paksa ang islogan
Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
Kalinisan ang pagkakabuo pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo

Yehey!!!

Nalagpasan mo ang lahat ng pagsubok.

Binabati kita…..
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Nag-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang gawain.
Tara magtulungan tayo!

KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: PAGTATALATA: Bumuo ng talata tungkol sa larawan. Ang mga pangungusap ay maaaring
nagtatanong, nagbibigay opinyon, naglalahad o nagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga. Bigyan ng
pamagat ang larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat o
pagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at pagkamapanuri.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-


saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay
at gawain.

Ang Lupet Mo!!!

SANGGUNIAN

Aklat:

Abrazado, Sheena Mae L., et. al., ORGULYO Sanayang Aklat sa Filipino SHS (Batay sa MELC’s 2020)
Austero, Cecilia, et. al., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, UNLAD Publishing House. 2012
Bernales, Rolando A., et. al., Pagbasa at Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik (Batayan at Sanayang
Aklat sa Filipino 2). Mutya Publishing House, 2012
Constantino, Pamela C., et. al. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Book Store Inc., 2016
Evasco, Eugene, et. al., FILIPINO Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan (AKademik) Batayang Aklat sa
Filipino SHS, C & E Publishing Inc., 2017

DepEd Learning Resource Materials

Self-Learning Modules Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) (Region X)


12
FILIPINO SA
PILING LARANG
(Akademik)
MODYUL 1 : Kwarter 1
Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat
Ikalawang Linggo

Inihanda ni:

LAWRENCE P. MENDOZA
SHS T-II
ARALIN 2
GAMIT AT URI NG PAGSULAT

ALAMIN

Sa modyul na ito inaasahan na:

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng


kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

Aralin 2: Unang Araw

PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: PAGTUKOY SA GAMIT AT URI NG PAGSULAT: Tukuyin ang gamit at uri ng pagsulat sa
mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

A. Wika D. Pamamaraan ng Pagsulat

B. Paksa E. Kasanayang Pampag-iisip

C. Layunin F. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

G. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin


______1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang
matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito
ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.

______2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos ,
organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o komposisyon hanggang
sa wakas nito.

______3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga
ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay
napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.

_______4. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga
datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang
isusulat.

_______ 5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga


kaalaman, kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat.
B. Uri ng Pagsulat

A. Malikhain D. Dyornalistik
B. Teknikal E. Referensyal
C. Propesyunal F. Akademiko

_______ 6. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong
ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.

_______ 7. Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at


isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay,
gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.

_______ 8. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

_______ 9. Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na
kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan.

______10. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o


impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.

Binabati kita. Natapos mo ang unang gawain.

O, di ba kayang-kaya mong gawin ang mga gawain…

Halika, may inihanda akong aralin para sa iyo.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

TUKLASIN:

MGA GAMIT AT PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng
isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang
sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa
pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

Wika - Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika
ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang
wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
Paksa - Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula
dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat
upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
Layunin - Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Pamaraan ng Pagsulat - May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng
manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
 Paraang Impormatibo - Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon
o kabatiran sa mga mambabasa.
 Paraang Ekspresibo - Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang
sariling karanasan o pag-aaral.

 Pamaraang Naratibo - Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga


pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

 Pamaraang Deskriptibo - Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian,


anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan,
naranasan at nasaksihan. Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.

 Pamaraang Argumentatibo - Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.


Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Kasanayang Pampag-iisip - Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang
mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating
ilalahad.
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat - Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at
maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong
paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin - Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga
kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

Uri ng Pagsulat

Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang
pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o
larangan. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao
upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay
ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study, manwal, Proyekto sa pag-aayos ng
kompyuter, at iba pa.
Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba
ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang
naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang
makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.
Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad
ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag,
journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga
balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan, magasin,
o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.
Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al.
Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento, dula, tula,
malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye kalyeserye, musika ,pelikula at iba
pa.
Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa
guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng
medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
SURIIN

Gawain# 2:

Panuto: PAGKILALA SA AKDA AT URI NG PAGSULAT: Basahing mabuti ang inilalahad na akda at
sagutin ang mga katanungan ukol dito.
Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na tumutulong sa mga nais
magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong ito ay hindi na kumukuha ng mga
ekspertong susuwelduhan. Pinarangalan ang website na ito ng Time Magazine bilang “One of the Top 50
Sites in the World”. Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba’t ibang bagay na
matututuhan nila sa site na ito, ay mayroon din itong mga forum na nagbibigay-daan upang makipag-
ugnayan ang mga bumibisita sa web site sa kapwa nila nagnanais ding gamitin ang website upang
matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng pagkakataong humingi
ng payo sa mga eksperto.
Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na makakuha
ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa kasalukuyan, ang DoItYourself site ay binibisita
bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t ibang bansa. Dito nakapupulot sila ng mga prosidyur
kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa pagkukumpuni. Pinadadali nito ang
kanilang buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ng mga paraan
kung paano gawin ang isang bagay.

Sagutin ang mga katanungan

1. Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang iyong nabasa? Bakit?


_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2. Ano ang DoItYourself.com at ang layunin nito?


_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Ano-anong kabutihang dulot ang nakukuha ng website na


DoItYourself.com?
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4. Nasusunod ba ang pangangailangang “kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat at


kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin” sa binasang akda ? Patunayan.
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

5. Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagsulat nito sa isang
buong pangungusap
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Aralin 2: Ikalawang Araw

SUBUKIN! Panimulang gawain

GAWAIN #3: Panuto: Sumulat ng maikling talatang may layuning


mapanghikayat. Pagkatapos sumulat sagutin ang mga tanong sa ibaba.

a. Bakit at paano mo napili ang paksa?


b. Ano ang iyong layunin?
c. Ano ang iyong ginamit na prewriting technique?
d. Paano mo inilahad ang nilalaman?

TUKLASIN:

Paano Mapaghuhusay ang Kakayahan sa Pagsulat?

1. Maging konsistent sa…

 Panahunan
 Gamit ng panghalip
 Paralelismo
 Agriment ng pangngalan
 Referenz sa panghalip
 Agriment ng sabjek at predikeyt

2. Ipahayag ang mga ideya sa paraang lohikal…

 Koordinasyon at subordinasyon ng pangungusap


 Komparisong lohikal
 Modifikasyon at paghahanay ng salita

3. Maging malinaw at precise

 Iwasan ang malabong paggamit ng panghalip


 Diksyon
 Huwag gumamit ng maraming salita
 Paggamit ng tamang modifier

4. Sumunod sa mga kombensyon

Paglalagay ng mga panghalip


Idyoma
Paghahalintulad ng mga modifikasyon
Iwasan ang paggamit ng labis na fragments (pangungusap)
Tingnan kung may dobleng negative

Proseso/Hakbang ng Pagsulat

 Bago sumulat. Mga katanungang sumasagi sa ating isipan: Paano ko sisimulan? Saan ako mag-
uumpisa? Karaniwang mahirap ang pagsisimula sa pagsulat. Sa bahaging ito ay may limang
teknik na maaaring makatulong sa pagdebelop nng tekstong ekspositori (Langan, 2010).:

 Malayang Pagsulat (freewriting). Ito’y pagsusulat ng mga panngungusap o parirala sa


papel nang tuloy-tuloy hanggang makabuo ka ng burador. Sa pamamagitan nito’y
maaaring pagmulan ito ng magandang paksang pwede mong idevelop.
 Pagtatanong (Questioning). Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan
ng mga ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. Katulad ng mga
katanungang nag-uumpisa sa Sino? Ano?, Saan?, Kailan?, Bakit? At Paano? Ito’y isang
epektibong paraan upang matulungan ang iyong sarili na makapag-isip ng mga posibleng
paksa sa iba’t ibang anggulo.

 Paglilista (Listing). Sa paglilista (maaari rin itong tawaging brainstorming), kinokonekta


moa ng mga ideya at detalye na may kaugnayan sa paksang susulatin mula sa nabuong
burador.

 Pagkaklaster (Clustering). Ang pagkaklaster o diagramming ang isa sa mga pamamaraan


na maaaring pagmulan ng magandang material para sa teksto.

 Pagbabalangkas (Preparing an outline). Sa pamamagitan ng balangkas ay maaaring


tayain ang sariling gawa, kung mayroon pa bang kakulangan ang bubuuing teksto. Kung
hindi makabubuo ng isang kongkretong balangkas, maaaring balikan ang ibang teknik sa
yugtong ito.

Sina Pharr at Buscemi (2005) ay mayroong tatlong paraan nito:

a. Impormal na balangkas. Halos katulad ito ng pormal na balangkas pero hindi


kailangang mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya
at detalye. Ito’y gamitin lamang sa pagpaplano ng susulatin.
b. Balangkas na pangungusap. Mas develop ito kumpara sa impormal na balangkas.
Hindi lamang paksa ang maaaring ipasok sa bawat talata kundi maginng ang mga
paksang pangungusap at mga pangunahing detalye nito na ninanais gamitin.
c. Pormal na balangkas. Ang balangkas na ito ay hindi ginagamit sa pagpaplano ng
pagbubuo ng teksto.

 Habang Sumusulat. Ang hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod na bahagi. Pagkatapos
ng mga paghahanda bago sumulat, dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat. May
mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na bubuuing teksto:

 Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulant sa paksang pangungusap ang iyong


unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang
talata.

 Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan. Nararapat na


maipresenta ang mga tiyak na detalye – tulad halimbawa ng pangangatwiran, ebidensya
at mga halimbawa sa iyong teksto upang maging kapani-paniwala at makahikayat ng
mga mambabasa.

 Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan ang


pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang hindi
maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.

 Isulat nang malinaw o error free ang pangungusap. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang
mga tamang estruktura ng gramatika o maging simpleng mga paggamit ng bantas.
Hangga’t maaari’y error-free ang kabuuan ng ating teksto.

 Pagkatapos Sumulat. Sa yugtong ito’y kinakailangan ang tiyaga. Possible kasing mangyari ang
pagkakontento pagkatapos ng pinaghirapang pagsulat. Hangga’t maaari iwasan ang ganitong
pakiramdam upang matamo ang isang epektibong teksto. Narito ang ilang dapat isaalang-alang
sa pagrerebisa:

Kaisahan – kailangang umikot ang talakay sa paksang sinusulat. May sentral na ideya at
ito’y hinuhugisan at dinedevelop.

Koherens – maayos ang pag-uugnayan ng mga pangungusap. Napagdurugtong ang


mga ideya sa pamamagitan ng detalye. Ginamit nang wasto ang mga salitang
transisyunal at hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Nakikita ang
lohika ng sulatin dahil sa maayos na pagkokonek ng mga ideya. Ipinapakita ito ng
dayagram sa ibaba.

Kalinawan – hindi maligoy ang pangungusap. Dapat ay may direksyong tinutungo ang
sulatin. Kailangang walang “litters” ang talataan. Alisin ang mga argumentong di
nasusuportahan. Dapat lang na masabi sa salitang naiintindihan ang gustong sabihin.
Kailangang maging klaro/malinaw ang pangangatwiran. Gumamit ng eksakto o tamang
salita.

Kasapatan – may sapat na datos –detalye, halimbawa, tuwirang sabi, rason na


sumusuporta sa sinasabi.

Emphasis/diin – sino o ano ang ihahaylayt?

Magpatuloy ka sa pagbabasa at sagutin ang mga katanungan…

Gawain #4:

Panuto: Kumpletuhin ang mga sentence fragments upang mas maging efektiv ang
pangungusap.

1. Narito siya ________________________________________________________


2. Ayaw mag-isip ng mag-aaral __________________________________________
3. Nag-iiyak sa tuwa ___________________________________________________
4. Maagang umalis ____________________________________________________
5. Yari na ____________________________________________________________
6. Nakapasiya siya ____________________________________________________
7. Walang kaabog-abog ________________________________________________
8. Nagsalita na siya ____________________________________________________
9. Nanginginig sa galit _________________________________________________
10. Umayaw na siya ____________________________________________________

Binabati kita. Magaling natapos mo ang gawain.

Ipagpatuloy mo ang pagbabasa… at sagutin ang gawain#5

Aralin 2: Ikatlong Araw:

Gawain #5:

Panuto: Isulat kung sa Panimulang Pagsulat (1); pagsulat o drafting (2); pagrerebisa (3);
pag-eedit o pagwawasto (4) nabibilang ang mga istratehiyang sumusunod: Isulat ang
numero lamang.

____ 1. Klastering ____ 6. Brainstorming

____ 2. Jornal entri ____ 7. Pagsinop ng pros at cons

____ 3. Pagtatanong ____ 8. Story mapping

____ 4. Pagkuha ng mahahalagang ideya ____ 9. Paglikha ng balangkas

____ 5. Pagwawasto ng bantas ____ 10. Paghahanap ng paksa


TUKLASIN: Pagpapalalim ng Talakay

Paghahanda sa Pagsulat

Nalilinang sa bahaging ito, bago magsulat ang kasanayang psychomotor upang maihanda ang mga
mag-aaral sa pagsulat na isang gawaing pisikal.

Kailangang taglayin ang mga sumusunod:

1. Sapat na kaalaman sa wikang Filipino upang

 Maunawaan ang anumang susulatin o kokopyahin


 Makapili ng mga angkop na salita na gagamitin sa pagsulat

2. Hilig at interes sa pagsulat


3. Makilala ang kabuluhan ng limbag na salita na iba kaysa mga larawan
4. Makilala ang iba’t ibang hugis nng letra at ang pagkakaiba ng mga titik (para sa
nagsisimulang magsulat). Ito’y mahalaga sa ispeling ng mga salita.
5. Makilala ang mga mekaniks at kombensyong

 mahalaga sa pagsulat:
 format ng sulatin
 pagbabaybay
 pagbabantas
 pagtatalataan

 kaalaman sa wika tulad ng:


 balarila
 talasalitaan
 pagbuo ng pangungusap

 kaalaman sa pag-oorganisa/pagdedevelop:
 pagpili ng paksa
 paggawa ng draft o balangkas
 pagpili ng “genreng” isusulat
 pagpili ng diskors sa pagpapahayag

Mga Hakbang sa Pagsulat

Unang hakbang: Ginagawa upang …


Panimulang Pagsulat  Upang madetermina ang lawak/sakop ng
 Journalizing isusulat
 Brainstorming  Upang makuha ang damdamin ng
 Klastering manunulat sa paksang isusulat
 Story plotting o story mapping  Upang makapagjenereyt ng mga ideya
 Upang makilala ang “focus” ng susulatin
Ikalawang hakbang  Upang madevelop ang “focus”
 Drafting  Upang simulant ang estruktura
 Pagsulat (introduksyon, katawan, kongklusyon) ng
 Rebuy ng tagabasa mga ideyang ipapahayag sa awdyens
 Upang makapili ng format
 Upang maipakita sa iba at makapagbigay
ng input
Ikatlong hakbang
Pagrerebisa  Upang makagawa ng panibagong “draft”
 Muling pagsulat  Upang magawang makinis ang estruktura
 Pag-aases ng sinulat  Upang magawa ang kaisahan ng
 Pagtaya sa sinulat development ng mga talataan
 Upang maging objektiv sa pagwawasto
ng sariling sulatin
 Upang makilala ang kalakalasan at
kahinaan nang sinulat
Ikaapat na hakbang  Upang makafokus sa varayti, kabuuan, at
 Editing o pagwawasto kahulugan ng pangungusap, matsek ang
ispeling, bantas at gramar

Aktwal na Pagsulat

Hindi lang basta nagsusulat ang tao. Dapat ay may mahalagang dahilan kung bakit siya magsusulat.
Sa loob ng klasrum, lumilikha ng sitwasyon o pagkakataon ang guro upang bigyan ng daana ng pagsulat.
Kailangang maisagawa ang mga sumusunod:

 Pagbuo ng balangkas – ang balangkas ang iskeleton ng sulatin. Binubuo ito ayon sa planong
isasagawa sa pagsulat. Maaari rin naming magbago ang planong ito habang nagsusulat lalo na
kung may mahahalagang naisip na kailangang isama sa sulatin na sa unang pagbuo ng
balangkas ay nakaligtaan.
 Mahusay na panimula at wakas – tiyaking nakagaganyak ang panimulang pangungusap upang
ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang pagbasa hanggang sa huling yugto ng sulatin. Ang
wakas ay kailangang kasinghusay rin ng simula upang ito ay kalugdan. Magiging batayan ito ng
pagiging magaling na manunulat.
 Pagbuo ng gitnang talataan – ang mga bagay, kaisipan, ideyang ipinahahayag sa gitnang bahagi
ay kailangang tumulong upang ang tesis isteytment (asersyon, paniniwala, paninindigan/tayo ng
awtor) sa paksa ay mabibigyang – hugis, mahikayat at papaniwalain ang tagabasa sa kanyang
sinasabi.

Gawain #6:

Panuto: Gumawa ng journal entri. Punan ng mga ideya ang kahon. Bawat kahon ay nilagyan
ng paksa. Magbigay ng sariling ideya.

Sigarilyo Cellphone Shopping mall Tinedger

Lodi! Natutukoy mo na ang Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat maaari mo


nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

 Anong mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman o natutunan?


 Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa. Lagyan ng tsek ang nasabing
pagpipilian.

____ Lubos na naunawaan ____ Naunawaan ____ Naguluhan

Aralin 2: Ikaapat na Araw

Simulan mo na ang iba’t ibang Gawain.

Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba.

Handa ka na ba?
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito
na kailangan mong sagutin.

PANAPOS NA PAGSUBOK

Pagyamanin

A. Panuto: PAGSUSUSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang panuto sa bawat bilang.


Sundin ang bawat isa upang makasulat ng mga halimbawang pamamaraan ng
pagsulat ayon sa layunin.

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin mong mas
mabisa ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len na nagsasaad ng
nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa isang papel.

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan.
Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang ginawa na nagpapakita ng labis
na pagtatampo.

3. Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig. May mahal
palang iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita
sa paglalarawan sa damdamin o emosyon ni Bea.

Tayahin

B. Panuto: PAGKILALA SA PAMAMARAAN NG PAGSULAT; Suriin ang pahayag at kilalanin


ang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin. Isulat ang sagot sa patlang. (5 puntos
bawat sagot.)

______________________________ 1. Ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na


nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at
mga ilog ay sumasamba sa mga puno ng Balite.Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon
ay tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.

_________________________ 2. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya


pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na bilog ang kanyang katawan.
Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-
mantika niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.
Kung maglakad siya’y parang nakawalang bulog. Sumenyas siya. Pinapupunta kami sa loob ng kanyang
kural, este opisina.”

__________________________ 3. Paraan ng Pagluluto ng Bola-bola: Batihing mabuti ang isang itlog


at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang
harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy
hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa
rin dito ang sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa
maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng
limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.
Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Sumulat ka ng isang tekstong impormatibo batay sa
larawan. Sundin ang wastong pamantayan ng pagsulat nito. Salungguhitan ang
pangunahing ideya o paksang pangungusap, Isulat ito sa bondpaper.

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG TEKSTO

KRAYTIRYA Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Umuunlad


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman- May higit na May kaalaman sa May kaunting Hindi angkop ang
kaangkupan kaalaman sa paksa at paksa at angkop ang kaalaman at di- teksto sa pamagat
ng paksa angkop ang teksto sa teksto sa pamagat gaanong angkop ang
pamagat taksto sa pamagat
Gamit ng Wasto lahat ang Nakapagsulat ng Nakapagsulat ng Nakapagsulat ng
Gramatika at pagkakabaybay at teksto ngunit may isa teksto ngunit may teksto ngunit
Bantas- pagbabantas ng mga hanggang limang anim may labing isa o
Pagkabaybay salita sa mali hanggang sampung higit pang
Pagbabantas pangungusap. sa pagkakabaybay o mali sa mali sa
pagbabantas ng mga pagkakabaybay pagkakabaybay o
salita sa o pagbabantas ng mga pagbabantas ng
pangungusap salita sa pangungusap mga salita sa
pangungusap.
Organisasyon Maganda at tama Tama ang May kaunting kamalian Hindi organisado
ng Ideya lahat ang pagkakasunod-sunod sa pagkakasunod- ang mga ideyang
Panimula pagkakasunod- ng ideya may sunod ideya naisulat.
Katawan sunod ng ideya, may panimula, katawan at
Konklusyon panimula, katawan at konklusyon.
konklusyon.

Yehey!!!

Nalagpasan mo ang lahat ng pagsubok.

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Nag-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t


ibang anyo ng sulating akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

Panuto: PANIMULANG PANANALIKSIK: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng


kahulugan at katangian ng uri ng akademikong sulatin na Abstrak, Sinopsis, Bionote sa tulong ng graphic
organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-


saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay
at gawain.

Ang Lupet Mo!!!

SANGGUNIAN

Aklat:

Abrazado, Sheena Mae L., et. al., ORGULYO Sanayang Aklat sa Filipino SHS (Batay sa MELC’s 2020)
Austero, Cecilia, et. al., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, UNLAD Publishing House. 2012
Bernales, Rolando A., et. al., Pagbasa at Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik (Batayan at Sanayang
Aklat sa Filipino 2). Mutya Publishing House, 2012
Constantino, Pamela C., et. al. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Book Store Inc., 2016
Evasco, Eugene, et. al., FILIPINO Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan (AKademik) Batayang Aklat sa
Filipino SHS, C & E Publishing Inc., 2017

DepEd Learning Resource Materials

Self-Learning Modules Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) (Region X)

You might also like