You are on page 1of 14

Pangalan: Luviren R.

Legitimas
Taon at Pangkat: ACAD 12 C HUMSS Petsa: 02/01-05/2021

FILIPINO SA PILING LARANG 12


ACTIVITY SHEET NO. 5 (Gawain Para sa Pebrero-01-05,2021)

Subukin  
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot na tumutukoy sa akademikong sulatin.  

SAGOT:

1. B
2. B
3. C
4. C
5. C

Balikan  
Sagutin nang may katotohanan at wasto ang katanungang may kaugnayan sa pagsulat.  

Tanong Sagot

1. Kailan ka pinakahuling Noong Enero 10, 2021


sumulat?

2. Anong uri ng sulatin ito? Isang Tula

3. Bakit mo ito nagustuhan? Dahil nais kong magpahayag at magbahagi ng aking


damdamin.

4. Ano ang kabutihang Ito ay nagdudulot sakin ng kabutihan at gumagaan ang


naidulot nito? aking pakiramdam sa tuwing ako ay sumusulat ng tula.

SURIIN

Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan, gawin ang mga sumusunod.

ABSTRAK SINTESIS BIONOTE


1. KAHULUGAN
2. KATANGIAN
3. LAYUNIN AT
GAMIT

SAGOT:

ABSTRAK - Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang


natapos nang pag-aaral. Ito ay kabubuang nilalaman ng papel, nandirito ang
pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik.

KATANGIAN NG ABSTRAK

1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay ay dapat na makikita sa kabuuan ng


papel at hindi maaaring maglagay ng kaisipan o datos na hindi binaggit sa ginawang
pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o talahanayan sapagkat hindi ito
nagangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag.
3. Gumamit ng simple, malinaw at direktang mga pangungusap.
4. Ilahad ang pangunahing kaisipan.
5. Gawing maikli ngunit kumprehensibo at ilahad ang pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng


absrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng
sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at
kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa
kabuuan ng pael.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban lamang kung
sadyang kinakailangan.
5. Isulat ang pinal na sipi nito.

SINTESIS- Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego a syntithenai na ang ibig


sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper,2016). Ang sintesis o buod ay
dapat 1/4 o 1/3 lamang sa kanuuang haba ng orihinal na artikulo o teksto. Makikita
ang prosesong ito sa mga pagkakataong kung saan ang pinag-usapan ay tungkol sa
nabasang aklat kung kailan maaring hindi na isama sa bawat talata o kabanata ang
ibang mga tinatalakay na mga pantulong na kaisipan. Laging tandaan na ang sintesis
ay hindi paglalagom, paghahambing o rebyu. Sa halip, ang sintesis ay resulta ng
integrasyon ng iyong narinig, nabasa at ang kakayahan mong magamit ang
natutuhan upang madebelop at masuportahan ang iyong pangunahing tesis o
argumento.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

1. Basahin at unawaing mabuti hanggang makuha ang kaisipan o paksa ng akda.


2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di-pangunahing kaisipan.
3. Magtala habang nagbabasa at gumagawa ng balangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng opinion o kuro-kuro ang isinu-
sulat.
5. Ibanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito ng hindi nababawasan
ang kaisipan ay lalong mabisa ang pagbubuod.

BIONOTE - Ang Bionote ay pagbibigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa


iyong sarili na nakapokus sa mga nagawa o nakamit mo bilang propesyonal. Ito ay
maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong
panauhan na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang
nakakapagturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang
kanyang kredibilidad bilang propesyonal. Sinusulat ito para malaman ng mga
mambabasa ang karakter at kredibilidad ng manunulat sa larangang kinabibilangan.
Isa rin itong daan upang maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga
mambabasa.

Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat nang maikli. Kung gagamitan sa resume gumamit ng 200 na


salita. Kung para sa networking site, isulat ng 5 hanggang 6 na pangungusap.
2. Magsimula sa mga personal na impormasyon tungkol sa iyong buhay.
3. Gamitin ang ikatlong panauhan upang maging obhektibo ang pagsulat.
4. Gawing simple ang pagsulat gamit ang payak na salita na maglalarawan sa kung
ano ito at sino ka.
5. Basahin muli at isulat ang pinal na sipi kung tiyak na kaayusan nito.

PAGYAMANIN

Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng uri ng lagom mula sa mga aklat na nasa


inyong bahay. Suriin at isulat sa kahon ang mahusay na katangian ng taglay ng mga
binasa at nasaliksik na lagom. Ilagay ang paksa o sangguniang nasaliksik.

Pamagat ng Lagom: Bata, Bata, Paano ka ginawa?


Sanggunian: www. Coursehero.com
Pagsusuri:

1. A. Pamagat ng Kuwento
Bata, Bata, Paano ka ginawa?

B. May akda

C. Buod

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya


mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula,
maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa kanyang
mga anak, mga kaibigang lalaki at sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na
pangkarapatang- pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya
ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon ang mga pagbabago ng mga ito: Si Maya,
isang paslit na may kuryusidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na
lalaki.

Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na


nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos. Naroon ang takot
niyong baka kunin na ng mga ama ito ang kanyang mga anak ng mga ama nito.
Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at samahan ng kanyang
tinutulungan.

Sa bandang huli, nagpasya ang magkapatid n piliin siya, isang pagpapasyang hin-
di niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos pagtatapos ng pag-aaral ang laman
ng huling kabanata kung saan kinuhang panauhing padangal si Lea. Nagbigay siya
ng talumpati na ang paksa ay kung ano ang umiiral ang buhay, at kung papaano
sadyang kaybilis ng panahon sa kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad
ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang pagsubok sa
buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. Bata, bata pa’no ka ginawa?”

II. A. Mga Tauhan

Lea- ang bida at bayani sa nobela


Maya- anak na babae ni Lea
Ojie- anak na lalaki ni Lea
Ding- lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
Raffy- unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
Johnny- kaopisina at matalik na kaibigan ni Ojie

B. Tagpuan
Tahanan
Paaralan
Ppinagtrabahuan ni Lea

C. Sulyap sa suliranin

“Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulingan niya ang kalansing ng susi
sa labas ng pinto. Bumukas ang pinto. Si Ding. Maiinit agad ang salubong . “Asan
ang mga bata?” Naroon pa kina Raffy.” Napanindig si Ding” Doon? … eh… si
Maya?” Andon din…” Lalong napanindig si Ding. “ Pati si Maya? Naloloko ka na
ba?
Naaalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito kaya siya na-
pilitang gumawa ng ibang paraan.” (Kabanata 22: talata 3. pp. 168)

D. Saglit na Kasiglaan

E. Tunggalian
F. Kasukdulan
G. Kalakasan

Pauwi dala ang anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na iniwan sa kanya ng
pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto parin sa kaniya ang galit ng walang hiya
hanggang ngayon! Masaya siya… SiLa na nga ang bagong anak, siya pa ang may
ganang mang-away! Tumatawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung pa-
ra man lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may continuation
pa.
Naisip niya na silang mga lalaki noon, ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa
buhay ng isang babae. Kung maaari lang isumpa niya ang mga punyetang lalaki.
Kungdi nga lang sa kabila ng mga pait, minsan may naibibigay din silang tamis”.
(Kabanata 22:talata 40-41, pp 171-172)

III. Bisa

1. Bisa sa isip
2. Bisa sa damdamin

SINTESIS
Pamagat: Cupid at Psyche
Sanggunian: www.scribd.com
Pagsusuri:

1. PANIMULA

a. Uri ng Panitikan- ang uri ng panitikan ng cupid at psyche ay mitolohiya


b. Bansang Pinagmulan
c. Pagkilala sa may akda

Lucius Apuleius ang sumulat ng cupid at psyche si Lucius Apuleius Platonius ay


isang manunular na Latin ang wikang gamit. Ang paggawa niya ng mga patula na
storia. Higit na naaalala sa kanya dahil sa kanyang nobelang Metamorphoses, na
kilala bilang Asinus Auresus o The Golden ass sa Ingles.

d. Layunin ng May-Akda
upang maipahiwatig ng kahalagahan ng pananampalataya at kung anong
kayang gawin ng pag-ibig
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

a. Tema o Paksa
Kailangan nating magtiwala sa mga tao na ating minamahak uoang mabuo ang
tinatawag na pagmamahal

b. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan at panahon ng akda ay naka ayon sa paniniwwala nila sa
pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring
pampanitikan ng mga taga Roma

c. Mga Tauhan o Karakter

1. Psyche- pinakamagandang mortal, asawa ni Cupid


2. Cupid- anak ni venus, inakalang halimaw ni Psyche
3. Venus- pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Psyche
4. Hari- Ama ni Psyche
5. Apollo- Ang diyos na nagbigay ng orakulo patungkol sa mapapangasawa ni Psyche
6. 2 kapatid na babae ni Psyche- nakakatandang kapatid ni Psyche; inutos nila na
tingnan ni Psyche ang kanyang asawa.
7. Zephyr- ang hangin na nagsisilbing taga-hatid
8. Mercury- ang nagdala kay Psyche sa kaharian
9. Jupiter- ang diyos ng lahat ng diyos
10. Proserpine- asawa ni Hades; reyna ng hari ng lupa
11. Asong may tatlong ulo- ang bantay sa kaharian ni Proserpine
12. Charon- ang taga hatid sa kaharian ni Proserpine

d. Balangkas ng mga Pangyayari


Ang mga pangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda, tulad ng
aking nabanggit, kahit ang mga aksiyon sa akda ay di- kapanipaniwala dulot ng
mga supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan ay ito pari’y nagsisilbing
simbolo sa isang makatotohanang idea ng pagmamahal, kung kaya’t ang mga
pangyayari ay may kaisahan mula sa umpisa hanggang wakas.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

a. Mga Kultura
b. Ideyang Taglay ng May Akda

Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o


kranasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil dito
ay nagbibigay diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na
nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kuwentong mito. Angkop din sa antas
ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang temang
nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang
pinaganda ang sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng mambabasa
ang pagkabuo ng akda dahil ang temang nilalaman nito ay pang-unibersal na
kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang pinaganda ang pagkabuo ng akda
dahil ang temang nilalaman nito ay pag-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung
saan lalo pang pinaganda ang sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng
mambabasa.

c. Istilo ng Pagkasulat

ito ay epektibo sa mambabasa lalo na kung ang mga mambabasa ay mga


teenagers ang mambabasa dahil marami ang mahilig sa love story

IV. BUOD

Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng anak ng


isang hari na may tatlong anak. Labis siyang hinagangaan ng mga kalalakihan at
kahit ang kagandahan ng Diyosang si Venus ay hindi ito mapantayan. Dahil dito,
ang lahat ng ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagagalit ni Ve-
nus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa
isang halimaw.

Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche
nung unang beses pa lamang nya itong nakita. Nang makauwi na si Cupid ay
inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus. Hindi naganap
gustong mangyari at tiwala naman dito si Venus. Hindi naganap ang gustong
mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay
sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang mangahas
na umibig kay Psyche. Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya’t
humingi ito ng tulong kay Apollo upang humingi ng payo. Ngunit lingid sa kani-
lang kaalaman ng mga magulang ni Psyche na bihisan ng damit na pamburol
ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito
ng mapapangasawang isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunpaman ay sinabi


ng hari ng kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga. Noong
nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid
kay Apollo at gumawa ng plano. Hanggang sa umihip ang malambing na hangin
at inilipad sya ng hangin patungo patungo sa isang damuhan na parang kama
sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar
at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agd na nakatulog sa kapaya-
paan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang man-
syon na tila ginagawa para sa mga Diyos, Napakaganda nito, ginto at pilak ang
mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at sinabi na sila
ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagka’t sila ay may inihan-
dang piging.

Lubos na nalibang si Psyche at kumain ng masasarap na pagkain. Sa


pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya. Tulad ng mga tinig
na di nya nakikita ay ganoon din ang mapapangasawa ngunit nawala rin ang ta-
kot nya na akala nya’y halimaw ito ngunit sa wari nyaito palay isang lalaking
matagal na niya ng hinihintay. Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan
na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay
inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbwalan si Psyche na magpakita sa mga kapa-
tid. Ganoon na ang nangyari at walang nagawa si Psyche na kung pwede ay
makita ang nga kapatid at malungkot na sumang-ayon ang lalaki. Kinaumaga-
han ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang
mga magkakapatid. Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapa-
tid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal maki-
ta ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na alam palang kanyang mga kapatid na


halimaw ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang mga kapatid
ay siya’y bingyan ng punyal at lampara upang makita ang mukha ng lalaking
mapapangasawa. Nag mahimbing nang natutulog ang lalaki at laking tuwa nya
ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.
Wari nya ay ito ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Sa pagnanais na makita
ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng
mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito. Nalaman ng
lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi nya ito nakita.
Narinig nya lamang ang tinig nito. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang paga-
lingin ang sugat sa balikat. Agad naman itong nalaman ang pangyayari at deter-
Minado si Venus na ipakita dito kung papaano magalit ang isang Dyosa. Nag-
lakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit ang mga ito ay tu-
mangging makaaway si venus. Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay
napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang ha-
napin ang mapapangasawa. Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche
Kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-howalay na buto bago dumilim, pagkuha
ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubbig sa ma-
lim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine. Maga-
ling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo sya upang makita si psyche. Masayang bumalik si Psyche sa Palasyo
ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi
ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina. Nagpatawag ng pagpu-
pulong kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay por-
mal nang ikinasal. Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Diyos at doon
ay iniabot ang “Ambrosia” na kapag kinain ay magiging imortal. Naging panatag
na si Venus na napangasawa ni Psyche sapagkat isa na din itong dyosa.

ISAGAWA

Suriin at ilayon ang isang tekstong binasa. Alamin ang detalyeng hinihingi sa
loob ng kahon sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang sagit. Pumili ng kapareha
at magbahagian, maaaring sa pamamagitan ng messenger chat o texting kung
hindi makapag-usap nang personal. Bigyang puntos ang mga ginawa sa tulong
ng rubrik sa pagmamarka sa ibaba.

Pamagat: Romeo at Julieta


Sanggunian: www.scribd.com
Pangunahing kaisipan: Ang pamagat ay kinuha sa pangalan ng magsing-irog na
Romeo at Julieta, na may malaking pagitan sa dahilang ang kanilang mga
pamilya ay may alitan

Pagsusuri:

A. Pamagat: Ang pamagat ay kinuha sa pangalang magsing-irog na sina Romeo at


Julieta, na may pagitan sa dahilang ang kanilang mga pamilya ay may alitan.
B. Tauhan

Hermes Bautista bilang “ PRINSIPE ESCALO”


Bani Baldiserri bilang “FRAY LORENZO”
Arnold Reyes bilang “ROMEO”
Adelfa Arguel bilang “JULIETA”
Tony Roma bilang “SR. CAPULETTO”
Jerold Igharas bilang “SR. MONTESCO”
Fatima Villar bilang “SRA. MONTESCO”
Aaron Mora bilang “PARIS”
Joel Tan bilang “BENVOLIO”
Luri Nalus bilang “ BALTAZAR”
Allan Macatuno bilang “PEDRO”
Frances Claros bilang “ ROSALINA”

BUOD NG DULA:

Sa ganitong paraan nagsimula ang kuwento, si Romeo na anak nina Senyor


Montesco at Senyora Montesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni
Rosalina, isang dalaga na may panatang maging dalaga habang nabubuhay
pa kaya’t hindi nito. Sa pagnanais ng kanyang pinsang si benvolio a
kaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa
bahay ng mga Capulleto. Pumayag naman si Romeo nang mapag-alaman
nitong dadalo rin si Rosalina. Sa nagaganap na sayawan sa bahay ng mga
Capulleto. Sa nagaganap na sayawan sa bahay ng mga Capulleto, nakita ni
Romeo si Juliet na anak ng kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor at
Senyora Capulleto. Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila
sa isa’t-isa . kapwa nila batid na sila ay may mga anank ng magkakaaway
na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil dito nagkasundo
silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lorenzo, ang padre
kumpesor ni Romeo. Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt
at Mercutio ay naglaban. Nalaman ni Romeo ang pagkasawi ni Mercutio at
naging dahilan ito ng kanyang paghihiganti. Napatay ni Romeo si Tybalt,
nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang naging hatol ni
Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona. Sa pamamagitan
ng kasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari ang unang gabi
nila bilang mag-asawa. Ngunti, sa gabi ng iyon ay ipinagkasundo nina
Senyor at Senyora Capulleto si Julieta kay Kunde Paris upang sila ay mapag-
isang dibdib . Tutol si Julieta kay Kunde Paris kaya’t humingi siya ng tulong
kay Fray Lorenzo upang hindi matuloy ang nasabi ng kasalan. Binigyan ni
Fray Lorenzo ng pampatulog upang ang hinagpis na binibini ay
magmistulang bangkay sa loob ng apa’t-napung oras. Naipabalita kay
Romeo na si julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni baltazar. Dahil dito
bumili si romeo sa isang matandang albularyo ng mabagsik na lason na
siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona. Ngunit sa kasamaang
palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing
hindi pala patay si Julieta. Nang mabili ang lason, agad siyang nagtungo sa
puntod ni Julieta at ng makita ni Romeo ang inakalang bangkay ni Julieta ay
ininom niya agad ang lason. At bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay
nagising si Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi niya naabutang
buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinama ni Fray
Lorenzo si Julieta ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man
dumating ang mga tanod ay nakakita si julieta ng isang balaraw at siya ay
nagpakamatay.

C. Direksiyon
D. Dayalogo
E. Pagganap
F. Sinematograpiya
a. Ilaw
b. Musika
c. Teknikal

KABISAAN NG DULA:
A. Bisa sa Isip
B. Bisa sa Damdamin
C. Bisa sa Kaasalan

Pamagat: Bionote ni Rimar Campos


Sanggunian: bromotourtravel.net
Pagsusuri: Si Rimar Campos ay ipinanganak noong mayo 20, 2000 sa Salugan,
Mayabon Zamboanguita Negros Oriental. Ang kanyang mga magulang ay sina
Jimar Campos at Chirito B. Campos. Nakapagtapos siya sa elementarya sa
paaralan ng Zamboanguita Elementary School at siya ay naging 1st Honor.
Nakapagtapos naman siya ng Junior High sa Zamboanguita Science High
School at siya ngayon ay kasalukuyang nag-aaral bilang Senior High School sa
parehong paaralan. Kabilang siya sa isang organisasyon ng Zascian Thunder
bilang manlalaro.

ISAISIP

Sa puntong ito, nais kung ipahayag mo ang iyong pananaw hinggil sa kung
anong mga bagay sa iyong buhay ang maraming gawing simple o madali.

Ano-ano naman ang mga bagay na hindi dapat madaliin at nangangailangan


ng matiyagang paghihintay. Magbigay ng maikling paliwanag hinggil sa iyong
pananaw. Maari mo itong i-post sa social media o isulat sa iyong sagutang papel
upang magsulong ng adhikain ng kabata ang katulad mo.

Ang mga bagay sa aking buhay na maaaring madalian ay…

Ang mga bagay sa aking buhay na hindi maaaring madalian ay…

SAGOT:
Ang mga bagay sa aking buhay na maaring madaliin ay… Sa ating buhay hindi natin
ito dapat madaliin dahil lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan ang diyos dahil
wala kang makukuha sa mga bagay na minamadali mo, lahat ay pinaghihirapan.
Ngunit, para sa akin kapag napagkalooban ako ng pagkakataon na ano ang gusto
kong madaliin sa buhay ay ang paghahabol ng mga proyekto ng iba’t-ibang subjects
sa paaralan pag malapit na ang pasahan, upang hindi ako mahuli at makapagpasa
ako sa tamang oras ng walang pag-aalinlangan.

Ang mga bagay sa aking buhay na hindi maaaring madalian ay… Ang ating pangarap
sa buhay dahil kailangan muna natin ng tiyaga at sipag upang tayo ay magtagumpay
dahil hindi madali ang pagkamit sa iyong pangarap dahil maraming mga pagsubok o
hadlang dito. Ang pag-ibig din ay dapat hindi minamadali dahil kadalasan ay
minamadali na ngayon ng kabataan. Ang pag-ibig din ang dahilan ng iba, kaya hindi
nila nakakamit ang kanilang mga pangarap at plano sa buhay dahil maaga silang
nagkaroon ng pamilya, ngunit may mga dahilan din naman na ang pag-ibig ang
nagtulak sa kanila upang makamit ang kanilang tagumpay sa buhay.

TAYAHIN

Tukuyin ang mga kaisipan o detalyeng kokompleto sa mga pahayag.  


1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling__________ bersiyon ng sulatin.  
2. Sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang _pinakadiwa ng teksto_______ ng
teksto.  
3. Ilan sa mga katangian ng mabuting lagom ay ang _maiksi at malinaw________ at
hindi maligoy at paulit-ulit________.  4. Ang _abstrak_________ ay ang lagom na
ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel.  5. _Pinakahuling_________ ginagawa sa
pagsulat ng akademikong papel ang abstrak bagamat ito ang  _pinakaunang_________
binabasa ng propesor o mga eksaminer ng papel.  
6. Ang lagom ang ginagamit sa mga akdang gaya ng maikling kwento, nobela, dula,
salaysay,  taalumpati at iba pa ay tinatawag na _Sinopsis_________.  
7. Sa pagsulat ng sintesis o buod, mahalagang mabanggit ang _pamagat, __kultura_____,
__karanasan________ at  pinanggalingan ng akda.  
8. _Bionote_________ ang tawag sa lagom na ginagamit sa pagsulat ng
personal profile ng tao.  9. Kung gagawa ng resume, gumamit lamang ng
_pormal na_________ salita.  
10. Sikaping maisulat ang bionote sa loob ng _`lima_________ hanggang
__anim________ na pangungusap.  
Karagdagang Gawain  
Gamit ang balangkas sa ibaba, isa-isahin ang mga bagay na dapat tandan sa pagsulat
ng  iba’t ibang uri ng lagom.  

A. Abstrak  

SAGOT:

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel at


hindi maaaring maglagay ng kaisipan o datos sa ginawang pag-aaral o sulatin
2. Iwasan ang paglagay ng mga statistical figures o talhanayan sapgkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag.
3. Gumamit ng simple, malinaw, at direktang mga pangungusap.
4. Ilahad ang pangunahing kaisipan.
5. Gawing maikli ngunit kumprehensibo at ilahad ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral.

B. Sintesis  

Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Sintesis

1. Basahin at unawaing mabuti hanggang makuha ang kaisipan o paksa ng akda.


2. Isulat ito batay sa ano ang pagkakasulat ng orihinal na sipi.
3. Ilahad ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliraning kinakaharap.
4. Gumamit ng mga ankop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

C. Bionote  

Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat nang maikli. Kung gagamitin sa resume gumamit ng 200 na


salita. Kung para sa networking site, isulat ng 5 hanggang 6 na pangungusap.
2. Magsimula sa mga personal na impormasyon tungkol sa iyong buhay. Maglagay
ng tungkol sa iyong interes at tagumpay na nakamit.
3. Gamitin ang ikatlong panauhan upang maging obhektibo ang pagsulat.
4. Gawing simple ang pagsulat gamit ang payak na salita na maglalarawan sa kung
ano at sino ka.
5. Basahin muli at isulat ang pinal na sipi kung tiyak na sa kaayusan nito.

Pagninilay 
 Batay sa araling tinalakay, isulat ito
sa iyong dyornal. 3 Mahahalagang
salita sa aralin 
2 Mahahalagang ideyang natuklasan 

1 Tanong na nasa isip

SAGOT:

1. Abstrak
2. Sintesis
3. Bionote

1-2Mga hakbang sa pagsulat ng organisado at MAlikhaing Akademikong Sulatin

1. Ano ang kahalagahan sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin?

You might also like