You are on page 1of 4

Pangalan Ryan Kolbe Somostrada

Taon/Seksyon: 12-Lovelace
PAMAGAT NG PAKSA: FILIPINO 12

KUWARTER 1 – MODYUL 1
Panimulang Pagtataya
1. D 2.A 3. C 4. B 5.A 6. D 7.C 8.D 9.B 10.A
11. D 12. D 13.A 14.B 15.C

SUBUKIN
1. TAMA 2. MALI 3. MALI 4. TAMA 5. TAMA

BALIKAN
Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito? Bakit nagustuhan mo ito
sulatin? Ano-anong kabutihang dulot sa pagsusulat? Ilahad mo sa kahon.
Nagsulat ako ng isang kwento noong nakaraang buwan lamang. Nagsulat ako ng
kwentong ito kasi may isang paligsahan sa pagsulat ng mga kwento sa isang website
na nangangalang scribblehub.com. Kasali rin kasi ang aking kapatid sa paligsahan na
iyon kaya naisipan ko rin na sumali ngunit hindi ko tinuloy dahil marami nagkaroon ako
ng trabaho sa pagdidisenyo. Ngunit, hindi naman nasasayang ang aking panahon sa
pagsusulat dahil may kabutihang itong naidulot sa akin. Nang dahil sa pagsulat ng
kwentong iyon ay napatalas nito ang aking pagkakamalikhain at nabawasan rin ang
aking pagkainip.

Suriin
1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?
Ang pagsusulat ay isang aksyon na gumagamit ng pisikal at mental na
kapasidad ng tao sa pamamagitan ng wika, pluma at papel. Ang aksyong ito ay
ginagamit upang maiulat ang gustong maipahayag ng tao gaya ng mga impormasyon,
damdamin at iba pa.
2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at
hubuging lubos? Bakit?
Ang kailangan nating linangin at hubugin ng lubos sa makrong kasanayang
pangwika ay ang ating talento sa pagsulat at pagiging masanay nito. Ito’y dahil kapag
mas masanay tayo sa pagsulat at magkaroon tayo nito ay mas madali tayong
makapagsulat ng ating gusto at mas maintindihan nila ang ating sinusulat. Kapag mas
magaling tayo magsulat, mas marami ang hindi malilito sa mga isinusulat mo. Ang
pagsusulatdin masusukat ang kahandaan ng mga mag-aaral at kagalingan sa iba’t
ibang disiplina.

3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?


Maraming mga bagay dapat taglayin sa isang akdang susulatin. Ang
pinakaunang dpat taglayin nito ay ang mensahe ng akda. Kailangan na maibatid ng
taong sumulat ang kaniyang mga paniniwala, kaalaman, at mga karanasan.
Napakahalaga na taglay rin ng isang akda ang katangiang mapanghikayat upang
mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Kinailangan ito upang
makapagdulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip at damdamin ng
makababasa nito.
4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang layuning
personal at panlipunan? Bakit?
Maaaring magkasamang maisagawa ang layuning personal at panlipunan sa
isang talumpati. Ito’y dahil ang talumpati ay karaniwa’y nagpopokus sa mga isyung
panlipunan at kinailangan nito ang mga iba’t ibang datos para suportahin ito kaya
panlipunan siya at mayroon rin itong mga opinyon at damdamin ng manunulat kaya ito
ay personal rin.
5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Naniniwala ako na dapat kong kunin ang lahat ng kurso sa asignaturang ito dahil
hindi man lahat ng ating kurso ay may koneksyon sa ating wikang Pambansa ngunit ito
pa rin ay kinailangan upang mapalawak ang ating kaalaman sa ating sarili.
Makakatulong rin ito upang mas maging mainam ang komunikasyon sa lahat ng Pilipino
at sa paraang iyon ay lalong uunlad ang ating bansang Pilipinas.
PAGYAMANIN
1. F 2. E 3. C 4. G 5. A
6. H 7. I 8. D 9. B 10.J
ISAISIP

ISAGAWA
TAYAHIN
1. TAMA – Ito ay tama dahil ang bago magsulat ang isang may-akda ay nag-iisip talaga
sila muna kung ano ang gusto nila ipahayag bago nila isulat. Iyon ay ang mental na
aspekto ng pagsusulat habang ang aksyon ng pagsusulat gamit ng isang pluma ay ang
pisikal na aspekto nito.
2. MALI – Ang katawan ng mag-aaral ang hindi mahuhubog sa pagsusulat kundi ang
pag iisip. Mas lalong gumaganda ang pagkakamalikhain at imahenasyon ng isang
tagasulat lalo na kapag palagi nila itong ginagawa.
3. TAMA – Ito ay totoong totoo dahil nakapagpatalas talaga ng isipan ang pagsusulat sa
mga taga akda at tsaka ang impormasyong o opinyon na naibahagi nito ay
makakatulong sa mga darating na henerasyon sa pagpapalawak ng kanilang mga
kaisipan.

KARAGDAGANG GAWAIN
A. ANG PAGHAHARANA SA SINAUNANG PANAHON
Marami nang paraan sa paghaharana ngayon. Kadalasan ngayon ay ipinapadala
lang nila ang kanilang mensahe sa Facebook o di kaya, bibili lang sila ng isang
dosenang mga rosas. Ngunit sa sinaunang panahon, kinailangan mo talaga ang todong
pagsisikap upang makuha mo ang atensyon ng inyong hinaharana gaya ng nasa
larawan na kung saan makikita mo ang isang lalaki na kumakanta at ang dalawa na
naglaro ng kanilang instrument. Ang lalaking kumakanta ay siyang tagapagligaw at
makikita mo talaga sa mukha ng babae na siya ay hindi nabigo sa sopresa.

B. ISANG ILUSYON LAMANG


Makikita mo sa larawan na ito na kinuha ang larawang ito habang sila’y
nagkaroon ng isang rally. Makikita mo ang isang babaeng nakahiga na nagdadala ng
mikropono. May larawan rin sa likod ng babae na nagtataglay ng mga bahay ng mga
mahihirap. Mayroon ring imahen ng isang poliko sa tabi ng babae. Ano ang
ipinaglalarawan nito? Makikita mo ang malaking kaibahan o contrast kapag tumitingin
ka sa politiko at sa babaeng nakahiga. Para sa akin, ibig ipahayag nito na ang mga
politikong nangangakong bigyang suliranin ang problemang ito ay isang ilusyon lamang
at sila pa mismo ang siyang nagpapalala ng kanilang problema sa kanilang
pangungurakot at mga kasinungalingan nila.

You might also like